"Magandang balita anak!" halos mabuwal ako sa biglang pagdamba sa akin ni inay matapos pumasok ng bahay.
"Ho? Bakit ho?" pagtataka ko. Itinigil ko muna ang paglilinis ko upang makausap si inay.
"Yung kapitbahay nating kinukuhaan natin ng tubig ay isa palang kasambahay sa maynila at alam mo ba? Naghahanap daw ang apo ng amo niya ng isa pang kasambahay kaya ang sabi ko, ipasok ka niya at pumayag naman siya" masayang pagbabalita ni inay. Malawak akong napangiti sa sinabi ng inay sa akin.
Wala man sa plano ko ang maging kasambahay ay hindi ko ito tatanggihan.
Matapos ang usapan naming iyon ay nagpatuloy na kami sa pag-aayos ng bahay kahit wala man kaming gamit pambahay ay may mga karton naman kaming nahingi sa mga kabitbahay na maari naming magamit pansamantala.
Mahigit dalawang araw din ang lumipas simula noong sinabi ni inay ang magandang balita at ngayon nga ay pupunta akong maynila para mameet ang amo ni ate Lorna, ang kapitbahay namin na isa ring kasambahay.
"Mabait iyon si donya Alicia kaya por syur ay matutuwa sa iyo iyon lalo pa't mayumi kang bata" kumento ni ate Lorna habang nasa byahe kami.
"Pero ate, diba ho sa apo niya ako magsisilbi kung saka sakali?" tumango tango siya sa akin na lalo kong ikinakaba. "Kakilala ninyo ho ba ang apo ng donya?"
"Nako ineng, hindi ko pa nakikita iyong apo ni donya Alicia eh pero mabait naman daw iyon sabi ng donya" bahagya ko siyang tinanguan kahit sobrang kaba ko na. "Ay ineng, nandito na tayo"
Mabilis kaming bumaba sa jeep at muling sumakay sa isa tricycle papasok sa isang exclusive village kung saan nakatayo ang tinitirahan ng donya.
Wala pang ilang minuto ay huminto ang sinasakyan naming tricycle sa isang napakaganda't napakalaking bahay na kulay rosas. Marahan kaming bumaba sa tricycle at pumasok sa magarbong bahay.
"Lorna, you're here" bungad ng maganda ngunit may katandaang babae kay ate Lorna. Marahang yumuko si ate Lorna sa harapan ng ginang kaya ginaya ko rin ito.
"Donya Alicia, siya na po si Isha ang sinasabi ko sa iyong magkakasambahay sa apo ninyo" pakilala sa akin ni ate Lorna.
"Magandang araw ho donya Alicia, ako ho si Isha" bati ko.
"Tama ang sinabi sa akin ni Lorna, napaka ganda mo nga at talagang nakikitaan ng galang" papuri niya sa akin. Sus! Maganda daw. "Tara sa study room para makapag usap"
Sinabi ni donya Alicia ang mga dapat kong tandaan sa pagpasok ko bilang kasambahay ng apo niya.
Ayaw ng apo niya ng pakialamera, hindi masarap ang luto, maingay at higit sa lahat ay ayaw daw nitong ginigising.
Kakaunti lang iyang bilin niya pero ayon sa kanya kailangan ko daw magdala ng mahabang mahabang pasensya sa katawan ko sa oras na magtrabaho na ako sa apo niya.
"And here, that's his informations according to him" iniabot niya sa akin ang isang folder na ayon sa kanya ay naglalaman ng mga impormasyon patungkol sa apo niya. Binuklat ko ito at binasa.
Name: Spencer Mackenzie
Age: 17
Hobbies: sleeping, sleeping and sleeping
Wow! Ang sipag ha, puro pagtulog ang hobbies na isinulat. Pero nakakapagtaka, incoming 4th year pa lang siya sa edad niya..
Di ko na ipinagpatuloy ang pagbasa dahil napakawalang kwenta nito.
"So, willing to work for him?" tanong ng donya. "And like what I've said, pag pumayag kang magtrabaho ay sasagutin ko ang pag-aaral mo, same school as Spencer para mabantayan mo rin siya sa school"
"Tinatanggap ko ho ang trabaho" sagot ko.
"That's good, you may start on monday" nakangiting sabi niya saka kami nagshake hands.
Nang gabing iyon din ay umuwi ako patungo sa amin. Binigyan naman ako ng pamasahe ng donya kaya malaya akong nakauwi.
"Ate!!" bungad sa akin ng kambal kong kapatid. "Kamusta ang paghahanap ng trabaho?"
"Tara pasok muna tayo" aya ko sa kanila na mukhang inintay talaga ako sa labas ng bahay. "Mano ho inay"
"Anak, nandito ka na pala" sabi niya kasabay ng pagmamano ko. "Kamusta? Mabait ba ang donya at ang apo niya?"
"Mabait ho ang donya, at hindi ko pa ho namemeet ang apo niya pero sa pagbabalik ko ho sa lunes sa kanila ay ihahatid na nila ako sa tinitirahan ng magiging amo ko" masaya kong balita.
"Maganda iyan" sabi ni inay kasabay ng pagyakap sa akin. "Salamat anak"
"Nga pala inay, may inuwi ho akong mga pagkain, sabi ni donya Alicia ay uwian ko raw ho kayo" agad kong kinalkal ang dala dala kong may kaliitang bag at inilabas ang dalawang uri ng ulam at isang plastik na puno ng kanin. "Nanghingi na rin ako ng kanin upang hindi na tayo bumili" napapakamot kong dagdag.
"Wow! Kain na tayo inay, salamat ate" masayang inihanda nila Lunar at Solar ang pagkain.
"Alam mo ate, inintay ka talaga namin kasi iniisip naming baka may uwi ka" kumento pa ni Solar.
"Oo ate, hindi na nga namin pinabili si inay ng pagkain eh" sunod sunod na subo ang ginawa ni Lunar matapos niya iyan sabihin.
"Inay kain ka na rin ho para makatulog na tayo at anong oras na" suhestyon ko kay inay na nanonood lamang sa kambal. "Nga pala inay, wag nyo hong kakalimutang ienroll ang kambal sa lunes, nabasa ko ho kasi sa poste dyan sa may labas na sa lunes na ang huling araw ng enrollment at next monday na ang pasukan dito"
"Hindi ko iyan kakalimutan" sagot ni inay saka sumalo sa kambal.
"Ate, may pambili ba tayo ng uniform at mga gamit? Wag na kaya kaming mag-aral" suhestyon ni Lunar.
"May luma pa naman kayong mga uniform at mga gamit pamasok hindi ba? Yun muna ang gamitin ninyo at pagnakaipon na si ate, ibibili ko kayo ng bagong mga gamit kaya wag ninyong iisiping magloko sa pag-aaral dahil ayokong titigil kayo" paliwanag ko sa mga kapatid ko na sinang-ayunan nila pareho. "Bago ko nga pala makalimutan inay, sabi nga ho pala ng donya ay sasagutin niya ang pag-aaral ko kaya makakapag-aral na akong muli, maitutuloy ko na ang highschool ko"
"Nako maganda iyan anak, napakabait naman pala ng donya" nakangiting sagot ng inay.
Hanggang makatulog kami ay pare-parehas kaming nakangiti sa biyayang natanggap namin ngayong araw.
Kakayanin namin ito, ito na ang bagong simula para sa amin.
“Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon
Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.
MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano
Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.
"Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto
"Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb