Share

Kabanata 6

last update Last Updated: 2024-02-05 10:40:29

Asar

NAGLAKAD ako papuntang lababo ng kusina at agad na naghugas ng kamay. Nang matapos, bumalik ako sa mga kasambahay na ngayon ay patuloy pa rin na nagk-kuwentuhan.

"Hala siya, bakit naman 'yon sinabi ng pamangkin mo, Manang Milly?" Nakita kong nagkibit balikat si Manang at saka ako nilingon. Napansin kong sinundan ng ibang nakapalibot sa kanya iyong tinitingnan niya.

Nagsiyukuan silang lahat habang ako ay hindi pa rin nasasanay sa mga trato nila sa akin. Napalunok ako at awkward na ngumiti.

"Ano ang pinag uusapan ninyo, Manang?" tanong ko para maialis iyong hiya sa reaksyon ko. Ngumiti si Manang at agad na tumagilid para siguro papasukin ako sa bilog na ginawa nila ng mga kasama niya. Huminto ako sa paglalakad.

"Wala, Ma'am. Nagk-kuwento lang ako ng mga trato ng pamangkin ko sa akin." Napatango ako at mas lalo pang napangiti.

"Bakit po? Ano po ba ang trato nila sa inyo?" mahinang napatawa si Manang at agad na napatingin sa mga kasama niya. Mukha siyang nahihiya.

"Kanina pa namin pinipilit si Manang na magkuwento pa, Ma'am. Sinabihan niya pa kaming chismoso!" humalakhak si Jose. Driver siya ni Ric base sa pagpapakilala niya noong naglilibot ako sa mansyon kasama si Missy. Napatawa ako ng mahina.

"So, chismoso rin ako, Manang?" Nilingon ko si Manang at napansin ko ang mabilis niyang pag iling sa tanong ko.

"Hindi po, Ma'am! Hindi po kayo kasali." Mas lalo akong natawa. Hindi pa ganoon katanda si manang kung pagmamasdang mabuti. Ngunit, kung titingnan siya na humihingi ng tawad sa akin, para akong mas matanda pa sa kanya.

"Lia nalang po. Huwag na ma'am. Kayo rin. Lia nalang." Nakita kong agad na ngumiti si Jose at ang anak niyang si Jessica na kasambahay rin sa mansyon na ito.

"Sige, Lia," si Jessica. Napatango ako nang nakangiti.

"Siya nga pala, maglalaba po kami ngayon. Gusto ninyong sumama?" Nang marinig ang maligalig niyang boses, natigilan ako. Hindi ko alam pero...hindi ako sigurado sa suhestyon niya. Gusto nila akong isama...ayos lang naman siguro iyon, hindi ba? Mababait sila at mukhang inosente.

Hindi naman yata ako mapapahamak sa kanila kahit na ilang araw ko pa lang silang nakasama rito.

"Ano ka ba, Jes! Baka pagalitan tayo ni amo!" Mas lalo akong natigilan nang sawayin ng isang kasambahay si Jessica. Kaagad na lumarawan sa itsura ni Jessica ang takot at pagtataka.

"Ay, pasensya na po, Ma'am..." Minabuti kong hindi peke ang ginawa kong pagtawa sa nahihiya niyang ekspresyon. Narinig kong napatawa si Jose at ibang nakapalibot sa amin. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad na pagngiti ni Manang.

"Sasama po ako. Gusto ko ring maglaba." Nanginginig ang mga kamay na itinago ko ang mga 'yon sa bulsa ng suot kong Jumper. Sa loob noon ay may suot ako sa pang itaas na V-neck T-shirt.

Kaagad na naghiwalay ang ibang kasambahay. Iyong iba ay bumalik sa paglilinis, habang kami naman nila Manang, Jessica at iyong isang kasambahay na sumuway kanina kay Jessica ay nagtungo sa Laundry area. Tahimik lang akong nakasunod sa kanila. Nagsasalita si Jessica tungkol sa napakaraming ginawa niya ngayong araw.

"Nandito na tayo, Lia," si Manang. Tumango ako at tipid na ngumiti. Nakita kong binuksan ni Manang iyong double doors na sana ay papasukan namin. Ngunit, natigilan siya nang malamang nakalock pala iyon. Napatingin siya kila Jessica at agad na nagsalubong iyong kilay.

"Bakit naka-lock, 'to? Kanina nang umalis ako, hindi ko naman 'to sinarado, ah?" Nagtatakang umayos ng tayo si Manang.

"Marie, nasa 'yo ba ang susi nito?" Umiling agad ang kaninang sumuway kay Jessica. Napabuga ng hangin si Manang bago tumalikod. Napakurap ako.

"Manang, saan ka?" si Jessica.

"Pupuntahan ko si amo. Baka nasa kanya na iyong mga susi." Tumango ang mga katabi ko habang ako ay nagtataka pa rin ang reaksyon.

Pupuntahan niya si Ric, kung ganoon...

Napalunok ako. Hindi ba siya natatakot? Base kanina sa reaksyon ni Jessica nang suwayin siya ni Marie, para siyang takot na takot nang mabanggit si Ric. Ano ang reaksyon na 'yon? Nakakatakot ba si Ric? Masama bang tao ang lalaking iyon?

Kumalma ang ekspresyon ko. Pero, sa pinapakita sa akin ng lalaki, mukhang kabaliktaran iyon sa iniisip ko. Napailing ako.

Huwag ko nalang kaya isipin? Hindi naman ako nandito para kay Ric. Nandito ako para sa papakasalan ko. Teka, kailan ba ang kasal? Isang linggo na ako sa mansyon na ito pero ni isang banggit ng mga kasambahay sa papa ni Ric, hindi ko narinig.

"Ano'ng iniisip mo, Lia?" Natigilan ako. Kaagad akong napakurap at napabaling sa gilid ko. Nahihiya kong nginitian si Marie. Hula ko ay siya iyong nagtanong sa akin. Nasa tabi niya pa rin si Jessica, tahimik na nakangiti at mukhang nag aabang rin sa isasagot ko.

"W-Wala." Umiling ako. Nakita kong agad na napanguso si Jessica.

"Ilang taon ka na? Mukha kang mas matanda pa sa amin, e." Napangiti ako sa sinabi ni Marie.

"Mukha namang hindi. Um...seventeen pa lang ako." Tumango tango si Marie.

"Mas matanda ka nga. Sixteen pa lang ako. Ganoon din siya." Tinuro niya si Jessica.

"Sixteen? A-Akala ko, nineteen na kayo." Nanlalaki ang mga mata na napatabon ako sa bibig ko. Napatawa si Jessica at maya maya ay sumunod rin si Marie.

"Madami ring nagsasabi sa amin niyan."

"M-Matangkad kasi kayo..." Ngumiti ako.

"Oh, anong pinag uusapan ninyo?" Natigilan kaming tatlo, ngunit mukhang ako lang iyong nahuli sa paglingon sa taong nagsalita. Kaagad na napalunok ako nang makita si Manang na may dala dalang mga susi.

"W-Wala, Manang. Amo..." Nagsiyukuan ang dalawa habang ako ay hindi alam ang gagawin. Kasama pala ni Manang si Ric. Napansin ko lang nang maialis ko na iyong mga mata ko sa susi na nasa kamay ni Manang. Ulit akong napalunok nang hindi pa rin nagsalita si Ric.

"A-Ano ang ginagawa mo dito?" nagtanong na ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magsalita. Nang natapos kami kaninang kumain sa lamesa, kaagad siyang umalis at iniwan akong mag isa. Ngayon, magpapakita na naman siya at tititigan ako ng walang kurap?

Napabuga ako ng hangin. Para akong kung sino kung makapagsalita.

Kinalma ko ang sarili ko.

Nakita kong nakataas na iyong isang kilay ni Ric. "May problema ba?" Umiling ako sa tanong niya.

Tahimik sila Manang at mukhang nakikinig sa usapan namin ni Ric.

Mas hinarap ko pa ang lalaki.

"Wala naman. M-Maglalaba kami ngayon...hindi ka pwede dito," sinabi ko, matapang ang ekspresyon. Napatawa si Ric at napailing. Para siyang masaya dahil sa sinabi ko.

"B-Bakit?" nagtataka kong tanong nang hindi pa rin siya tumigil. Huminto siya sa pagtawa at agad na ngumiti.

"Ayaw mo ba ako dito?" tanong niya, ngingiti. Nakita kong napunta iyong dalawa niyang kamay sa dibdib niya. Mukha na siyang boss ngayon na nakikinig sa suhestyon ng sekretarya niya.

Umiling ako.

"Wala akong sinabing ganoon. A-Ang point ko lang, puro kami babae at maglalaba kami."

"So, ayaw mo nga akong tumambay dito?" Napasinghap ako.

Hindi nga iyon ang ibig kong sabihin...

Binalingan ko sila Manang na ngayon ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Ric. Kahit na sila Marie at Jessica na kay Ric iyong atensyon.

"K-Kung tatambay ka lang naman dito, umalis ka na lang."

"Okay. Hindi ako tatambay. Tutulong nalang din ako." Kaagad na nanlaki ang mga mata ko. Ganoon pa rin ang ekspresyon ni Ric, ngingiti at mukhang nasasayahan sa nakikita.

"Marunong ka?" Nakataas iyong dalawang kilay ko na para bang hindi naniniwala sa sagot niya.

"Of course. That's easy," may pagmamalaki niyang sinabi. Umirap ako. Hindi ko alam sa sarili ko pero nag uumpisa na akong mainis sa mga sagot niya.

"H-Hali ka na po amo?" si Manang. Hindi ko na nilingon pa si Ric. Nasa dalawang pintuan na iyong paningin ko habang tahimik na binabalik sa isipan iyong mga naging sagot niya.

Nakita kong binuksan ni Manang iyong pintuan. Nang matapos, kaagad na lumingon si Manang sa likuran niya at tumango. Siguro ay kay Ric siya nakatingin.

Naunang pumasok si Manang sa loob. Sumunod si Jessica pagkatapos ay si Marie. Nang makapasok na sila, kaagad na akong gumalaw at sumunod. Papasok na sana ako sa loob nang sa pintuan ay hindi agad ako nakapasok. Isang pintuan lang ang binuksan ni Manang kaya isang tao lang ang buo na makakapasok sa loob.

Nilingon ko si Ric nang sabay kaming umatras. Pinanliitan niya ako ng mata at agad na nginitian. Napabuga ako ng hangin at saka siya iniwan na roon.

Ngunit, nang papasok na naman sana ako sa loob, nakasabayan ko na naman siya. Hindi ako makapasok sa loob dahil sa dalawa kaming gusto ng pumasok.

Pinauna ko siya. Pero, kaagad siyang umiling.

"Ikaw nalang, Lia." Nakagat ko iyong pang ibabang labi ko. Nagbalak na naman akong pumasok ngunit, nakasabayan ko na naman siya.

"Ano ba talaga? I-Ikaw o ako?" mahinahon kong tanong. Naiinis na ako. Pero, nasa tama pa naman akong pag iisip. Anak siya ng papakasalan ko. Kaya kailangan kong maging mabuti rin sa kanya.

"Ikaw nalang," ani Ric sabay halakhak. Napapikit ako.

Kalma, Lia. Kalma.

Mabilis akong pumasok sa loob ng area. Naiwan ko roon sa labas si Ric na hanggang ngayon ay rinig na rinig ko pa rin iyong tawa.

Hinanap ko agad sila Manang sa loob. Nang makitang sila Marie at Jessica lang ang kumukuha sa mga labahan, kaagad na akong naglakad papalapit sa kanila para sana sila tulungan. Ngunit, natigilan ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Na asar ba kita?" tanong ni Ric, malambing iyong tono ng boses. Kaagad na napaawang iyong labi ko at hindi makasagot.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Wakas

    Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 53

    Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 52

    Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 51

    TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 50

    Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 49

    Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 48

    Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 47

    Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k

  • The Young Bride of Mr. Alaric Levine   Kabanata 46

    Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status