Share

Chapter 18

UNGOL at mga hakbang ng paa ang naririnig ko sa labas. Inikot ko ang mata ko sa loob ng comfort room dahil baka may makita akong butas na puwedeng madaanan. Hindi naman ako nabigo. May nakita akong sa itaas ng kisame, wala itong harang at mukhang kasya naman ako sa butas. Ang problema na lang ngayon ay kung paano ako makakaakyat. Wala akong makitang puwede kong patungan para makapasok sa may butas.

Kaagad na hinalukat ko ang backpack na hawak-hawak ko na. Hinanap ko ang mga darts, nakita ko naman iyon agad. Isinara ko agad ang backpack at isinabit sa dalawang balikat ko. Limang darts...sapat na ito para makaabot ako sa butas na nasa may kisame ng comfort room. 

Binuksan ko ang zipper ng jacket ko para malaya akong makagalaw. Inilagay ko muna ang darts sa ilalim ng jacket ko at kumuha ng dalawa. Ibinaon ko ang isa sa dingding ng comfort room, at isa naman sa itaas pa kung saan ko ibinaon ang unang dart. Kumuha na naman ako

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status