AVERY'S POV May sanib yata si Papa at sobrang bait ng pakikitungo kay Mr. Travis. “Ahm, Papa ako na po ang maghahatid kay Avery sa school niya.” paalam pa ni Mr. Travis sa tatay ko. “Hindi ba nakakaabala sayo ijo?” tanong ni Papa na naupo na sa harapan ko. “Hindi naman ho. Ako ho ang CEO ng aming kumpanya kaya any time pwede akong pumasok, besides wala naman akong scheduled meeting ngayong araw na ito.” Napaawang ang bibig ni Papa sa sinabi ni Mr. Travis. Talagang nagpapa impress siya sa tatay ko at nagawa pang ipagmalaki na isa siyang CEO. “C-CEO ka?” kanda utal na turan ni papa habang namimilog ang mga mata. Tumango naman si Mr. Travis habang nakangiti. “Opo, meron po kaming shipping lines na nag o-operate globally and-.” “Ahm, maliligo na po ako at gagayak.” singit ko naman sa usapan nila saka tumayo na. Nagpunta ako sa kwarto namin para kumuha ng pamalit na damit. Hindi ko na kasi kinakaya ang kayabangan ni Mr. Travis. Kailangan ko na siyang mapaalis sa bahay nam
AVERY'S POV Kapwa kami kinakapos ng hininga ng tigilan niya ang labi ko. Habol ko ang aking hininga na nag iwas ng tingin sakaniya. “Bakit mo naman ginawa yon?” mangiyak ngiyak kong turan habang pinupunasan ng likod ng palad ko ang aking bibig. Isinandal niya sa headrest ng sofa ang kaniyang ulo saka pumikit. “I'm sorry, hindi ako nakapag pigil. Kung alam mo lang kung gaano ako nagtitimpi.” napalayo ako ng bahagya sakaniya pero agad niyang hinapit ang balakang ko palapit muli sa tabi nya. “Just stay here beside me, I promise, hindi ko na yon uulitin ng walang pahintulot mo.” aniya saka ipinatong ang kaniyang ulo sa balikat ko. “A-anong ginagawa mo Mr. Travis?” kinakabahan kong tanong. “The effects of the alcohol are kicking in on me. I'm feeling sleepy. Can you let me lean on your shoulder? I just want to rest on your shoulder until I fall asleep.” Hindi na ako nakapag protesta pa ng mapansin kong bumibigat na ang kaniyang pag hinga at tuluyan na ngang nakatulog sa b
AVERY'S POVNasa loob na ako ng kwarto ni Mr. Travis. Grabe amoy na amoy yung pabango niya dito sa kwarto niya.Tila nanunuot sa ilong ko ang masculine perfume niyang gamit pero hindi naman iyon sobrang tapang. Ang sarap nga langhapin e.Wala namang gaanong gamit dito sa loob, maliban sa isang 52 inches na tv, side table sa tabi ng kama at isang long couch. May dalawang pinto rin sa loob ng kwarto niya. Siguro yung isa comfort room habang yung isa ay walk in closet. Ganon naman pag mayayaman diba? May pa walk in closet!Simple lang ang interior design ng kwarto niya. Dark gray na may highlights na gold.Napapitlag ako ng biglang bumukas ang pinto at sumandal sa may hamba si Mr. Travis. May hawak siyang baso na may alak.Lasengero naman tong lalaking to! Sayang gwapo pa man din! Di ba siya nagsasawa kakainom? Sabi nila kapag problemado daw ang isang tao, mahilig uminom ng alak. Iyon kasi yung nagiging Cop-out nila para takasan ang problema.May problema kaya siyang dinadala? Pero ano p
AVERY'S POVMatapos kong mailista ang mga order nila ay agad na akong umalis sa lamesa nila at nagtungo sa service counter."Avery, anyari sayo? Bakit para kang nakakita ka ng multo diyan ha?" puna saakin ni Bea.Umiling ako at pekeng ngumiti."Hindi ah, medyo nakakaramdam lang ako ng pagod." palusot ko saka ibinigay sa bar tender ang order nila Simon."Pagod ka na agad, eh halos kasisimula pa lang natin ah? Kanina energetic ka pa at sobrang saya. Ang bilis mo namang mag change mood." aniya."Kulang lang siguro ako sa tulog." pagdadahilan ko.""Abay, tulog-tulog din pag may time. Baka ma-over fatigue ka niyan, sige ka lahat ng pinaghirapan mo, doctor ang makikinabang." turan niya.tipid na ngiti lang ang isinagot ko sakaniya. Umalis na rin naman siya dala ang order na alak at pulutan ng kaniyang customers.Sunod namang inilapag ng bartender sa service center ang mga inorder ng customer ko."Avery, ito na yung sayo." nakangiting turan ni Alex ng ilapag ang tray na naglalaman ng mga ala
AVERY'S POV“Ikaw na naman?” kunot noong sita saakin ni Simon ng bigla akong sumulpot sa harapan niya at abutan siya ng bimpo at bottled water. “Ayoko, baka may gayuma pa yan!” napalabi ako dahil sa sinabi niya. “Ay! Oo nga noh? Bat diko naisip yon?” “Hi, Avery.” bati saakin ni Nikko na team mate ni Simon. Kilala ko siya dahil pareho kami ng course na kinukuha pero sa ibang section nga lang siya. Madalas din siyang magpa xerox ng notes ko. Kapwa kami napalingon ni Simon, sakaniya. “Hello.” bati ko rin sakaniya saka nag wave ng kamay. “Tsk!” narinig kong ismid ni Simon saka ako nilayasan. “Wuy, Simon naman.. Wag ka ng mag selos, binati ko lang naman e.” habol ko sakaniya na naupo sa isang bench. Tumabi ako sakaniya. “Sino namang may sabi na nag seselos ako?” suplado niyang tanong sakin na umirap pa. “Eh, kung di ka nag seselos bakit ka nagkaka ganyan?” nakangisi kong tanong. Nagulat ako ng agawin niya sa kamay ko ang mineral water na hawak ko at ininom niya iyon. “Ang landi
AVERY'S POV “Anak, Itabi mo na ito. Meron pa namang natitira sa perang ibinigay mo kahapon. Itago mo na yan at gamitin sa pangangailangan mo sa eskwelahan.” ibinalik ni Mama sa bag ko ang pera na ibinibigay ko sakaniya. “Eh, si Aling Mina po ba nabayaran mo na Mama?” “Oo anak, nabayaran ko na siya kahapon. Ipunin mo yung kinikita mo at magbukas ka ng bank account. Pag nalaman ng papa mo na may pera akong tinatago, kukunin na naman niya iyon saakin at ibibigay sa mga kapatid niya. Kung sa bangko mo yon itagago ay hindi niya malalaman.” mahinang sabi ni Mama na nagpalinga-linga pa habang puno ng takot ang mga mata na baka nasa paligid lang pala si Papa. “Sige po, Mama.” “Halika na, matulog na tayo.” aya niya saakin na kinuha na ang bag ko at dinala saaming silid. Magkahiwalay ng silid si Papa at Mama. Saamin si Mama tumatabi dahil matagal na daw siyang nawalan ng gana kay Papa dahil sa ginagawa nitong pananakit sakaniya. Ang kwento ni Mama, hindi naman daw talaga si Papa, ang fir