Share

Kabanata 07

last update Last Updated: 2025-02-17 23:14:29

Gusto niyang matawa ng pagak. Still arrogant despite knowing she already handed over her resignation letter?

O, ganoon na ba talaga ito kawalang pakialam sa kaniya na kahit ipinasa na ni Calix ang resignation niya ay hindi man lang nito natandaan iyon?

Pero kahit pa hindi nangyari ang insidenteng ito, aalis na naman talaga siya oras na may makahanap nang papalit sa kanyang posisyon.

What's the point of correcting him? Wala ngang pakialam sa kaniya ang lalaki.

Wala ring saysay ang anumang magiging paliwanag at pagtatanggol niya sa kaniyang sarili.

Kaya tahimik na lang niyang hinawakan ang tray at tuluyang umalis.

Bago siya lumabas ng silid, narinig pa niyang malumanay na inaalo ni Wendy si Sebastian.

"Sige na, Seb, hindi ko naman iniisip na sinadya niya iyon. Don't be mad anymore..."

Bumuntong-hininga na lang si Trixie.

Sa pantry, itinapon ni Trixie ang natitirang kape, saka hinugasan ang napasong daliri sa ilalim ng gripo. Kinuha niya ang ointment mula sa kanyang bag at tila sanay na sanay itong ipinahid sa sarili.

Ngayon, marunong na siyang magluto at gumawa ng kape. Pero bago pa siya ikinasal kay Sebastian, ni hindi siya marunong sa gawaing bahay dahil hindi siya lumaking inaasikaso ang sarili. Lagi kasing nandiyan ang mahal na mahal niyang Lola. Spoiled din siya dito dahil sila ang mas madalas na magkasama sa bahay.

So, marrying Sebastian took a 360 degrees turn on her life. Dahil matapos niyang mapangasawa si Sebastian, dahil dito, at para sa kanilang anak, natutunan niya ang lahat ng gawaing bahay.

Naglaan siya ng maraming oras at pagsisikap. Mula sa mga palpak na subok hanggang sa perpektong resulta.

Siya lang ang nakakaalam kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya. Maging sa ina ay hindi niya ipinapaalam ang kaniyang mga karanasan dahil natatakot siya sa magiging epekto nito sa ginang.

At ang ointment sa kanyang bag? Kaya lang naman siya prepared at palaging mayroon noon ay dahil isa siyang ina na maalaga sa anak. Hindi niya ito inaalis sa bag dahil malikot na bata si Xyza, palagi itong may gasgas mula sa paglalaro noon kaya nasanay na siya.

Pero mula nang umalis sina Xyza at Sebastian papuntang US, bihira na niyang nagamit ang mga gamot na dala-dala niya.

Mabuti na lang at hindi pa ito expired.

Matapos gamutin ang sarili, pinigilan ni Trixie ang sakit na para bang tinutusok ang kanyang puso. Bumalik siya sa kanyang mesa at ipinagpatuloy ang trabaho, mariing inaalis ang eksenang kanina lang ay nasaksihan niya sa opisina ng asawa.

She can't be distracted now. Her only goal is to resign and live a new life.

Far from her family.

Far from heartaches.

Habang inaayos niya ang mga papeles, bigla niyang narinig ang bulungan ng mga kasamahan.

"Narinig mo na ba ang chismis? Dumalaw daw ngayon sa kumpanya natin ang girlfriend ni Mr. Valderama!"

"Girlfriend? May girlfriend na si Mr. Valderama? Sino naman? Mayaman ba? Maganda ba?!"

"Hindi ko alam ang background niya, pero sabi sa front desk, galing din daw iyon sa mayamang pamilya. Sobrang ganda daw, at may eleganteng aura! Sabi pa nila, bagay na bagay daw yung dalawa nung magkatabi!"

Masiglang nag-uusap ang dalawa, pero nang makita nilang tumayo si Trixie ay bigla silang natahimik. Naalala nilang may meeting sila kasama si Trixie, kaya dali-dali silang lumapit sa kanina pa tahimik na babae.

"Let's go. Trabaho muna, mamaya na ‘yang chismis."

Alam na alam ni Trixie na ang tinutukoy nilang girlfriend ni Mr. Valderama ay walang iba kundi si Wendy.

Pero wala siyang ipinakitang reaksyon. Tahimik siyang naglakad palabas ng opisina at sumabay sa dalawa na mahinang nagkukukwentuhan pa rin kahit nang papunta sa elevator. Hinayaan na lang niya ito.

Mas nakakagana raw kasing mag-trabaho kapag may kasamang chimisan, ayon sa ilan.

Paglabas nila sa elevator, patungo na sana sila sa meeting room nang makita nilang makakasalubong nila si Wendy Bolivar kasama ang apat na senior executives ng kumpanya.

Napapalibutan si Wendy ng apat na kilalang executives, at bakas sa kanilang mga mukha ang pagiging maingat, masunurin, at tila ba inaalalayan pa ang babae nang todo. Kulang na lang ay maglatag ng red carpet ang mga ito sa nilalakaran ni Wendy.

Mga ipokrito.

Hindi iyon maiwasang maisip ni Trixie dahil sa nakikitang special treatment mula sa mga ito.

Ngumiti si Wendy. "Nakakahiya naman, baka napapagod na kayo sa paglibot ko dito sa kumpanya?"

Kapansin-pansin ang suot ni Wendy na unang tingin ay alam mong branded lahat. At ang bawat kilos pa niya ay mahinhin at akala mo'y isang babasaging kristal.

But Trixie knows that these are all part of her façade.

This woman is certainly a wolf on a sheep's clothing.

Magalang ang tono nito sa mga executives, pero para bang kung ituring niya ang kaniyang sarili ay siya na ang may-ari ng kumpanya.

Pansin ni Trixie na ang paggalang nito ay may halong distansya, tila ba itinuturing ni Wendy na mga tauhan lang niya ang mga executives.

Napangiti nang pilit ang isa sa mga executives sa napuna ni Wendy.

"Dahil sa relasyon mo kay Mr. Valderama, trabaho lang naman namin ang samahan ka. Napakagalang mo naman, Miss Bolivar."

"Yes, he's right, " dagdag pa ng isang executive.

Habang nag-uusap sila, napansin nilang makakasalubong nila papunta sa elevator ang grupo nina Trixie. Kahit hindi naman nakaharang sina Trixie, kusang lumayo pa rin ang mga ito para bigyan sila ng daan. Pero agad na sumimangot ang isa sa mga executive.

"Ano ba naman 'yan! Hindi niyo ba tinitingnan ang dinadaanan niyo? Paano kung nabangga niyo si Miss Bolivar? Wala ba kayong modo?!"

Ang dalawang kasamahan ni Trixie ay napaatras ng dalawang hakbang at halos dumikit na sa pader habang pasimpleng sinisilip si Wendy.

Nakita rin ni Wendy si Trixie.

Ngunit agad siyang umiwas ng tingin, halatang hindi siya pinapansin para ipakita ang pagkakalayo ng estado nila ngayon.

Hindi na sumagot ang sinuman kina Trixie kaya matapos makalampas sa mga ito, pumasok na sila sa elevator habang napapalibutan ng mga senior executives si Wendy.

Nang tuluyang magsara ang pinto ng elevator, huminga nang maluwag ang dalawang kasamahan ni Trixie at muling nagsimulang magchismisan.

"Siya na siguro ang girlfriend ni Mr. Valderama, ‘no? Grabe, ang ganda niya pala talaga! Puro mamahaling brand pa ang suot. Ang mahal siguro ng mga 'yon, ano? Talagang mayaman siguro ang pamilya niya! Ang elegante niya rin tingnan kaya ang lakas ng dating. Feeling ko pa kanina habang sinisilip ko siya, parang ibang-iba siya sa ating mga ordinaryong tao!"

"Ang dami mong side comment pero tama ka. Oo nga, nakakatakot siguro mapunta sa bad side nun!"

Habang nag-uusap ang dalawa, bigla silang napatingin kay Trixie at maingat na nagtanong, "Trixie, anong masasabi mo tungkol sa girlfriend ni Sir Seb?"

Ibinaling ni Trixie ang tingin sa sahig at mahina niyang sinabi, "Agree ako sa lahat ng sinabi niyo."

Si Wendy ay anak sa labas ng kanyang ama.

O marahil, hindi na tama na tawaging anak sa labas si Wendy.

Parang mas angkop pa ngang itawag kay Trixie ang bansag na iyon kahit siya ang unang anak ng ama.

Dahil noong walong taong gulang pa lamang siya, pinilit ng kanyang ama na makipag-divorce sa kanyang ina upang pakasalan ang ina ni Wendy.

Ginawa niya ito para raw hindi maramdaman nina Wendy ang kawalan ng ama at hindi sila mamuhay sa anino ng kahihiyan.

Trixie's life became completely a laughing stock, but she managed to move on and live her own life. Dahil ito sa mga taong patuloy na umaagapay sa kaniya.

Matapos ang hiwalayan, tumira siya kasama ang kanyang lola at tiyuhin, kasama rin niya ang kanyang inang nagkaroon ng sakit sa pag-iisip dahil sa ginawa ng kaniyang ama noon.

Lumipas ang mga taon, unti-unting bumagsak ang negosyo ng kanyang tiyuhin, samantalang patuloy namang umunlad ang negosyo ng pamilya Bolivar.

Sinasabi na upang mapunan ang mga pagkukulang sa kabataan ni Wendy, walang alinlangang ginugol ng kanyang ama ang lahat ng oras, atensiyon at kayamanan upang mabigyan ito ng pinakamagandang buhay.

Walang katapusang yaman ang ginastos ng tatay niya para sa pag-aaral ni Wendy at paghubog dito.

At hindi naman binigo ni Wendy sa ang ng lahat, naging magaling ito sa napiling larangan at naging kahanga-hanga siya.

Ngayon, ang dating anak sa labas na si Wendy ay opisyal nang legitimate na anak ng isang kilalang negosyante.

Sa loob ng mahigit sampung taon bilang isang mayamang dalaga, mas nagkaroon pa siya ng ugaling pang-mayaman kaysa sa tunay na anak.

Akala ni Trixie, matapos ang kanilang pagkabata, hindi na muling magtatagpo ang landas nila ni Wendy.

Ngunit tila paborito si Wendy ng tadhana. Noong nagsabog ng swerte sa mundo, nakuha lahat iyon ni Wendy.

Lumaki silang magkasama ni Sebastian, that's why they grew close together. She is living her content life noong sila na ni Tres, which is what he usually call him back then, at nagpa-plano na nga sa future.

Ngunit isang buwan bago sila ikasal ni Tres, bigla na lang sumulpot sa mga buhay nila si Wendy at nagpresenta na kuhanin daw siyang bridesmaid sa kasal.

It was a harmelss request kaya naman para hindi na umabot sa pangingialam ng ama kapag hindi nakuha ang gusto ng paboritong anak, pumayag na lang si Trixie sa gusto nito.

"Trixie, ayos ka lang ba?"

Nang mapansin ng dalawa niyang kasamahan na namumutla ang kasamahang si Trixie, agad silang nag-alala.

Nagising si Trixie mula sa kanyang malalim na pag-iisip at agad na ngumiti nang bahagya sa concern niyang mga ka-trabaho.

"Yeah. Ayos lang ako."

Malapit na silang mag-divorce ni Sebastian.

Kahit sino pa ang mahalin nito, wala na siyang pakialam roon.

At pinanindigan niya nga kaniyang bagong pangako sa sarili. Nang sumunod na oras ng araw na iyon, hindi na niya inisip pa sina Sebastian at Wendy.

Nag-overtime siya hanggang halos alas-nuwebe ng gabi.

Habang tinatapos ang huling gawain, biglang tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag ang matalik niyang kaibigan na si Racey Andrada.

Out of her friends sa circle nila nina Charina noon, kay Racey na lang siya may constant communication hanggang ngayon.

Pagkasagot niya sa tawag, nalaman niyang nakainom nang sobra si Racey at kailangan niyang puntahan ito sa hotel upang ihatid pauwi.

Mabilis niyang inayos ang natitirang dokumento, kinuha ang susi ng sasakyan, at umalis na ng kumpanya.

Makalipas ang dalawampung minuto, nakarating siya sa sinabi nitong hotel and restaurant.

Pagkababa ng sasakyan, didiretso na sana siya sa pintuan nang biglang may lumabas na isang batang babae mula sa parking lot sa kabilang panig.

Napatigil siya sa paghakbang nang makilala kung sino ito.

Is her eyes playing tricks with her?

Bakit nakikita ng dalawa niyang mata si Xyza Kollin? Ang anak niya na dapat ay nasa America ngayon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (291)
goodnovel comment avatar
Alma Miranda Mallari
stop na ayaw ko na magbasa bye na mga ka readers I recommend na basahin Ang the fifth wife Mr x Mafia boss pretty sure mawawala stress nyo drama comedy romance Hindi api Ang bida si apol nakakatawa nakakakilig continue lang Ang story ang galing nang author taba nang utak
goodnovel comment avatar
Alma Miranda Mallari
Ang dami mo readers na naiinis tuwa tuwa ka nman author
goodnovel comment avatar
Alma Miranda Mallari
ano ba yan bumalik sa umpisa kainis. nakkaumay na nga Ang kwento ganyan pa nangyari dami ads bago ma unlock ubos na Oras sakit sa ulo...........
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 323

    Habang ang mundo ni Sebastian ay muling gumuguho sa galit at panibagong takot, sa kabilang dako ng lungsod, kung saan ang langit ay tila mas tahimik, kung saan ang mga ulap ay mabagal na lumulutang sa bughaw na kalangitan at ang simoy ng hangin ay may halong amoy ng antiseptic at damo… naroroon ang isang lugar na tila nalimutan na ng ingay ng mundo. Ang sanataorium kung saan kasalukuyang tahanan ni Mary Loi Salvador, isa iyong pribadong institusyong sumisilong sa mga nawalan ng sarili nilang liwanag.Sa looban ng gusaling iyon, sa isang bahagi ng garden na may lumang bangkong kahoy sa lilim ng isang namumulaklak na camia tree, tahimik na nakaupo si Mary Loi.Ang hangin sa hardin ng sanatorium ay malamig at maaliwalas, may mga ibong nagliliparan at ang mga halamang gumagapang sa mga pader ay tila nakikiisa sa katahimikang bumabalot sa paligid. Ngunit kung may isang bagay na hindi karaniwan, iyon ay ang presensiya ni Mary Loi Salvador, ina ni Trixie, na hindi gaya ng dati.Malalim ang

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 322

    “... na hindi raw pala anak ni Mr. Bolivar si Ma’am…”Biglang humigpit ang pagkakakuyom ni Sebastian sa kanyang kamao.The fucking nerve.Mateo Bolivar. That bastard.Just to what extent are you going to scar my woman? I’ll surely make you rot in hell!And that woman. Ang kabit niya. The very same people who have been trying to destroy Trixie piece by piece.Napadiin siya ng pindot sa elevator button, halos mabutas na nga ito. Faster, faster, faster.Pagbukas ng elevator doors mabilis ang bawat hakbang ni Sebastian. At nang makarating siya sa tamang floor, hindi na siya tumigil para huminga. Diretso ang lakad niya patungo sa alam niyang cubicle rito ng babae. Malalaki, mabibigat, puno ng apoy at tensiyon ang bawat hakbang na iginagawad niya. Hanggang sa makarating na siya sa cubicle ni Trixie pero wala roon ang babae.Ang ibig sabihin lang noon—Nasa loob siya ng opisina ni Casper.Dahil sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng biglaang sakit, isa lang ang pinupuntahan ng asawa niya.S

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 321

    “Sir?” tanong ulit ni Yuan, maingat. “Do we execute full media release that finally they will be behind bars this evening? Or should we wait until they’re in custody?”“No,” matigas na sagot ni Sebastian. “We release it before their arrest. Let the world know what kind of monsters they are. I want the public opinion to crush them even before the law does.”Yuan nodded. “Understood, Sir. The media outlets are on standby. Do you want to notify Ma’am Trixie?”Nanahimik si Sebastian. Tumayo siya mula sa kanyang upuan at tumingin sa bintana ng opisina.“Hindi pa,” aniya. “Not until she sees them in handcuffs.”Because no amount of flowers, sweet gestures, or apologies could ever erase the scars those people gave her.But justice?That… that is the kind of gift only he could give her.Saglit siyang napatingin sa picture frame sa kanyang mesa. Larawan nila ni Trixie iyon, kuha sa isang gala night bago pa sila tuluyang maghiwalay.She was smiling back then. But behind that smile, Sebastian kn

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 320

    Matapos ang ilang araw ng matamis na pagkukunwari sa bansang Hong Kong kasama ang kanyang pamilya, sa wakas ay nakatapak muli si Sebastian sa tunay niyang teritoryo… ang mundo ng kapangyarihan, ng galit, at ng kontrol.Pagkababa ng eroplano, wala nang patumpik-tumpik pa at wala nang inaksayang sandali si Sebastian Valderama. Matapos ihatid sina Xyza at Yanyan sa kanilang tahanan na may mga kasamang yaya’t guwardiyang handang umalalay, dumiretso na siya sa headquarters ng Valderama Group of Companies. Naka-pressed navy blue suit siya, walang bahid ng saya ang ekspresyon ng mukha. Bukod sa namamayaning emosyon ng pagseselos kagabi pa, busangot sa buong biyahe ang lalaki. And other than that, this wasn’t just any business day for Sebastian Valderama.Today was judgment day.Wala pang isang oras mula nang makabalik siya sa bansa ngunit alam niya, the clock was ticking, pabor sa kaniya… sa kanila.Sa loob ng sasakyan, tahimik lamang siyang nakatingin sa labas. Ngunit sa ilalim ng kanyang

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 319

    Hindi pa man tuluyang nagsasara ang pintuan ng opisina ni Casper ay para bang bumagsak na ang buong mundo ni Trixie. Nanghihina siyang napaupo sa mahabang leather sofa sa receiving area, ang mga balikat ay tila dinudurog ng bigat ng mga katagang kanina lamang ay ibinuga ng lalaking minsan niyang tinawag na Daddy.Hindi niya na kayang tumayo. Hindi niya na kayang magsalita.Nanginginig ang kanyang mga daliri habang pilit na kinukumpas ang dibdib na parang may mabigat na batong hindi maialis. Napakagat rin si Trixie sa kaniyang labi.Napatungo ang babae, mariing kinuyom ang kanyang mga palad sa tuhod, habang pinipigilan ang sariling huwag tuluyang humikbi. Ang buong lakas niya ay parang iniwan siya sa harapan ng maraming tao sa lobby kung saan siya nilapastangan ng kabit ng kanyang ama, at higit sa lahat, kung saan siya itinakwil nito.Tumango si Trixie, marahan. Waring pinapakalma na lamang ang saril. Pero wala sa tono ang tugon. Hindi ganti ang nasa isip niya ngayon. Hindi ang husti

  • The Zillionaire's Abandoned Wife   Kabanata 318

    Nanigas si Trixie. Hindi siya makagalaw. Ang dibdib niya’y tila pinukpok na ngayon ng martilyo.Walang gumalaw. Walang umimik.Kahit si Precy ay napatingin sa kanya upang siguro ay tingnan ang reaksiyon niya at iguhit ang isang ngiti ng satisfaction ng pagkapanalo."Ano…?" mahina niyang tanong. "Anong... sinabi mo?" bulong ni Trixie"I said," ulit ni Mateo, halos sumisigaw, "You were never mine. Your mother cheated on me. At hindi ko kailanman tinanggap ang pagkatao mo. And now you stand there, parang may karapatan ka sa lahat ng mga ‘to? Kalayaan at kayamanan? How could you, when your mother deprived me of that for years! Nagsimula lang akong totoong sumaya nang makasama ko na si Wendy at Precy, because they were my true family."Lalong natahimik ang lahat sa bulgaridad na iyon. Walang ni isang makapagsalita. Ilang mata ang napapikit, habang ilang bibig ang napamura ng mahina.Trixie’s hands started to shake. Hindi dahil sa takot—kundi sa poot. Sa panghihina. Sa pagkawasak ng isang i

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status