Carina’s Point Of View
Nang makarating na kami sa kanilang bahay ay halos makalimutan ko lahat ng mga impormasyong pinaghirapan ni sir Sergeibev na i-explain saakin. Doon ko lang napansing kakaiba talaga ang accent nila. Hindi ko alam kung matatakot,mai-intimidate, or mapapahanga ba ako. Pero sa kalaki-laki at kaganda-ganda kasi ng bahay nila na para nang tinalo na ang palasyo ng Disney eh sino ba kasi ang hindi mapapatanga at makakalimot sa sirili nila, diba?
“Good afternoon sir, and ma’am. Welcome back.” Pag-greet ng matandang babaeng napakakinis padin ang kutis. Siguro pag hindi niya tinawag na sir si sir Sergeibev ay mapagkakamalan ko siyang asawa niya.
Tumango naman si sir. “Good afternoon Tatyana. This is her, miss Carina Historina. Please tour her around for a moment so I can inform this to Arkady.”
“Yes sir. This way please, ma’am Carina.”
“O-okay po-I mean,okay ma’am.” Nagkakaba kong sagot sabay sumunod sa kanya sa kung hindi ako nagkakamali ay kusina.
At nang makarating nga kami ay lahat ng makikitang laman ay pinatunayan lang saakin na tama ang hinala kong kusina ang pupuntahan namin. Kaso lang, ang kanina ko pa napapansin ay kung bakit halos maitim ang theme ng disenyo ng bahay na ito.
‘Siguro mahilig silang pamilya sa maitim.’
“This is the kitchen, this one here is the fridge. You can just tap this if you are to get something inside. Then, this is the ove-“
“ Chto znachit, ty nashla mne sidelku?! I ona na samom dele iz Azii?! Konkretno Filippiny?! Chto, chert voz’mi,ty dumayesh’ obo mne?!” (What do you mean you got me a caregiver?! And she’s actually from Asia?! Specifically Philippines?! What the hell do you think of me?!)
Halos napatalon kaming dalawa ni ma’am Tatyana dahil sa biglang sigaw na parang kidlat ang pag-alingaw-ngaw. Dahil sa pagkabigla ay hindi ko namalayang napahawak sa braso ni ma’am Tatyana. Na sa kabutihang palad ay nginitian niya ako bilang pang-aliw. Kaya pinilit ko ding ngumiti kahit ang ngiti niya ay halatang may halong pagka-awa. Hindi ko lang alam kung sa akin ba o sa dalawang amo namin.
“That’s just some father and son moment miss Carina. Please don’t worry.”
“I see,father and son moment here is quite loud then. “ Komento ko sabay tingin kung saan nanggagaling ang tumaginting na boses na magpapa-akala talaga sayong may isang diyos na nagalit at biglang bumaba sa lupa sabay bigkas ng mga salitang pang sinauna.
“Sometimes.” Pagsang-ayon ni ma’am Tatyana, na may kahalo ulit na hindi maintindihang paagka-awa at pag-aalala sa kanyang mukha. “Do you want to visit your patient’s room?”
Nabigla ako sa ini-alok niya. “Is it alrig-“
“Ne nado,Arkadiy, eto dlya vashego zhe blaga. Dumayesh’,ya stal by khodit’ I prosit’ luchshikh v mire gruzchikov,yesli by ne schital tebya svoim synom?!”(Don’t Arkady, this is for your own welfare. Do you think I would go around and ask for the best caregivers in the world if I don’t think of you as my son?)
Napahinto ako sa paglalakad dahil narinig kong boses iyun ni sir Sergeibev. “Ma’am Tatyana, are you sure they are just bonding? It seems like they are cursing each other. Pardon me but,it is what my instinct says.”
Kakaiba kasi ang tono ng boses ni sir Sergeibev kaya hindi ko mai-magine na ayos lang sila. Ah teka,baka bingi ang anak niya kaya…..
Ngumiti ng marahan saakin si ma’am Tatyana. “You want to see your patient’s bedroom right?”
Nagtaka ako kung bakit gusto niyang tignan ko ang kwarto ng magiging pasyente ko kaya tumango nalang ako, ngunit nang pumunta na kami ay parang naintindihan ko kung bakit. Para siguro ilayo niya ako sa pagdinig sa boses ng mag-amang hindi mo masasabi kung talaga bang nag-bobonding o nag-aaway na. Dahil halos sa forth floor naman ang kwarto ng pasyente ko!
“I’ll be going down to cook for food. Please feel free to explore miss Carina.”
“What?”
“I’ll come back later.”
…………………
Naiwan nalang akong nanginginig sa harap ng napakalaking pinto dahil sa pag-iwan saakin ni ma’am Tatyana. Nagtataka tuloy ako kung napakarami ba ng ginagawa niya na halos iwanan na niya ako dito na parang turistang inihatid sa kanyang hotel room. Pero dahil wala akong pwedeng gawin kundi ang pumasok,dahan-dahan ko itong binuksan.
‘Pwede ba talaga akong pumasok kahit walang permiso ang aking pasyente?’
Napakadilim ng buong kwarto kaya hinanap ko ang switch ng light ngunit nangayayat na ang mata ko sa kahahanap sa dilim ay wala akong nahanap na anong puti kaya ang flashlight nalang ng phone ko ang ginamit ko. Clear na glass ang wall niya ngunit hindi yata pumapasok ang ilaw sa labas dahil wala talagang liwanag. Pero napakaganda pala ng bakuran nila. Lalo na at dito ako sa taas tumitingin. Parang aerial view ng magical garden. Dahil meron ding maze!
‘Iba talaga pag nasa-maganda at advance na bansa ka-‘ “Ahhhhhh!!!!”
Kagyat akong napalukso sa pinakamalayong gilid nang may mailawan akong parang ahas na tumitingin saakin.
‘Ano yun?! Bakit para talagang ahas?!’
…………………………….
Halos nanigas ako sa kinatatayuan ko ng ilang minuto ngunit wala akong naramdamang kong anong gumagalaw kaya nakaluwag ang aking paghinga.
‘Siguro ay ilusyon ko lang iyun dahil sa sobrang kadiliman ng kwartong ito’.
Iyun ang paniniwala ko.Pero nang may maapakan akong parang switch na sa flooring nakakabit,biglang bumunyag saakin ang halos kakaibang mundo. At sa mga nakikita ko ngayon ay hindi ko alam kung normal pa ba ang aking pasyente o baliw na. Siguro ay ito ang gusting ipakita ni ma’am Tatyana para magkaroon ako ng idea kung ano ba talaga ang magiging pasyente ko. At para na rin siguro makapag-decide ako kung talaga bang mananatili ako dito hindi.
‘Pero ano naman ang ginagawa ng napakaraming pictures ng tao dito na may x ang bawat ulo-“huh!” Oh my gosh! Serial killer ata ang magiging pasyente ko! Akala ko ba Huntinghon’s disease ang meron siya?!’
Dahil sa pagkatakot ay agad akong tumakbo sa pinto ngunit nahinto pa ako sa naapakan kong parang underwear.
‘At ano naman ang ginagawa nito dit-‘
“Ne!” (Don’t!)
“AHHHHHHH!”
……………………….
Dahil sa pagkabigla,hindi ko namamalayang nakasigaw na pala ako. Ngayon ay tinititigan ako na parang kinuha ko ang pinaka-favorite niyang laruan ng lalaking sa tingin ko ay aking pasyente.
‘Iba talaga ang kagwapuhan ng mga lalaki dito. Halos lahat na ata ay nakaka-‘
“Who.told.you.to.enter?”
Nangangalatay ang aking mga pang automatikong humahakbang patalikod dahil sa hindi maipaliwanag niyang pagbigkas ng mga salita. Lalo na’t napakatigas ng accent nito,para talagang nakarinig ako ng isang sinaunang diyos na galit na galit. Idagdag pa hindi maipintang kompleksyon nito habang napakalaki ng mga hakbang nito patungo saakin.
‘Ngayun ko lang nakitang nakakatakot pala ang itsura ng mga gwapo kapag naga-‘
“I ask who told you to enter?!”pag-uulit niya sabay pinadoble ang lakas ng boses.
Dahilan kung bakit ako natapilok ng wala sa oras. Buti nalang at napaupo ako sa malambot na higaan.Ngunit hindi padin talaga ako mapakali. Nararamdaman kong nakabuka ang aking bibig pero ‘yun lang. Hindi ko padin mahila ang boses ko dahil ata sa sobrang pagkamaga ng aking bunganga sa pagkakatunganga. Kaya kung ang pagiging estatwa ang magsasalba saakin sa sitwasyong ito, magagalakan talaga akong titigan ng deretso sa mata si Medusa.
‘Ahhhhh! Bakit ba ako tinititigan ng ganito!? Para naman akong magnanakaw ng ilang beses bumalik pero ngayun lang nahuli!’
Carina's Point of View"You can sit here if you want."Napalingon ako ng mabilis sa nagsalita. Isang karaniwang Russian na syempre, pogi at napaka-attractive. Makakapal ang mga eyebrows, madilim ang mga mata, napakatangos na ilong, at mala-panginoong bibig. Ang pinag-iba lang nila ni Arkady ay mas maaliwalas ang mukha nito kaysa sa boss kong parang araw-araw binibwisit ng mundo. Napangiti ako nang kanyang iniayos ang upuan upang ako'y maka-upo. "Well thank you.I saw about to have an anxiety looking at these sweet ant infested couples but thank god, there's a water."Maigsi siyang napatawa sa aking komento. " I didn't know some people have couple-phobia." "Like gamophobia and philophobia you say. I'm Carina by the way. And you are?"Iniabot ko ang aking kamay pagkagtapos niyang humigob ng kanyang kape o tsaa, hindi ko mawari dahil sa million dollar na gold mug niya. Saka black na nagiging brown niyang laman. Hindi ako ganoon ka-friendly pero dahil iniligtas niya ako sa aking muntik n
Carina's Point of View'Alam mo ba yung feeling na kahit sobra ang pagka-awa mo sa isang tao eh wala ka talagang magawa kasi hindi mo abot yung kailangan niya para bumuti ang sitwasyon niya?' Ngayong araw kasi, kinaumagahan palang ay nataranta na ako dahil sa pagsisigaw ng aking alaga na parang nalulunod siya, kaya ayun, nandito na kami sa ospital kung saan siya ipinapagamot. At sa habang titignan ko siya na nakahiga at walang malay kasi tinusukan ng pampatulog para kumalma muna at hindi ganoon maramdaman ang mga sakit ng katawan, parang nararamdaman ko ang kanyang naglulugmok na kaluluwa. Humihiling ng kunting pagmamakaawa ngunit hindi siya nakikita."Hi ma'am, how have you been?" Maalumanay na tanong ng doctor na siya na ring nagturo noon saakin, maliban kina ma'am Tatyana at kay sir Sergeibev, kung papaano i-handle si Arkady upang hindi ako ganoon mahirapan. Pagguguluhan ko sana ang kanyang kakaibang kagwapuhan pero sayang, may asawa na. Napakaganda pa, isang make up model at nana
Carina's POV 'That's it! You're just so stubborn and ungrateful! We fed, took care of you and everything yet this is what we get?! You just go about and choose whatever job you want? Who do you think you are?! Even you're older sisters choose what we told them to! Get out of here you ungrateful woman! You are not my child anymore!' Nagising ako ng bigla dahil sa panaginip na iyon at nang mapansing umiiyak na pala ako habang natutulog ay parang may humati saaking dibdib. Hindi ko naman narinig ang mama ko na sinabi ang mga salitang iyon pero sa mga pagtrato niya saakin ay parang nadama ko na rin na iyon ang iniisip niya saakin. Akmang tatayo na sana ako pagkatapos punasan ang aking luha ng biglang may lumitaw na maligasgas na boses sa aking likuran. Muntik na akong mapasigaw dahil sa pagkabigla kay Arkady. Bukod sa pagtataka kung paano siya nakapunta dito ay nabigla rin ako kung paano siya nakatayo kahit medyo pagalaw-galaw pa siya. "Ty spish', kak moya sobaka." Kumunot pati uta
Carina's POVBalisa kaming lahat, ako, si ma'am Tatyana at si sir Sergeibev habang naghihintay sa sasabihin ng doctor ni Arkady tungkol sa biglaang pagkakaroon niya ng chorea, samantalang wala naman daw siyang naging ganoong symptom dati. "Gospodin Galitskiy, k sozhaleniyu, vash syn vnezapno zabolel khoreyey. Dvigatel'noye rasstroystvo, kotoroye yavlyayetsya naiboleye chastym simptomom yego bolezni. '' Maalumanay na pagpapaliwanag ng doctor habang inaasikaso ang mga papeles ni Arkady sa kanyang folder.Hindi ko iyon naintindihan syepre pero sa mukha palang ng amo ko ay mahahalatang hindi maganda ang sinabi ng doctor."He said sir Arkady has Chorea. Do you know that?" Pabulong na isinalin ni ma'am Tatyana saakin habang busy sa pag-uusap ang doctor at si sir Sergeibev.Tumango ako ng marahan saka pinasadahan ng tingin si Arkady. Kung totoo ang sinabi ng ama at ni ma'am Tatyana, na mula bata pa siyang lumalaban sa kanyang sakit, at maituturing na maswerte na siya dahil natatakasan niya
Carina's POVPanay ang malalalim na hinga ko sa loob palang ng sasakyan nang makalabas si Arkady matapos kong maiparada sa kanilang garahe. Halos parang nasakal ako mula sa lawang iyon hanggang dito dahil sa kanyang kakaibang galaw.' Iba talaga nagagawa ng pagliban ng pag-inom ng gamot jusko.Buti nalang at nakayanan kung nagdrive kahit na nagyeyelo parin buong 206 na buto ko. 'Nang makalabas ako, imbes na maginhawaan ang aking pakiramdam, halos mahimatay naman ako sa bumungad na mga gasgas ng sasakyan nilang Ferrari. Mag-iisip na sana ako ng paraan kung papaano ba iyon ipapaayos pero narinig ko na naman dabog ni Arkady sa may pintuan nila kaya agad akong tumakbo para painumin ng gamot muna ito. Para naman tumigil na siya sa pagiging savage na gaya na rin ng pagdedescribe niya sa lahat daw ng tao. "Arkady! Please come here first. You need to take your medicines!" Nagmamakaawang sigaw ko nang madatnang para siyang hari na naka-upo na sa upuang automatikong tumataas sa kanilang hagdana
Carina's POVMahabang katahimikan nalang ang naging coping mechanism ko sa kahihiyang nagawa ko. Samantalang ang katabi ko naman ay todo asar at tawa na para bang hindi napapansin ang namumula kong mata dahil sa pinaghalong inis at hiya."No offense to your family but your a pity. I'm just lucky that I do not have such kind of common sense even if I am-""Will you please just stop? I'm having a problem with my stomach right now. " Naiiyak kong pagpipigil sa kanya dahil nararamdaman ko na ang pagsasakit ng aking tiyan. 'Jusko! Maawa ka, wala pa namang CR dito!'Gumaan naman pakiramdam ko ng natahimik agad ang walang awang katabi ko, parang yung pang-aasar lang talaga niya ang nagpapalala sa sakit ng tiyan ko."Here."Halos lumaki mga mata ko ng abutan ako ng isang gamot na kinalkal ata niya sa loob ng box na parang maliit na mamahaling ataul. 'Grabe, gamot kaya ito para mabuhay o mamatay?'Dahil wala naman akong chocie kundi tanggapin ito, pilit ko nalang itong ininom saka pinagdasal s