Share

Chapter 21

"ITATABI ko na ang van," sabi ni Justin. Binuksan ni Davin ang bintana ng van kaya sumilip ako. May nakita naman akong malaking mansiyon sa harap namin. Kulay puti iyon at kung titingnan ng mabuti ay may dalawang palapag ang bahay. May kulay itim din itong  gate.

"Papasok kami, dito lang kayo," sabi ni Davin bago lumabas ng van. Hindi naman ako umangal pa, at nanatili na lang sa van. Sina Sebastian, Justin, at Davin ang pumasok sa loob ng bahay para tingnan kung wala bang infected.

Naghintay lang kami sa van. Lumipas ang ilang minuto ay bumalik rin naman ang boys, at saka kami pumasok sa loob ng mansiyon. Walang daw tao sa loob kaya safe kaming magpalipas ng gabi doon. 

Sabay kaming lahat na naglakad papasok sa mansiyon habang ang van naman namin ay nasa harap lang ng gate. Medyo malayo ang kinaroroonan namin sa siyudad. Parang nasa gitna kami ng malawak na palayan. Mukhang ligtas naman dito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status