The Zillionaire's Pretended Fiancée (SPG/TAGALOG STORY)
“Are you still a virgin?”
Iyan ang unang tanong na lumabas sa bibig niya nang unang beses kaming magtagpo.
Caleb Valderama. Bastos, magaspang ang ugali’t bibig, at higit sa lahat, nasobrahan sa pagkababaero. Siya ang zilyonaryo na nakatakdang pakasalan ng kambal ko, at siya rin ang lalaking magiging mitsa ng kalbaryo ko.
Sabi nila, ‘Opposites do attract.’ Pero bakit sa amin, hindi naging applicable iyon?
Ako si Lana Monteclaro, kilala bilang ‘shadow twin’ ni Liana Monteclaro. Simple lang ang gusto ko sa buhay, ang makapag-aral ng kolehiyo sa Japan para makamit ko ang pagiging Manga artist. Ngunit para sa pangarap kong iyon, kinailangan kong pumayag sa hininging pabor ng kakambal ko:
I pretended as my twin sister to be Caleb’s fiancé for two months.
Read
Chapter: Chapter 111Pakiramdam ko ay biglang uminit ang paligid kahit malakas naman ang aircon sa loob ng kwarto. Isama mo pa ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko, nagmistulang kuryente na gumagapang sa buong sistema ko. “C-Caleb…” utal kong tawag sa kaniya, pasimpleng inilalayo nang kaunti ang leeg ko. “A-anong sabi mo?” Mahina siyang tumawa. Lalo pa niyang isiniksik ang kaniyang ilong sa balat ko at inamoy-amoy na ang bandang iyon. The hell?! “I want you to call me that again,” bulong niya, mas paos na ngayon. “The way you said it earlier… it almost made me want to give you back your phone, the company, and even my soul. Call me baby again, please…” Nakatatlong lunok na ako ng sariling laway para pakalmahin ang sarili ko. Ano ba naman ’tong ginagawa niya? Konti na lang talaga at sisigaw na ako. Hindi ko kinakaya! Kung bakit ko ba naman Kasi naisipang tawagin siyang baby. Ito tuloy! “A-ayoko nga!” pagmamatigas ko sabay siko nang mahina sa kaniya. “Sabi mo foul play ’yun, ’di ba? B-ba't
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: Chapter 110Napangisi ako nang palihim nang makita ang pamumula ng tainga niya. Mukhang nadali ko siya sa isang ‘Baby’ lang. Tumikhim ako at bahagyang nilapit sa kaniya ang mukha ko. "Baby—" "Stop!" madiin niyang putol sa akin na ikinagulat ko. Sa gulat ko ay muntik na akong mahulog sa kinauupuang kama. "I-I mean..." pautal-utal niyang bawi, hindi pa rin idinidilat ang mga mata habang ang kabilang kamay ay nakahawak pa rin sa dibdib niya na parang konti na lang ay aatakehin na siya sa puso. "I-I like it, but it's foul. It's definitely foul play, Lana." "Huh?" patay-malisya kong tanong, nagpipigil na ng tawa. "Bakit naman foul? Pero sige, kung ayaw mo n'un..." lumapit pa ako nang kaunti sa kaniya Hanggang sa halos madikit na ang labi ko sa tainga niya, saka bumulong ng, "...Daddy na lang?" "Oh, God..." bigo niyang sabi. Napapikit pa siya nang mas mariin at lalong humigpit ang hawak niya sa kaniyang dibdib. "Lana, please… I am warning you. Isang tawag pa ng ganiyan at makakalimutan kong ma
Last Updated: 2026-03-30
Chapter: Chapter 109Hindi ko alam kung ilang oras akong nakasubsob sa mga tuhod ko habang iyak pa rin nang iyak. Ang t*nga t*nga niya! Sobrang t*nga niya! Dahil lang sa akin binitawan na niya Ang lahat?! Ako na niloko siya't basta na lang nawala bigla?! Wala siyang kasing-t*nga! Suminghot ako at pinigilan ang sarili na mapahagulgol pa lalo. Pagkatapos ay tumayo ako sabay pinunasan ang mga luha ko na kumalat na sa pisngi ko. Hindi ako pwedeng maupo lang dito. Tumingin ako sa paligid ng kwarto hanggang sa mahagip ng mata ko ang bintanang nakaharap sa garden. Mabilis akong lumapit doon at binuksan. Sa lakas ng hangin na pumasok ay saglit pa akong napayakap sa sarili. Hindi ito masyadong mataas dahil nasa unang palapag lang naman ang kwartong kinaroroonan ko. Kaya kung tatalon ako mula rito pababa sa lupa, hindi ko iyon ikamamatay. Sumilip ako sa labas. Walang tao. Siguro ay nasa sala siya o sa kusina, binabantayan ang pinto ng kwarto kung mabubuksan ko ito. Maingat kong itinaas ang isang binti ko Hangg
Last Updated: 2026-03-29
Chapter: Chapter 108“Hindi pwede,” mariin niyang tugon, hinawakan muli ako sa magkabilang balikat. “Lana, listen to me. It’s done. The papers are signed, the assets are transferred. Even if you talk to Lucas now, nothing will change. He has what he wants, and I have what I need.” “What you need? Caleb, you need your life back! Valderama ka rin!” buong tapang kong sabi kahit nanginginig na ang buong katawan ko sa halo-halong emosyon. “Hindi ako papayag na maging pabigat sa’yo habambuhay dahil lang sa maling desisyon mo. Hindi ko masisikmura na habang nag-aaral ako rito sa Japan, ikaw naman ay walang-wala dahil sa katangahan mo!” “I am not a martyr. Stop making it sound like I’m suffering,” aniya sa mababang tono. “I chose this. I chose to be with you over a pile of cold cash and a company that almost killed my soul for three years. Don't you dare call my choice a mistake.” “Mali, Caleb! Maling-mali! Ni hindi mo man lang ako tinanong!” muli kong bulyaw sa kaniya. “Mali na basta-basta ka na lang nagdesis
Last Updated: 2026-03-28
Chapter: Chapter 107Muli akong napasinghap, sinusubukang pakalmahin ang wala na sa ayos kong dibdib. “I tricked you,” panimula niya, ang boses ay seryoso at may halong pait. “I lied to you, Lana. I tricked you because it was the only way to save you from all of them.” Napaatras ako nang bahagya kahit wala na akong maatrasan, pilit na pinoproseso ang narinig ko. “Anong ibig mong sabihin?” Huminga siya nang malalim at tinitigan ako nang diretso. “I gave him everything. The company, the hacienda, every single asset I had under the Valderama name... I transferred it all to Lucas.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?!” “It was the price for our freedom,” agap niya, at hinawakan ang magkabila kong balikat. “In exchange for everything I owned, Lucas agreed to take Liana away. He’ll make sure she never shows her face to us again. I made a deal with the devil just to keep you safe.” Nanghina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa kaniya. Oh my god! Totoo ba ’to?! O baka nananaginip lang ako?! “Caleb… hindi ko
Last Updated: 2026-03-27
Chapter: Chapter 106Napatitig lang ako sa kaniya at hindi na muna nakapagsalita. His possessiveness was always there, but this time, it felt different. Hindi ko lang mawari kung ano ’yun. Sa huli ay tumango ako bilang sagot. “Good,” he said, before leaning in to give me a quick, lingering kiss on my forehead. Ikinatameme ko iyon ng bahagya. “Now finish your ice cream. Tunaw na, oh.” “O… kay…” tanging naibulalas ko. Natawa lang siya at ginulo ang buhok ko bago kami nagpatuloy sa paglantal ng ice cream. Hapon na nang makabalik kami sa bahay. Ewan pero kahit papaano ay nakagaan ng dibdib ko pagkatapos naming pumunta sa shrine. Hindi nga lang nagtagal dahil nang papasok na kami loob ng bahay ay biglang tumunog ang phone niya. “I have to take this. It’s from the main office,” seryoso niyang sabi. “Go ahead, magpahinga ka na muna. I’ll be in the dining area.” “Okay,” sagot ko at dumeretso sa kusina para uminom ng tubig. Pagdating ko sa dining table, nakita kong nakalapag sa lamesa ang laptop niya. Buka
Last Updated: 2026-03-27
Hold Me Close, Mr. Perfectionist Billionaire
Losing my job was not an option. Blackmailing my boss was the only solution. Falling for him was never part of the plan.
***
Samantha Ion De Miranta made a tiny printing mistake, a typo mistake. Pero dahil masyadong perfectionist ang boss niya, sinisante siya agad sa harap ng lahat.
Raz Eros Alcantara, the CEO of the Eros Advertising Group and the boss who fired Samantha.
Raz was known for his strictness and cold heart. He never hesitated to fire employees over the smallest mistake.
Perfect. That's what people called him. Handsome, rich, confident, and a man who knew exactly what he wanted. His standards were sky-high, especially when it came to women.
Kaya naman nang makita siya ni Samantha sa isang high-end bar na pinapalibutan ng high-paid escort, sinamantala na ni Samantha ang pagkakataong iyon. She took a picture of him with those escorts then used it to blackmail him... just to get her job back.
Read
Chapter: VALDERAMA LIVAt dahil sa malikot na naisip ay bigla na lang ako napahalakhak ng malakas. Tipong kahit si Riel ay biglang nabitawan ang hawak niyang chopstick dahil sa gulat. "Seriously, did the ramen just steal your humanity?"Imbes na tumigil ay mas lalo pa akong natawa nang makita ko ang halos magkasalubong na niyang kilay habang nakatingin sa akin. "Sorry, sorry..." hingi ko ng pasensya kahit ayaw pa rin humupa ng tawa ko. "Just continue eating."Inilingan niya ako at medyo natatawa na ring bumalik sa kinakain. Grabe, dahil lang sa isang ramen napunta na sa pagbibigay ng ilang dosenang anak ang utak ko. Nababaliw na nga yata ako!"Arigatou gozaimashita!" (Thank you for your visit!) magalang na yumuko ang waiter, na napag-alaman kong Kaizu ang pangalan, nang tapos na kami ni Riel at nasa pintuan na upang lumabas na.Tiningnan ko muna ang tahimik na namang katabi bago binalingan si Kaizu. Bilang respeto ay yumuko na rin ako sa kaniya. "Totemo oishikatta desu! Arigatou gozaimasu!" (It was very
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: VALDERAMA LIII"Kung hindi mo kasi naitatanong, madami akong alam na japanese term. Sige, turuan kita bukas," I genuinely offered him with all the smile I had. Kaso ang mokong, mas lalo pa sineryoso ang mukha na para bang sinasabi na hindi na siya natutuwa sa paligid. Naghintay pa ako ng ilang segundo, nagbakasakali na magsalita siya pero nang wala pa rin ay tumahimik na lang ako at hindi na nagsalita. "You're showing off now, aren't you?"Napabaling ako sa kaniya nang bigla siya nagsalita makalipas ang ilang minutong pananahimik. Sasagot na sana ako kaso dumating ang waiter na kausap ko kanina, dala ang beer na inorder namin pati ang mga pagkain na sinali ko listahan. Nginitian niya ako pagkatapos niyang ilatag lahat sa mesa, na sinuklian ko rin ng magalang na ngiti bago niya kami tuluyang iwan at bumalik ulit sa may counter.Humalukipkip ako pagkatapos at nilingon ang halos hindi na maramdaman ang presensya na si Riel. "I'm just proving I can do more than speak English," pabiro kong sagot sa k
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: VALDERAMA LIINagpatuloy kami sa paglalakad. Halo-halong klase ng mga tao ang nasa paligid. May turista na may iba't ibang lahi. Mga hapon na nakakalat lang dito sa airport kung saan pilit na nakikipag-usap sa hindi kalahi. Parang lahat ng balahibo ko sa katawan ay nagsitayuan habang patagal nang patagal. The Japanese signage above the shops, the sleek, modern architecture, and the polished floors all felt surreal. The anticipation and excitement bubbled inside me like a fizzy soda. I couldn't stop looking around and catching glimpses of everything.Nasa Japan ka na talaga, Alina. Parang noong nakaraan lang ay nasa mumunting apartment lang ako, tapos biglang nanirahan sa isang mansyon kung saan Señorita ang turing sa akin. Tapos ngayon, nandito na naman ako sa dream country ko. Lord, binabawi ko na po ang mga dasal ko noong nakaraan. Please, sana hindi na ako nananaginip. We made our way through the bustling airport, the mix of people, (from tourists to business travelers) creating a symphony
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: VALDERAMA LIAs we walked toward the aircraft, two suited men appeared at the entrance. Binuksan nila ang pintuan ng eroplano at binigyan kami ng pormal na tango bilang pagbati. According to him, they were part of the ever-present security detail that followed him wherever he went.Dapat ay hindi na ako nagugulat sa mga ganitong pangyayari kapag kasama ko siya, kaso hindi ko pa rin maiwasang hindi mamangha. Lalo na nang masilayan ko ang loob ng pagmamay-ari niyang eroplano. Rich leather seats, soft lighting, and a fully stocked bar greeted us as we entered. Para sa first timer na tulad ko, masyadong binonggahan ng bilyonaryong ito. Grabe, sarap magpaampon sa kaniya. Gusto ko sanang umupo sa tabi ng bintana pero dahil nauna na siya ay tahimik na lang akong naupo sa tabi niya. Ilang saglit pa ang nakakaraan nang marinig ko ang pag-ugong ng makina ng eroplano. No'ng una ay nagulat pa ako at nag-overthink na baka sumabog na ito, pero kalaunan ay naikalma ko rin ang sarili. Gusto ko sanang maidlip
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: VALDERRAMA L"Are you ready?"Nawala ako sa iniisip nang dungawin niya ako para tanungin. Hindi ko man lang namalayan na nasa harap na pala kami ng immigration counter.Dumaan pa ang ilang segundo bago ko pa maintindihan ang tanong niya. Dahil do'n ay mabilis kong kinalkal ang bag kung saan nakalagay ang passport ko."Wait lang, nandito lang 'yon, e..." sabi ko na hindi siya tinitingnan. Tuloy lang ako sa pagkalkal sa bag ko. Halos ilabas ko na lahat ng laman no'n. Makeup, wallet, at pati ang pinakanakatago kong napkin ay nailabas ko na rin pero walang passport ang nasa loob. "Is there something wrong?" Riel almost crouched down to peek into my messy bag. Halos mapaupo na rin ako sa sahig sa kahahanap sa loob ng bag ko. Ramdam ko na rin ang pamamawis ng buong katawan ko kahit malamig naman dito. Sa kawalan ng pag-asa ay umalis na lang ako doon at napaupo sa nakitang upuan. Nilingon ko si Riel nang sumunod siya sa akin, naupo na rin siya sa katabing upuan. "Ikaw na lang kaya ang tumuloy? Naiwa
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: VALDERAMA XLIXUmiling na lang ako at binalingan si Celine. Kanina pa kasi siya tahimik na nakikinig sa tabi ko. Kinibitan lang din niya ako ng balikat at sinalubong ang kagagaling lang sa kusina na sina Renzo at Scar. "Saan ka naman nagpunta?" salubong ko sa kapatid nang lapitan nila ako ni Celine."Umihi lang. Alis na ba kayo?" Imbes na sagutin siya ay kinunutan ko lang siya ng noo. Akala siguro nito ay hindi ko napapansin ang madalas nilang pagsasabay ng Renzo na 'yon. "Oo. Hinihintay lang 'yong susundo sa amin," sagot ko kahit napuno na ng pagdududa ang utak ko. Makauwi lang talaga ako galing Japan, patay 'to sa akin. She moved even closer to me and handed over a small box wrapped in red gift paper."Ano naman 'to?" kunot-noo kong tanong at niyugyog ang bigay niyang box."Gift ko sa'yo. Sa Japan mo na buksan," aniya at kumindat pa. "Pasalubong, ha?" sabat naman ni Celine. "And don't forget, Japan has amazing springs. Mag-send ka sa akin ng maraming picture."Tumango ako kahit naguguluhan p
Last Updated: 2026-03-31
Chapter: Chapter 27Nanlilisik ang mga mata ko habang nakatitig sa screen ng cellphone ko. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa mukha hindi dahil sa kinikilig ako, kundi dahil sa sobrang bwisit! Ang kapal talaga ng mukha ng Gabriel Yohiko na 'to! Akala ko ba business ang pinunta niya sa Singapore? Bakit parang puro kam*nyakan ang laman ng utak niya? "Madame? Is there something wrong?" tanong ni Sarah nang mapansin ang pagbabago ng timpla ng mukha ko. "Wala! May nakita lang akong peste sa screen ko," inis kong sagot sabay bagsak ng phone sa lamesa. "Iwan mo na lang 'yang tablet dito. Titingnan ko mamaya." "O-Opo, Madame. I'll be in the study if you need anything else," mabilis na sagot ni Sarah, halatang natakot sa biglaang pag-aalburuto ko. Inilaan ko ang buong hapon sa pag-ikot sa garden para lang palamigin ang ulo ko. Pero kahit anong ganda ng mga bulaklak sa paligid, hindi mawala sa isip ko 'yung text niya. Video call? Fully naked? Seryoso ba siya? Hindi ba siya kinikilabutan sa gustong
Last Updated: 2026-03-11
Chapter: Chapter 26Kinabukasan, nagising ako na wala na sa tabi ko si Gab. Pagkabangon ko ay may nakita agad akong isang maliit na papel sa side table. At may nakasulat doon na halatang sa kaniya galing. 'I have an urgent business trip to Singapore. I'll be gone for three days. Don't even think about leaving the mansion without my security detail. Sarah will send your schedule for the week. — G.Y.’Sandali akong napatitig sa sulat hanggang sa dahan-dahang gumuhit ang isang malapad na ngiti sa labi ko."Yes! Thank you, Lord!" bulalas ko sabay bagsak muli sa kama.Tatlong araw! Tatlong araw na wala ang demonyong 'yun! Parang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa dibdib. Sa wakas, makakahinga rin ako nang maluwag nang hindi siya pinoproblema sa tabi. Sana laging ganito, Lord!Agad akong pumasok sa banyo habang humuhuni pa ng kanta. I felt light. I felt... free, kahit paano.Pagkababa ko sa dining area, sinalubong ako ni Manang Celia na may dalang kape. "Hija, wala daw si Sir Gab. Tumawag kanina at nasa
Last Updated: 2026-03-08
Chapter: Chapter 25Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang nanunuyang humahaplos sa balat ko. Ang kaninang hiya na nararamdaman ko ay napalitan ng pamilyar na kaba na para bang hihinto ang pagtibok ng puso ko anumang oras. "G-Gab..." mahinang tawag ko, pilit na kumakawala sa yakap niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakaipit sa akin. "Stay still," he commanded, his voice vibrating against my neck. "You've been ignoring me the whole day. You think I'd just let you sleep after all those things you said to me in front of my staff?" Hindi ako nakasagot. Gusto ko naman talaga bawiin ang lahat ng mura at panglalait na ibinato ko sa kaniya kanina sa lobby, pero hindi lang ako makahanap ng tamang tyempo. Lalo pa ngayon na para bang napipipi ako dahil sa posisyon namin. Isama mo pa na ang init ng katawan niya ay unti-unting lumalagos sa suot kong manipis na pantulog, dahilan para mas lalong manindig ang balahibo ko. “Gab…” muli kong tawag sa kaniya nang maramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya mula
Last Updated: 2026-03-08
Chapter: Chapter 24Natigilan ako. Bahagyang umawang ang bibig ko habang tuloy lang siya sa pagsasalita. "I could have just let the police raid that place and throw them all in jail for years without a single centavo. But instead, I’m paying them three times the value of their illegal shacks just so they can start over somewhere else. I'm clearing that site not just for a resort, but to get rid of the filth that’s rotting that community!" He looked at me with eyes full of cold fire. "I pity them, Claire. Despite everything, I pity them enough to give them a way out. But you? You just see the surface. You see a poor old man, and you think I'm the villain." Napakagat na ako ng labi. Gusto kong magsalita pero kahit ang bibig at dila ko ay parehong umuurong na. "Happy now? Does that satisfy your moral compass?" Suminghap ako at kusang napatango. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Dahan-dahan akong tumalikod at naunang maglakad patungo sa elevator nang hindi na naglalabas ng kahit anong salita.
Last Updated: 2026-03-06
Chapter: Chapter 23Pagpasok namin sa conference room ng Yohiko Group, sinalubong kami ng mga board members. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila hinuhusgahan kung karapat-dapat ba ako sa tabi ng isang Gabriel Yohiko. I tried my best to look professional, but deep inside, I was screaming. "The demolition will proceed as scheduled," Gab announced to the board, his voice commanding and firm. "Any legal hurdles will be handled by my team. We don't stop for anyone." Habang nagsasalita siya, hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. He was brilliant, yes. But he was also terrifying. He spoke about people’s homes as if they were just numbers on a spreadsheet. Matapos ang mahigit dalawang oras na pag-upo doon, sa wakas ay natapos din. Bumalik kami sa opisina niya. I sat on the couch, exhausted from the pretending. Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at pumasok si Sarah, ang secretary niya, na may dalang balita. "Sir, there's a problem at the site. One of the residents refused to leave and... there was an acci
Last Updated: 2026-03-05
Chapter: Chapter 22Padabog akong pumasok sa dati kong kwarto, hindi ’yung kaniya, at dire-diretsong nahiga sa kama nang hindi man lang tinatanggal ang suot kong sapatos. I just wanted to disappear. Kung puwede ay magpapalamon na lang ako sa hinihigaang kama sa sobrang pagod at galit. Ilang minuto akong nakatulala sa kisame nang marinig ko ang pagbukas n’ung connecting door. Ni hindi ko kailangang lumingon para malaman kung sino ang pumasok. Sa halip ay tumalikod ako at nagpanggap na natutulog. “Don’t stay there acting like a child, Claire. Get up and change. Kakain na tayo,” utos niya. Hindi ako kumibo. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya habang mariing nakapikit ang mga mata. Bahala siyang ngumawa d’yan. “Claire, I’m not talking to the wall,” banta niya, ang boses niya'y parang mas lumapit kaysa kanina. Pero hindi pa rin ako nagsalita. Wala akong balak na makipag-usap sa lalaking nasobrahan pa ata sa pagkasama si Satanas. "Don't give me that silent treatment. It’s pathetic," his voice echoed in
Last Updated: 2026-03-03