Share

The Boss

Nakatingin sa malayo si Willdawn habang naka-upo siya sa kanyang office sa pinakamataas na palapag ng Bloom's Hotel. Ito ang ikatlong araw niya bilang tagapamahala ng Bloom's Hotel pero pakiramdam niya walang nagbago sa sugat na nasa puso niya. Nakilala niya ang mga tauhan niya at doon niya naramdaman ang pakiramdam na magiging isang boss.

 "Huwag niyo akong tawaging boss, sir o ano pa man, tawagin niyo nalang po ako sa pangalan ko," minsan ay nasabi niya sa mga tauhan niya.

 Lumaki din siya sa hirap bago siya inampon ni Sandra kaya alam niya ang pakiramdam ng pagiging dukha at hindi siya sanay na tinitingala. Naging busy na din si Sandra sa pag mamanage sa negosyo nitong restaurant na kilala sa buong mundo, minsan nalang ito bumibisita sa hotel.

  Subalit hindi lubos akalain ni Willdawn na makikilala pala niya ang tunay na ugali ng taong umampon sa kanya, isang gabi matapos ang trabaho niya.

"Nababaliw ka na ba? Inutusan lang kitang imanage ang negosyo ko, hindi baguhin ang patakaran ko. Sinong nagsabi sa'yo na itaas mo ang sweldo ng mga empleyado at lahat ng patakaran ko binago mo? Sino ka sa akala mo? Nalimutan mo na atang , isa ka lang ampon at wala kang karapatan sa mga pag-aari ko. Huwag mong kalimutang ampon lang kita," galit na sabi ng ina.

 Nagulat si Willdawn sa inasal ng ina. Nasaktan siya sa narinig pero kinalma ang sarili.

"Pasensiya na po, aayusin ko nalang po." nakayukong sagot ni Willdawn.

"Dapat lang!" huling sinabi ng ina sabay pasok sa kanyang kwarto.

Kinabukasan ay agad siyang humingi ng pasensiya sa mga empleyado niya at binalik ang dating patakaran.

"Pare dalian mo," excited na sabi ni Art sa kanyang kaibigan habang lumalabas sila sa kotse ni Willdawn isang hapon.

 Napatitig si Willdawn sa paligid at nakita niya ang isang magandang flowershop na nasa gilid ng kalye. Tanging ito lang ang makikita mong building dito pero tila maganda itong venue para magpalipas ng oras.

"Hoy Art, bakit mo ba ako isinama dito. Anong gagawin natin dito? tanong ni Willdawn.

" Pare nakikita mo yang flowershop na 'yan. Nandiyan ang babaeng pinakamamahal ko," nakangiting sabi ni Art.

"Grabe ka pare, grabe! Para lang sa babae mo, hinila mo ako sa trabaho ko?" medyo naiinis na sabi ni Willdawn.

 Nakangiti pa rin si Art sabay hila kay Willdawn papasok sa floweshop. Pagpasok nila ay nadatnan nila ang isang nakatalikod na babae habang nagdidilig ito ng mga bulaklak.

 Humarap ang babae noong mapansing may tao at pagkaharap nito ay tila hindi makagalaw si Willdawn sa nakikita niya. Hindi siya pwedeng magkamali. Ang babaeng iyon ay ang matagal na niyang hinahanap na si Chelzea. Bigla namang nabasag ang katahimikan noong biglang mahulog ang hawak ni Chelzea na tubig. 

 "Babe, gulat ka bang makita ako?" tanong ni Art pero tila hindi maalis ang mga mata ni Chelzea na nakatingin kay Willdawn.

 "Magkakilala ba kayo?" tanong ni Art noong mapansin niya ang mga nangyayari.

"Hindi, hindi ko siya kilala," biglang sagot ni Chelzea habang papunta sa counter.

 Sa hindi malamang gagawin ay biglang tumakbo si Willdawn paalis sa flowershop. Agad niyang pinaandar ang kotse niya at tuluyan ng umalis.

 "Babe, may problema ba? Kaibigan ko pala 'yon, pasensiya na ha hindi ko alam kong bakit bigla siyang umalis?" sabi ni Art na nagugulat din sa mga nangyayari.

 "Okay lang, pwede bang tsaka nalang tayo magkita mamaya," biglang nasabi ni Chelzea sa shota na noon din ay kasasagot lang niya ng Oo sa panliligaw nito sa kanya.

"Sige babe, tawagan nalang kita, I love you," huling nasabi ni Art habang paalis, na noon ay naguguluhan din sa mga nakikita.

  Halos limang taon na ang nakakaraan mula noong makilala ni Chelzea si Willdawn pero kahit anong gawin niya para lumayo mula sa mga taong nakilala niya noon ay sadyang tadhana na ang gumagawa ng paraan. Limang taon din siyang namuhay mag-isa sa kalungkutan at ngayon lang siya muling makisalamuha sa ibang tao noong makilala niya si Art na costumer din niya sa flowershop niya. Naging magkasintahan sila, nagbabakasakaling muli siyang mabubuhay ng normal tulad ng pangkaraniwang tao. 

 Minsan lang siya kung lumabas at pinili niyang itayo ang flowershop niya sa lugar na iyon dahil malayo sa maraming tao at tanging mga lumalabas lang ang makakapansin dito. Pero hindi niya lubos akalaing muli niyang makikita ang mga taong matagal na niyang kinakalimutan. Maraming pawis din ang nahulog mula sa kanya bago niya naitayo ang flowershop na ito at nagsimula iyon noong pinilit niyang iwan ang ate Lily niya para itago ang pagkatao niya. Napadpad siya sa iba't ibang lugar at nagtrabaho ng kahit ano hanggang sa naka-ipon at nakapagpatayo ng sarili niyang negosyo habang takot na takot siyang muling mag-anyong halimaw.

 Dumiretso naman si Willdawn sa kanyang kwarto at nahiga. Hindi niya maintindihan ang pakiramdam niya. Masakit man sa kalooban niya noong sinabi ni Chelzea na hindi niya ito kilala ay nakaramdam pa rin siya ng saya. Doon niya napagtanto na sa mga nagdaang araw na tila nakita niya si Chelzea ay totoo pala yon at hindi lang siya namamalikmata.

"Salamat at buhay ka pa Chelzea," naibulong niya sa sarili.

 Hindi rin niya maintindihan kung bakit tila nabawasan ang nararamdaman niyang lungkot at tila sa isang iglap lang ay naghilom ang mga sugat niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status