Nang makaalis si Racey at Casper sa harapan ni Trixie, doon na muling bumuhos ang tindi ng emosyon na kinikimkim ni Trixie dahil nasa harap pa siya ng mga kaibigan. Naroon pa rin ang laptop sa mesa, pero naka-sleep na ito. Nakatitig siya sa repleksyon ng sarili sa salamin ng kaniyang nakapatay na laptop.Mainit ang dibdib ni Trixie. Hindi dahil sa kahihiyang dulot ng balitang kasal, kundi dahil sa galit. Sa pagkadismaya. Sa pagkabigo."Ito na ba talaga?"Dahan-dahan siyang naupo, pinagsalikop ang mga daliri sa ibabaw ng mesa. Nagsalita siya. Mahinang tinig, para bang siya lang ang kinakausap niya, pero buo. Matigas. At puno ng sigla na matagal na niyang inilihim."Ito na ‘yon," bulong niya sa sarili. "Tapos na. Hindi lang basta tapos—ako na ang magtatapos."Tumingin siya sa screen ng phone niya, kung saan naka-pause pa rin ang video ng announcement ni Wendy, proud, smug, parang sinasabing, Ako ang nanalo.Napakagat si Trixie sa loob ng pisngi niya. Hininga. Saka siya tumayo. Buong la
Makalipas ang ilang oras, isang tahimik ngunit emosyonal na tensyon ang bumalot sa buong Astranexis.Tahimik ang buong silid. Ang tanging maririnig ay ang mahinang ugong ng central aircon at ang bahagyang kaluskos ng papalapit na yabag ni Helios sa hallway.Tumigil si Helios sa harap ng glass door ng opisina ni Trixie. Wala siyang dalang bulaklak o tsokolate, ngayon, nagdala lang siya ng sarili. Ngunit huli na siya. Sa loob, nakita niyang hindi na mag-isa ang babae.Sa loob ng opisina, nakaupo si Trixie sa sofa, nakaharap sa laptop screen na monitor. Nandoon pa rin ang freeze frame ng livestream ni Wendy, nakangiti ito habang nakataas ang kamay na may isang magarang singsing na nakasuot sa daliri. “We’re getting married.”Nasa loob si Racey at si Casper, kapwa waring naglalakad sa balat ng itlog habang kinakausap si Trixie, hawak lang ang isang baso ng tubig. Nasa gilid naman niya si Casper, nakayuko ang ulo, halatang nag-iingat sa bawat salitang sasabihin. Sa isang sulok, naglalakad
Hindi na nagulat si Helios. He expected as much. Wendy was capable of this. Gagamitin ang kahit anong impormasyon. She knows where to hit. Kahinaan. Lihim. Bata. Para lang makuha ang gusto niya.Ito ang ginamit niya kay Klaud. Tulad ng ginawa niya kay Sebastian.“She said Trixie was playing him. Na nagsisinungaling si Trixie. She made me forge reports, falsify documents, mga medical, mga technial evidences Para hindi siya paniwalaan ni Sebastian kahit magsalita siya.”“Why didn’t you speak before?” bulong ni Helios.“Because I knew no one would believe me. Everyone thought I was already gone. And I was. I also didn’t want my daughter to die.”Tumayo si Helios mula sa pagkakaluhod. Malamig ang titig, ngunit ang loob niya’y naglalagablab.“You pathetic bastard,” bulong ni Helios. “You let a woman like her destroy another one’s life just to save your secret.”Hapong-hapo si Klaud, pilit na humihingal. Nanginginig ang buong katawan. Ngunit ang huling tinig na narinig niya ay malamig, mas
WARNING!!! Mention of torture. “Nasaan ako? Anong lugar ‘to?! Sino kayo?! Bakit niyo ako dinukot?!”Muling pumapailanlang ang sigaw mula sa tuyong lalamunan ni Klaud Buenavides. Naghahalo ang takot, galit, at desperasyon sa kaniyang tinig. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Halos mamalat na ang kanyang lalamunan sa kakasigaw, tila ba may makakarinig at maaawa sa kanyang kalagayan. Ngunit ang tanging sagot sa kanya ay katahimikan. Walang ibang ingay kundi ang mabibigat niyang hinga at mahinang langitngit ng kahoy sa bawat pihit ng kaniyang katawan.Nakapiring siya, ang itim na tela ay nanlalagkit na sa pinaghalong pawis at luha. Nakakadena ang kaniyang mga kamay at paa sa isang lumang upuang kahoy na animo'y sinadyang ipuwesto sa gitna ng silid para gawing altar ng kalbaryo.Hindi niya alam kung sino ang may pakana nito. Hindi niya rin alam kung dahil ba ito sa Valderama o sa sindikatong tinarantado niya. Sa dami ng putik na nilusong niya bilang private investigator, wala na siyang ideya kung
Halos isang linggo na ang lumipas. Mula nang gabing iyon, hindi na muling pinilit ni Sebastian si Trixie. He thinks she needed that space, and for once in his damn life, he gave her that.Ngunit ang kapalit, ay katahimikang mas lalong nagpabigat sa dibdib niya. Palibhasa’y nasa pangangalaga ngayon ni Trixie si Xyza, wala nang nakapapaalis sa kaniya sa opisina. Nanatili siya sa doon, nagbababad sa trabaho, sinasadyang ubusin ang sarili sa mga papel, kontrata, at proyekto, anumang makakapagpatigil sa tuluy-tuloy na pagbalik ng alaala ng gabing nakita niyang yakap-yakap ni Helios si Trixie. Ilang minuto pa ay pumasok si Yuan. Bitbit nito ang ilang dokumento’t folder, ngunit mas mabilis pa rito ang mga salita sa bibig niya.“Here’s my other report, Sir Seb. I’m telling you this beforehand, congratulations on your engagement, Sir!”Napataas ang kilay ni Sebastian. What the fuck is he saying?“Sir?” Nagkibit-balikat si Yuan, halatang napansin ang reaksyon ng kaniyang boss. “Don’t tell me,
Sa sala ng mansiyon ng mga Salvador, tahimik na nakaupo si Trixie sa tapat ni Lola Angelina habang nakahawak sa baso ng mainit na salabat. May multi ng kahihiyan sa kaniyang mukha habang pinagmamasdan ang matanda.“Apo,” ani Lola Angelina, “kanina ka pa tulala diyan. Kung iniisip mo ang nangyari kagabi ay ayos lang naman daw iyon kay Helios. Napakabait na bata, gustong-gusto ko talaga siya. The way he takes care of you last night, I knew right at that moment that you seemed special to him. Am I right, apo?”Ngunit halip na sagutin ang matanda ay tulala pa rin siya. Hanggang sa parang kidlat na dumaan sa isip ni Trixie ang imahe ng isang lalaking may mahigpit na hawak sa kaniyang baywang habang siya ay tumatawa nang malakas. Sumunod doon ang eksenang halos bumagsak siya at may malakas na bisig ang sumalo sa kaniya.“Oh my god…” mahinang bulong niya, sabay takip sa bibig.Nagpatuloy si Lola Angelina, “Ano apo? Naalala mo na ba ang lahat? Kung paanong umiiyak ka, tapos tawa ka na naman