ログイン"Halika na. Umuwi na tayo," malamig at maawtoridad na utos ni Lucas.Hindi pa ako nakakasagot o nakakapagpaalam man lang kay Marites ay hinila na niya ako palayo sa pwestong iyon. Napangiwi ako nang maramdaman ko ang higpit ng pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. Mabilis din ang paghila niya sa akin, halos kaladkarin na niya ako palabas sa gate ng factory. Lumingon ako sa lalaking galing sa itim na sasakyan, pero hindi ko na ito matanaw dahil sa malalaking puno na nakaharang na sa gilid ng daan."Lucas, dahan-dahan naman! Nasasaktan ako!" reklamo ko nang tanaw ko na ang bahay. Hindi siya sumagot. Sa halip ay nakita ko ang mariing pag-igting ng panga niya habang diretso lang ang tingin niya sa dinadaanan.Pagdating namin sa bahay, halos itulak niya ako papasok bago niya padabog na isinara ang pinto. Agad siyang nagtungo sa kuwarto at kinuha ang dalawa naming maleta na nakatago sa ilalim ng higaan."Anong ginagawa mo?" tanong ko, hingal na sinundan siya. "Bakit mo nilalabas 'yan?""Tul
Kinabukasan, maaga pa lang ay gising na ako. Kahit medyo masarap pa ang pwesto ko sa braso ni Lucas, kailangan kong bumawi dahil isang araw din akong hindi nakapasok. Pagdating ko sa factory, hindi pa man ako nakakaupo sa pwesto ko ay sinalubong na ako ng nanunuyang tingin at nangungutyang mga ngiti nina Marites at Susing."O, Liana! Akala namin ay hindi ka na naming makakasama rito!" bungad ni Marites, sabay siko sa kasama niyang si Susing. "Ano’ng nangyari kahapon? Sabi ni Lucas ay masama raw ang pakiramdam mo? O baka naman..."Sinadyang bitinin ni Marites ang sasabihin at naghalakhakan sila ni Susing. Agad naman nag-init ang mukha ko. "Ano ba kayo, tinanghali lang ako ng gising! At saka... totoong masama ang pakiramdam ko kahapon," depensa ko."Sus! Tinanghali o hindi na nakabangon dahil sa..." pambibitin din ni Susing at nagtawanan ulit sila ni Marites. "Alam mo, Liana, noong dumaan dito si Lucas kahapon para ipagpaalam ka, parang hindi rin mapakali ang itsura. Halatang aligaga ka
Hindi na nga niya talaga nilagay sa gitna namin ang mahabang unan. At sa unang pagkakataon sa loob ng tatlong buwan naming pagtatabi dito sa kama, nakayakap na ako sa kaniya habang ang matigas niyang braso ang ginawa kong unan. Ramdam ko ang pagkakailang niya sa posisyon namin dahil sa paninigas ng kaniyang katawan. Maging ang paghinga niya ay parang pigil na pigil. Pero hindi ko na iyon binigyan pansin pa. Basta ako ay may kung anong nagdidiwang na sa loob ko. Para bang matagal ko na itong hinihintay na mangyari, ang maramdaman talaga na mag-asawa nga kaming tunay. Para akong timang na nakangiti, pasimpleng inaamoy ang bango niyang pinaghalong sabon at ang natural niyang amoy. "Lucas?" mayamayang tawag ko sa kaniya, ang kamay ko'y kalmado lang na nakalapat sa bandang dibdib niya. "Hmm?" tipid niyang sagot, diretso lang ang tingin sa kisame. "Paano mo ba ako nagustuhan noon? Lagi ko kasi ’yun naiisip," usisa ko. “Gusto kong malaman kung anong klaseng atraksyon ang namagitan sa
"Bakit ka sumunod dito? Magyoyosi ako," malamig niyang sabi habang nakatalikod pa rin sa akin. Nakatulala lang ako sa likuran niya, hindi pa rin makapaniwala sa tono ng pananalita niya. Wala na ang araw-araw kong naririnig na malambing niyang boses. Pakiramdam ko tuloy ay ibang tao ang naririto. "Yosi?" lumapit na ako sa kaniya pero hindi niya pa rin ako nililingon. “Ibig mo bang sabihin, sigarilyo? Kailan ka pa natutong manigarilyo kung ganoon?" usisa ko, sinusubukang silipin ang kaniyang mukha pero iniiwas niya iyon sa akin. Mayamaya ay nasulyapan ko ang paghithit niya sa hawak na stick ng sigarilyo saka nagbuga ng usok pagkatapos. "Matagal na. Pasok ka na sa loob." Hindi pa rin niya ako nililingon kaya halos magsalubong na ang mga kilay ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko'y naiinis na ako sa kaniya. Parang gusto ko siyang sigaw-sigawan at paulanan ng sermon. Umiling ako. "Hindi ka naninigarilyo, Lucas! Ni minsan nga hindi ko naamoy 'yan sa 'yo sa loob ng tatlong bu
Nang makaalis si Lucas, nakaramdaman ulit ako ng antok. Siguro dahil late na akong nakatulog kagabi. Humiga ulit ako at natulog na nga ulit. Kaso pagkapikit ko ng mga mata ko ay isang senaryo ang bumungad sa akin. Nasa gitna ako ng isang engrandeng bulwagan. Ang paligid ay puno ng mga nagniningning na chandelier. Umaalingawngaw sa paligid ang amoy ng mamahaling pabango at sariwang mga rosas. Pagtingin ko sa kasuotan ko ay isang mahaba ngunit may kasikipang damit ang suot ko. Hindi nagtagal ay umingay ang paligid. Doon ko napansin na nasa gitna na pala ako ng isang entablado, at sa harap ko ay madaming tao ang nakatingin sa gawi ko. Lahat sila ay pormal na pormal ang mga kasuotan. Nakangiti silang lahat habang nagsisipalakpakan. “Liana…” Agad nalipat ang tingin ko sa tabi ko nang may tumawag sa akin. Isang lalaki. Matangkad na lalaki, nakapormal din ang suot. Pero nang tingnan ko ang mukha niya ay hindi ko maaninag nang malinaw dahil parang may manipis na hamog na nakatakip dito
Kinabukasan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Nagulat ako nang mapatingin sa bintana. Mataas na ang sikat ng araw. Mabilis akong napaupo at napatingin sa tabi ko. Wala na rin si Lucas sa tabi ko. "Hala, baka nakaalis na siya!" bulalas ko.Dali-dali akong tumayo at tinungo na ang labas. Paglabas ko ng kuwarto, naabutan ko siyang tahimik na nagkakape sa hapag. Suot na rin niya ang kaniyang pamasok na t-shirt, pero parang wala pa siyang balak umalis."Gising ka na pala," malumanay niyang sabi. Wala na ang lamig ng boses niya kagabi."Bakit hindi mo ako ginising? Late na ako sa factory! Anong oras na ba?" sunod-sunod kong tanong at nagmamadaling kumuha ng baso para uminom na muna ng tubig. "Sinabihan ko na si Marites kanina na hindi ka muna papasok," seryosong sagot niya habang nakatingin sa akin.Napatigil ako sa pag-inom. "Huh? Bakit?""Tinanghali ka na ng gising, Mahal. Ayaw kong madaliin ka para lang makapasok sa trabaho," sabi niya sabay tayo. Lumapit si







