Share

Feeling the Pain

 Ang ingay ng paligid at sadyang nakakahilo ang ibat ibang klase ng ilaw na siyang nagpapaliwanag sa bawat sulok.Maya-maya ay biglang tumahimik ang maingay na musika at napalitan ng isang malungkot na awitin. Tahimik lang na naka-upo si Willdawn sa kaniyang table habang iniinom ang ika-labing isang beer na inorder niya. Limang araw na ang nakakaraan simula noong hindi siya sinipot ni Frans sa kasal nila pero ramdam pa rin niya ang kalungkutan. At mula din sa hindi pagsipot nito ay hindi rin siya macontact. At sa pinagtratrabahuan niyang hospital ay naka leave pala siya.

"Isa pang beer," utos ni Willdawn sa isang waiter sa bar na iyon.

"Okay sir, pahintay nalang po."

Napatingin nalang si Willdawn sa isang medyo matanda na umupo sa tabi niya at laking gulat niya noong makita niya ang instructor nila limang taon na ang nakakaraan.

"Sir Eggwardo?" gulat niyang tanong.

"Kumusta Willdawn, buti naaalala mo pa ako. Mukhang naglalasing ka ah, may problema ba? tanong ni Eggwardo habang nakatingin sa mga malungkot na mga mata ni Willdawn.

" Wala 'to sir. Ayos lang ako. Kayo po, saan na kayo nagtuturo?" tanong ni Willdawn habang pilit na ngumingiti.

"Huwag mo na akong tawaging sir, tito nalang. Mula noong nangyari ang sunog ay pinilit ko na ding lumayo sa lugar na iyon at nagsimula ulit. Nagtayo ako ng maliit kong negosyo na kainan sa kabilang bayan. Medyo lumago naman kaya binalak kong magpatayo ng branch niya dito at katatapos lang ang opening niya kanina kaya ayon dumiretso kami lahat dito kasama ang mga tauhan ko. Andiyan nga pala sila sa kabilang table at diko lubos akalaing makikita pa kita," pagkwekwento ni Eggwardo.

"Ako nga rin sir eh, ay Tito Eggwardo pala."

"Oh sige na at hinihintay pa ako ng mga kasama ko, pag may kailangan ka andiyan lang ako sa kabilang table. Oo nga pala, pag may oras ka bumisita ka sa restaurant ko at ililibre kita," huling nasabi ni Eggwardo bago siya umalis.

Muli na sanang mag-oorder si Willdawn pero biglang dumating ang driver niya.

"Sir, maghahatinggabi na, pinapasundo ka na ng mama mo. Galit na siya," sabi nito.

 Naawa si Willdawn sa driver niya na hindi nakatulog dahil sa kagagawan niya kaya tumayo siya at sumunod dito. At habang nasa biyahe ay sumusulyap siya sa labas. Iidlip na sana siya noong bigla niyang makita ang isang babaeng nasa gilid ng kalye na naghihintay ng masasakyan. Sa tulong ng streetlight ay nakita niya ang mukha nito na tila ba kamukha ni Chelzea.

"Teka, ihinto mo ang kotse," bigla niyang utos sa driver pagkalagpas sa babae.

Huminto ang kotse at agad namang lumabas si Willdawn. Naglakad siya palapit pero bago pa niya naabutan ang babae ay sumakay na ito sa isang taxi.

"Chelzea , teka lang!" sigaw niya pero tila walang nakarinig sa kanya.

Agad siyang bumalik sa loob ng kotse at ilang saglit pa'y nakarating na sila sa bahay nila. Naabutan niya ang ina na nasa sala na nagbabasa ng newspaper. Agad siyang lumapit dito at nagmano.

"Ma, gising pa pala kayo?" tanong ni Willdawn pagka-upo sa tabi nito.

"Oo, dahil hinihintay kita. Kalimutan mo na si Frans dahil hindi lang siya ang babae sa mundong ito. Pinapabayaan mo na ang trabaho mo, lagi ka nalang umiinom. Tumatawag na ang mga katrabaho mo sa opisina at ang sabi mag resign ka nalang. Willdawn mas mabuti na atang magresign ka, tulungan mo nalang akong mag-asikaso sa mga negosyo ko. Huwag mong sayangin ang oras mo sa isang babaeng walang silbi."

"Sige ma, pag-isipan ko," sagot ni Willdawn.

"Huwag mo lang pag-isipan dapat gawin mo. Sige na matulog na ako at ito na ang huling makikita kitang lasing.  Hindi kita pinapayuhan, inuutusan kita," huling nasabi ni Sandra sa anak at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya.

 Naiwan si Willdawn na tahimik na tila ba iniisip kung totoo bang si Chelzea ang nakita niya kanina o hindi. Pumasok siya sa kanyang kwarto at agad na nakatulog.

 Kinabukasan ay maaga siyang nagising, ramdam pa rin niya ang sugat sa kanyang puso na tila ba ayaw maghilom. Nakapagpasya na siyang magresign sa opisina na pinagtratrabahuan niya para tumulong sa negosyo ng kanyang ina baka sakaling makalimot siya.

 "Ma, magreresign na ako," sabi ni Willdawn habang nakaharap sa ina sa kusina at nginunguya ang pagkain sa kanyang bibig.

Tumitig sa kanya ang ina na nakangiti.

"Buti naman at naisip mo 'yan , simula ngayon ikaw na ang magmamanage sa BLOOM'S HOTEL."

Ang Bloom's Hotel ay isa sa pinakamagandang hotel sa kanilang bayan na dinadayo ng mga turista na may labing limang palapag. Matagal ng sinasabi ng kanyang ina noon na mag-aral siya ng kurso na related sa negosyo pero si Willdawn ang umayaw.

"Pare ba't ka nagresign? Nababaliw ka na ba?" sabi ni Art sa kaibigan pagkalaman sa ginawa ni Willdawn. Kasalukuyang kumakain sila noon sa isang korean restaurant.

" Panahon na rin siguro para tulungan ko ang taong tumulong sa akin noong namatay ang mga totoo kong mga magulang. Tsaka baka sakaling maghilom din ang sugat sa aking puso."

"Anong ibig mong sabihin pare, hindi mo tunay na ina si Sandra? gulat na tanong ni Art.

" Hindi, siya ang umampon sa akin pagkatapos mamatay ang mga magulang ko. Napakasakit noon na tila ayaw ko nang mabuhay pa. Ang bata ko pa noong inampon niya ako at siya ang nagturo sa akin na mabuhay muli. Pero inampon man niya ako, hindi ako lumaki sa pangangalaga niya. Lumaki lang ako sa pangangalaga ng mga katulong. Ang totoo niyan hindi ko nga siya masyadong kilala eh, pangalan lang niya siguro ang alam ko. Hindi na ako masyadong nagtatanong ng tungkol sa kanya dahil iyon ang utos niya kaya siguro oras na para siya naman ang tulungan ko at bigyan ang sarili ko ng panahon para mas makilala pa siya," pagkwekwento ni Willdawn sa kaibigan.

" Gulat si Art sa nalaman pero hinawakan lang niya sa balikat ang kaibigan.

"Ngayon, naiintindihan na kita pare. Pero kapag kailangan mo ng makaka-usap ,andito lang ako. Nga pala hindi pa ba umuuwi si Frans na love na love mo?" tanong ni Art.

"Grabe ka, sabihin mong  andiyan ka lang pag kailangan ko pero inilabas mo naman ang topic na ayaw ko ng marinig pa," sagot naman ni Willdawn.

 Pareho silang nagtitigan tsaka tumawa ng napakalakas, nahintuan lang si Willdawn noong matanaw niya ang isang babae sa labas na kamukha ni Chelzea na bumibili ng mga prutas. Bigla siyang tumayo at lumabas pero paglabas niya, wala na ang babae.

"Pare, saan ka ba pupunta?" tanong ni Art noong mahabol niya ito.

"Wala pare, akala ko kasi nakita ko ang babaeng matagal ko ng gustong makita," sagot ni Willdawn habang pansin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Sino na namang babae yan pare, may Frans ka na nga eh, may iba pang babae?"

Muli ay tumawa ang dalawa ng napakalakas.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status