Share

Avoiding You

   Pumasok si Chelzea na nagkukunwaring tila walang nangyari.

"Pasensiya na kahapon Chelzea,"biglang nasabi ni Willdawn matapos ang kanilang klase.

 Dali-dali namang kinuha ni Chelzea ang bag at libro niya para aalis na.

 "Huwag mo na akong lapitan pa,"huling nasabi ni Chelzea bago  ito umalis.

 Wala ng nagawa si Willdawn kundi layuan na ito para hindi rin masira ang relasyon nila ni Frans.

  Lumipas ang mga araw na ganon, walang imikan at walang pansinan hanggang sa dumating ang isang araw na hindi inaakala ng lahat na mangyari.

  Kasalukuyang nasa labas noon si Chelzea na naka-upo sa isang park ng school noong makarinig siya ng sigaw mula sa loob ng sampong palapag na building ng kanilang school.Makikita mo ang pagtakbo ng bawat estudyante mula dito.Maya-maya ay makikita mo ang maitim na usok na nagmumula sa loob.

 "Sunog! Sunog! Tulong!" sigaw ng mga nagtatakbuhang estudyante.

Patingin-tingin si Chelzea sa bawat lumalabas na tila ba hinahanap si Willdawn pero wala siyang makita.Lumalaki na ang apoy na mula sa ikalimang palapag at kumakalat na ito sa bawat palapag ng building.Nakakabahan siya sa di niya malaman na rason. Maya-maya pa ay nakita niya ang paglabas ni Frans mula sa building.Sinalubong niya ito at doon niya nakita ang mga luha sa mga mata nito.

 "Frans si Willdawn?"tanong ni Chelzea pagkalapit dito.

"Naiwan siya sa loob.Magkasama kami noong una pero biglang may nahulog sa pagitan namin kaya natrap siya, paki-usap tulungan niyo siya hindi ko kakayanin kung mawawala siya,"luhaang paki-usap ni Frans.

 Hindi na nag-isip pa si Chelzea.Agad siyang pumasok para hanapin ang lalaking minsan ng nagpangiti sa kanya subalit nasa unang palapag palang siya ay ramdam na niya ang paghihina dahil sa makapal na usok na sumasalubong sa kanya.Kunti na din ang mga estudyanteng tumatakbo palabas.

 "Willdawn!"sigaw nito habang pinipilit na lumakad sa makapal na usok.

 At bago pa man siya tuluyang manghina ay unti-unti nalang nagbabago ang kanyang anyo.Pumupula ang mga mata, humahaba ang mga kuko, at tumutubo ang mga pakpak at higit sa lahat nakakadiri ang itsura.

 Sa pagbabago ng kanyang anyo ay tila hindi na niya maramdaman ang panghihina at tila ba balewala na sa kanya ang makapal na usok.At sa nakikita niyang pagbabago sa kanyang anyo ay tila hindi siya makagalaw sa kinaroroonan niya.

 "Tulong!"bigla niyang.

Agad siyang gumalaw sa kinaroroonan niya at hinanap kung saan nanggagaling ang boses na 'iyon.Ang mga usok at apoy na sumasalubong sa kanya ay tila balewala lamang pagbabagong anyo niya at sa isang parte ng room na puno na ng apoy ay doon niya nakita ang nanghihina niyang instructor na si Eggwardo. Agad na lumapit si Chelzea dito pero noong makita ni Eggwardo ang itsura nito ay bigla siyang nawalan ng malay.Kinuha agad ni Chelzea ang nakita niyang kurtinang hindi pa nasunog at ibinalkot sa kanyang sarili maslalo na ang kanyang mukha tsaka na niya binuhat ang instructor palabas.

 Paglabas niya ay agad siyang sinalubong ng mga tao at bago pa siya mapansin ng ibang tao ay agad siyang bumalik upang magligtas pa ng ibang tao kasama na si Willdawn.Ilang estudyante na ba ang kanyang iniligtas subalit hindi pa rin niya mahanap si Willdawn.Lumalaki na ang apoy at delikado na ang pagpasok dito subalit binalewala niya ang lahat.At sa isang room na kung saan ay puno na ng apoy at hindi na pweden pumasok ay tila narinig niya ang boses ni Willdawn.

  Dumaan siya sa nasusunog dahilan para masunog ang kurtinang nakabalkot sa kanya dahilan para makita ang nagbagong hitsura nito. Sa gilid ng room na yon na kung saan ay malapit ng masunog ay doon niya nakita si Willdawn na hinang hina na dahil sa init at makapal na usok.

 Noong tumitig si Willdawn sa lumalapit sa kanya ay tila nakaramdam siya ng takot.

  "Layuan mo ako!"biglang naisigaw ni Willdawn.

 Masakit para kaya Chelzea na marinig yon subalit agad niyang binuhat ito bago pa masunog ang parteng iyon.Naglakad siya sa nasusunog na tila ba balewala lang sa kanya habang prinoprorektahan niya ai Willdawn.

 At noong malapit na sila sa labas ay ibinaba na ni Chelzea si Willdawn para walang makikita sa kanya tsaka niya ito sinenyasang umalis na.

 Mahina namang lumabas si Willdawn at ang huli niyang nakita ay ang likod ng nagligtas sa kanya na naglalakad sa gitna ng apoy.

 "Bhabe!"agad na nasabi ni Frans noong makita si Willdawn sabay yakap dito.

Tahimik lang si Willdawn na tila iniisip ang mga nangyari na siya ding pagdating ng mga bumbero.

Agad namang humanap ng paraan si Chelzea para makaalis sa nasusunog ng building na iyon na walang makakita sa kanya.

 "Si Chelzea nakita mo ba?"nag aalala na tanong ni Willdawn.

"Pumasok siya kanina noong mabanggit kong nasa loob ka pa. Teka bakit wala nga akong nakita sa kanyang lumabas,"nag-aalala na ding sagot ni Frans.

 Muli na sanang papasok si Willdawn pero hinawakan siya ni Frans.

"Ano ka ba! Hayaan mo nang ang mga bumbero ang bahala,"wika ni Frans habang yumayakap sa kasintahan.

 Wala na ngang nagawa si Willdawn kundi ang magdasal nalang.

Sa paligid ng nasusunog na building marami ng taong nagsidatingan na naghahanap ng kani-kanilang mga anak.Makakarinig ka ng sigaw at iyak mula sa ibat ibang tao na apektado sa sunog na ito.Marami na din ang mga dumating na ambulance at sa bawat paligid ay makikita mo ang mga pulis at mga doktors na nagtutulungang buhatin ang mga nasugatan mula sa sunog.

 At matapos ang ilang oras na pagtutulungan ng mga bumbero para patayin ang apoy ay doon mo na makikita ang mga nangingitim na bangkay mula sa sunog na hindi nakaligtas.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status