‘He begged us, while kneeling for hours.’ That occurred to Trixie a little while. Totoo ba ang narinig niya?But, no! She needs to stand his ground. There was a pause on the other end before Tito Shaun finally admitted it. “It’s about Sebastian.”Her breath caught.Another sigh came from the other end. “He came to us, Trixie. Drunk. Completely out of his mind.”Her spine stiffened. “And…?”“Tito, that’s not an excuse!” bulalas ni Trixie, halos pasigaw na. “You knew! You all knew! You knew I left because I wanted peace away from him! And yet you still told him where I live?”Narinig niya sa kabilang linya ang pagbuntong-hininga. Then came a soft, trembling voice. “I’m sorry, anak.”At sa sumunod na sandali, isang boses ang narinig niya. Mahina, malambing... ngunit pamilyar.“Trixie? Apo?”Si Lola Angelina.“Lola?” napatingin siya sa cellphone. Hindi siya makapaniwala. It’s past midnight, at ang kanyang lola na may insomnia at pihikan sa tulog, ay gising?“Lola, you’re awake? It’s p
Diretso ang lakad ni Trixie, halatang bitbit niya ang isang mabigat na damdamin habang mabilis na nilampasan ang hallway patungo sa sariling kwarto. Hindi niya na ininda ang mga yapak niyang mariing tumatama sa marmol na sahig, o ang malamig na simoy ng hangin mula sa aircon na tila nanunuot sa kanyang balat.Pagkasara ng pinto, napasandal siya rito nang mariin, parang kung hindi siya kakapit doon ay bibigay na siya sa nararamdaman. Hawak-hawak niya ang dibdib na animo’y gustong kumawala. Mabilis ang tibok ng kanyang puso, ngunit hindi na alam ni Trixie kung galit o kaba ba ang nag-uunahan doon.“Damn the effect of his words on me,” bulong ni Trixie sa sarili, bahagyang napapikit habang hinihigpitan pa lalo ang pagkakakapit sa dibdib.Damn Sebastian Valderama."Stupid, Trixie…" mahinang bulong niya sa sarili habang pilit pinapakalma ang damdaming binulabog ng presensya ng lalaking iyon.Hindi siya dapat nagpadala. Hindi na niya dapat pinatuloy pa ito sa bahay niya! Hindi siya dapat na
“Fuck you, Valderama..." bulong niya sa sarili. But she knew he wouldn't stop easily.Wala siyang pagpipilian. Bigla niyang itinulak ang matipunong dibdib ng lalaki gamit ang dalawang palad."Tss. Get off me!" mariing sabi ni Trixie. Pero parang bato si Sebastian. Hindi man lang ito natinag.“I don’t want to, Love. Let me just enjoy this closeness with you…” bulong ni Sebastian, malapit sa kanyang tenga. Ramdam na ramdam ni Trixie ang init ng hininga nito sa balat niya.“Lumayo ka sa akin, Valderama! May pasabi-sabi ka pa na sober! You’re clearly delirious right now because of alcohol!” sigaw niya, habol ang hininga. Pero hindi pa rin siya makawala.At sa halip na mapikon, mas lalo pang lumalim ang ngiti ni Sebastian. His dark eyes gleamed with mischief.“Oh? So you’ve been observing me enough to know when I’m sober and when I’m drunk? Even tho I clearly said not?” Sebastian’s voice was playful, and teasing. Lasing pa nga siya, pero alam niya ang eksaktong ginagawa niya.“You can sc
Sa biglang buhos ng ulan sa kalaliman ng gabi, sabay ang pagbuhos ng emosyon sa puso ni Trixie. Pagod na pagod siya mula sa buong araw ng pag-iyak, pakikipag-usap, at pag-aalala. Ngunit higit sa lahat ay dahil sa pagpapanggap na kaya niya pang tumanggap ng problema. Na Kaya niya itong bitbitin lahat mag-isa. But she must conquer this. Dapat kaya niyang maging matatag, lalo na ngayong may bagong balitang dala ang puso niya.Naglakad sila palapit sa maindoor ng bahay matapos maipark niya ng maayos ang kotse. Ang mga patak ng ulan ay tila mga paalalang hindi mo kailanman makokontrol ang panahon, gaya rin ng hindi mo mapipigilan ang mga taong gustong bumalik sa buhay mong matagal mo nang pinilit limutin.At heto na nga si Sebastian.Ayaw niya sanang papasukin ito.Diyos ko, ayaw na ayaw niya talaga. Pero—Napakagat siya sa labi. Her hands were shaking a little as she clutched the doorframe. Naaamoy pa rin niya ang alak sa katawan ng lalaki, mula pa kanina nang payungan niya ito sa laba
Sebastian Valderama is right in front of her eyes. Hindi agad nakakilos si Trixie. Nanatili siya sa loob ng kotse, nanlalaki ang mga mata, habang pinagmamasdan ang dating asawa na ngayon ay nasa labas ng bahay niya. Anong ginagawa niya rito?Sa kalagitnaan ng gabi. Sa gitna ng ulan. Sa labas ng bahay niya?Nanlalambot ang tuhod ni Trixie. Para siyang binuhusan ng yelo, hindi dahil sa ulan kundi sa bigat ng presensiyang iyon sa harap niya. What the hell is he doing here? At sa mismong bahay na iniwas niyang ipaalam sa kahit kanino sa pamilya Valderama. She had guarded her peace like a fortress, and yet here he was… crashing through her walls again like he always does.Her fingers curled into fists on her lap, but she remained seated inside the car. Bakit ngayon? Bakit dito? At bakit siya?Nangingibabaw ngayon kay Trixie ang kalituhan kung paanong narito ngayon si Sebastian. Of all people, her ex husband would be the last person she could think of barging in here. Dahil mahigpit niy
Hindi siya anak ni Mateo Bolivar.Siya, si Trixie, ang babaeng ngayon ay itinaguyod ang sarili sa mundo ng teknolohiya at agham, ay biglang hindi sigurado kung sino talaga siya.At sa harap ng lahat ng iyon, si Racey ang nasa tabi ng babae.Buong hapon na silang magkasama. Tahimik si Racey noong una. Hindi agad siya naniwala. Pero habang isa-isang binanggit ni Trixie ang masasakit na alaala, ang paraan ng pakikitungo ni Mateo sa kanya, ang malamig na titig nito, ang mga panahong parang pasanin siya sa mata ng lalaking tinawag niyang "daddy", at higit sa lahat, ang hindi mapapantayang sakit ng pagtanggi ni Mateo sa ina niyang si Mary Loi Salvador, unti-unting nabasag ang duda sa puso ni Racey.Nanatiling tahimik si Racey. Hinaplos niya ang buhok ng kaibigan. Walang makapaghanda sa kaniya sa mga pinagdaanan ni Trixie ngayon. Walang tamang salita. Pero may isang bagay siyang hawak, ang katapatan sa kaibigan.“Of course, you are. You are still you,” sagot ni Racey sa wakas, mahina ngunit b