NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng pinto. Itinakip ko ang unan ko sa tenga ko. Gusto ko pang matulog.
"Ate! Kain na!" rinig kong sigaw ni Kate mula sa labas ng pinto. Napabangon naman ako, ang ingay niya talaga. "Oo na, lalabas na ako. Huwag ka nang sumigaw."
Narinig ko naman ang pagtawa niya mula sa labas kaya napailing-iling na lang ako. Nakalimutan ko ba na sabihin na si Kate ay sixteen years old na pero para pa rin siyang bata kung umasta. Well, mabuti na iyon kaysa puro crush o lovelife ng inaatupag. Pinagsasabihan din naman namin siya kapag sumusobra na ang pagiging childish niya.
Kinuha ko ang cellphone ko bago lumabas ng kwarto. May reply na si Evhon. Evhon ang nakasave sa contacts ko pero Vhon-Vhon talaga ang tawag ko sa kanya. May isa pa, si Vincent, pero Vin ang tawag ko sa kanya.
Close kami since I was in Senior High but slowly, nawala ang communication namin when I graduated in College, and nabalik lang ulit ito this year. Last month ang huli naming communication ni Evhon. Alam niyang uuwi ako this month kaya siguro nagparamdam.
"Bukas, punta ka dito sa bahay. Bring your precious car, and some things na rin. Road trip tayo," pagbabasa ko sa message niya na may kasama pa na tumatawang emoji. Seriously? Precious car talaga? Dapat ako ang magsabi n'on dahil mas asenso siya sa akin.
Napailing-iling na lang ako.
"Mamaya na 'yang cellphone Xanthea, kumain ka na," biglang sabi ni Mama.
Itinabi ko naman ang cellphone ko at tumingin sa may bintana ng kusina. Madilim na pala? Ang bilis naman. Lunch time nang dumating ako dito kanina. Natulog lang ako, may nagbago na.
"Mama, may road trip po kami nina Vhon, at Vincent bukas. Dadalhin ko iyong pulang kotse." May pula kaming kotse, at may van rin kami dito sa bahay. May sasakyan din ako na nasa Japan. Upgraded ang mga kotse sa Japan kaya maganda talagang gamitin iyon.
"At kailan naman kayo uuwi?" tanong ni Papa.
"Ewan, basta hindi rin po kami aabot ng isang taon sa road trip namin."
"Oh sige basta mag-iingat lang kayo. Magulo ang mga nangyayari ngayon. May balita na may nangyayaring hindi maipaliwanag sa bandang Luzon. Hindi masabi kung saan sa Luzon," paalala ni Papa. Tumango lang ako.
"Saan niyo naman po nakuha ang balit?" tanong ko.
"Sa telebisyon kanina lang. Pinaiingat ang mga tao. Huwag na lang kayang ituloy ang gala niyo?"
"Pumayag na ako Papa e. Don't worry, mag-iingat naman ako," paninigurado ko para hindi na sila mag-alala.
"Mamaya na kayo mag-usap. Kumain muna kayo," sabi naman ni Mama. Hindi na kami nagsalita pa ni Papa.
Ano kayang meron? Hindi ako nakapanood ng balita simula noong bumiyahe ako papunta dito.
"Kate, hugasan mo ang mga pinggan pagkatapos kumain," sabi ni Mama dahilan para tumawa ako ng mahina.
"Ang daya, ako na naman? Si Ate kaya ang pahugasin niyo, matagal na rin siyang hindi nakahugas e," pagmamaktol ni Kate.
"Ano ka ba bunso, Ate mo ako. Saka napagod talaga ako sa biyahe e. Ikaw na ang bahala ah? Sige good night." Tumayo ako at dumeretso sa kwarto. Napatawa naman ako sa reaksiyon ni Kate nang sabihin ko iyon.
Hinanap ko ang laptop ko sa maleta at umupo sa kama. Nilo-locate ko sina Justin, at Jasmin, magkapatid silang dalawa. Nagtext kasi sa akin si Jasmin na nasa Pilipinas daw sila. Kasama ko sila sa trabaho at gusto ko sanang malaman kung bakit sila nandito sa Pilipinas. Sa pagkakaalam ko ay may trabaho pa sila sa Japan kaya bakit sila nandito sa Pilipinas?
Mga ilang minuto lang ay napahiga ako sa kama dahil hindi ko sila mahanap. Sa mga ganitong sitwasyon ay baka nga may nangyayaring hindi maganda. Posibleng naputol ang linya kaya hindi ko sila mahanap.
Hindi ko rin sila matawagan sa cellphone. Nakapagtataka naman. Siguro, iba lang talaga ang signal dito sa Pilipinas kesa sa Japan. Napabuntong hininga na lang ako. Bukas ko na lang ulit gagawin ito dahil lumalalim na rin ang gabi. Ipapahinga ko na muna ang katawan ko. Nabitin talaga ako sa tulog ko kanina e. Ipinikit ko ang mata ko at tuluyan na akong hinila ng kadiliman.
NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na nagmumula sa labas. Tiningnan ko ang orasan na nakadikit sa may dingding ng kwarto. Alas-otso na ng umaga. Bumangon ako, at lumabas na ng kwarto. Nakita ko ang kapatid ko sa sala na nanonood ng korean movie. Napailing-iling na lang ako at saka tinungo ang kusina. May nakahanda ng almusal doon.
"Ate! Umalis sina Mama at Papa. Sabi nila mag-ingat ka raw sa road trip niyo!" sigaw ni Kate mula sa sala. Oo nga pala, may road trip kami nina Vin at Vhon. Tiningnan ko ang orasan sa may dingding ng kusina, mahaba pa ang oras.
Umupo ako sa may upuan at kinain ko ang egg and bacon na nasa mesa. Mukhang si Mama ang nagluto nito.
"Alam mo ba kung saan nagpunta sina Mama at Papa?" tanong ko kay Kate. Maririnig niya ako dahil hindi naman gaano kalayo ang sala sa kusina.
"Bumili yata ng groceries Ate," rinig ko namang sagot niya. Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay bumalik agad sa kwarto para mag-ayos ng sarili at mag-ayos ng gamit na dadalhin ko sa road trip. Saan kaya puwedeng pumunta?
BACKPACK lang ang dinala ko. May konting gamit at dala ko rin ang laptop ko. Hindi ko iniiwan ang laptop ko dahil kailangan ko ito sa kahit anong oras o lugar. Pagkatapos magbihis ay kinuha ko ang backpack ko at tinungo ang garahe. Hindi na ako nagpaalam sa bunso kong kapatid dahil busy siya sa panonood ng korean drama. Mabuti na iyon kaysa gumala siya kung saan-saan.
Binuksan ko ang garage namin, at sumakay sa pulang kotse. Bago ako umalis ay sinara ko muna ang gate saka pinaandar na naman ang kotse papalayo sa bahay namin.
Hindi masyadong nag-aalala sina Mama at Papa kapag umaalis ako dahil may tiwala sila sa akin. Malaki na ako kaya alam nila na alam ko kung ano ang pinaggagawa ko sa buhay. Hindi rin naman ako gumagawa ng mga bagay na ikakasira ko... depende.
For many years, makikita ko na naman ang dalawang kaibigan ko. Ano na kayang mga hitsura ng mga iyon? Mas lalo kaya silang pumangit? Nakita ko na ang mga pictures nila sa social media. Iba pa rin sa pictures kapag kaharap mo na.
FINALLY!I'M VERY GLAD AND HAPPY FOR EVERYONE WHO SUPPORTS AND READ THIS STORY 'TILL THE END. I REALLY APPRECIATE IT GUYS!THANK YOU SO MUCH FOR YOUR PATIENCE, SUPPORT, AND COMPLIMENTS. MANATILI SANA KAYONG LOYAL SA AKIN! :)SEE YOU IN MY NEXT STORIES!THE Z-VIRUS: SEEKING FOR CURE IS NOW AVAILABLE ON SHOPEE! GRAB A COPY NOW!!!HERE'S THE LINK! ENJOY!https://shopee.ph/The-Z-Virus-Seeking-for-Cure-P.I.R.M-Paperback-i.264837039.11802283424You can also visit the 8letters page or their bookshop to avail it. Thank you for reading this story 'til the end! I really appreciate it! Have a blessed day everyone! :)You may also follow me or interact with me with my social media accounts:IG: itz_pirmWATTPAD: Itz_PirmFACEBOOK: Itz Pirm WPGMAIL: PerfectionInRedzMystery@gmail.com
"SALAMAT sa lahat, Davin. I am thankful for everything. No matter what happen, our memories together will remain forever," mahinang sambit ko habang nakatingin sa puntod na nasa harap ko.Tiningnan ko ang white rose na hawak-hawak ko. Lumuhod ako at inilagay ang puting rosas sa harap ng puntod."Salamat dahil binuhay mo ang isang Davin. I know, you are proud of him," sabi ko ulit habang nakangiting tiningnan ang puntod."She's happy to meet you. Finally, may naipakilala rin akong babae sa Mom ko — babaeng alam kong hindi ako iiwan kailanman.""Korni masyado, Davin," sabi ko habang hindi siya tinitingnan.Aliana Fernandez — ang nakalagay na pangalan sa puntod na nasa harap ko. Siya ang Mom ni Davin. Namatay siya dahil pinatay ng kaaway ng Dad niya pero nabigyan naman iyon ng hustisiya."Si Justin ang nagturo sa akin no'n. Sabi ko na nga ba, masyado
"ANG virus na kumalat sa Pilipinas ay naagapan na. Ang mga infected ay nabigyan na ng lunas. May lunas para sa mga infected at mayroon ding bakuna para sa hindi infected—para hindi sila makagat o lapitan ng infected. Ang taong nagnakaw at nagpakalat ng virus na si Terace Wright ay napatay ng mga sundalo matapos nitong tangkaing patayin ang dalawang Private Agent. Sinasabing ang dahilan ng pagpapakalat ng virus ni Terace Wright ay dahil gusto niya na pag-ekspermintuhan ang tao. Ninais nitong patayin ang buhay at buhayin ang patay. Natagpuan ng mga sundalo ang bangkay ni Ferdinan Remidez na sinasabing kapatid ni Wright na unang nagpakalat ng virus sa Pilipinas. Ang bangkay nilang dalawa ay nasa pangangalaga na ng nga awtoridad. Nasa pangangalaga na rin ng international hospital ang dalawang nasabing Agent na may malaking naitulong sa paghahanap ng cure. May isang grupo ang isa sa mga Agent na tinuturing nang bayani ng lahat. Nanatiling pribado ang kanilang pagkatao. Makikilala r
NAGSIMULA na kaming maglakad. Alam naman ni Mr. Fernandez ang daan palabas dahil ilang beses na siyang nakalabas-pasok dito. Mabuti naman dahil kung hindi ay mahihirapan kaming makalabas at matatagalan din kami.Sa bawat infected na humaharang at sumusugod sa amin ay binabaril naman namin iyon ni Mr. Fernandez. Marami-rami rin ang sumugod sa amin dahilan para maubusan kami ng bala ng baril. Agad na tinapon ko ang baril na hawak ko dahil wala na itong bala.Bigla naman akong napayuko nang mawalan ng balanse si Davin. Agad na nilingon ko siya. Kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng lila na may kasamang itim na ugat papunta sa leeg at mukha niya."D-Davin..." tawag ko sa pangalan niya nang unti-unti niyang pinikit ang mata niya."I'm o-kay. L-Leave me... n-now," mahina at nakpikit niyang sabi."We don't have some time for your dramatic words, Davin. Tumayo ka, walang
TININGNAN ko ang naghihingalong si Evhon. Naikuyom ko ang kamao ko kasabay no'n ang pagpatak ng luha sa mata ko. Napailing-iling ako nang makita ang isang ngiti sa labi ni Evhon."T-Tama na ang ikalawang buhay na n-naibigay mo sa akin noon. M-Masaya ako sa lahat-lahat ng nangyari, Xanthea. I-Ipinapaubaya ko na ang lahat sa'yo."Humakbang ako palapit sa kanya at lumuhod sa harap niya."Mabubuhay ka—" Pinutol niya ang sasabihin ko."K-Kailangan ka n-nilang lahat. T-Tulungan mo s-sila..."Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang hawakan niya ang kamay ko kung nasaan ang cure. Nakita ko ang bibig niya na may lumalabas ng itim na dugo. Napahikbi na lamang ako. Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko at itinutok iyon sa braso ko."I'm sorry..." tanging sabi ko bago mahigpit na hinawakan ang injection at mabilis na itinarak sa leeg ni Evhon. Ang m
"I have no other choice," pabulong na sabi ko. Inangat ko ang dalawang kamay ko na may hawak na baril at itinutok iyon sa padlock ng kulungan ng mga infected. Mahigpit na hinawakan ko ang baril na hawak ko bago pinaputukan ang padlock ng kulungan. Hindi naman ako nabigo—nabaril ko ang tatlong may kalakihang padlock ng kulungan.Nagsilabasan lahat ng mga infected. Bago pa sila tuluyang makalabas sa kulungan ay kaagad na binuksan ko ang pinto ng kwarto. Hinigpitan ko ang hawak ko sa doorknob at hinila ito papalapit sa akin para maitago ko ang sarili sa likod ng pinto.Ungol, sigaw, at putok ng baril ang narinig ko pero nanatili lang ako sa posisyon ko. Ilang sandali lang ay nakarinig ako ng malakas na tunog ng alarm. Agad na umalis ako sa posisyon ko at mabilis na lumabas ng kwarto.Bumungad sa akin sa hallway ang mga sundalong namimilipit sa sakit dahil kinakagat sila ng mga infected. May ibang sundalo r