Share

The curse of hatred
The curse of hatred
Author: Sadblossom

Crime scene

Madilim na noong magsimulang maglakad si Chelzea pauwi mula sa paaralan.Kahit matataas ang mga damo sa daan ay kailangang dito siya dadaan para mas mabilis siyang makarating sa kanilang bahay.Wala siyang nararamdamang takot dahil naniniwala siyang walang masamang tao sa kanilang probinsiya kahit mag isa lang niya sa mga oras na iyon.

 Subalit laking gulat nalang niya noong may marinig siyang isang boses ng bata na sumisigaw.Nakaramdam si Chelzea ng takot subalit mas ginusto pa rin nitong sundan kung saan nanggagaling ang boses.Hanggang sa matanaw niya mula sa kinaroroonan niya ang isang nakatalikod na lalaki habang hawak hawak ang isang bata sa leeg.Agad na nakaramdam siya ng takot at bigla siyang nagtago sa isang damuhan na kung saan ay nasisilip niya ang mga nangyayari.

 Sa liwanag ng buwan na siyang nagpapaliwanag sa paligid ay nakikita niya ang bawat kilos ng lalaki.Bigla nalang siyang hindi makakilos noong makita niyang bigla nalang niya itong pinugutan ng ulo habang tumatawa na tila ba wala sa katinuhan.

"Ha!ha!ha!ha!"sabay sabay na tawa ng lalaki.

 Maslalo nalang natulala si Chelzea noong marinig ang boses nito.At noong makita na nga ni Chelzea ang mukha nito ay hindi siya nagkakamali. Kitang kita niya kung sino ang walang awang pumatay sa batang iyon. Sa boses nito , sa damit nito at sa mukha nito ay hindi siya nagkakamaling ang sarili niyang ama ito.Bigla nalang pumatak ang mga luha nito at tila ba hindi makagalaw sa kaniyang pwesto kahit gustong gusto na niyang tumakbo.Maya-maya pa ay nakita niya ang ama niyang kinuha ang pugot na ulo tsaka niya ito isinubo sa kaniyang bunganga.Napasuka si Chelzea na dahilan para marinig siya ng ama.Huminto ang ama sa kaniyang ginagawa at hinahanap kung nasaan nanggaling ang ingay na narinig niya.Napadasal nalang si Chelzea ngunit bago pa siya makita ng ama ay bigla  nalang lumiwanag ang paligid mula sa mga flashlight ng mga taong kararating lang.Agad na narinig ni Chelzea ang mga putok ng baril at noong sumilip ulit siya ay nakita na niyang nakahandusay ang kanyang ama habang duguan ang mga paa nito.Maya-maya pa ay pinusasan na ng mga nakauniporming pulis ang ama.Agad namang nasilip ni Chelzea ang isang medyo matandang babae na hindi naman niya kilala dahil ngayon lang niya makita ito.Napaluhod ang matandang babae habang nakatingin sa pugot na ulo habang ini-imbestigahan at kinukunan  ito ng mga pulis ng litrato.

" Fe anak hindi mo ako pwedeng iwan paki-usap!"umiiyak na sigaw ng matandang babae habang hawak hawak siya ng mga pulis para hindi ito makalapit sa crime scene.

Nabigla nalang si Chelzea noong biglang may humila sa kanya papunta sa pinangyarihan ng krimen.

"Iha anong ginagawa mo dito ,"tanong ng isang nakauniporming pulis.

Hindi makasagot si Chelzea na tila ba takot na takot.

"Chelzea?biglang nasambiti ng isang pulis na taga doon din na nakakilala sa kanya.

"Kilala niyo siya Sir James ?"tanong ng kasama niyang pulis na siyang humila kay Chelzea.

"Oo naman,anak nga siya ng mamamatay tao na iyan eh!"sagot ng lalaki.

 Noong marinig ng matandang babae na anak siya ng mamamatay tao na pumatay sa anak niya ay bigla niyang tinulak ang mga pulis na nakahawak sa kanya at lumapit kina Chelzea.Tinignan niya si Chelzea sa mata  na takot na takot pa rin sa mga oras na 'yon.

"Anong pangalan mo iha?"tanong ng matanda.

''Chelzea,"takot na takot paring sagot nito sa mahinang boses.

Biglang sinampal ng matanda si Chelzea na ikinagulat ng mga taong nakakita.

 "Sinusumpa kita! Sinusumpa kita! Magiging isang halimaw ka!Halimaw na pandidirihan at lalayuan para makita ng walang hayop mong ama kung gaano kasakit ng ginawa niya!"paulit ulit na sigaw ng matandang babae habang pansin sa kanyang mukha ang labis na galit.

 Sa mga oras na 'yon ay tumatak ang mga sinabi ng matandang babae sa isipan ni Chelzea.Napakabata pa niya noon kaya anong magagawa ng isang walong taong gulang kundi ang umiyak lang. At kahit mahirap at masakit ay naging saksi pa rin siya sa krimeng iyon at sa korte ding 'yon ay nalaman niyang gumagamit ang ama ng droga na dahilan para magawa niya ang bagay na 'yon.Nalaman din niyang kalilipat din ng matandang 'yon kasama ang anak niyang si Fe  na pinatay ng ama niya sa kanilang lugar.

 Hinatulan ang ama ni Chelzea ng habang buhay na pagkakulong.At dahil patay na ang ina ni Chelzea dahil sa sakit ay kinailangang sumama siya sa kanyang Tita Lily na isang matandang dalaga na kapatid ng kanyang ama palayo sa lugar na 'yon.Sa isip ni Chelzea ay ramdam nga niyang dapat lang na lumayo siya sa lugar na 'yon para makalimot subalit matapos ang mga masasakit na nangyari ay tila ayaw ng magsalita ni Chelzea kaya kinailangan ng Tita Lily niyang ipatingin ito sa isang psychiatrist maslalo na't sa mura niyang edad ay nasaksihan niya ang krimeng ginawa ng mismo niyang ama.Subalit  kahit ilang ulit niyang ipatingin si Chelzea ay wala pa rin.Araw-araw ay tahimik siya habang pansin mo ang labis na kalungkutan sa kanyang mga mata.Nakatingin sa kalawakan na tila ba gusto niyang umiyak subalit wala kang makikitang luha na papatak sa kanyang mga mata.

 "Chelzea anak ,makinig kang mabuti sa akin,alam kong galit na galit ka sa akin pero Chelzea hindi ko yon sinasadya epekto yon ng droga na ginamit ko para lang makalimutan ang pagkamatay ng mama mo kaya sana naman mapatawad mo ako anak.Hindi ko ginustong gawin ang bagay na 'yon.Nagsisisi ako anak at gusto kong sabihing kalimutan mo na ako.Kalimutan mong may ama ka at nang sa ganon makalimutan mo ang nasaksihan mong nakakakilabot na ginawa ko para makapagsimula ka ng bagong buhay.Araw-araw idinadasal kong sana malalagpasan mo ito.Pasensiya ka na anak,"maluha-luhang nasabi ng ama noong minsang bisitahin siya nina Chelzea at Tita Lily niya.

 Nakatingin lang sa ama ang bata na tila ba maraming gustong sabihin pero pinili nitong manahimik lamang.

"Anak,magsalita ka naman.Suntukin mo ako,pagsabihan mo ako ng masasamang salita para naman gumaan ang pakiramdam mo,"muli ay nasabi ng ama sa anak.

 Wala pa ring reaksiyon si Chelzea.Patuloy lang itong nakatingin sa ama.

 "Kuya huwag kang mag-alala aalagaan ko si Chelzea,"nasabi ni Lily habang nakaupo sa tabi ni Chelzea na kanina pa nakatingin sa mag-ama.

"Maraming salamat Lily.Sige na magpaalam na ako at sana ito na ang huli ninyong pagbisita dito.Mangako ka,"nasabi ng ama ni Chelzea sa kapatid nitong si Lily.

"Kuya ano bang sinasabi niyo?"tanong ni Lily.

"Gawin niyo ito para makapagsimula ulit kayo ni Chelzea ng bagong buhay.Nakiki-usap ako kalimutan na niyo ako,"luhaang sagot nito.

 Mula na nga sa araw na yon ay binaon na nina Lily at Chelzea sa limot ang lahat para muling magsimula at mamuhay .

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status