ANMELDENAVERY'S POV“Ready ka na ba?” tanong sa akin ni FionaNanlalamig ang aking mga kamay na nagpaskil ng ngiti sa aking mga labi saka tumango.“Medyo Sisy, pero kinakabahan pa rin ako eh, ikaw ba?” baling ko sa kaniya habang pinagkikiskis ang aking mga palad.Kasalukuyan kaming nasa loob ng sasakyan - sa backseat suot ang aming wedding gown.“Kinakabahan din.” aniya na hinawakan ang aking kamay kung kaya doon ko nadama na gaya ko ay kasing lamig din ng yelo ang kaniyang palad.“Kaya natin to!” cheer ko saka itinaas-baba ang aking braso habang kuyom ang aking kamao.Mahina namang tumawa si Fiona.“Yeah, kaya natin to! Fighting!” aniya na ginaya ang ginagawa ko.Laking pasalamat ko na kasabay ko siyang lalakad patungo sa altar kung kaya kahit papano ay nabawasan ang kabang aking nararamdaman!Sino nga bang mag-aakalang magkakaayos pa kaming magkapatid?Pero tama nga sila, blood is thicker than water. Ang magkadugo ay mananatiling magkadugo. Ano man ang hindi pagkakaunawaan, darating din ang
AVERY'S POV “Kung nasaan ka man ngayon, sana okay ka lang dyan. Ikakasal na ako bukas. Sana maging masaya ka para saakin. Miss na miss na kita...” naupo ako sa harap ng puntod at inilapag doon ang dala kong bulaklak saka sinindihan ang kandila sa tabi ng kaniyang lapida Pinunasan ko ang aking mga luha at ngumiti. Ilang minuto rin akong namalagi doon bago ko napagpasyahang umalis na. “Sumakay ako ng aking sasakyan at nagmaneho pabalik ng bahay. “Avery, san ka na naman ba galing? Alam mo namang buntis ka pero panay pa rin ang rampa mo.” sermon sa akin ni Leva nang pagbuksan niya ako ng pintuan. Dinaig niya pa ang Mama ko kung makatalak sa akin! Sinundan niya ako patungo sa living area. “Galing lang ako sa sementeryo, Leva.” napapagod kong sagot saka naupo sa long couch at ipinatong sa tabi ko ang aking shoulder bag. Tumigil naman siya sa harapan ko at namewang. “Pero buntis ka. Di ka ba naniniwala sa mga aswang at mga engkanto ha? Di mo ba alam na mabango sa pang amoy nila yang
AVERY'S POV"N-Natalia..." halos walang tinig na lumabas sa aking lalamunan.Ang aking buong katawan ay biglang nanlamig.Ngumiti ang kaniyang mga mata. Tila natuwa pa siyang nakilala ko siya! Tumigil siya sa paghakbang at humarap sa akin. Tinanggal niya ang kaniyang surgical mask na suot kung kaya humantad sa akin ang nakakatakot niyang mga ngisi na parang sa isang k****r."Kamusta, Avery?" aniya sa mapaglarong tinig saka muling sinimulang humakbang, hindi na palapit kay Doña Matilde kundi papunta na sa akin.Gustohin ko mang tumayo ay tila may mga kadenang gumapos sa aking katawan dahilan para hindi ako makatayo sa aking kinau-upuan.Nanlaki ang aking mga mata ng mula sa kaniyang dalang medicine kit ay kuhanin niya ang isang matalas na kutsilyo na ginagamit sa pag-opera!Lumakas ang kabog ng aking dibbdib dala ng matinding takot."Mabuti naman at nandito ka rin, Avery... Hindi na ako mahihirapang tugisin ka!" aniya sa mababang tinig habang ang kaniyang mga mata ay walang kakurap-kur
3RD PERSON'S POV"Sabi na sa inyo, matatagalan ang mga iyon eh!" napapailing na turan ni Leva nang halos isang oras na ang lumipas ay hindi pa rin nakakabalik ang dalawa.Nanghahaba naman ang nguso ni Terra nang magpasya na silang umahon sa pool."Where did they go?" anito na pinagkrus ang mga braso sa dibdib."Mga apo, hayaan niyo nang mag-enjoy ang inyong Mommy at Daddy. Hindi ba't nakakatuwang magkasundo na silang muli?" ani Travin.Lumapit naman si Leva sa kaniyang inaanak at sinuotan iyon ng bathrobe,"Yeah, lolo's right." tumatango namang sang-ayon ni Tyrone na kapansin-pansin na naging masigla at madaldal buhat ng marami na silang nakakasalamuha sa kanilang paligid."You hear your Kuya Tyrone,Terra?" tanong naman ni Simon dito.Nagtatampo man siya sa kaniyang Mommy at Daddy ay tumango na lamang si Terra at pilit na pinakinggan ang sinasabi ng mga nakakatanda sa kaniya.Alas sais ng hapon ng mapabalikwas si Travis sa kaniyang higaan. Dahilan para maalimpungatan rin si Avery."
3RD PERSON'S POV[WARRNING: MATURE CONTENT]"I love you so much, Avery." Aniya saka ginawaran ng masuyong halik ang kaniyang asawa.Walang pagdadalawang isip namang tinugon ni Avery ang mga halik ni Travis at ikinawit ang kaniyang mga kamay sa batok nito upang mas lalong damahin ang matamis na halik ng kaniyang asawa.Parang may mga paru-parong nagliliparan sa kaniyang sikmura habang mas lalo pa nilang pinapalalim ang kanilang pagpapalitan ng laway.Habang tumatagal ang pageespadahan ng kanilang dila ay mas lalo namang sumusiklab ang matinding init na nagsisimulang lumukob sa kanilang mga katawan.Halos mapugto ang hininga ni Avery habang nilalasap ang mapupusok na halik ni Travis.Habol niya ang kaniyang hininga ng sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi.Inangat siya ni Travis at inangkla ang kaniyang magkabilang hita sa bewang nito.Bagamat nakasuot siya ng pants ay tumatagos pa rin sa kaniyang kasuotan ang mainit na mga palad ni Travis na nakahawak sa kaniyang mga hita.Lumakad
3RD PERSON'S POV"Hi! I'm Trisha" walang pinalampas na sandali si Trisha.Agad siyang tumayo at inilahad ang kamay kay Luis, habang abot tenga ang kaniyang mga ngiti sa labi.Nagulat man si Luis sa inakto ni Trisha ay agad din naman siyang gumanti ng ngiti dito at nagpakilala bilang isang maginoo."Hello, I'm Luis." tugon niya saka nakipagkamay."Nga pala, she's my cousin." imporma naman ni Travis sa kaniya."Ah, ganon ba?" ani Luis saka tumango-tango.Ikinawit naman ni Trisha ang ilang hibla ng kaniyang buhok sa likod ng kaniyang tenga habang parang binubulate sa pw*t na hindi mapakali."Do you beleive in destiny ba?" aniya dahilan para mapaawang ang bibig ni Luis at pagak na tumawa."Uh, yeah." nag-aalangan man ay tugon nito."Ako din eh., hehe..." pa-cute niyang turan saka nagbeautiful eyes.Alanganin na lamang ngumiti si Luis at napakamot sa kaniyang batok.Hindi siya makahuma sa inaasta ni Trisha. Ngayon lamang siya naka-encouter ng babaeng ganito ka-agresibo!Maging si Avery na







