Share

Chapter 9

Mabilis akong umikot at sinikmura ko ang babae gamit ang tuhod dahilan upang mapahawak siya sa parte na 'yon hanggang sa mapasalampak sa sahig.

Akala ko susugod 'yong dalawang kaibigan niya bagkus tinulungan lang ng mga ito na makatayo ang kaibigan nilang napuruhan.

"Bitch, may araw ka rin sa 'kin," huling sambit bago tumalikod at umalis na silang tatlo sa restaurant.

Sa wakas natapos rin.

"Tapos na po ang show, bumalik na ulit kayo sa ginagawa niyo," sigaw ni Aiza.

Tinignan ko ang natapon na pagkain sa sahig, walanghiyang babaeng 'yon dapat pala hindi ko muna 'yon pinaalis hangga't hindi nito nalilinis ang kalat na nagawa niya.

"Okay ka lang?" napatingin naman ako kay Naomi na kakarating lang. Inayos ko naman ang aking postora bago sumagot dito, "oo." 

"Pasensya ka na sa nangyari, Nao. Siya kasi ang nauna e'," parang batang sumbong ko. 

"Sino ba 'yon? Sugurin natin bahay nila, bombahin natin. Pero ang swak ng pag-sikmura mo sa kanya kanina." Tumawa naman ito nang mahina.

Natawa na rin ako sa kanyang sinabi at sabay na kami nagtungo sa office nito, may ipapakita kasi siyang importante.

Pagkarating namin, may binigay kaagad siyang brown envelope at kinuha ko naman 'yon sabay kuha kung ano ang nasa loob.

Kinalat ko ang mga litrato sa lamesa at isa-isa 'yong tinignan. Namumukhaan ko sila.

"Paano ka nagkaroon ng litrato nila? H'wag mo sabihin, sinundan mo sila at ikaw mismo ang kumuha nito?" tanong ko rito habang tinitignan pa rin ang mga litrato. Napaka-delikado, buti hindi siya nahuli.

"Hindi, nagpatulong ako sa kaibigan kong magaling mag-investigate," sagot niya at kumuha ng isang litrato at saka tinignan.

Napatango naman ako. Ang dami talagang connections nitong babaeng ito.

"Ito ang nakabunggo ko, buti na.lang hindi nila ako napansin," sabay pakita sa kanya ng litrato. Litrato ng mga kalalakihan habang nakasuot ng suit.

"Diba ito ang katiwala ng ama mo?" tanong nito at sinuri ang litrato na pinakita ko.

Tumango ako bilang sagot sa kanyang katanungan. 

"Sino sila?" sabay turo sa mga litrato. Hindi ko kasi makita ang mukha kasi nakatalikod sila sa kuha.

"Nakalimutan mo na? Sila ang nakalaban mo no'n... na naghahanap din sa 'yo ngayon dito sa Pilipinas," sagot niya.

Nakaramdam naman ako ng pagkamangha sa kumuha ng mga litrato. "Ang galing naman ng kaibigan mo."

Naputol ang ginagawa kong pagtingin sa mga kuhang litrato nang may biglang kumatok sa pinto, sabay kaming napalingon ni Naomi ro'n.

"Ma'am, may naghahanap po kay Miss Celine," sabi no'ng kumatok.

Mabilis kong inipon ang lahat ng litrato at nilagay na 'yon sa brown envelope.

Tumayo na ako at lumakad, binuksan ko na ang pinto dahilan upang bumungad sa 'kin ang mukha ni Aiza.

"Sino?" 

"Venz po, nandoon po sa labas naghihintay." 

"Pakisabi doon sa naghahanap na lalabas ako mamaya," utos ko. Tumango naman siya at umalis na.

Sinirado ko ulit ang pinto at bumalik kay Naomi. Nang tumingin ako kay Naomi, nang-aasar ang mukha nito habang nakatingin sa 'kin.

"May namumuo na ba?" Inikutan ko lang siya ng mata dahil sa kanyang tanong.

"Ano bang klaseng tanong 'yan? Oo meron, namumuong inis at galit siguro," tanging sagot ko lang dito.

"Osige na, puntahan mo na 'yong Prince Charming mo, kwentuhan mo ako ha?" may pang-aasar pa rin sa boses nito habang binibigkas 'yon.

Nilakihan ko ito nang mata upang tumigil ngunit tumawa lang ito.

Prince Charming my ass!

"Salamat pala sa pag-iimbestiga sa kanila, Nao," pagpapasalamat ko.

"Anong salamat? Dapat libre mo ako pag may sahod ka na ro'n kay Prince Charming." Gusto ko tuloy sakmalin ang babaeng ito dahil sa kanyang sinabi. Prince Charming? Sus, wala akong nakitang traits sa lalaki na nasa list ng standards ko. 

Hindi na ako nakipag-sagutan at nagpaalam na kay Naomi. Dinala ko ang envelop na binigay sa 'kin. 

Pagkalabas, natanaw ko kaagad si Venz. Nakapamulsa itong nakatingin sa 'kin.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa nasa harapan na niya ako.

"Anong kailangan mo?" bungad na tanong ko sa kanya.

"Ikaw," simpleng sagot nito dahilan upang mamula kaunti ang pisngi ko. Siguro guni-guni ko lang 'yon pero hindi e'. 

"Ha?"

Tinignan niya ako nang masama. "Bingi ka ba? Try mo kayang maglinis ng tainga." 

Sungit naman nito.

"Ang sabi ko kailangan kita sa office ko," paglilinaw nito sa kanyang sinabi kanina. 

Naalala kong wala pa pala akong natatanggap na sahod mula rito.

"Ayoko nga." 

Tumaas naman ang kilay nito dahil sa naging sagot ko at nagtanong, "bakit?"

"Sahod muna bago ako sumama sa 'yo." Napailing nalang ito sinabi ko at may kinuha sa wallet niya. Pa-sikreto ko namang tinignan ang laman ng kanyang wallet. Daming cards at cash, sana ol yayamanin.

Kumuha naman ang lalaki ng 24, 000 pesos at inilahad sa 'kin ang pera. Sa wakas may sahod na ako.

Sumilay naman ang malaking ngiti sa labi nang nasa kamay ko na ang pera.

Sandali lang 'yon dahil nabigla ako sa paghawak nito sa 'king kamay at nagsimula na kaming maglakad.

Napatoon tuloy ang tingin ko sa kamay namin ngayon. 

"Ano ang gagawin ko sa office mo?" tanong ko sa kalagitnaan ng aming paglalakad patungo sa kotse nito.

"I'll think of it later." 

Hindi pa pala nito alam ang ipapagawa sa 'kin, sana man lang nag-isip na siya bago pumunta sa restaurant 'no.

Pumasok na ako sa sasakyan at sinuot na ang seatbelt. Hindi ko na talaga malilimutan ang pagsuot nito dahil sa kahihiyan na natamo ko no'ng nakaraan.

Tumahimik na ako, hindi na muna ako makikipagtalo sa kanya ngayon sapagkat ako ay may sahod na. Baka kasi umiba ang ikot ng turnilyo nito sa utak at bawiin pa ang binigay na sahod kanina.

After 25 minutes, narating na namin ang kompanya nito. Ang bilis kasi nitong magpatakbo. 

Pagpasok namin, lahat ng tingin ay nasa amin na.

As usual, pinagtitinginan na naman kami ng mga tao sa paligid. Ngayon ko lang naalala, hindi pa pala ako nakapag suklay kanina kaya panigurado mukha na akong aswang ngayon. 

Kaya siguro kami pinagtitinginan plus pinag-uusapan kasi akala ng mga 'to na aswang ang kasama ng boss nila.

Pumasok na kami kaagad sa opisina nito. 

Umupo na ako sa visitor's chair habang siya naman ay umupo na kaagad sa magara niyang upuan at nagsimula ng buklatin ang maraming folder sa harapan.

Habang hinihintay ang utos niya, nagsimula na akong maglaro ng candy crush sa cellphone, level 78 na kasi ako. Hays, habang tumatagal mas lalong naging mahirap ang games na ito. Sarap sana i-delete kaso sayang naman 'yong effort ko unlocking the levels. Hindi 'yon biro, pinagpuyatan ko pa naman din ang iba.

Venz's Pov:

Nakaramdam naman ako ng pananakit sa batok. Tinigil ko na ang paglalagda ng mga papeles at sinulyapan si Celine.

Nakatulog ito habang nakabukas ang bibig at ang cellphone naman ay nasa hita na nito. Hindi ba siya nangangalay sa puwesto niya? 

Napailing naman ako at mabilis na pinindot ang red switch sa gilid, which is connected sa sekretary ko. 

Hindi nagtagal ay pumasok na 'to. "Good evening, sir." 

Napansin kong napasulyap ito kay Celine ngunit binaling din kaagad nito ang tingin sa 'kin nang tumikhim na ako.

"I want you to buy a long sofa that would fit in that side," sabi ko sabay turo kung saan ko 'yon ipapalagay.

"Noted. Is that all, sir?" Tumango naman ako kaagad dito. Lumabas na ang sekretarya sa opisina.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at lumapit na sa babae. 

Kanina ko pa napapansin ang buhok nito, sobrang gulo. Ano kayang ginagawa nito sa opisina ng boss niya?

Sino ba kasing boss nito? Manager lang nito ang na-met ko kahapon.

Habang tinitignan ang babae hindi ko mapigilan mapa-isip. Oo nga pala, hindi ko pa alam ang buong katauhan ng babae at tanging pangalan lang niya. At wala rin 'ata itong balak na mag-kwento sa 'kin.

Mabilis kong kinuha ang cellphone sa 'king bulsa at kinuhanan ko 'to ng litrato. Naka-limang kuha na ako bago naisipang tumigil.

Gigisingin ko na sana ang babae nang mapatingin ako sa kanyang mukha. Malabo ba mata nito? Palagi na lang itong nakasuot ng glasses. Mahaba rin ang kanyang buhok at kulay itim pa.

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay papunta sa kinaroroonan ng glasses niya at nagbabalak na kunin 'yon upang masilayan ko nang mabuti ang kan'yang mukha na walang suot na salamin.

Nahawakan ko na ito at dahan-dahan na 'yong tinanggal. Sinisigurado ko talaga na hindi siya magigising. Malapit ko na sana itong matangggal ng buo nang nabigla ako sa kamay nito na nakahawak sa braso ko, pinipigilan ang balak kong gawin kasabay no'n ang pagbubukas ng kanyang mga mata.

Napatayo naman ako nang tuwid at kumilos na para bang walang nangyari. Sinulyapan ko ito at nakitang inayos nito ang suot na salamin at buhok. 

"Bakit mo pa ako pinapapunta sa office mo? Wala naman pala akong gagawin, ayan tuloy nakatulog ako," mahinang saad niya at naghihikab.

Bakit ko nga ba naisipan na kunin ito sa pinagtatrabahuhan niya at pasamahin sa kompanya? 

I don't know the reason. Hindi na ako ito, hindi naman ako ganito sa mga babae lalo na kay Rina noon.

I realized that I was being friendly with her lately. Hindi na maganda ito. There's something inside me that would be endangered if I keep treating her nicely. 

"Tapos ka na ba?" she asks.

"Yeah." 

"Aalis na tayo?" 

"Yeah." 

Kunot-noo naman ako nitong tinignan sabay tanong, "may problema ka ba?" 

Nagtaka naman ako. "Bakit?"

Tumayo na ito bago sumagot, "palaging yeah kasi ang sagot mo." 

Umiwas ako ng tingin dito.

"Don't mind me, let's go." Nauna na akong lumabas at sumunod naman 'to kaagad sa 'kin, narinig ko pang may binulong ito ngunit hindi ko mawari kung ano 'yon sa sobrang hina nang boses.

Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Napaisip tuloy ako. Unang-una, bakit siya ang naisipan kong kuhain upang gawing fake girlfriend at iharap sa pamilya ko? 

Masyadong inosente. 

Siya rin ang kauna-unahang babae who dared to talked me back. Iyong ginagawa niya sa 'kin ay hindi naman nagawa ng ibang babae no'n dahil lahat sila takot sa 'kin.

Tinigil ko na ang sasakyan nang marating namin ang kanyang apartment. 

"Salamat," pagpapasalamat nito bago lumabas ng sasakyan. 

I didn't respond.

Sinulyapan ko lang ito at siguradong nakapasok na sa loob bago ko pinaandar ulit ang kotse.

Nag-chat naman ako sa gc naming magbabarkada at pinapapunta ko ang mga ito sa aming paboritong tambayan, which is bar na pagmamay-ari ni Felix.

Mabilis kong pinarada ang sasakyan sa gilid at pumasok na sa maingay na bar. Naabutan ko naman si Felix sa table namin. Napansin ko rin ang pagbabago ng lamesa namin ngayon, mas mahaba na ito kaysa sa dati. Mabuti naman naisipan ni Felix na palitan itong lamesa.

Napansin naman ako nito kaagad.

"Yow!" sabay na bati namin sa isa't isa bago mag-fist bump.

Binaba naman nito ang phone at tumingin sa orasan. "Ang tagal naman ng dalawa," mahinang reklamo ng lalaki. "Saka nga pala, ikaw magbayad nito ah? Ikaw may sabing uminom tayo ngayon," dagdag nito.

"Ang sabihin niyo, kuripot lang kayo. Mayaman naman kayong tatlo pero ang kuripot." Tumawa naman siya sa 'king sinabi.

"Mas mayaman ka pa sa 'min." Napaismid na lang ako at sakto namang dumating ang dalawa naming kaibigan.

"Yow!" sabay na pagbati nilang dalawa at nag-fist bump na kami. Pagkatapos ay umupo na sila't nagsimulang uminom.

"Wow, mabuti naman at pinalitan mo na ang lamesa natin, Fel." Katulad ko ay mabilis din napansin ni Gabriel ang pagbabago ng lamesa.

"Naman, ako pa ba," response nito at tumawa.

"So, anong dahilan bakit ka biglaang nag-chat at pinapunta mo kami rito? In love ka na?" pag-aasar ni Khel at nagsimula na silang tumawa lahat.

Naibato ko sa kanya tuloy ang isang piraso ng pulutan namin. 

"Gago," pagmumura ko sabay pakita ng gitnang daliri.

Sinabi ko sa mga ito na gusto ko lang uminom na kasama sila. Hindi naman sila naniniwala at patuloy sa pang-aasar. Umiling na lang ako at binalewala ang kanilang sinasabi. 

"In love ka sa babaeng 'yon, hindi ba siya 'yong babaeng nakita mo 1 year ago?" Napatingin naman kaming tatlo kay Gabriel dahil sa binigkas nito. 

"Hindi siya 'yon," mahinang sagot ko rito. Oo, hindi siya 'yon kasi siyang-siya talaga ang babaeng 'yon. 

Napailing na lang ako habang inaaalala ang pangyayari.

(Flashback)

Habang kausap ang business partner ko ay nahagilap ng aking mata ang babaeng nakaputi at may dalang malaking maleta. Para itong nawawala sa mall, may mga lalaking lumalapit dito at 'yong isang kasamahan ay pasimpleng hiniwa ang shoulder bag ng babae at nilabas doon ang wallet. 

Umalis din ito kalaunan matapos makuha ang pakay nila. Itong babae naman ay walang malay sa pangyayari. Mabilis akong nagpaalam sa kausap ko at sinundan ang mga grupo ng kalalakihan. 

Mabilis ko namang natagpuan ang mga ito, tawa nila'y parang naka-jackpot sa lotto dahil sa nakuha nilang wallet. Walang masyadong tao sa parking lot kaya sinita ko ang mga ito at sinenyasan na ibalik ang kinuha nila ro'n sa babae. 

Pero nagmatigas sila, at dahil alam nilang nag-iisa lang ako ay hindi sila nagdalawang-isip na nakipaglaban sa 'kin. Nilaban ko ang mga 'yon, napuruhan pa ako sa braso dahil sa kutsilyong hawak ng isang kasamahan nila. Sa madaling salita, natalo ko ang mga mga lalaki at mabilis kong kinuha ang wallet ng babae at pumasok ulit sa loob ng mall.

Napansin ko itong parang balisa at hindi mapakali. Palagi itong nagtatanong sa mga tao at sabay balik ang tingin sa bag niyang may hiwa na. Siguro alam na nito na nawawala ang kanyang wallet.

Tinignan ko ang aking hawak, gusto kong ibigay sa kanya ito mismo ngunit baka sabihin na ako 'yong nagnakaw. Sakto namang may dumaan na babae sa harapan ko, mukha naman itong mapagkakatiwalaaan kaya sa kanya ko binigay ang wallet at pinapabigay ko ro'n sa babae na ngayo'y paiyak na. 

Sinunod naman nitong babae ang sinabi ko, nagtago ako sa isang gilid at sinulyapan ang pangyayari. Binigay na nito ang wallet sa babae.

Nagpapasalamat pa itto at bago pa man ako maturo ay umalis na ako kaagad sa pwesto at umuwi.

(End of flashback)

Her face... katulad pa rin no'ng una, inosente.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status