Camila's POV
ABOT-ABOT ang kabang nadarama ni Camila nang marinig ang pangalan ni Percy.
Bakit siya nandito? Shit!
Hindi siya naiyak nang dakpin siya ng mga hayup na to pero ngayon ay nais niyang maluha dahil muli, nailagay na naman niya sa alanganin si Percy siya na naman ang magiging dahilan para mapahamak ito.
Napuno ng takot ang puso niya. Bumalik ang nakaraan kung saan sarili niya ang sinisisi.
Dalawang lalaki ang naiwan sa silid na kinaroroonan niya para bantayan siya. Masakit ang katawan niya. Ramdam niya ang pamamaga ng labi niya, pumutok iyon dahil sa ginawang pananampal
Camila's POVMatanda na si Ka Ernesto. Hukot na ang katawan, puro puti na ang buhok at malabo na ang mga mata.Ang dating matikas na matanda ay nakaupo na lang sa silyang tumba-tumba. Nakaluhod sa harap nito si Ernie. Nag-iiyakan ang mag-ama na halos sampung taon ng hindi nagkita.Tumalikod siya at lumabas ng bahay. Naninikip ang dibdib niya na isiping sila ang dahilan kung bakit matagal na nawalay si Ernie sa pamilya nito, at ngayon na lang uli nakauwi pagkalipas ng maraming taon. Napakaraming nasayang na panahon.Nakita niya si Percy sa labas habang kinakalikot ang cellphone nito. Lumapit siya sa kinaroroonan nito at sumandal sa van na kinasasandalan nito.
Camila's POVTinanghali siya ng gising kaya pabigla ang pagbangon niya. Una niyang hinanap ay si Ernie. Wala na ito sa tabi niya. Nagtaka siya dahil hindi naman ito nag-aalmusal mag-isa kahit anong late niyang magising ay hinihintay siya nito. Kaya nga pinipilit niyang magising ng maaga para naman hindi ito nalilipasan ng gutom.Nag-inat siya at bumangon. Makulimlim ang langit na natatanaw niya sa labas. Tumayo siya para isara ang bintana dahil umaanggi na. Isasara na lang niya ang bintana ng may matanaw siya sa di kalayuan.Si Ernie. Nakasuot ng grey na t-shirt, maong na pantalon at tsinelas. Bitbit din nito ang Jansport na backpack nito na may sampung taon na ata ang tanda. De pardible na ang hawakan ng zipper no'n dahil bali na. Nakasuo
HINDI UMIIMIK si Camila habang inaasikaso si Ernie. Masama pa rin ang loob niya rito at gusto niya iyong iparamdam sa lalaki."Busog na ako," anito.Tinignan niya naman ito ng masama. "Akala mo lang 'yon. Gutom ka pa, Ernie. Oh, subo," aniya at inuumang sa bibig nito ang kutsara.Walang nagawang sumubo naman ito. "Camila naman..." parang batang ungot ni Ernie sa kanya.Alam naman niyang busog na ito. Kanina niya pa ito pinapakain at sa payat ni Ernie sobra-sobra na ang ipinakain niya rito. Sumimangot siya at ibinaba na ang pinggan. Baka nga maimpatso pa to kapag itinuloy niya ang pagpaparusa rito."Paliliguan na kita," aniya saka tumayo at iniligpit ang pagkain
HINDI UMIIMIK si Camila habang inaasikaso si Ernie. Masama pa rin ang loob niya rito at gusto niya iyong iparamdam sa lalaki."Busog na ako," anito.Tinignan niya naman ito ng masama. "Akala mo lang 'yon. Gutom ka pa, Ernie. Oh, subo," aniya at inuumang sa bibig nito ang kutsara.Walang nagawang sumubo naman ito. "Camila naman..." parang batang ungot ni Ernie sa kanya.Alam naman niyang busog na ito. Kanina niya pa ito pinapakain at sa payat ni Ernie sobra-sobra na ang ipinakain niya rito. Sumimangot siya at ibinaba na ang pinggan. Baka nga maimpatso pa to kapag itinuloy niya ang pagpaparusa rito."Paliliguan na kita," aniya saka tumayo at iniligpit ang pagkain
Camila's POV"Bakit ka pumayag na sumama rito?!" talak niya kay Ernie. Wala siyang pakialam kung kakagaling lang nito sa ospital.Nakayuko lang si Ernie habang nakaupo sa kama at hindi magawang tumingin sa kanya. Naiinis siya at nagagalit dahil wala siyang magawa sa ginagawang pagmamanipula ni Percy sa kanila."Basta ka na lang pumayag na bitbitin ka rito? Alam mo naman ang nakaraan namin!""Te, naman... para namang may magagawa si Kuya Ernie kay Kuya Percy..."Binalingan niya ng matalim na tingin si Popoy."Isa ka pa! Parang hindi ka nag-iisip. Hindi niyo
Camila's POVMALIIT na nga ang bahay nila mas lalo pang lumiit ng pumasok roon si Percy.Hindi ito pumayag kahit pa halos ipagtulakan niya na ito kanina para umalis. Nagpumulit ito at halos kaladkarin pa siya papunta sa bahay kaya wala na siyang magawa.Nakaupo si Percy na parang isang hari sa maliit na sofa nila. Hindi ito bagay roon. Inilioibot nito ang paningin at bawat panig ng bahay na nasusulyapan nito ay padilim nang padilim ang aura nito. Parang kulang na lang ay silaban nito ang bahay.Naitirik niya na lang ang mga mata. Maayos naman ang tinitirahan nila. Kahit simple lang ang mga kagamitang naroroon. Masinop sa bahay si Ernie. Ito pa nga mismo ang madalas m