Share

Chapter 3: Bleed

Penulis: ayasharii
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-02 13:17:45

Chapter 3

Bleed

When was the last time that I was unadulteratedly happy?

Hindi ko na rin alam. Small and big things make me happy, but they are not enough to fill the emptiness I have inside. Nagtatalo ang tama at mali sa utak ko sa tuwing nakakaramdam ako ng ganito. Malungkot. Nasasaktan. At halos wala nang makitang lagusan para tumakas.

Tahimik akong sumimsim ng tubig. After that heated scene, I was able to stand up and fix myself. Hindi lang dahil may paparating kundi dahil alam ko rin na kung doon lang ako nang matagal at magmumukmok, hindi ako makakausad. Besides, I have been experiencing the same thing for almost eight years.

Truth be told, I sometimes get tired of our setup. Ang paulit-ulit na pagbabayad sa danyos na oo, ako nga ang gumawa. Pero ang mga bagay na hindi naman ako ang salarin pero ako ang sinisisi niya, I think it's unfair.

But what can I do, right? Even if my heart is not this forgiving, I know I'd still bring myself to understand and forgive him. Pasasaan pa at mahal ko siya at siya ang ama ng anak ko. If I want our family to last, I should do everything to keep Ivan.

I still hope for us. Hindi ko hinahayaang mawala ang apoy na iyon sa puso ko. I believe these are all just delays. These are just challenges I can chase out at the end of the day.

"Oh? Lumipat tayo rito sa resto?" bungad ni Roxanne.

Marahan akong nag-angat ng tingin. She's dressed in a white shirt and jeans. Hindi ko ipinagpaliban ang lakad namin dahil kailangan ko rin naman siya ngayon. Her brows almost met each other as my eyes leveled with hers.

"Anak ng tokwa! Nahuli lang ako saglit umiyak ka na? Naabutan lang ako ng rush hour, dzai! Anong nangyari? Inalipusta ka ba sa cafe? Pinatapon ka sa labas? Binuhusan ng kape? Ano?"

Hindi ko na ininda ang sunod-sunod niyang tanong. I stayed quiet instead. My tears flowed like a rushing river and I'm too weak to even dry them.

"Rigella!" she called panickingly.

Roxy handed me a tissue. Tinanggap ko iyon at tinuyo ang nababasang mata at pisngi. Nang hindi siguro makuntento, tumulong na siya sa akin.

"Ano ba! Nakaka-stress naman 'to!"

"Roxy..." I held her hand.

"Ano ba kasing nangyari? Ano ba 'yan sabi nang 'wag iyak nang iyak, e..."

She came back to her seat. Suminghot ako. I honestly don't want to tell her about what happened because it will only add fuel to her annoyance and anger for my husband. But I'm also desperate to let everything out and feel better.

"Si Ivan..."

Her lips parted. Napahampas siya sa kaniyang noo. "My gulay! Ano na namang kagunggungan ang ginawa niya?"

"He was here..."

"Ha? Ano?!"

Attentively, her eyes stared at me. I pursed my lips in hopes to say the right words so it won't be that bad.

"A-Akala niya kasi, sinundan ko sila ni Lara. Hindi ko naman alam na nandito sila at 'd-di ba, dito naman talaga tayo palagi..."

Saglit siyang natahimik. She looked at me intently like she's weighing things in her head. Mayamaya, huminga siya nang malalim at napahilot sa sentido.

"Punyetang lalaki," she commented with a gritted teeth.

Yumuko ako at nilaro ang aking mga daliri. My face contorted problematically.

"So, ano? Talagang pinanindigan niya ang pakikiuso niya sa domestic violence? At, aha! Hula ko, nagmukha ka na namang kawawa, 'no?"

I didn't answer because I'm guilty.

"For goodness' sake, Rigella! Bakit hindi ka madala-dala? At bakit ba paulit-ulit na lang ako sa mga paalala at babala sa 'yo kahit hindi ka naman nakikinig? Nakakainis!"

I lifted my head. "Roxy, one wrong move and I'll destroy our family. Higit sa lahat, doon lang ako mas nag-aalala kaya..."

"Kaya tino-tolerate mo. Kaya nagpapaka-martyr ka. Kaya kahit wala nang pag-asa, pinipilit mo pa ring lumaban. Kahit talong-talo ka na, 'no?" Pumalakpak siya. "Ang galing, Rigella! Ang galing-galing! Dapat sa 'yo bigyan ng award from Guiness para ma-recognize ka naman. 'Most Martyr and Dedicated Wife of the Year.' Ang shala!"

Her sarcastic remarks somehow ignited something within me. Ngunit ayaw ko iyong pansinin. Napainom na lang ako ng tubig.

"Kung ako ikaw, mas malalang jombag pa ang gagawin ko sa asawa mong inangkin na lahat ng kasamaan sa mundo. Hindi pupuwede sa 'kin 'yan. Ililipat ko talaga sa kaniya lahat ng silicon sa katawan ng retokada niyang kabit!"

"Kasalanan ko naman, e..." banayad kong sinabi.

"Kasalanan? Ay, oo. Sa sobrang dedicated mo pala pinalitan mo na si destiny at coincidence kaya krimen mong nagkita-kita kayo. Ipa-blotter kita, willing ka?"

Napapikit ako. "Roxy, please..."

"Ano? Ano bang gusto mong marinig? Na suportahan kita d'yan sa ka-eng-eng-an mo kay Ivan? Naku, malabo pa sa hamog 'yang hinihingi mo. Proud basher ako!"

Alam ko naman. She'd never understand because all she's seen is the bad side... and yes, I admit that's all there is to it. But she's never been put in my shoes. Paano niya nga ba maiintindihan?

Gusto ko mang ipagtanggol si Ivan, alam ko naman na sa sinabi ko sa kaniya, mas nadungisan lang ang imahe ng asawa ko sa mga mata ni Roxy. I suddenly felt utmost regret for telling her.

"Ang akin lang naman, tumigil ka na. Ayaw ko na no'ng kada magkikita tayo, magsusumbong ka ng ganiyan. Actually, hindi naman ako naririndi sa paulit-ulit, kundi sa mga dahilan mo! You're overly blinded!"

Blinded? I guess...

Blinded in the hopes that our family will be better than this. That my life will improve even a bit.

"Nakakapunyeta, English na 'yan, ha!"

Pinilit kong ngumiti. "Can we order our food now? Susunduin ko pa ang anak ko..."

Sandali niya akong tinitigan saka napailing. "Ibang klase talaga ang beshy ko!"

We indeed order our foods. I acted like I was in my usual self again even when I'm not. Naglalaro pa rin sa utak ko ang nangyari. Siguro, magpapaliwanag na lang ulit ako sa kaniya kung uuwi man siya. I cannot let things unsettled between the two of us.

Sinamahan ko pa si Roxy na mamili ng mga pantalon. Niyayaya ko siya sa mga bestida pero ayaw niya talaga. Simpleng babae lang talaga ang kaibigan ko kahit na may pagkatabil ang dila. I'm still wondering how she's still single over the years.

"'Pag talaga hinayaan mo 'ko, ipapa-hunting ko siya kay Ryan. Tingnan natin ang galing niya," untag niya habang tinitingnan ang sinukat na pantalon sa full-length mirror.

"'Wag ka ngang magsalita ng gan'yan..."

She rolled her eyes at me. Napahaplos ako sa aking batok. Bigla kasi akong kinilabutan sa sinabi niya. Even Kuya Ryan is my brother, I don't trust his guts. Hindi pa rin lumilipas sa akin ang mga balita ng involvement niya sa mga drug lords at sa mga illegal business in and out of country.

I get it that he's quite mysterious and secretive but I certainly did not expect him to be that cruel, kung totoo man ang mga iyon. Ang alam ko, hindi naman niya kailangang gumawa ng ilegal para maging mayaman. I'm not to brag here but out inheritance from our parents would even reach the next generations. Ganoon ka laki. Hati kami ng dalawa kong kapatid.

"Speaking of which." Bumusangot ang mukha ni Roxanne. "Sino ba 'yung babaeng nasa wallet n'ya? 'Yung katabi niya. Nakahawak pa sa bewang. Mas maganda naman ako do'n."

Bahagya akong natahimik. I'd hoped it wasn't too late when I found the right words. "Uh, he got broken because of her."

I tasted bitterness in my mouth. Siguro ay ang babaeng din iyon ang may kasalanan sa kinahinatnan ng kapatid ko. She let him hope for her and when he's already high up and ready to strive hard to make her proud, she broke him.

"Ay, gano'n? 'Buti naman. Nabatukan ko nga si Ryan dahil do'n pero wala palang kuwenta. Pipilitin ko na lang siya i-chika 'yung buong ganap."

"Roxy, tell me the truth." I couldn't help my curiosity. Unti-unti akong sumeryoso. "Are you dating my brother?"

Nagtaas siya ng kilay. "Bakit? Masama?"

"Are you out of your mind?!"

Halos mapatalon siya sa reaksiyon ko. I bit my lower lip. Hindi ko napigilan. She's always bringing up topics about my brother whenever we see each other. Dumalas noong nakaraang buwan kahit ang alam ko, wala naman siyang pakialam sa kapatid ko noon.

"Aba, hindi! At saka mabait naman 'yung tao. Kapatid mo 'yon. Kahit isa't kalahating eng-eng, jowable rin naman!"

"Roxanne, pa'no 'yung mga nababalitaan natin noon? You'll discard the idea just so you could date him?"

"Hindi naman daw totoo 'yun, Rigella. Kumalma ka nga! Sa sobrang stress mo 'yan do'n sa asawa mong walang kuwenta, e."

Our small quarrel just halted when it was already half past three o'clock. Kinailangan ko nang sunduin si Ice. Sa totoo lang, kahit na sumuko ako sa huling parte, hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko na nakikipag-date si Roxy sa kapatid ko.

"Baby!" kaway ko nang makita siyang naglalakad na papunta sa parking.

Napalingon siya sa akin. He smiled a bit and ran while holding a paper. Kinuha ko ang kaniyang bag. He settled himself on the shotgun seat while I put his bag on the back seat. Nang kakasakay ko lang, inabot niya sa akin ang hawak na papel.

"Look, Mama!" nakangiti niyang bilin.

Mariin kong pinaglapat ang aking labi upang magpigil ng ngiti. I looked at what he gave me and there was written that he topped a quiz bee.

"Wow!" mangha kong reaksiyon.

He smiled and just stared at me. I displayed a touched look. Kahit sa ganitong paraan, naiibsan ang pagsisisi kong hindi makapagtapos ng pag-aaral. At least my son does good in his studies. He doesn't take for granted the fact that his father can provide even how expensive his education might be.

I crouched for a hug. "Congratulations! Mama is so proud!"

"Do you think Papa will be proud of me, too?" nag-aalangan niyang tanong.

I let out a soft smile. Hinaplos ko ang kaniyang pisngi. "You don't need to please him for him to be proud of you. He loves you so much and having you makes him proud enough."

Tumitig muna siya sa akin. After a while, his eyes twinkled. Tumango siya na parang sumasang-ayon sa sinabi ko.

Naabutan namin ang mga kasambahay na gumagawa ng merienda pagkauwi namin. Saglit kaming nagsalo ni Ice. He kept on asking if his father will be able to make it tonight. Nag-text na lang ako kay Ivan para mapanatag siya.

Ako:

Ivan, Ice has something to show you. Uuwi ka ba?

Duda man akong uuwi siya dahil... mukhang abala pa siya sa girlfriend niya, baka kapag nabasa niyang si Ice ang naghahanap sa kaniya, umuwi siya.

Nag-aral lang si Ice sa study room kasama ko. Tahimik ang buong kabahayan. I want to wash the dishes to kill some time but a maid insisted to do it for me. Kaya naman umakyat muna ako rito para i-monitor ang investments ko at ang iba pang pinagkakaabalahan.

Ivan is not aware of what I'm doing. Bukod kasi sa wala naman akong masiyadong ginagawa, naisip kong gamitin ito for security purposes. Isa pa, habang lumalaki, naturuan naman ako ng mga magulang ko kung paano maging matalino sa pagma-manage ng pera at ng mga investments. Katunayan, mayroong nag-email sa akin patungkol sa paglago ng pera ko. It's an insurance company. Pero nagdesisyon akong maghapunan muna kami ng anak ko bago sagutin iyon.

Pagkatapos kong asikasuhin si Ice sa kaniyang kuwarto, dumiretso agad ako sa kuwarto namin ni Ivan para sa laptop ko. Nakipag-usap ako through e-mail at inayos ang bagong portfolio'ng inaasikaso ko. Hindi ko na namalayan ang oras.

My eyes were closing. Alam kong nahihila na ako ng antok ngunit dahil sa narinig, napamulat ako.

"Hija! Hija!" Manang Lisa called agitatedly right after I heard a loud thud downstairs.

Isinarado ko ang aking portfolio para buksan ang pinto. Sa nakitang taranta kay Manang ay nahawa kaagad ako. My brows furrowed as terror rushed within me.

"A-Ano pong nangyayari?!" aligaga kong tanong.

"Umuwi ang asawa mo! Lasing na lasing doon sa baba!"

"P-Po?!"

Mabilis kong nilingon ang kuwarto sa pinakadulo. Ice!

"Halika na sa baba. Awatin natin at baka mapa'no pa!"

Sa landing pa lang ay kita ko na ang nakatumbang sofa at ang vase na naging bubog sa sahig. Some of the maids were there, scared and panicking but Marilyn was there. Tingin ko'y iginigiya na niya ang mga kasamahan na bumalik sa kanilang quarters.

Ivan, on the other hand, was sitting on the single couch. Sa pagbaba namin ay naabutan namin siyang hinawi ang lamp shade. He's so red and fuming. Maging ako ay tinamaan ng sindak sa kaniya.

"Fuck this life!" he shouted and kicked the lamp he just threw.

"I-Ivan! Anak!" Si Manang na hindi na magkamayaw sa nag-aagaw na pag-iyak at pagpigil sa kaniya ngunit hindi magawang lumapit.

His cold and piercing stare pointed at us. Mas lalong nagbaga ang kaniyang mga mata nang masilayan akong nakatayo at alalang-alala rin sa kaniya.

"I-Ivan, what happened? Why are you—"

I wasn't able to complete my words because he quickly moved closer to us and dragged my arm. Malalaki ang hakbang niya na kahit sinundan kami ni Manang sa kusina ay hindi niya kami naabutan. He closed and locked the door.

"Ivan! Anak! Buksan mo 'to! Diyos ko, anak!"

Kumakalabog ang pinto sa lakas ng mga katok ni Manang. Padarag akong binitiwan ni Ivan kaya naman humampas ang ibabang parte ng likod ko sa lababo. Napangiwi ako. He renewed his hold on me.

Dinuro niya ako. "Ikaw ang malas sa buhay ko!"

His neck corded. Tingin ko'y may tiyansang pumutok ang mga ugat niya sa leeg dahil sa naaapuhap kong muhi sa kaniya. Meanwhile, his fingers dugged deep into my skin I could feel his nails causing a sharp ache on my skin.

Maiinit na luha lang ang tinugon ko sa kaniya. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong may katotohanan ang sinabi niya.

Madali niya akong nabitiwan. He almost tumbled on his feet but he managed to stand still. Humilamos siya sa kaniyang mukha na umabot sa marahas na pasada sa kaniyang buhok.

Tahimik akong umiyak. I held my injured arm that I know, was already swelling from a bruise even though I wasn't looking. Nakadikit pa rin ako sa may lababo kahit na gustong-gusto kong lapitan ang asawa kong nababalot na ng siphayo na unti-unting pinapadugo ang damdamin ko.

Nanghihina siyang sumandal sa pader. Ang mga kamay ay nakahawak sa kaniyang ulo. His tear-stained face made me cry even more. Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking braso upang kulungin ang mga nagwawalang hikbi.

Our heavy breathing filled the kitchen. After a short while, his knees gave in leaving him sitting miserably on the floor. Nakatingala at tila batang paslit na ninakawan na ng pag-asa para magpatuloy pa sa buhay na ito.

"I love you..." nakatingala pa rin siya nang sambitin iyon.

My heart clenched. Napadiin ako lalo sa lababo dahil ramdam ko ang kaniyang desperasyon.

"This is the only way I know... how... to love you with no holds barred. Why can't you..."

Napahampas siya sa kaniyang hita. His other hand covered his forehead and his sorrowful eyes.

Ang pabiglang pagbukas ng pinto ang pumutol sa tagpong halos tumubos na sa aking kaluluwa. Mabilis akong dinaluhan ni Manang. She checked on me and when she saw my arm, mabilis niya akong niyakap.

"Patawarin mo siya..." paulit-ulit niyang iyak sa aking tainga.

Tulala ako habang naluluha pa rin. I watched our security guards and some of the maids helped each other to put Ivan in place. He was already sleeping. Nilabas nila ang asawa ko at naiwan kami ni Manang na nagdurugo para sa kaniya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Wife's Comeback   Chapter 61: His Past (Part 2)

    Chapter 61His Past (Part 2)“What’s that? Pampalubag loob mo?” Larisse asked sternly and coldly after I handed over her a bouquet of flowers and chocolates.I kept a small smile, still. She can really be difficult at times, but I can understand. We’re each other’s reflection. We are so alike.Two people sharing the same dilemma. Their parents.Maybe that’s what prolly gravitated us towards each other.“Please, accept this?” I said softly, cajoling her, “I made the chocolates by myself.”Mabilis na nagbago ang seryoso niyang ekspresyon. Her face softened. Lumawak ang ngiti ko. She then finally accepted the flowers and chocolates.She straightened out her arms, offering a hug. Ngumiti ako niyakap siya. “It’s your fault, but apology accepted.”Napawi nang kaunti ang ngiti ko. I remembered why we ended up breaking up weeks ago. Nagselos siya sa babaeng lumapit sa ‘kin para kausapin ako saglit.Lara she couldn’t control her jealousy sometimes that it gave me thoughts. If this is really w

  • The Wife's Comeback   Chapter 60: His Past (Part 1)

    Chapter 60His Past (Part 1)“You ranked first, but this is not enough,” Papa told me, one time in my last year in high school, when I showed him my report card.I came into his office thinking that when I‘d brought him the good news, he‘d finally allow me to have culinary classes again. That was my only hope.But then, as per his very words...It’s still not enough.“What do you mean?“ mahina kong tanong nang tanggapin ko ang binalik niyang report card.My grades were high. I never had any eight or seven. Only nines and even a hundred.Why does he keep on underestimating my hard-earned efforts?“That’s still insufficient for you to be accepted in Harvard,“ he answered as if it was too simple to do.My lips parted. I was rendered speechless.I only... wanted one thing. To take culinary classes. I loved cooking. I loved the feeling of being able to serve people with delicious food. It’s... something that not all men in my league aspires to do, but I do.I can always breathe as long as

  • The Wife's Comeback   Chapter 59: Her Doubts

    Chapter 59Her Doubts“It’s not that he forgot completely who Uno is. It’s that he’s under a trance, and he can’t say his name. Guess what? This is how he‘d been for the last thirteen years, Rigella,” mapait na dagdag ni Tres.Halos manigas ako sa aking kinatatayuan. My mouth parted but no voice came out. Umangat ang tingin ko kay Ivan na nanghihina pa rin at tila naluluha. And I just noticed, his eyes looked lost and and dead.What the hell is this?!“Maniniwala ka ba talaga sa gagong ‘to, Andrea?” Danger asked which made my rationality come back.True enough, that’s ridiculous.Tres hypnotized Ivan? What kind of excuse is that? Ano ito? Para lang hindi nila masabi sa ‘kin kung sino talaga si Uno?Of course! They’d avoid answering my one and only question. Kasamahan nila sa organisasyon ang demonyong ‘yon kaya pagtatakpan nila kahit buhay pa nila ang maging kapalit.And now, they’re trying to escape me with that pathetic excuse?“Great question, Cinco. It’s like you really don’t kno

  • The Wife's Comeback   Chapter 58: Her Shock

    Chapter 58Her Shock“What do you mean?!” I asked Ivan with a ragged breath.Habol ko ang aking hininga habang paulit-ulit ang pagdagundong sa dibdib ko. Halos kilabutan ako sa narinig ko sa kaniya.My enemy numero uno... my archnemesis... Uno...Is just within my reach... so close to me... all this fucking time?!His head fell weakly. Kumunot ang noo niya at parang litong-lito. Lumapit ako at padarag siyang hinawakan sa balikat.“Answer me! Sino si Uno!” Niyugyog ko ang nakatali niyang katawan.He lifted his head and our eyes met. May sugat siya sa gilid ng kaniyang mata at may pasa sa pisngi. His lip was bleeding.“I... I can’t say it,” he hissed.My brows quickly pulled together. “Are you insane? Sasabihin mo lang! Sabihin mo sa ‘kin kung sino si Uno!”Puno ng kalituhan ang mukha niya. What I noticed was his eyes. He looked very confused and his eyes were bloodshot.“S-Si... Si...” he attempted to say something, but he would pause each time he tries to speak.Niyugyog ko siyang mul

  • The Wife's Comeback   Chapter 57: Her Danger

    Chapter 57Her Danger“I want you to choose which method I should use on you,” nakahalukipkip kong tanong at pinadaan ang talim ng kutsilyo sa gilid ng leeg ni Ivan, “a torturous death... or an easy way out?” Kalmado pa rin ang mukha niya kahit nakababa na kami mula sa van at dinala ko siya sa isa sa mga rest house ko sa isang liblib na lugar sa probinsya.He was seated on the sofa of my living room — with both hands and feet cuffed. Nasa akin ang susi ng posas at naka-double lock din iyon. Unless, he‘d burn his own arms and legs, then he could get out.Nagkalat sa paligid ang mga tauhan ko at nasa taas din sina Sapphire at Emerald. Diamond left the port the moment I instructed her to guard my son and take him to a safe place. Kung saan tumutuloy si Darlyn at ang anak niya.“What do you want to know?” tanong niya at diretso ang tingin sa kawalan.From his back, I grabbed his chin. Inangat ko iyon hanggang sa ma-expose ang leeg niya. I pointed the edge of the knife on his neck.“Who i

  • The Wife's Comeback   Chapter 56: His Surrender

    Chapter 56His Surrender“Kill me,” I told her in a breathy voice.She wasn’t even fazed. The cold smirk on her lips told me that she didn’t feel anything about me anymore.I’m nothing but a prey for her... that she needs to kill and dispatch.My vision blurred even more. My heart clenched in pain. Umigting ang panga ko at nagbaba ng tingin. Kumuyom ang aking kamao.“Just do it, Rigella.” I have nothing else to say but it.Because I know, I deserve every pain and torture for not being able to protect her before.For letting those evil minds treat me like a guinea pig. For letting them mess up my mind that primarily affected my relationship with my wife and my family. It’s all my fault... and I deserve to die for it.“One question, Ivan,” aniya at mas diniin ang nguso ng baril sa aking noo, “are you Uno?” My eyes widened a bit. She... knows Uno? Then she probably knows that goddamn org, Dark Alpha.It shouldn’t surprise me anymore, but it still did. She’s Andrea Steinfields now. Som

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status