แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: Victoriaaa
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2020-07-30 11:32:46

Maaga man ako umalis sa amin ay hapon pa rin ako nakarating sa bahay ng magiging amo kong si sir Spencer. Inihatid ako ng isang tauhan ng donya dito pagkatapos kong makarating at makakain sa kanila. Agad din akong iniwan ng tauhan ng donya matapos naming makarating sa harapan mismo ng tinitiharang bahay ng magiging amo ko.

Marahan muna akong lumanghap ng hangin upang lumakas ang aking loob. Dumiretso na ako sa pinto ng mapansin kong bukas ang gate. Dahan dahan akong kumatok sa pintuan ng bahay saka nag-intay ng magbubukas. Matapos ang tatlong katok ay may nagbukas na ng pintuan at laking gulat ko na isa itong babae.

"Spens, may bisita ka yata" sabi ng magandang babaeng aligaga sa pagsasapatos.

"Wala akong inaasahang bisita, umalis ka na" pagtataboy niya sa babae ng di manlang nagtutungo sa pwesto namin.

"Magandang araw ho, ako ho si Isha ang magiging kasambahay ninyo na hinayr ni donya Alicia" pakilala ko sa magandang babae.

"Nako girl hindi ako nakatira dito, no need to introduce--" di na natapos ng magandang babae ang sasabihin niya ng may lumabas na lalaking nakakunot ang noo.

"Sabi ko umalis ka na Megumi, ano pa bang tinutungaga mo dyan" pagtataboy niya sa babae saka niya ito pinagtulakan palabas.

"Ito na nga, napakabrutal mo talaga Spens" nakangusong kumento ng magandang babae saka padabog na umalis.

"Oh ikaw? Anong kailangan mo dito?" baling niya sa akin ng nakataas ang isang kilay at nakasandal sa frame ng pintuan.

"Magandang araw ho sir--" di na niya ako pinatapos at muli na siyang nagsalita. Medyo bastos.

"Ang dami mo pang satsat, sabihin mo na lang kung anong kailangan mo ng matapos na to" sabi niya na halatang bored na bored.

Sabi ko na nga ba't walang kwenta ang nakasulat sa folder dahil hindi nakasulat doon na ganito pala ang ugali niya. Nagsayang pa ko ng ilang oras kakabasa nung walang kwenta niyang folder.

"Ako ho ang hinayr na kasambahay ni donya Alicia para sa iyo" diretsa kong sagot saka niya ako tinalikuran at nagsimulang lumakad papasok ng bahay.

"Ano, tatanga ka na lang ba dyan? Pumasok ka at mag-uusap tayo" baling niyang muli sa akin matapos mapansin na hindi ako gumalaw sa harapan ng pintuan. Maingat ko munang ipinasok ang mga gamit ko't isinara ang pintuan saka ako tuluyang pumasok at umupo sa sofa ng kanyang salas.

"Your information?" nakapadikwatro siyang umupo sa single sofa katapat ko at inilahad ang kamay sa akin. Aligaga ko namang iniabot sa kanya ang folder na ginawa ng tauhan ng donya. "Chill stupid, wala akong gagawin sayo, wag kang feeling dyan. Kumalma ka"

"S-sorry sir" napapahiya kong sagot. Marahan niyang binuksan ang folder na ibinigay ko saka binasa.

"Your name was-- hahahahahaha seriously? Hahahaha di ba talaga ito joke?" di na niya matapos tapos ang sasabihin niya dahil sa pagtawa. Anong problema niya? Kung makatawa kala mo wala ng bukas.

"I'm sorry, I just can't help it" may pagpipigil ng tawang sabi niya habang nakatuon ang atensyon sa akin. "Bakit naman kasi ganito kapangit ang pangalang ibinigay sayo?"

"What? Hoy, hindi pangit ang pangalan ko" may pagkairita kong tanong.

"Hey, don't talk back! Master mo ko" kunot noo niyang sabi. Seriously? Master? Ggrrhh.

"S-sorry ho pero sir, wag ninyo ho sanang bastusin ang pangalan ko dahil kinuha iyan sa mahal kong ina't ama na sila Luke at Risha. Napakalaking bagay po ng pangalan ko sakin" paliwanag ko saka niya muling itinuon ang atensyon sa folder.

"Di ko tinanong kung saan nanggaling pangalan mo miss, di ko lang talaga inaakala na may ganito pa pala kabahong pangalan nowadays. Sabagay, galing ka nga pala sa probinsya" seryosong sabi niya habang nakatingin sa folder. "So, miss Loukrisha Makabajo, anong sinabi ng lola ko sayo?"

"Binilin niya lang ho yung mga ayaw mo at pinabasa niya ho yung folder mo sa akin" paliwanag ko. Folder na walang kwenta.

"At tinggap ka pa rin niya?" marahan na niyang sinara ang folder saka ito nilapag sa gilid ng inuupuan niya. Tumingin siya sakin na tila buryong buryo habang  nakapatong ang kanyang pisngi sa itinungkod niyang kamay sa gilid ng upuan.

"Qualified naman daw ho kasi ako" nakangiti kong sagot.

"Ang sabi ko sa lola ko, ang iha-hire niya ay perfect sa gawaing bahay.." panimula niya. Oh? Ano meron, lahat ng gawain sa bahay alam ko no. "At yung maganda"

Medyo ouch yun ha. Grabe naman siya, di naman ako ganun kapangit.

"S-so, paalisin ninyo ho ba ako dito dahil bagsak ako sa standard ninyo?" tanong ko saka ko ipinagdikit ang mga dulo ng daliri ko sa sobrang kakabahan.

"Hindi na, tinatamad na akong maglinis dito eh, ok ka na kahit hindi ka ganun kaganda, pwede na yang maputi ka" tumayo siya sa pagkakaupo niya sa upuan saka nagpamulsa. "I hope nabasa mo na ang lahat ng kailangan mong malaman sa akin at ang trabaho mo dito sa bahay ko"

"Yes sir" may galak kong sagot. Buti na lang talaga, di niya ako tatanggalin, pero grabe ugali niya ha!

"Pakitandaan lahat ng sasabihin ko, ayoko ng paulit ulit.." diretso siyang tumingin sa akin habang nakataas ang isang kilay. "Nevermind, tinatamad pala ako magpaliwanag ng schedule mo, isusulat ko na lang para matandaan mo. Ayoko ng hindi maayos na trabaho ok? Maglilinis, mamamalengke, magluluto, maglalaba at mamamalantya ka lang kaya gawin mo na ng tama.. ow wait, before ko makalimutan, araw araw gusto ko maglilinis ka" paliwanag niya. Akala naman niya madali lahat ng pinapagawa niyang iyan. Palibhasa anak mayaman.

"Masusunod po sir" tanging sagot ko na lang.

"Anyway here" bigla siyang naglabas ng pera mula sa pitaka niya. Wow! 5k. "Bumili ka ng gamit mo sa pagpasok, sa monday na ang start ng klase natin, enrolled ka na rin, at yung uniform mo? nasa kwarto mo na iyon, napadala na ng school kanina. Sige matutulog na ko, intayin mo na lang bukas iyong schedules mo"

"Sige ho, goodnight sir, salamat ho pala dito sa pera" nakangiti kong sabi.

Hindi naman pala siya ganun kasama kagaya ng iniisip ko, may 10% pa din naman palang kabaitan.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 34

    “Bakit ang tahimik mo kaninang dinner? Di ka pa din ba okay kay Kenji?” tanong ko kay Spencer pagkapasok namin ng kwarto. Umuwi na sila Megan at Kenji, nakapaglinis na din ako ng kusina.“Hindi ko siya gusto pero hindi ibig sabihin nun ay hindi ko na siya gugustuhing maging kaibigan mo. He’s been a good friend to you, nakakairita lang talaga yung ugali niya,” sagot niya.“Eh bakit parang may iniisip ka kanina?” tanong ko.“Iniisip ko lang kasi kung sino ang magiging model na ihahandle mo,” sagot pa niya bago nahiga. “Paano kung lalaki iyon at magkagusto sayo?”“Spens, trabaho ang gagawin ko saka tingin mo ba magkakagusto iyon sa akin? Model ang pagsisilbihan ko, matataas ang standard ng mga iyon,” paliwanag ko sa kanya para mawala ang worries niya.“Dyan mo ba talaga gusto magtrabaho?” tanon

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 33

    Agad akong naligo matapos ang saglit na tawag na nareceived ko. Nagluto na din ako’t kumain. Excited akong pumunta sa kumpanya para doon magpa-interview.“Aalis ka? Saan ka pupunta?” magkasunod na tanong ni Spencer pagkagising niya’t pagkalabas ng kwarto.“Tinawagan na ako ng kumpanyang inapplyan ko, pinapapunta nila ako ngayon sa opisina nila para doon interview-hin,” nakangiti kong sabi. “Nakapagluto na din ako dyan ng pagkain mo.” Tumango tango si Spencer.“Goodluck babe.” Lumapit siya sa akin at niyakap ako mula sa likod. “Pagtapos mo doon, uwi ka agad ha.”Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Wala naman na din kasi akong pupuntahang iba kaya uuwi talaga ako matapos iyon saka pasado alas-dose na, 1:30 pm ang interview ko, for sure nasa 3pm na ang tapos nun pahapon na kaya wala na din akong balak maglaboy.

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 32

    MATAPOS NG ILANG ARAW na pag-iisip, heto na ako’t pauwi na sa amin kasama si Spencer. Napag-usapan naming kakausapin namin si inay na mananatili ako sa Maynila kasama si Spencer ngunit hindi bilang katulong niya kundi bilang nobyang kinakasama. Sa katunayan, nasabihan ko na si inay sa tawag sa plano namin ni Spencer pero sabi ko ay uuwi pa din ako sa bahay para mas mapag-usapan namin. Habang nasa byahe kami ay tumitingin ako ng mga hiring sa internet. Madami na akong napasahan ng resume pero dahil wala pang nagreresponse ay minabuti kong maghanap hanap pa. Nang makarating na kami sa bahay ay agad kaming sinalubong nila Lunar at Solar. “Ate!” sabay na tawag ng mga kapatid ko saka sakin yumakap pagkalapit. “Nasan ang inay?” tanong ko sa kanila. “Nasa loob siya ate, nagluluto pa po,” tugon naman ni Lunar. Sabay sabay kaming pumasok sa loob habang tahimik lang sa may likuran ko si Spencer. “Inay.” Nilapitan ko siya saka nagmano

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 31

    Matapos ang araw na iyon, maingat ko ng pinagmasdan ang mga kilos ni Spencer. Mukha naman siyang normal na’t hindi aabot sa punto na iyon pero tuwing sinasabi niyang huwag ko siyang iwan ay nakakapangamba. Tuwing binabanggit niya kasi iyon ay tila sobra niyang lungkot.“Saan mo gusto magcollege?” tanong sa akin ni Spencer habang nakatingin sa cellphone niya ngayong kumakain kami ng pananghalian.“College? H-hindi na ako magka-college,” sagot ko. Tinanggap ko na sa sarili kong hindi na ako magpapatuloy sa pag-aaral para makapagtrabaho na’t makatulong kila inay.“Bakit? Edi hindi kita makakasama sa pag-aaral ko,” tugon niya ng nakakunot ang noo.“Kaya mo naman mag-aral ng wala ako, ano bang inaalala mo? Kailangan kong magtrabaho para sa pamilya ko,” mahinahon kong sabi. Padabog siyang tumayo sa pagkakaupo niya saka tumingin sa akin ng masama.

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 30

    "Salamat Isha, sabi ko na nga ba't ikaw lang ang makakapagpahinahon sa kanya" niyakap ako ni Megumi. Nandito kami ngayon sa mansyon nila mr. Cane kung saan nakaburol ang labi ni Carmen. Tahimik man si Spencer sa upuan niya ay hindi mapagkakaila ang kalungkutan niya kahit pa sabihing hindi na siya umiiyak. "Nga pala, hinanap ka ulit sakin ni Gil nung nagkita kami last time, hindi mo ba siya tinext?" dagdag niya matapos humiwalay."Hindi eh, nakalimutan ko. Bakit daw ba?" tanong ko."Ewan ko, may gusto yata yun sayo eh" kumento pa niya.Gustodaw.."Ano nga palang nangyari sa inyo kagabi ni Spencer?"A-anonganongnangyari?Anonggusto

  • The not so Beauty and the Beast (TAGALOG)   Chapter 29

    "Kay Spencer?" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba."Di namin kayang pakalmahin si Spencer tuwing nagwawala siya kaya pinuntahan kita para tulungan kami, alam kong mahal ka niya kaya alam kong makikinig siya sayo" paliwanag niya. Pero paano kung hindi rin siya sa akin makinig? Natatakot ako.Hanggang makarating kami sa hotel na pagtutuluyan ko pansamantala ay naging tahimik lang ako."Mahalaga kay Spens si Carmen, di man babaeng iniibig pero bilang babaeng naging tunay na kaibigan sa kanya" napatingin ako kay Megumi matapos niyang magsalita sa hangin. "Isha, pasensya ka na talaga pero ikaw lang ang naisip kong makakatulong sa amin"Matapos niya ako maihatid sa kwartong gagamitin ko ay umalis na siya dahil hinahanap na daw siya sa kanila.Nagpagulong gulong ako sa malamb

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status