Share

Meeting You

 Lumipas ang mga araw,buwan at taon ay tuluyan ng lumaki si Chelzea na tila nga limot na ang nakaraang minsan ng dumurog sa kanyang puso.Subalit sa kabila ng lahat ay pansin pa rin ang kalungkutan sa kanyang mga mata.Iniwasan na niyang makisalamuha sa mga tao at tanging headset lang niya ang kasama niya kahit saan magpunta.Pakunti kunti nalang din kapag magsalita.

 Kasalukuyang nakatayo noon si Chelzea sa rooftop ng apartment kung saan sila nangungupahan ng Tita niyang si Lily habang nakatingin sa madilim na kalangitan noong bigla nalang siyang nagulat dahil sa isang papel na ibinato sa kanya na nanggaling sa kabilang rooftop na katapat din nila.Galit siyang napatingin sa katapat nilang rooftop at doon niya natanaw ang isang lalaking nakatingin sa kanya habang tumatawa.Sa unang tingin ni Chelzea sa lalaking 'yon ay nakaramdam siya ng kakaiba para sa lalaking ito pero dahil nayabangan si Chelzea sa ginawa ng lalaking 'yon ay padabog siyang umalis sa rooftop na 'yon.

 Kinabukasan na noon ay pasukan na sa Unibersidad kung saan nag-aaral si Chelzea ngunit hindi pansin sa kanyang mukha ang excitement.Naglalakad siya papuntang school noon habang nakaheadphone nang bigla siyang nahintuan nang may humablot sa kanyang headphone.Tumingin siya sa taong humablot at laking gulat nalang niya noong makita ang lalaking nakita niya sa rooftop kagabi.

 "Ayan,mas maganda ka pag wala itong headphone sa ulo mo,"wika nito sabay lakad paalis habang dala-dala niya ang headphone ni Chelzea.

 Naiinis noon si Chelzea subalit mas pinili niyang manahimik.

Umupo siya sa may pinakagilid na upaan noong nahanap na niya ang classroom ng una niyang subject.Muli ay napatingin siya sa labas na tila ba laging may iniisip at wala siyang pakialam sa bawat estudyanteng pumapasok.

 "Hey! Ikaw na naman? Pareho tayo ng kurso? Sinusundan mo ba ako?"sabay-sabay na tanong  ng lalaking kakaupo lang sa tabi ni Chelzea.

Noong tumingin si Chelzea sa katabi niya ay nakita niya ulit ang rooftop boy na minsan ay nakita na niya.

 Hindi niya ito pinansin kundi hinablot nito ang sarili niyang headphone sa mga kamay ng lalaking 'yon.

"Pipi ka ba o bingi?"tanong ulit ng lalaki pero sadyang hindi pinansin ni Chelzea ito.

Magsasalita ulit sana ang lalaki pero biglang dumating ang kanilang instructor.

 "Goodmorning class, so I will be your math teacher for the whole semester.Ako si Eggwardo Picarpio," nasabi ng instructor habang nakangiti.

Bigla namang tumawa ng napakalakas ang lalaking nakaupo sa tabi ni Chelzea.

 "Ba't ka tumawa? Nakakatawa ba ang pangalan ko iho? Di bale na, sanay naman na ako at dahil nagpapansin ka simulan natin sa'yo ang pagpapakilala since first day of the class naman ngayon," wika ng instructor na nakangiti pa rin na tila nga sanay na sanay na pag tinatawanan ang pangalan niya.

Tumayo naman ang lalaking ito habang inis na inis si Chelzea sa mga kilos ng katabi niya.

"Hi! Im Willdawn Myre. Kung gusto niyo akong mas makilala makipagka-ibigan kayo sa akin? may kayabangang pagpapakilala nito.

 Tumayo naman na si Chelzea para magpakilala.

"Ako naman po si Chelzea Madrigal,"tanging nasabi ni Chelzea na tila ba nagtitipid ng sasabihin.

"Makapagsalita ka pala pero hindi mo alo kinakausap! Ayaw mo ba sa akin? Pogi naman ako ah," biglang naibulong ni Willdawn kay Chelzea.

 Matapos ang subject na 'yon ay dali-daling kinuha ni Chelzea ang bag niya para makaalis na pero bigla siyang hinarang ni Willdawn.

"Teka lang! Nagmamadali ka ba o iniiwasan mo ako? Ba't ba kasi ayaw mong magsalita?"sunod-sunod na tanong ni Willdawn.

 Itinulak nalang ito ni Chelzea ito para makaalis na pero kahit saang room siya pupunta ay lagi niya itong nakikita maslalo na't magkapareho naman sila ng section at pareho silang kumukuha ng kursong Architecture.

 Pansin ni Willdawn na hindi nakikisalamuha sa ibang tao si Chelzea at lagi nalang itong nakatingin sa malayo na siyang dahilan kung bakit nagkainteres siya dito.

 Lumipas ang dalawang araw ay mas pinalala pa ni Willdawn ang paglapit dito hanggang sa nasanay na si Chelzea at hinayaan nalang ito.

 "Pwedeng sa akin nalang ito?"biglang tanong ni Willdawn kay Chelzea habang kinukuha ang nakita niyang mga chocolates sa loob ng bag nito.

Sa unang pagkakataon ay ngumiti si Chelzea bilang sagot sa tanong ni Willdawn.

"Alam mo palang ngumiti?"sambit ni Willdawn na nakangiti rin.

 Simula sa araw na iyon ay unti-unti ng nagsasalita si Chelzea dahil kay Willdawn na noon din ay lihim na niyang ginusto.

 "Iha, sino yang kasama mo ngayon lang kita makitang may kasama ah ?"nakangiti na tanong ni Lily noong umuwi si Chelzea na kasama si Willdawn.

"Hello po! Ako pala si Willdawn.Ako po ang nag-iisang kaibigan ni Chelzea.Diyan po ako sa kabilang building na nangungupahan,"masayang nasabi ni Willdawn.

"Kapal!"bigla namang naibulong ni Chelzea kay Willdawn.

"Ah kaya pala ngayon lang kita makita . Ako nga pala si Lily na tita niya. Gusto mo bang magkape?"sagot naman ni Lily.

"Huwag na Tita Lily nextime nalang po.Hinatid ko lang po si Chelzea.Uwi na din po ako , hinihintay po kasi ako ni mama eh! Nandiyan kasi siya binisita ako,"sagot ni Willdawn.

 Noong nakaalis na si Willdawn ay masayang tumitig si Lily kay Chelzea.

"Masaya ako dahil sinisimulan mo nang bumalik sa dati.Sana huwag mong ikulong ang sarili mo sa lungkot at turuan mo ang sarili mong mabuhay na masaya, makipagkaibigan ka at makisalamuha sa ibang tao," wika nito.

Yumakap bigla si Chelzea sa Tita Lily niya habang nakangiti.

"Susubukan ko Tita Lily",sagot nito tsaka na siya pumasok sa kanyang kwarto.

 Agad niyang napansin ang family picture nila na nakalagay sa mesa niya.Maya-maya pa ay kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.Miss na niya ang mga magulang niya ngunit alam niyang hindi na maibabalik pa ang nakaraan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status