Maynila
NAPANGITI ako nang si Missy ang nakita ko na pumasok sa loob ng kuwarto ko. Kanina nang wala pa siya, kasalukuyan akong naliligo sa banyo. Nang makarinig ng mga katok sa kung saang pintuan, kaagad kong linuwagan ang pintuan ng banyo para makita kung may tao bang pumasok sa loob ng kuwarto ko.At, meron nga. Si Missy na hindi naka uniporme ng pang maid. Humarap sa akin ang babae nang makalabas na ako ng banyo habang may tuwalyang nakatapis sa katawan. Yumuko siya sa akin at agad na bumati."Handa na po iyong pagkain ninyo sa lamesa."Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa pakikitungo ng isang 'to."Salamat...Um, si...Ric?" binanggit ko ang pangalan ng amo nila. Kaagad na humarap sa akin si Missy at ngumiti."Hinihintay niya na po kayo sa lamesa." Napatango ako na para bang walang alam."Kailan siya...dumating?""Kaninang madaling araw po yata. Narinig ko iyon kay Clint, iyong kararating lang po na driver galing maynila." Naging bilog iyong kurba ng labi ko. Napataas iyong dalawang kilay ko at saka napalunok."Sige, mauna ka na doon. Magbibihis na muna ako." Tumango si Missy at agad na sinunod iyong sinabi ko. Ayoko sana siyang palabasin dahil nakakahiya kung titingnan. Bago pa lang ako rito. Hindi ko dapat inuutos utusan nalang ang mga kasambahay sa mansyon na ito.Wala akong karapatan.Nagbihis ako ng komportableng damit sa pang itaas at pang ibaba. Nang matapos, kaagad na lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa dining area.Nakabalik na si Ric. At, mukhang ako yata iyong unang nakaalam noon.Huminga ako ng malalim.Ang dami kong gustong itanong sa kanya. Ngunit, sabi nga ni papa. Kailangan kong maging tahimik at masunurin. Hindi ako pwedeng maging madaldal. Lalo na sa harapan ng magiging asawa ko.Pero...hindi naman si Ric iyong papakasalan ko, hindi ba? Ayos lang naman yatang magsalita ako kahit ilang mahahaba lang 'pag kasama ko siya.Dahan dahan kong binuksan ang double doors na lagi kong dinadaanan. Kaagad na luminga linga ako sa paligid para tingnan kung may tao bang nasa paligid. Natigilan ako nang malamang meron nga.Isang lalaki.Ilang saglit kong pinagmasdan ang napansin kong taong naglilinis ng mga picture frames malapit sa malaking TV. Nasa living room na ako. At sa kabilang banda pa ang dining area.Kaagad na napakurap ako nang mapansin ako ng lalaki. Tumigil siya sa ginagawa niya at hinarap ako. Nakataas na ngayon iyong dalawang kilay niya na para bang tinatanong ako kung bakit ko siya pinagmamasdan.Napalunok ako.Bakit ba ako tumigil sa paglalakad? Napailing iling ako sa isipan ko at agad na humarap sa daanan kung saan papunta ang dining area. Nagsimula ulit akong maglakad."Hey, teka!" Natigilan ako at ilang saglit pa bago hinarap iyong lalaking hindi ko akalain na tatawagin ako. Nahihiya ko siyang tiningnan.Ngayon ko lang napansin ang mabilis niyang pagtakbo papunta sa kinaroroonan ko. Tumigil siya sa harapan ko at agad na napabuga ng hangin.Naglahad siya ng kamay na siyang nagpagulo sa isipan ko."I am Clint. Ngayon lang kita nakita dito kaya ganoon ako kanina makatingin. Pasensya na." Ramdam ko ang paghihintay niya sa paggalaw ng kamay ko. Ngunit, nanatiling lantang gulay iyong balikat ko.Nahihiyang ibinalik ng lalaki sa kaninang iyong kamay niya nang mapansin niya siguro na wala akong balak na suklian iyong pagpapakilala niya.Awkward akong napayuko. Napapikit ako ng mariin at agad na dinilat iyong mga mata.Ito iyong problema sa akin, e. Wala akong mga kaibigan sa eskwelahan ko maliban kay Shiela dahil sa ugali kong ito. Nahihiya ako at natatakot makipag usap sa tao. Para akong nakaranas na ng isang bagay na dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng takot 'pag may hindi pamilyar sa akin na nagpakilala."S-Sorry. Aalis na ako." Matapos ang ilang segundo, mabilis kong ginalaw iyong katawan ko patalikod sa taong 'to. Ngunit, kaagad rin na natigilan sa pag abante nang makasalubong ng mga mata. Pagtataka at galit ang nakikita ko sa mga mata ng lalaking ito ngayon.Noon ay napakaganda nito tingnan. Sa una naming pagkikita, akala ko ay ito na ang pinakamagandang mga mata na nakita ko at makikita ko pa sa buong buhay ko. Ngunit, mukhang may pagbabago rin pala ang mga 'yon."Oh, Ala, ikaw pala." Ni sulyap ay hindi ko pinagbigyan ang kanina'y kausap ko. Nakapokus ang mga mata ko kay Ric na ngayon ay seryosong nakatayo akong pinagmamasdan. Kahit siya ay hindi man lang binigyang pansin ang nasa likuran ko.Napansin ko ang malalaking paghakbang ni Ric papunta sa kinaroroonan namin ng tumawag kanina sa kanya. Napalunok ako at nakaramdam ng lamig sa balikat. Napahawak ang isang kamay ko roon habang hindi pa rin bumibitaw sa mga titig ng paparating na lalaki.Tumigil sa paglalakad si Ric at doon lang bumitaw. Siya na naman ang sumuko.Tiningnan niya ang taong nasa likuran ko at saka ako."Pinatawag kita para kumain. Why are you here with Clint? Ayaw mo bang kumain?" mahinahon ang boses niya habang tinatanong iyon. Ilang saglit pa ang nakalipas bago ako nakasagot."P-Papunta na sana ako. Natigil lang dahil—""Sa kanya?" naging malamig ang tanong niya sa akin. Umiling ako."Papunta na ako kanina. D-Dumating ka lang..." Naiwas ko iyong paningin sa kanya."Woah, may kinalaman ba ako dito? Wala naman siguro, 'di ba?" Rinig kong natatawang tanong noong Clint. Ngayon ko lang naalala iyong sinabi kanina ni Missy."Go back to your job, Clint. O hindi kaya, huwag na sa trabaho. Bumalik ka na sa maynila kung pwede." Sinulyapan ko si Ric at nakitang wala na sa akin iyong paningin niya.Nakagat ko agad iyong pang ibabang labi ko dahil sa lumuwag iyong paghinga ko."Kanina lang nga ako dumating, paaalisin muna agad ako. How rude of you, amo.""Shut up."Para akong nawala saglit sa mga mata ni Ric. Para akong nakawala sa hindi ko malamang dahilan.Nakarinig ako ng tikhim. Napakurap ako ng dalawang beses at agad na binalingan ng dahan dahan iyong gumawa noon. Nakaharap na naman sa akin si Ric. Nasa akin na naman iyong mga mata niyang napakaganda kung pagmamasdan mo ng maigi at dahan dahan."Come now. Kanina pa mainit iyong pinaluto ko." Tinalikuran niya ako at naglakad sa daanan kung saan banda ang dining area. Sumunod ako sa kanya, ngunit bago ko ginawa iyon, nilingon ko muna ang nasa likuran ko. Wala na si Clint roon.Napabuga ako ng hangin at mabilis na ibinalik iyong paningin sa daraanan. Sinabayan ko sa paghakbang si Ric at ilang saglit ang natapos, nakarating kami sa mahabang lamesa na sa magkabilang gilid ay may mga kasambahay pa rin na nakapalibot."Sit here." Tumigil siya sa upuan na noon ay inupuan niya rin. Umupo ako sa upuan na inupuan ko rin noon. Iyon ang itinuro niya kaya dapat kong sundin.Nagsimula kaming kumain hanggang sa natapos. Ganoon pa rin ako, tahimik at ni isang kwento sa buhay ko ay hindi ko ibinahagi. Walang dahilan para gawin ko iyon."Maayos na ba ang pakiramdam mo? I heard...you were sick." Natigil ako sa pag inom ng tubig sa baso nang makarinig ng salita mula kay Ric. Ngayon lang ulit siya nagsalita."Hmm, opo. Maayos na ako." Nakita ko siyang napatango."Mabuti naman."Tahimik na naman ulit kami. Hindi ako nag ingay kaya mukhang wala siyang nagawa kundi ang magsalita ulit."How's your sleep? Nakatulog ka ba?" Napalunok ako nang iyon ang itanong niya.Aamin ako. Hindi ako nakatulog dahil roon sa bigla niyang pagbisita sa kuwarto ko. Hanggang ngayon ay nasa utak ko pa rin iyon. Rinig na rinig ko pa rin iyong mga salita niyang binitawan. Himig na himig ko pa rin iyong lambing sa tono ng boses niya."A-Ayos lang din. Nakatulog ako ng mahimbing." Nagsinungaling ako. Wala na akong maisagot pa kaya iyon ang nagawa ko. Labag man sa loob kong hindi sabihin ang totoo, nakakahiya rin naman kung iyon ang isasagot ko kay Ric, hindi ba? Siguradong...matatawa siya sa sagot ko 'pag nalaman niya.Sinulyapan ko siya at nakita kong nakatitig na naman siya sa akin ng walang kurap. Nataranta ako at naramdaman ko ang pag awang ng labi ko. Nadilaan ko ang pang ibaba noon dahil sa kaba.Bakit ba ako laging kinakabahan? Epekto ba ito ng hiya ko kay Ric? O, iba? Masyadong malayo, e. Walang dahilan para kabahan ako sa lalaking wala pa namang ginagawa sa aking masama.Wala pa? I don't know. Nasabi ko lang iyon dahil...natatakot nga ako. Natatakot ako kapag seryoso ang eskpresyon ni Ric. Para siyang galit 'pag ganoon ang itsura ng mukha niya. Para niya akong masasaktan 'pag nagiging matalim iyong mga titig niya sa akin."Nga pala, si Missy, iyong laging nagdadala ng pagkain mo, wala na siya ngayon dito.""H-Ha...?" Napalunok ako at hindi makapaniwala siyang hinarap."Nasa kabilang bayan na siya. Sa kabilang mansyon kasama iyong ibang kasambahay," ani Ric."Bakit? Bakit...doon sila? Hindi ba pwede dito?" Umiling siya."No. Hindi na pwede dahil wala na naman silang pagsisilbihan dito. Tomorrow at eight AM iyong flight natin papuntang maynila."Alaric Levine Point Of ViewWhen I first met her, para lang siyang alikabok na kailangang alisin agad dahil sa tingin ko, wala naman siyang mapapala kapag nanatili siya sa lugar ko. She was like...a homeless girl that I should help. "When did you find her interesting?" Paul asked. He's one of my friends at parang ini-interview niya ako rito sa opisina ko. Malapit na ang kasal ko, ngunit ngayon niya lang sinubukang alamin ang lahat lahat sa amin ni Lia."Chismoso mo," sinabi ko dahilan para mapa ismid siya."Come on, just answer my question—""Basta...hindi naman agad agad iyon. Una parang wala lang.""How do you say so? Paano mo na-realize na ganoon nga ang naramdaman mo?" Mas inayos ni Paul ang pagkakaupo niya. Napataas ako ng kilay, ngunit maya maya ay natulala sa hawak hawak kong ballpen.Paano ko nga ba na-realize? Bigla nalang?Parang ganoon na medyo ewan. Hindi ko alam. Basta...agad lang akong napatanong kung tama ba itong ginagawa ko. Normal pa ba ito? Sigurado ba ako sa emosy
Pagmamahal Ang KailanganMAGKASAMA kami ni Alaric, Mr. Levine at Tita sa kotse. Sa nakasunod naman na kotse, si Papa at Auntie Renna. Hindi sumama si Tita Anne at Mama dahil kailangan daw nilang bantayan ang kapatid ko.Sa nangyaring kidnappan noon sa akin, na-trauma ang kapatid ko dahil kitang kita niya mismo kung paano ako kinuha ng masasamang taong 'yon. "Pagkatapos na pagkatapos ng gulong 'to, pspakasalan na kita..." Rinig kong bulong ng taong nasa gilid ko. Gulat na napalingon ako sa kanya at saka nahihiyang napaiwas ng tingin. Naramdaman ko ang kamay niya na pumatong sa kamay ko kaya agad ko iyong inalis."What? Lia..." Nagtataka na tinawag niya ako. Bumuga ako ng hangin at saka siya hinarap ulit."Nasa harapan natin ang papa mo, ano ka ba..." pabulong kong sinabi. Nagkasalubong ang kilay niya at napa-tsk."Tapos? Tanggap niya na rin naman tayo e..." malakas niyang ani dahilan para tabunan ko ng palad ko ang bibig niya. Napatawa siya dahilan para mapatawa rin ako.Napatingin ak
Kapakanan Ng AnakANG naaalala ko, natumba ako dahil sa gutom at mga punong nagsisiksikan. Hindi ako makalakad ng maayos dahil sa sakit ng tiyan ko ngunit pinagpatuloy ko iyon hanggang sa hindi na kinaya ng katawan ko at natumba. May ilang gasgas din sa bawat parte ng katawan ko dahil sa mga sanga ng puno."Uminom ka muna ng tubig. Paparating na rito ang apo ko..." Matandang babae na tumulong sa akin ang nasa harapan ko ngayon. Tipid akong napangiti at sinunod ang sinabi niya.Nasaan na ba ako? Si Ric..."N-Nasaan po ako?""Nasa bayan tayo ng Diligo. Malapit sa simbahan at paaralan. Nakita ka namin sa punuan ng malaking mangga habang sugatan kaya dinala ka namin rito sa bahay. Kumusta na ang pakiramdam mo?""U-Uhm...medyo maayos na naman po. Maraming...salamat..." Hindi ko akalaing dito ako dinala ng mga paa ko. Sa tagal ko ba namang naglalakad at tumatakbo, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi ko rin kasi alam kung nasaan si Ric o kung anong buong address ng mansyon nila."A
TakasMALAMIG, nanginginig ako dahil sa simoy ng hangin. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ako sa bodega. Isang madilim at nakakatakot na lugar.Naalala ko ang mga pangyayaring nangyari sa akin noong bata ako. Ganitong ganito. Nasa isang madilim at madumi akong lugar habang mahina ang boses na umiiyak. Nananalangin na sana ay maging maayos na ang lahat."Wala pa ba siya?" Rinig kong usapan ng mga malalaking lalaki sa bandang exit. Sila iyong kumidnap at nagdala sa akin dito.Natatakot na ako ngunit wala akong magagawa. Ang nasa isip ko lang na maaaring makatutulong sa akin ay ang paghihintay.May tiwala pa rin ako na maiaalis ako rito. Makakatakas ako at makakabalik kay Ric dahil paniguradong hinahanap na niya ako.Ngunit..."'Yong babae ba? Teka nabayaran ka na ba niya tungkol rito sa ginagawa natin?" tanong ng isa sa mga kidnapper.Babae...Si Bea. Wala ng iba. Sino pa ba ang gagawa ng ganito ka sama sa akin? Ikalawang kawalanghiyaan niya na 'tong nagawa. Una ay 'yong muntik na niya
Nagmamakaawa"ITO ang kuwarto mo, Ija. Ang katabi naman ay kuwarto ni Ala para kung may kakailanganin ka..." Hinawakan ng mama ni Ric ang kamay ko at saka ako pinagmasdan."S-Salamat po..." bulong ko at tipid na ngumiti. Si Ric at ang papa niya ay nasa kusina nag uusap. Habang sila mama naman at papa ay nasa living room."Pasensya na..." sincere na pagkakasambit ng babae. Hindi ko alam pero para akong maiiyak dahil sa pagsisisi na nanatili sa mga mata niya."Sobrang espesyal mo kay Ala, ngayon ko lang nakitang ganito ang anak ko sa isang tao..." Umupo siya sa kama kaya gumalaw din ako. Lumunok ako bago matamis na ngumiti."Ako po ang dapat humingi ng pasensya. Umalis ako ng mansyon noong mga panahon na kailangan na kailangan ako ni Alaric..." Ngumiti ang babae at dahan dahan na hinaplos ang buhok ko."Alam mo bang sobrang nag alala siya sayo noong nakita ka niyang duguan sa banyo ng pinagkainan ninyo. Para siyang mababaliw. Nagmakaawa siya sa papa niyang kumuha ng magagaling na dokto
Past Ruined It all"DAHAN dahan..." Malambing na boses ang narinig ko at saka humawak sa bewang ko. Napangiti ako at nagpasalamat."Kaya ko na..." bulong ko at saka pumasok sa banyo. Si Ric ay nasa akin pa rin makatingin. Nag aalala ang ekspresyon na para bang malalayo ulit ako sa kanya kapag binitawan niya ako."Take your time..." sinabi niya."Sandali lang naman ako..." Magto-toothbrush lang ako sa loob ng banyo pero parang ayaw niya pang sumang ayon.Natatawa akong napailing nang bumuga siya ng hangin at tumango nalang. Sinarado ko agad ang pintuan. Naglakad ako papuntang lababo ngunit agad din na napaatras.Bigla akong nabahala...at natakot. Nanginginig ang tuhod na napaatras ako at ilang lunok ang nagawa.Napalunok ako ngunit tinuloy ko pa rin ang binabalak kong gawin. Nagmamadali dahil sa nararamdaman."U-Uhm..." Nakita ko si Ric na nakatalikod malapit sa may pintuan. Parang may kinakausap sa cellphone niya. Nang mapalingon siya sa pwesto ko, agad siyang napangiti at pinatay ang
Bata PaDAHIL sa pang aaway ko sa kanya, umiiwas akong makita siya sa parking lot ng unibersidad na pinag aaralan ko para sunduin ako. Ilang beses ko siyang napansin na naghintay, ngunit hindi ko talaga siya pinansin."Ano ba talaga ang kinakatakot mo? Mawala sayo ang kapatid ko?" mataray na tanong ni Damaris habang kumakain ng popcorn. Nandito siya ngayon sa kuwarto ko. Magli-limang araw na ngayon matapos noong nangyari sa amin ni Ric sa kotse niya.Napalunok ako bago napayuko."Nagsisisi ako. Hindi ko dapat siya pinagsalitaan ng ganoon...""Sagutin mo muna, Lia..."Napaangat ang ulo ko at saka napatingin sa kanya. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo.Sa mga nangyari noong nakaraan, hindi imposibleng may gawin na namang kabakiwan si Bea para makuha si Ric. Hindi na ako makakapayag doon."Ayaw mo bang maagaw ng iba si Ala?" ulit ni Damaris. Napaawang ang labi ko at napag desisyunan na sumagot.Tumango ako. "Alam mo naman na siguro iyong nangyari noon, 'di ba?" sinabi ko."Oo, pero
Maagaw SiyaSERYOSO ba talaga siya?"T-Totoo ba talaga, Alaric? Seryoso ka?" Ilang beses ko ng naitanong ito dahil kinakabahan ako. Ano kaya ang magiging reaksyon ng mama niya? Nagkausap na kami noon noong kaarawan ni Ric, pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko dahil sa isipin na baka galit siya sa akin dahil sa nangyari noon.Hindi ko napigilan si Bea. Naaksidente siya dahil sa akin. Dahil masyado akong mahina."Yes. Of course. Bakit? Ayaw mo ba?" siya, naguguluhan ang tono ng boses. Agad akong umiling at nahihiyang napayuko."G-Gusto...para malaman din kung bakit galit na galit pa rin ang papa mo sa akin..."Tumahimik si Ric. Nakatingin lang siya sa akin nang nangangahulugan. Tinitigan ko rin siya. Nang mapansin ang pagtitig ko rin sa kanya, napangiti siya. Kasunod ang mahinang tawa."Magbihis ka na muna..." sinabi niya. Sumang ayon ako at pumasok na sa kuwarto. Nandito na kami sa apartment. Nasa sofa si Ric nakaupo at naghihintay. Nang natapos magbihis, lumabas na ako ng k
Matapos"DAMARIS...""Wala akong alam. Hindi ako lumabas kagabi, Ala. Maniwala ka. Kasama ko si Mommy sa mansion. Hindi ko alam 'yang mga pinagsasasabi ninyo..." Naguguluhan ako dahil sa tono niyang parang nagsasabi ng totoo. Seryoso ang ekspresyon ni Aris at mukhang wala talagang alam sa nangyayari.Mas lalo akong nagtaka. Kung ganon, sino ang sinasabi ng Jared na iyon? Sino ang lumapit sa kanya?"Pumunta si Lia kagabi sa isang restau. An unknown also sent me these pictures. Itong lalaki ang kasama ni Lia. Kilala mo ba 'to?" Tumayo si Ric sa kinauupuan niya at ibinigay sa kapatid niya ang cellphone niya. Kinuha iyon ni Aris matapos akong naguguluhan na tingnan.Napailing siya. Matapos makita ang mga pictures, ibinalik niya iyon kay Ric at mas lalong umiling."Seryoso ako, Ala. Wala akong alam sa mga yan. Kahit na tanungin niyo pa sila Papa. Magkasama lang kaming tatlo kagabi. We ate dinner and—""Then who did this shit? How dare them? Bakit nila ito ginagawa? Ano ang plano nila? Baki