This chapter is dedicated to Najssuzy. Thank youu so much for reading my work and leaving your heartfelt comments! I appreciate it so much po🩷
“Unbelievable, I saw him sa hallway eh!”That statement made Trixie stunned for a bit. Halos mamilog ang mata ni Trixie.“You saw him? Are you sure? When?” tanong ni Trixie, tila hindi makapaniwala.Tumango si Racey. “Oo. Kasalubong ko. I even said hi pero hindi niya ako pinansin. He seemed so lost in his own thoughts. But nagmamadali rin siya, at the same time actually. Ang weird talaga niyang ex mo kahit kailan. He’s so unpredictable! Ayaw ko sa ganiyang guy… But come to think of it, hindi ko rin alam kung bakit pinatulan ko ang asungot na ‘yon,” bulong bulong ni Racey sa kaniyang huling pangungusap. Dahil mahina ang huling mga kataga, nagtatakang tinanong ni Trixie ang binubulong ni Racey. “What are you mumbling to yourself there, Ray?”“Uh, no. It’s n-nothing!’ mabilis na sagot ng babae.Racey looked a caught cat now, na mabilis iniiling ang ulo. And wait, is she blushing? Highschool?Agad na ring tumahimik si Trixie dahil alam niyang mahirap mapaamin ang kaibigan ngayon. Is
Samantala, sa kabilang sulok ng Astranexis main tower, humahangos na binabagtas ni Racey Andrada ang kahabaan ng hallway papunta sa opisina ni Casper Yu. Halos hindi siya huminga sa bilis ng kaniyang hakbang, tila lumilipad na nga ang manipis niyang stilettos sa marmol na sahig, dala-dala ang mabigat na kaba sa dibdib. Bitbit ang phone na hindi na niya naibaba pa mula nang matanggap ang balitang may nangyaring hindi maganda kay Trixie. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba, at bagamat kilala siyang palaban at maingay sa media, ngayon ay isa lamang siyang kaibigang natataranta at halos humagulhol sa takot.“Attacked? Si Trixie? Paano? Bakit?” sunod-sunod ang tanong sa utak niya habang aparato na may hindi pa tuluyang naisasaradong message notification.Hindi na siya kumatok nang marating ang opisina ni Casper. Sa halip, bigla na lamang niyang binuksan ang pinto, at ang unang tanaw niya ay si Trixie, nakaupo sa sofa, namumugto ang mga mata at bahagyang nakasandal sa tabi ni Casper, na til
Magaan ngunit kinakabahan ang dibdib ni Nurse Skylei habang tinutulak ang wheelchair ni Mary Loi Salvador pabalik sa silid nito. Bumibigat ang bawat hakbang niya, kahit ang gulong ng upuan ay dumadaan lamang sa pulidong hallway. May bahid ng kaba ang bawat paghinga, dahil alam niyang ang isang saglit na pagbalik ng katinuan ay maaring magtapos sa isang malupit na pagbagsak.I hope this is just another episode. As much as I want to continue taking care of her, she is needed by her daughter too, bulong ng isip niya.Ngunit sa kabila ng pangambang iyon, hindi niya mapigil ang pagpitik ng pag-asa sa puso. Kasi matagal na siyang umaasa.. Sa looob ng tatlong taon na siya ay narito sa sanatorium, tatlong taon na rin niyang inaasikaso si Mary Loi, na kaniyang unang pasiyente at na para na rin niyang tunay na ina.Sa loob ng panahong iyon, tila hindi man lang gumalaw ang mundo ni Mary Loi. Parang nahinto ito sa isang eksaktong araw na hindi niya masabi kung kailan, isang araw ng pagkawasak.“
Nakahawak si Skylei sa armrest ng wheelchair, pilit na kinakalma ang sarili. “Would you like to tell me something? Do you recognize me? Do you know where you are?”“Ma’am,” patuloy ni Sky, pilit na hinuhuli ang atensyon ng ginang. “Ako po si Skylei, ang nurse ninyo. Matagal na po tayong magkakasama rito. Kanina po, nagsalita kayo. Ngayon po, baka puwede nating ipagpatuloy ‘yon?”“Ma’am… meron po ba kayong gustong sabihin?” tanong ni Sky, halos pabulong.Ngunit wala nang sumunod. Walang tugon.Nanatiling tahimik si Mary Loi. Ang ekspresyon ng kanyang mukha ay hindi na ulol o tulala, kundi seryoso. May lalim. May hinanakit na tinatago.For the past three years, madami nang nakasalamuhang pasiyente si Nurse Sky. From those who seem just lost for a while, to those individuals that looks a hopeless case. And from Skylei’s opinion as a medical professional, what Mary Loi spat out just earlier are already considered good signs of recovery, kaya naman hinihiling niyang makipag-usap muli ito
Habang ang mundo ni Sebastian ay muling gumuguho sa galit at panibagong takot, sa kabilang dako ng lungsod, kung saan ang langit ay tila mas tahimik, kung saan ang mga ulap ay mabagal na lumulutang sa bughaw na kalangitan at ang simoy ng hangin ay may halong amoy ng antiseptic at damo… naroroon ang isang lugar na tila nalimutan na ng ingay ng mundo. Ang sanataorium kung saan kasalukuyang tahanan ni Mary Loi Salvador, isa iyong pribadong institusyong sumisilong sa mga nawalan ng sarili nilang liwanag.Sa looban ng gusaling iyon, sa isang bahagi ng garden na may lumang bangkong kahoy sa lilim ng isang namumulaklak na camia tree, tahimik na nakaupo si Mary Loi.Ang hangin sa hardin ng sanatorium ay malamig at maaliwalas, may mga ibong nagliliparan at ang mga halamang gumagapang sa mga pader ay tila nakikiisa sa katahimikang bumabalot sa paligid. Ngunit kung may isang bagay na hindi karaniwan, iyon ay ang presensiya ni Mary Loi Salvador, ina ni Trixie, na hindi gaya ng dati.Malalim ang
“... na hindi raw pala anak ni Mr. Bolivar si Ma’am…”Biglang humigpit ang pagkakakuyom ni Sebastian sa kanyang kamao.The fucking nerve.Mateo Bolivar. That bastard.Just to what extent are you going to scar my woman? I’ll surely make you rot in hell!And that woman. Ang kabit niya. The very same people who have been trying to destroy Trixie piece by piece.Napadiin siya ng pindot sa elevator button, halos mabutas na nga ito. Faster, faster, faster.Pagbukas ng elevator doors mabilis ang bawat hakbang ni Sebastian. At nang makarating siya sa tamang floor, hindi na siya tumigil para huminga. Diretso ang lakad niya patungo sa alam niyang cubicle rito ng babae. Malalaki, mabibigat, puno ng apoy at tensiyon ang bawat hakbang na iginagawad niya. Hanggang sa makarating na siya sa cubicle ni Trixie pero wala roon ang babae.Ang ibig sabihin lang noon—Nasa loob siya ng opisina ni Casper.Dahil sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng biglaang sakit, isa lang ang pinupuntahan ng asawa niya.S