Share

New start

 Napangiti si Willdawn habang tinitignan ang sarili sa malaking salamin na nasa harapan niya.Sa damit niyang puting barong tagalog ay makikita mong lumabas ang kagwapuhan niya. Makikita ang kaligayahan sa kaniyang mga mata dahil sa wakas, papakasalan na niya ang babaeng minahal niya ng buong puso subalit bigla nalang siyang natahimik noong maalala niya si Chelzea sa hindi malamang dahilan.

 Limang taon na ang nakakalipas subalit naalala pa rin niya ito at ang sunog na 'yon na dahilan ng pagkawala ni Chelzea. Ilang saglit pa'y bigla niya namang naalala ang tila isang halimaw na siyang nagligtas sa kanyang buhay. Iniisip niya kung nananaginip ba siya sa mga araw na 'yon o namalik-mata lamang.

"Pare! Kasal mo ngayon pero ang lalim ng iniisip mo ah!" biglang nasabi ni Art sa knya na kanyang kaibigan na nakilala niya sa opisina na pinagtratrabahuan niya.

Lumingon si Willdawn sa kararating lang tsaka ngumiti ito.

"Oh pare! Ikaw pala yan. Ang gwapo mo sa suot mo ah!" nakangiting sambit ni Willdawn.

"Mas gwapo ka pare. Nga pala may nagpapatibok na sa puso ko. Pakiramdam ko ,ikakasal din ako pagkatapos mo!" nakatawang wika ni Art.

" Baliw! Nagpapatawa ka ba? Ang chickboy na katulad mu , ikakasal? Kailan mo pa natutunang magseryoso?"

"Ngayon lang , totoo na 'to. I'm serious."

Huminto nalang ang magka-ibigan sa  pag-uusap noong biglang dumating si Sandra na ina ni Willdawn .

"Iho, come on. Naghihintay na ang drive," nakangiting sabi ng ina sa anak.

"Okay ma, let's go" sagot ng anak at sabay-sabay na silang tumayo papunta sa kotse.

"Nga pala Art, nasaan naman ang nobya mo? Ang dami-dami mong iniuuwing babae pero ni isa sa kanila eh wala kang isinama? tanong ni Sandra sa kaiban ni Art na noon din ay close na close na ang mga ito sa isa't isa.

" Tita, huwag kang mag-alala, malapit ko ng ipakilala sa inyo ang babaeng mamahalin ko habang buhay," nakangiting sagot ni Art.

"Sigurado ka iho?

" Yes naman tita."

Napangiti nalang si Sandra sa sagot ni Art. Umidlip naman si Willdawn habang nasa biyahe papunta sa venue ng kasal nila ni Frans.

"Hello Willdawn , ang ganda ata ng panaginio mo at ayaw mo pang gumising diyan ah," nakangiting sabi ni Art sa kaibigan habang pinipisil ang mukha nito.

Agad naman binuksan ni Willdawn ang mga mata niya.

"Ay! Andito na pala tayo,"  wika niya.

"Oo anak, kaya buksan mo na yang pinto at lalabas na tayo sa kotseng ito," wika naman ng ina.

 Paglabas ni Willdawn ay napangiti siya. Ang ganda ng venue na pinili ni Frans para sa kasal nila. Tumingin siya sa paligid pero wala siyang makita kay Frans. 

 Kunti pa lang ang mga bisita na naglalakad sa paligid na puno ng mga bulaklak. Maya-maya ay nagpaalam na ang ina para makisalamuha sa mga bisita pati na rin si Art ay iniwan niya ito at lumapit sa mga magagandang dilag.

 Sadyang maaga pa kaya naman pinili ni Willdawn na maglakad-lakad sa paligid habang hinihintay ang pagdating ng bride.

"Iho," nakangiting sabi ng isang matanda na nasa likod ni Willdawn.

Agad na lumingon si Willdawn at nakita niya ang ina ni Frans. Nagmano ito tsaka ngumiti.

"Tita, andito na pala kayo? Si Frans po?"

"Mama na ang itawag mo sa akin iho. Si Frans sabi niya susunud na daw siya kasama ang driver niya. Maiwan na kita iho, lalapitan ko ang mama mo," sabi ng ina ni Frans tsaka na umalis.

 Nakaramdam si Wildawn ng kaba kaya agad niyang kinuha ang cellphone niya at idinial ang number ni Frans pero unattended ito. Nakaramdam siya ng kaba na baka may nangyari ng masama sa kanya pero pinilit niyang kumalma.

"Hello, ikaw ang groom diba? Magsisimula na ba tayo parang wala pa ang bride ah," tanong ng isang bakla na siyang organizer ng wedding nila.

Huminga ng malalim si Willdawn tsaka tumingin sa bakla.

"Maghintay muna tayo baka natrafic lang,"  sagot nito.

"Ah okay sige, sabihan mo nalang ako pag simulan na natin ha. Sige maiwan na kita," huling sabi nito.

 Paulit-ulit ang pagsulyap ni Willdawn sa entrance nagsasakaling may Frans na darating subalit lumipas ang mga oras ay wala pa rin. Tig-iisa ng umaalis ang mga bisita hanggang sa pumatak ang malakas na ulan na tila nakikiramdam sa sakit at kirot na nararamdaman ni Willdawn. Ang saya na nararamdaman ni Willdawn ay biglang napalitan ng lungkot, hiya at galit.

"Iho halika na't umuwi na tayo. Umuulan na," sabi ni Sandra sa anak na noon ay galit na galit na din sa ginawa ni Frans.

 Nakatingin lang sa malayo si Willdawn na tila ba walang naririnig.Maya-maya pa ay biglang lumapit sina Art at ang ina ni Frans kina Sandra at ang anak nito.

"Pasensiya na sa ginawa ng anak ko," sabi ng ina ni Frans.

"Pwede bang umalis ka na dito!" sigaw naman ni Sandra dahilan para umalis ito.

 Mas lumakas pa ang ulan at hangin dahilan para masira ang mga decorations at mga bulaklak sa wedding venue na iyon maslalo na't open space ito at walang bubong.

"Art, kausapin mo nga yang kaibigan mo! Mauna na ako sa kotse," galit na utos ni Sandra kay Art.

Humawak naman si Art sa likod ni Willdawn.

"Pare, halika na. Hindi lang siya ang babae sa mundong ito.

 Biglang pumatak ang mga luha sa mga mata ni Willdawn na tila ba nakikisabay sa pagpatak ng malakas na ulan.

" Bakit? Ano ba ang mali sa akin? Saan ba ako nagkulang? paulit-ulit na isinisigaw ni Willdawn sa gitna ng ulan.

Yumakap sa kanya ang kaibigan niya na tila nararamdaman ang sakit na nararamdaman nito.

"Pare walang mali sa'yo? Ang gwapo mo, nagtratrabaho ka sa isang government office, mayaman ang mama mo na may mga hotel at restaurants, mabait ka, masipag, magaling. Ano pa ba ang hindi ko sinabi? Willdawn hindi ka nagkulang? Walang problema sa'yo! Bobo si Frans dahil pinakawalan ka niya," bulong ni Art sa kaibigan.

Pareho nalang silang tumawa na parang baliw sa gitna ng ulan.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status