Share

Chapter 8

Nandito pa rin si Venz sa apartment, at pareho kaming nakasilip ngayon sa labas ng bintana habang minamasdan ang malakas na pagbuhos ng ulan.

Nagsimula na ring bumaha sa kalsada.

Nakalimutan ko, may binalita pala kahapon tungkol sa bagyo na tatama sa kalapit naming lugar. Kaya naapektuhan pa rin kami dahil sa habagat na dala nito.

Naisipan ko naman na magtimpla ng gatas, maganda kasing i-pares 'yon sa malamig na panahon. Pagkatapos ko magtimpla ay bumalik kaagad ako sa pwesto ko kanina.

"Mukhang hindi na 'ata titila ang ulan ngayon," rinig kong saad ni Venz na nasa tabi ko. Tahimik na sumang-ayon naman ako sa 'king isipan. 

"Pwede ba na dito na muna ako matutulog?" pagtatanong nito. Napalingon naman ako sa lalaki at tinaasan ito ng kilay.

Hindi sana ako papayag kaso naisip ko, baka pag hindi ako pumayag ay hindi nito ibibigay ang sahod.

At isa pa, mahirap din lumusong ngayon dahil sa malaking baha, hindi mo alam kung ano ang naghihintay sa 'yong peligro. Baka mapaano pa 'to, kargo de konsensya ko pa pag may masamang nangyari dito.

"You may, but sa sahig ka matutulog," saad ko. Maliit lang kasi itong ni-rentahan kong apartment kaya maliit din na kama ang meron ako rito.

"Okay."

Bumalik na ulit kami sa pagiging tahimik. Tanging lakas ng patak ng ulan at hangin na animo'y sinasampal ang balat namin ang naririnig.

Nakaramdam naman ako ng panlalamig kahit nakasuot na ako ng jacket. Mabilis kong kiniskis ang dalawang palad upang painitin ito at saka hinipan 'yon. Paulit-ulit ko na ginagawa ngunit hindi pa rin sapat upang maibsan ang lamig na nararamdaman.

Naisipan kong matulog na lang kaya tumungo na ako sa higaan at nagtalukbong ng kumot. Inaantok na rin ako gawa nang maraming ginagawa sa restaurant.

Bago ako makatulog ng tuluyan ay nagdasal muna ako. Pinagdasal ko ang mga taong malapit sa 'kin na sana nasa mabuti silang kalagayan ngayon.

Pumikit na ako upang matulog. Ilang oras din ang dumaan ngunit hindi pa rin ako mapakali. Hindi malaman kung bakit ayaw makisabay ng isip sa gusto kong mangyari. 

Huminga ako nang malalim at tinanggal ang kumot sa pagtatakip sa mukha, umupo na ako sa higaan at napatingin sa sahig nang maalala ko ang lalaki.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kalagayan niya ngayon. Mapapansin mo talaga sa kanya na hindi siya sanay sa ganitong pamumuhay. 

Ako rin naman noon. Mabuti nalang mabilis ako maka-adapt sa paligid.

Nakatingin lang ako sa lalaki na hindi mapakali. Alam kong malamig sa sahig lalo na't banig, unan at kumot lang ang binigay ko sa lalaki.

Sa huli, napagdesisyonan ko na gisingin ito at saka palipatin sa higaan ko. Niyugyog ko ang kanyang balikat hanggang bumuka na ang mga mata nito at kunot noo akong tinignan.

"Bakit?" medyo iritado nitong tanong.

"Sa kama ka na matulog, alam ko kasing hindi ka komportable sa sahig lalo na't nakasanayan mong matulog sa magara at malambot na higaan." Umirap naman ako rito pagkatapos kong sabihin 'yon.

Nagtalukbong siya bago sumagot, "h'wag na, baka hindi tayo magkasya sa higaan."

Mabilis kong tinanggal ang kumot sa pagkakatalukbong niya.

"Pwede naman ang dalawang tao sa kama, tabi nga kami minsan ng kaibigan ko e'." Maraming beses na kami nagtabi ni Naomi na matulog dito and so far okay naman basta lang hindi ikaw 'yong taong naninipa habang tulog kasi sa sahig talaga ang bagsak mo. Semento pa naman 'to.

Kumunot naman ang noo nito. Oh, may nasabi ba akong mali?

Umupo na ito at nagtanong, "sinong kaibigan?"

"Pakilala kita sa susunod, sa ngayon, bumangon ka muna at lumipat kana sa higaan ko." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay bumalik na ako sa pagkakahiga sa kama. Tumagilid ako nang higa means nakatalikod ako sa lalaki. 

Ramdam ko ang pag-upo nito sa higaan. At ramdam ko rin ang pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ito ang unang beses na magkatabi kami matulog but why it feels like it is our first time to sleep together in the same bed? Siguro sa lamig lang ito na dala ng panahon.

Nag-concentrate ako upang makatulog at nagpapasalamat ako sa Kanya nang natupad 'yon. Mabilis akong nakatulog dala na rin siguro sa sobrang antok.

***

Kinabukasan nagising ako nang may kamay akong nararamdaman na nakapatong sa 'king bandang puson at ramdam ko rin ang unan ko na medyo nag-iba. Medyo matigas na ito ngayon.

Unti-unti kong binuksan ang dalawa kong mata at sinulyapan ang kanina pang bumabagabag sa 'king isipan.

Una kong sinulyapan ang bandang puson ko at nakita kong kamay pala ni Venz  'yon na nakapatong. Dahan-dahan ko itong kinuha at nilagay sa tabi niya. 

Hinarap ko ang lalaki at nakita kong nakaharap din ang mukha nito sa 'kin habang nakapikit. Sa ganitong kalapit na mukha namin, kitang-kita ko kung gaano kataas ang kanyang pilik mata, matangos ang kanyang ilong, kapal ng kilay at higit sa lahat ang mapupula nitong labi. Perfect face ika nga, mukha rin itong mabait siguro pag tulog lang. Nag-iiba kasi ang anyo pag gising e'.

Napansin kong braso na pala nito ang ginawa kong unan. 

Nilapit ko ang daliri ko sa tungki ng ilong nito, tangos beh. Ililipat ko sana sa labi nito nang bigla niyang nahawakan ang kamay ko kasabay ang pagbukas nito sa kan'yang mata.

"Pinagnanasahan mo 'ko." A plain statement coming from him, napakurap naman ako sandali bago mag-sink in sa 'kin ang nangyari. At sa hindi inaasahang pangyayari, natulak ko ito dahilan upang mahulog siya sa sahig.

Rinig ko pa ang impact ng pagbagsak nito.

"Aray naman!" 

Mabilis akong bumangon at tinignan si Venz, nakita kong nakahawak ito sa likod niya. 

"You may leave, wala nang ulan." Hindi naman sa pagtataboy pero parang gano'n na rin. Basta ayoko lang makita ang pagmumukha nito, sobra-sobrang kahihiyan na ang nagawa at magagawa ko pag magkalapit kaming dalawa.

Tumayo na ang lalaki at hindi makapaniwalang nakatingin sa 'kin. "What? Hindi mo ba muna ako pakakainin o kape man lang?" 

Umiling lang ako rito at tinulak na siya palabas ng aking apartment. Wala naman itong ibang nagawa at lumabas na. Bago ko sinirado ang pintuan, sumigaw na ako rito, "h'wag mo kakalimutan 'yong sahod ko ha?" 

Mabilis kong sinirado ang pinto at sumampa ako sa kama at tinakpan ang mukha gamit ang unan niya, naamoy ko pa ang shampoo nito. Hinagis ko rin 'yon kalaunan at nagdesisyon na magluto para sa kakainin ko. Maaga pa pala ako ngayon sa trabaho ko. 

Simpleng ulam lang naman ang niluto ko, itlog at hotdog. Sinamahan ko na rin ito ng isang basong gatas. Kung sinasabi niyong nagd-diet ako, well, hindi rin kasi ganito na talaga ang kinakain ko kahit no'ng nasa palasyo palang ako. 

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako, ginawa lahat na dapat gawin at sumakay ng taxi papunta sa restaurant ni Naomi.

Maraming customer na kaagad ang bumungad sa 'kin pagpasok ko. Mabilis akong tumungo sa mga kasamahan ko.

"Nandito ka na pala Celine, isa ka muna sa mag w-waitress ngayon ha? Absent kasi ang isang waitress natin ngayon dahil nagkasakit ito, naulanan 'ata kahapon," saad ni Aiza, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.

Tumango naman kaagad ako sa kanya at nagsimula ng magtrabaho. Habang dinadala ko ang mga order ng customer namin, nabigla ako nang may pumatid sa 'kin dahilan upang mabitawan ko ang hawak kong tray at nahulog 'yon sa sahig. Mabuti na lang walang nasabuyan, meron pa namang nilagang manok 'yon at mainit pa. 

Pinagpag ko ang dumi sa 'king suot. 

"Well, dito pala nagtatrabaho ang girlfriend ni Venz, so cheap." 

Napataas ang tingin ko ro'n sa nagsasalita, familiar sa 'kin ang mukha nito kaya mas lalo ko pang inaalala kung saan ko nakita ito at napagtanto kong ito pala ang babaeng nasa office ni Venz no'ng isang araw, 'yong kinulang sa tela.

Kasama nito ang dalawang kaibigan sa gilid at parehong naka-cross arms at taas kilay na nakatingin sa 'kin.

Mabilis na lumapit ang mga kasamahan ko sa 'kin at tinulungan akong tumayo. Nang naging pantay na kami ng babaeng kinulang sa tela na ito ay hindi ako nagpatalo at tinaasan din siya ng kilay.

Sinuri ko ang suot nito at ngumisi. "Ikaw rin cheap, wala ka na bang isusuot na damit? Kulang ba pera mo sa pambili ng damit kaya naging ganyan 'yan? H'wag kang mahiya, mas mabuti pang maghubad ka na lang kasi kahit na isuot mo 'yan wala pa rin 'yang pinag iba sa walang damit." I know I sounds rude about her outfit pero kasi iniinis niya ako. Hindi ko tuloy mapigilan.

'Yong atensyon naman ng mga tao ay napunta na sa 'min. 

"Wala ka lang talagang taste, ganyan ang mga cheap na tao." Tumawa na 'to kasama ang dalawang kaibigan sa gilid. Napaka-supportive naman.

Kumulo naman ang dugo ko sa babaeng ito. 

Gusto niya 'ata talagang gumawa ng scandalo sa restaurant. 

"Naalala ko mataas pala ang standard ko sa pakikipag-usap sa mga tao at pili lang ang mga 'yon. Bakit nga pala ako nakikipag usap sa 'yo e' hindi mo pala abot ang standards na hinahanap ko." Tumalikod na ako pagkatapos ko 'yon sabihin. 

Pero hindi pa man ako nakakalayo, hinawakan na nito ang buhok ko at sinabunutan.

Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid at ramdam ko ang malapit na pagtanggal ng wig kaya hinawakan ko ang kamay nito na nakahawak sa artificial kong buhok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status