LANA'S POV:"Are you even listening, Lana? God, you’re so slow!"Mariin akong napapikit dahil sa nipis ng boses ng kakambal ko. Kapag ganito na siya ay naiinis na siya. Pagdilat ko, nakita ko siyang abala sa pag-iimpake ng mga gamit na gusto niyang dalhin ko sa Cagayan.Naturingan kaming identical twins, pero hanggang doon lang talaga. Siya si Liana, ang masasabi kong ‘Golden Child’, maganda at paborito ng mga magulang namin kaya naging spoiled brat. Samantalang ako, si Lana, ang anino niyang laging nakatago sa library. Walang ibang taong nakakaalam na may nag-e-exist na ako, maliban syempre sa pamilya namin."Liana, hindi p'wede ang gusto mong mangyari," mahinahon kong sabi. "Kasunduan ito ng mga magulang natin at ng pamilya Valderama. Isang zillionaire ang gusto mong lokohin, hindi isang simpleng lalaki lang.""Exactly! No one knows you, Lana. Two months lang naman," iritable niyang sagot habang humaharap sa salamin. "Magpapanggap ka lang naman na ako habang nasa Boracay ako kasam
最終更新日 : 2026-01-05 続きを読む