Percy's POV
present time...
He couldn't believed that Camila is now beside him. It's been ten years had past since he last saw her.
Ang tagal na pala. Ang tagal niya na pa lang nangungulila dito. Hinanap niya ito at halos baliktarin niya ang buong pilipinas para lang makita ito, pero bigo siya.
Pagkatapos makikita niya na lang ito bigla sa isang elevator? Paano kung hindi ito hinuli ng mga security personnel kanina? 'Di hindi niya pa malalaman na ang babaeng matagal niya ng hinahanap ay iisang hangin na lang pala ang nilalanghap nila?
Bahagya niya itong sinulyapan, nakahalukipkip ito habang nakapaling ang leeg sa bintana. Ang laki na ng ipinagbago nito, hindi na ito ang batang Camila na minahal at inangkin niya noon. Lalong gumanda ang hubog ng katawan nito at mas kuminis ang kutis. Mukhang hindi naman ito naghihirap pero bakit ito pinagbintangan na magnanakaw? Anong nangyari dito sa nakalipas na sampung taon?
Ngayong nakita niya na ito hinding hindi niya ito hahayaang mawala, kasehodang itali niya ito buong buhay niya.
Bigla na lang itong dumating sa buhay niya noon at bigla ring nawala. Kaya sisiguraduhin niyang hindi ito mawawala sa paningin niya.
Dahil hindi niya kakayanin...
Katulad noon. Halos mabaliw siya kakahanap dito. Bigla na lang siya nitong iniwanan. Walang paalam, walang iniwan kahit isang pirasong papel na makapagpaliwanag kung bakit bigla itong umalis. Iniwan siya nito sa ere pagkatapos niyang itaya ang sariling buhay para dito.
Pinagmasdan niya ito mula sa sulok ng mga mata niya. Bahagyang namumula ang leeg nitong nasakal niya kanina. Lihim niyang namura ang sarili. Hindi niya lang kasi napigilan ang galit kanina dahil sa sinabi nito.
Hanggang ngayon pala uto-uto pa rin ang tingin nito sa mga lalaki. At isa na siya ro'n. Guilty siya dahil alam niya sa sarili niya kung gaano siya naging gullible dito noon. To think na mas matanda siya rito ng limang taon. At sa tingin niya kung gugustuhin nito kayang-kaya pa rin siya into paikutin sa mga palad nito. Napatiim bagang siya. Ang tanda niya na at hindi niya na mabilang ang babaeng dumating sa buhay niya pero nag-iisa lang ito. Totoo nga ata ang sumpa na kinukwento ng Mamita niya; na ang mga lalaking Moretti isang beses lang kung magmahal.
A story that he just laugh, until he fell in love. Ilang beses niyang sinubukang ibaling sa iba ang pagmamahal niya dito. Kaya nga tatlong beses din siyang na-divorce. Inakala niyang makakalimutan niya ito kapag naghanap siya ng mas higit dito. But in the end sinasampal lang siya ng katotohanang si Camila lang ang babaeng kaya niyang mahalin.
"Where have you been?"
Camila's POV
"WHERE have you been?"
Napapitlag siya ng biglang magtanong si Percy. Nilingon niya ito. Nakatingin din ito sa kanya. Blangko ang mga mata nito at wala siyang makitang kahit anong emosyon dito. Nakasandal ito sa upuan at nakapaling ang mukha sa kanya.
Nag-iwas siya dito ng tingin. "Diyan lang... "
"Tss!" narinig niyang palatak nito.
Hindi na ito nagsalita kaya hindi na rin siya umimik.
Pumasok sa parking lot ng isang itim na higanteng building ang sinasakyan nila. Naunang bumaba si Percy kaya mabilis na bumaba na rin siya. Pagbaba niya'y na sa tabi na agad niya si Percy at mahigpit na hinawakan ang siko niya saka siya kinaladkad sa isang elevator.
"Dahan-dahan naman!" Singhal niya dito dahil muntik na siyang masubsob sa ginagawa nitong paghila sa kanya. Tinignan lang siya nito pero bumagal naman ang paglalakad hanggang sa makapasok sila sa elevator. Saka lang siya nito binitawan ng na sa loob na sila hinilot niya ang siko niya.
Peste na to pipilayan pa ako!
Nakita niyang pinindot nito ang blangkong button. Tumingala siya at tinignan kung saang floor sila hihinto. Pero pagkatapos ng 98th floor naging blangko na ang maliit na screen. Tapos ay nakarinig siya ng pag-click mula sa likuran, kaya lumingon siya. Namangha siya ng makita niyang bumukas ang dingding ng elevator sa likuran nila.
"Ang galing..." Namamanghang usal niya. Nakita niyang bahagyang napangiti si Percy. Muling hinawakan nito ang siko niya pero hindi na mahigpit.
Isang madilim na pasilyo ang nasa likuran ng bumukas na elavator. Sa dilim ay wala siyang makita. Pero paghakbang nila umilaw ang sahig at dingding ng nilalakaran nila. Muli na naman siyang humanga. Nilingon niya ang nilakaran nila at nakita niyang madilim na uli. Parang masa ibang daigdig siya.
"Hala paano siya umiilaw?" Inosenteng tanong niya kay Percy.
Narinig niya naman ang mahinang pagtawa nito na napaka sexy sa pandinig niya.
"Dahil sa sensor," anito. Nang na sa dulo na sila ng pasilyo may pimindot ito mula sa pader. kada pindot nito ay may lumalabas na numero. Pagkatapos ay bumukas ang pinto na hindi mo aakalaing pinto. Isang pasilyo na naman ang nilikuan nila pagkatapos ay kumanan sila hanggang sa nakarating sila sa malaking itim na double door na may nakatayong dalawang lalaking malalaki ang katawan. Agad na sumaludo ang dalawa kay Percy at ipinagbukas sila ng pintuan.
Kung namangha siya kanina mas namangha siya sa nakikita ngayon. Para lang iyon isang pangkaraniwan high end club. Pero ang nakapag pamangha sa kanya ay ang mga taong nandodoon. May maliit na bilog na stage sa gitna. May babaeng naka maiksing kimono na may mga tali sa katawan at nakabitin sa ere. At may lalaking naka half naked na may maskara na may hawak sa lubid na nakakonekta sa babaeng nakatali. May mga malalaking cage din siyang nakita na may mga babaeng nakakulong - mga nakasuot ang mga ito ng maninipis na see through langerie. Ang iba ay may bolang pula na nakasalpak sa bibig ng mga ito.
Sa kabilang sulok ay mga kalalakihang nakatingin sa kanila. May mga babaeng nakalihod sa harap ng mga ito at parang mga pusong naglalandi sa amo.
Sa bar counter naman ay may dalawang grupo ng babae. Pero pare-pareho ang mga suot nila. Mga naka leather skimpy outfit. Mas mukhang harmless ang mga ito kaysa sa mga babae sa kabilang side na ang iba ay may hawak pang latigo. Mas mukhang dominante at palaban ang mga naroroon.
"Anong lugar to?" Parang kinakapos ng hininga na tanong niya kay Percy. May ideya na siya pero gusto niya ng kumpirmasyon.
"This is Le Rouge, a BDSM club," maikling anito.
Napataas ang kilay niya. Kahit naman di siya nakatungtong ng college alam niya ang ibig sabihin ng BDSM. May mga naririnig at nababasa na siya tungkol dito. Pero hindi niya lang akalain na may ganoong fetish si Percy.
May lumapit sa kanilang babae na nakasuot ng skimpy dominatrix outfit, mukha itong Japanese doll. Agad na yumukod ito kay Percy na parang nagbibigay pugay sa lalaki.
"Let me be your slave to night, Master." Anito na nakalahad ang isang kamay habang nakayuko.
Bigla ang pagkainis na naramdaman niya. Malakas na tinabig ang kamay nito. Gulat namang napatingin ang dalawa sa kanya.
"Can't you see me? I'm with him!" Mariing aniya dito at humakbang papalapit dito saka dinuro ang balikat nito. "His.my.slave!" Malakas na sigaw niya dito habang nagbabasa ang mga mata niyang nakatingin sa babaeng kaharap.
Laglag naman ang panga ng babae at napalingon kay Percy. "Back off!" Aniya saka itinulak ito.
"M****a!" (Shit!) Nadinig niyang ani ni Percy. Kita niya ang galit sa mga mata nito. Mabilis na hinila siya nito papalayo doon. Napansin niya naman na lahat ng tao ay nakasunod ang tingin sa kanila. Pinag-iirapan niya ang mga ito saka siya nag flip ng buhok.
May isang pasilyo na naman silang pinasukan na may magkakaharap na pintuan. Napapitlag siya ng may marinig na hagupit ng latigo. Na na lalaki ang mga mata niya. Gusto niya sanang silipin kung ano ang mayroon sa likod ng mga pintong yon kaya lang kinakaladkad na naman siya ni Percy.
Ipinasok siya nito sa isang kwarto na pulos itim ang wallpaper na may pulang bilog na kama sa gitna at sa ulunan niyon ay glass wall na tanaw ang buong city sa ibaba.
Nakalimutan niyang galit sa kanya si Percy. Bumitaw siya dito ng maramdamang lumuwag ang hawak nito sa kanya at patakbong lumapit sa glass wall. Hindi niya mapigilan ang mapahanga. Tanaw mula sa kinaroroonan niya ang buong city. Gabi na at puro mga nagkikislapang gusali ang nakikita niya. Para na ring langgam ang mga sasakyan sa ibaba. Napakaganda.
Nagulat siya ng kunin ni Percy ang magkabilang niyang pulsuhan at itaas iyon at ipininid sa glass wall. Nakadagan ito sa likod niya at ramdam niya ang umbok sa may balakang niya. Excitement at takot ang naramdaman niya. Excitement dahil sa pagdidikit ng katawan nila at takot dahil nag-aalala siyang mabasag ang salamin at pareho silang pulutin sa ibaba.
Napaarko siya ng maramdaman ang labi ni Percy sa leeg niya. Bahagyang s********p at kumakagat doo. Napapikit siya sa sensasyong gumagapang sa katawan niya.
"Am I your slave?" Tanong nito sa kanya.
Napamulat siya ng mata. Nilingon niya ito at halos maglapat na ang mga labi nila. Nakalimutan niya ang sasabihin niya dahil sa nakakabaliw na sitwasyon nila. Naging mabigat ang paghinga niya at ramdam niyang ganoon din ito.
"Do you want me to be your slave, Mi Bella?"
To be continued...
Percy's POVILANG araw nang nagmumukmok si Camila simula nang dumating sila galing Quezon. Magmula nang makausap nito si Ernie naging maiinitin na ang ulo nito at madalas na siya ang pinagbabalingan."Ano ba namang amoy yan! Nakaka-letse naman! Ang baho!" inis na anito nang halikan niya ito pagkalabas niya ng shower.Nangunot ang noo niya. Bagong ligo siya kaya paano siya mangangamoy mabaho?Namemersonal na ata tong babae na to ah. Nakasimangot na lalo niya namang inginudngod ang sarili kay Camila.Tumiki ito nang malakas at nagkakawag pagkawala sa kanya. Nasasaktan siya sa ginagawi nito.
Camila's POV"Low?" patamad na aniya sa kung sino mang tumawag sa kanya sa kalagitnaan ng gabi. Wala sana siyang balak sagutin pero mukhang walang balak huminto sa kakatawag ang nasa kabilang linya."Cams..." ani ng nasa kabilang linya. Pamilyar sa kanya ang boses nito. Iniisip niya lang kung sino. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang malungkot at tila paos na tinig nang nagsalita."Sino to?" tanong niya na medyo nawawala na ang antok."Ernie..."Tuluyan na siyang napamulat. Bumangong siya kipkip ang kumot sa katawan dahil wala siyang saplot kahit isa."Ernie? Anong nangyare?" tumin
Camila's POVISANG itim na box ang nakalapag sa ibabaw ng kama paglabas niya ng bathroom. Wala sa silid si Percy pero may note naman na nakapatong sa malaking box. Dinampot niya ang note at binasa. Napangiti siya. Ano na naman kayang pakulo ni Percy.Excited na naupo siya sa tabi ng kahon at binuksan iyon. Nangunot ang noo niya. Isang itim na leather na mukhang one piece bathing suit ang naroroon. May fishnet, high heels at isang black trench coat na may sash sa beywang. May nakita siyang isa pang maliit na card sa loob ng kahon. Kulay itim iyon na may naka embossed na kulay red caligraphy:'Le Rouge'.Ito yung club na pagmamay-ari ni Percy kasama ang mga pinsan niya. Isa iyong BDSM club ayon na rin kay Percy. Naalala niya ang luga
"Hindi mo ba talaga alam kung saan ka lang dapat?" matalim na tanong ni Percy kay Guido. "Kailangan ko pa bang ipaalala sa 'yo na ang mga bastardong kagaya mo..." Bumitaw sa kanya si Percy at akmang lalapit kay Guido pero kumapit siya sa braso nito."Percy..." saway niya rito. Ayaw naman niyang magpang-abot ang mga ito. "Hayaan mo na siya." Niyuko siya ni Percy. Matagal silang nagtitigan bago ito kumalma at tumango. Sinulyapan niya naman ng tingin si Guido bago hinila si Percy palayo."Asan pala si Anna at Popoy?" Lumingon-lingon siya sa paligid para hanapin ang dalawa. Napansin niya naman na nadagdagan ang mga bisita."Nasa theater room," sagot nito.Umakyat sila sa second floor para puntahan doon si Anna. Nakita n
Camila's POV"PAANO kung awayin ako ng Mamita mo?" kinabahang tanong niya kay Percy na nasa driver seat. Relax na relax lang ito ang guwapo-guwapo sa suot na itim na button down polo na nakatupi hanggang siko ang manggas. May diamond earing pa sa tainga. Naka pomada ang buhok paitaas kaya ang linis-linis nitong tignan.Ang bango-bango rin...Dapat kasi nagkulong na lang sila sa kuwarto nito gaya ng madalas nilang gawin."She won't...""Paano ka nakakasiguro?""I already talked to her, and she said it's okay. She'll do nothing, bella. In fact, she's excited to meet her grandchild."
Camila's POV"Magpapakasal ka nga?!"Napasulyap sa kanya si Percy na nasa tabi niya. Sumimangot ito may kasama pang ismid. Hindi niya naman pinansin ang pagtotopak ng lalaki. Naiinis siya rito dahil pagkatapos ng ng pananghalian ay lumarga na sila pabalik ng Laiya.Di siya nakatutol kahit pa gutong-gusto niyang manatili muna sa Infanta para samahan si Ernie ang kaso nahabag naman siya kay Percy. Mukha kasi itong kinawawa kanina. Nasa isang sulok lang at walang imik habang nakamasid sa nangyayari sa paligid."Oo. Kailangan ko siyang panagutan," ani Ernie sa kabilang linya. Sumama raw ang mga ito sa bahay nila Blessilda para mamanhikan. Napag-uasapan na raw ang kasal. Sa huwes lang daw muna d