Share

CHAPTER 12

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-08-10 12:19:21

AVERY'S POV

Matapos kong mailista ang mga order nila ay agad na akong umalis sa lamesa nila at nagtungo sa service counter.

"Avery, anyari sayo? Bakit para kang nakakita ka ng multo diyan ha?" puna saakin ni Bea.

Umiling ako at pekeng ngumiti.

"Hindi ah, medyo nakakaramdam lang ako ng pagod." palusot ko saka ibinigay sa bar tender ang order nila Simon.

"Pagod ka na agad, eh halos kasisimula pa lang natin ah? Kanina energetic ka pa at sobrang saya. Ang bilis mo namang mag change mood." aniya.

"Kulang lang siguro ako sa tulog." pagdadahilan ko."

"Abay, tulog-tulog din pag may time. Baka ma-over fatigue ka niyan, sige ka lahat ng pinaghirapan mo, doctor ang makikinabang." turan niya.

tipid na ngiti lang ang isinagot ko sakaniya. Umalis na rin naman siya dala ang order na alak at pulutan ng kaniyang customers.

Sunod namang inilapag ng bartender sa service center ang mga inorder ng customer ko.

"Avery, ito na yung sayo." nakangiting turan ni Alex ng ilapag ang tray na naglalaman ng mga ala
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Angelique
Ms a Bka Kya mdmi din UD dito bet ko ung story plss ms a
goodnovel comment avatar
Regina Mendoza
ms.A panu n c baby simon na sasad ako for him.. huhu! nxt pls. tnx
goodnovel comment avatar
Dhanjhen Tranquilo Macatlang
more please Ms a nakakakilig din sila
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 16

    AVERY'S POV “Hindi pumasok sa last subject si Simon. Mukhang kagabi pa siya wala sa mood, Avery.” tugon ni Cristof. “Umuwi na kaya siya?” medyo malungkot kong tanong. Sayang naman, hindi ko rin pala siya makakausap ngayon. “Palagay ko hindi pa. Kanina nandon siya sa rooftop. Subukan mong puntahan.” aniya saka ako tinapik sa balikat at lumakad na sila ng kaniyang kasama. Sa fire exit na ako dumaan at nag hagdanan na lang. Syempre natatakot akong mag elevator dahil baka mamaya bigla na lang maulit yung nagyari samin ni Simon sa elevator. Paano kung ako lang ang sakay ng elevator tapos biglang mamatay yung ilaw sa elevator at mag stop, tas pag balik ng ilaw nasa loob na si Sadako? Ngee... Takot ako!! Hingal kabayo ako ng makarating sa pinaka rooftop. Sixt floor ba naman itong inakyat ko eh! Ewan na lang kung hindi lumawit ang dila ko! Nagpalinga linga ako sa paligid hanggang sa makita ng mga mata ko ang taong itinitibok ng puso ko. Naroon siya sa may sulok nakaupo, nakasand

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 15

    AVERY'S POV May sanib yata si Papa at sobrang bait ng pakikitungo kay Mr. Travis. “Ahm, Papa ako na po ang maghahatid kay Avery sa school niya.” paalam pa ni Mr. Travis sa tatay ko. “Hindi ba nakakaabala sayo ijo?” tanong ni Papa na naupo na sa harapan ko. “Hindi naman ho. Ako ho ang CEO ng aming kumpanya kaya any time pwede akong pumasok, besides wala naman akong scheduled meeting ngayong araw na ito.” Napaawang ang bibig ni Papa sa sinabi ni Mr. Travis. Talagang nagpapa impress siya sa tatay ko at nagawa pang ipagmalaki na isa siyang CEO. “C-CEO ka?” kanda utal na turan ni papa habang namimilog ang mga mata. Tumango naman si Mr. Travis habang nakangiti. “Opo, meron po kaming shipping lines na nag o-operate globally and-.” “Ahm, maliligo na po ako at gagayak.” singit ko naman sa usapan nila saka tumayo na. Nagpunta ako sa kwarto namin para kumuha ng pamalit na damit. Hindi ko na kasi kinakaya ang kayabangan ni Mr. Travis. Kailangan ko na siyang mapaalis sa bahay nam

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 14

    AVERY'S POV Kapwa kami kinakapos ng hininga ng tigilan niya ang labi ko. Habol ko ang aking hininga na nag iwas ng tingin sakaniya. “Bakit mo naman ginawa yon?” mangiyak ngiyak kong turan habang pinupunasan ng likod ng palad ko ang aking bibig. Isinandal niya sa headrest ng sofa ang kaniyang ulo saka pumikit. “I'm sorry, hindi ako nakapag pigil. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi.” napalayo ako ng bahagya sakaniya pero agad niyang hinapit ang balakang ko palapit muli sa tabi nya. “Just stay here beside me, I promise, hindi ko na yon uulitin ng walang pahintulot mo.” aniya saka ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. “A-anong ginagawa mo Mr. Travis?” kinakabahan kong tanong. “The effects of the alcohol are kicking in on me. I'm feeling sleepy. Can you let me lean on your shoulder? I just want to rest on your shoulder until I fall asleep.” Hindi na ako nakapag protesta pa ng mapansin kong bumibigat na ang kaniyang pag hinga at tuluyan na ngang nakatulog sa b

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 13

    AVERY'S POVNasa loob na ako ng kwarto ni Mr. Travis. Grabe amoy na amoy yung pabango niya dito sa kwarto niya.Tila nanunuot sa ilong ko ang masculine perfume niyang gamit pero hindi naman iyon sobrang tapang. Ang sarap nga langhapin e.Wala namang gaanong gamit dito sa loob, maliban sa isang 52 inches na tv, side table sa tabi ng kama at isang long couch. May dalawang pinto rin sa loob ng kwarto niya. Siguro yung isa comfort room habang yung isa ay walk in closet. Ganon naman pag mayayaman diba? May pa walk in closet!Simple lang ang interior design ng kwarto niya. Dark gray na may highlights na gold.Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pinto at sumandal sa may hamba si Mr. Travis. May hawak siyang baso na may alak.Lasengero naman tong lalaking to! Sayang gwapo pa man din! Di ba siya nagsasawa kakainom? Sabi nila kapag problemado daw ang isang tao, mahilig uminom ng alak. Iyon kasi yung nagiging Cop-out nila para takasan ang problema.May problema kaya siyang dinadala? Pero ano p

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 12

    AVERY'S POVMatapos kong mailista ang mga order nila ay agad na akong umalis sa lamesa nila at nagtungo sa service counter."Avery, anyari sayo? Bakit para kang nakakita ka ng multo diyan ha?" puna saakin ni Bea.Umiling ako at pekeng ngumiti."Hindi ah, medyo nakakaramdam lang ako ng pagod." palusot ko saka ibinigay sa bar tender ang order nila Simon."Pagod ka na agad, eh halos kasisimula pa lang natin ah? Kanina energetic ka pa at sobrang saya. Ang bilis mo namang mag change mood." aniya."Kulang lang siguro ako sa tulog." pagdadahilan ko.""Abay, tulog-tulog din pag may time. Baka ma-over fatigue ka niyan, sige ka lahat ng pinaghirapan mo, doctor ang makikinabang." turan niya.tipid na ngiti lang ang isinagot ko sakaniya. Umalis na rin naman siya dala ang order na alak at pulutan ng kaniyang customers.Sunod namang inilapag ng bartender sa service center ang mga inorder ng customer ko."Avery, ito na yung sayo." nakangiting turan ni Alex ng ilapag ang tray na naglalaman ng mga ala

  • Their Sinful Desires   CHAPTER 11

    AVERY'S POV“Ikaw na naman?” kunot noong sita saakin ni Simon ng bigla akong sumulpot sa harapan niya at abutan siya ng bimpo at bottled water. “Ayoko, baka may gayuma pa yan!” napalabi ako dahil sa sinabi niya. “Ay! Oo nga noh? Bat diko naisip yon?” “Hi, Avery.” bati saakin ni Nikko na team mate ni Simon. Kilala ko siya dahil pareho kami ng course na kinukuha pero sa ibang section nga lang siya. Madalas din siyang magpa xerox ng notes ko. Kapwa kami napalingon ni Simon, sakaniya. “Hello.” bati ko rin sakaniya saka nag wave ng kamay. “Tsk!” narinig kong ismid ni Simon saka ako nilayasan. “Wuy, Simon naman.. Wag ka ng mag selos, binati ko lang naman e.” habol ko sakaniya na naupo sa isang bench. Tumabi ako sakaniya. “Sino namang may sabi na nag seselos ako?” suplado niyang tanong sakin na umirap pa. “Eh, kung di ka nag seselos bakit ka nagkaka ganyan?” nakangisi kong tanong. Nagulat ako ng agawin niya sa kamay ko ang mineral water na hawak ko at ininom niya iyon. “Ang landi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status