مشاركة

Kabanata 6

مؤلف: Luna Moonfall
last update تاريخ النشر: 2026-03-01 03:37:19

KABANATA 6

“You’re not Roco?”

Pagkarinig pa lang ni Anastasia sa sinabi ng bata, kusang napatawa siya—isang maikling tawa na may halong aliw at panunukso. Bahagya siyang yumuko at sinipat si Roco mula ulo hanggang paa, parang sinisigurong tama ang nakikita niya, bago muling nagsalita.

“Roco,” sambit niya habang nakangiti, “ano na naman ba ‘yang trip mo ngayon? Akala mo ba dahil lang palihim kang nagpalit ng damit, hindi na kita makikilala?” Umiling siya, saka marahang tumawa. “Don’t forget, anak—ako ang nagluwal sa’yo.”

‘Pero hindi talaga ako si Roco…’

Mariing umiling si Roscoe. Seryoso ang mukha niya, walang bahid ng biro o pilyong ngiti na madalas niyang ipinapakita. “I’m really not,” giit niya, malinaw ang boses, diretso ang tingin.

Sandaling natigilan si Anastasia. May kung anong kumurot sa dibdib niya—isang saglit na kakaibang pakiramdam—ngunit mabilis niya rin iyong itinaboy. Sanay na siya sa mga ganitong eksena. Minsan talaga, mahilig magbiro si Roco, lalo na kapag gusto siyang asarin o kapag may tinatago itong kalokohan.

Kaya imbes na magtanong pa, bahagya siyang yumuko at nag-half squat sa harap ng bata. May lambing ang ngiti niya habang iniaabot ang kamay at marahang ginulo ang malambot na buhok nito, parang sinasabi na ligtas lang maglaro at magpanggap.

“My darling Roco,” mahinahon niyang wika, banayad ang tono, “magluluto muna si Mommy ng little meatballs, ha? Tapos maglalaro tayo mamaya. Okay?” Bahagya niyang kinurot ang pisngi ng bata, puno ng lambing. “Huwag ka nang magtampo. Don’t be mad at Mommy, okay? Huwag kang magkimkim ng sama ng loob.”

Ngunit sa likod ng ngiti ni Anastasia, may isang bahagyang alinlangan—isang pakiramdam na hindi niya pa maipaliwanag, ngunit dahan-dahang gumagapang sa kanyang isip.

Nanigas si Roscoe.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na may isang babaeng tumingin sa kanya nang ganito—walang alinlangan, walang bakod, walang kahit anong pag-iingat. Puro lambing. Puro pagtanggap.

Hindi niya maipaliwanag ang biglang bigat at init na sabay na pumisil sa dibdib niya. Parang may isang damdaming dahan-dahang nagigising sa loob niya—isang pakiramdam na banyaga, pero hindi nakakatakot. Sa halip, nakakalito. Nakakapanlambot.

Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinapos ng hininga. Kung bakit gusto niyang umiwas pero hindi niya magawa. Kung bakit sa isang iglap, gusto niyang manatili roon—sa harap ng babaeng ito.

At bago pa man niya mapigilan ang sarili, bago pa man makapag-isip ang utak niya—

Tumango siya.

“…Okay.”

***

Hindi nagtagal, handa na ang hapunan.

Maayos ang pagkakaayos ng mesa—puno ng pagkain na parang may maliit na handaan. May mainit na sabaw na may singaw pa, mga ulam na sa amoy pa lang ay nakakagutom na, at siyempre, ang paboritong meatballs na bagong luto.

Napangiti si Anastasia habang inaayos ang huling plato, may natural na saya sa kilos niya—parang sanay na sanay sa ganitong eksena.

Nang makita iyon ni Raki, agad kumislap ang mga mata niya. “Wow!” sigaw niya, halos mapatalon. “Ang dami! Mommy, gutom na gutom na ako!”

Sumabay pa ang malakas na ungol ng tiyan niya, na ikinatawa ni Anastasia.

Tatayo na sana si Raki para umupo nang mapansin niyang nakatayo pa rin si Roscoe, tila wala sa sarili, nakatingin lang sa mesa.

Napakunot ang noo ni Raki. “Kuya,” tanong niya, may pagtataka sa boses, “what’s wrong with you today? Hindi ka pa kumakain.” Tinaasan niya ng kilay ang bata. “Usually, ikaw pa nga ang unang nauupo.”

Bago pa makasagot si Roscoe, hinila na siya ni Raki papunta sa upuan.

“Come on na,” masiglang sabi nito. “Let’s eat!”

Napangiti si Anastasia habang pinagmamasdan ang dalawa. May kakaibang lambot sa mga mata niya—isang tinging punô ng pagmamahal at pag-aaruga.

“Roco, Raki,” sabi niya habang nagsasandok, “lumalaki na kayo. Kailangan n’yong kumain nang marami.”

Isa-isa niyang nilagyan ng pagkain ang mga plato nila.

Ilang sandali lang, ang plato ni Roscoe ay halos mapuno—parang isang maliit na bundok ng pagkain.

Napatingin siya rito, biglang nanikip ang dibdib.

‘So this is what it feels like…ang may ina.’

May kumirot sa dibdib niya. Hindi masakit—kundi mabigat. Parang may emosyon na matagal nang nakabaon, matagal nang nanahimik, at ngayon lang unti-unting nagigising.

Marahan niyang pinisil ang gilid ng plato, parang doon niya ibinubuhos ang nararamdaman. “Thank you,” mahina niyang sambit, halos hindi marinig.

Napatingin si Anastasia at natawa, isang malambing at pamilyar na tawa. “Anak,” sabi niya, may lambot sa tinig, “bakit ka naman nagte-thank you sa sarili mong mommy?”

Muli niyang inabot ang ulo ng bata at marahang ginulo ang buhok nito, walang pag-aalinlangan, puno ng natural na pag-aaruga.

Nanigas si Roscoe.

Ang simpleng haplos na iyon—tila mas lalo pang nagpabigat sa hindi maipaliwanag na damdamin sa dibdib niya. Biglang dumilim ang mga mata niya habang pilit niyang kinokontrol ang sarili, pinipigilan ang isang emosyon na hindi niya alam kung paano haharapin.

***

Samantala, sa kabilang panig ng lungsod…

Walang kaabog-abog na dinala si Roco ng mga bodyguard papasok sa Padilla family villa.

Paglingon niya sa paligid, agad niyang napansin ang lawak at karangyaan ng lugar—malalawak na espasyo, mamahaling muwebles, mga ilaw na kumikislap sa bawat sulok. Halos lahat ay sumisigaw ng yaman at kapangyarihan. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, wala ni katiting na saya ang pumasok sa dibdib niya.

Sa halip, iisa lang ang malinaw sa isip niya.

‘Gusto kong bumalik kay Mommy.’

Napakunot ang noo niya at pilit na kumawala habang hinihila papasok.

“You’re mistaken,” mariin niyang giit, nanginginig ang boses sa pinipigilang emosyon. “Hindi ako ang boss n’yo. Please, let me go!”

Agad namang lumapit ang butler na si Dorian, kalmado at sanay sa ganitong eksena.

“Roscoe,” mahinahon nitong wika, “nakita kitang lumaki. Paano kita mapagkakamalan?”

Namumuo na ang luha sa mga mata ni Roco, nanginginig ang mga labi niya. “But I’m really not—”

Napansin ni Dorian na mas madaldal at mas expressive ang bata kaysa sa nakasanayan niya. Sa halip na mabahala, bahagya pa siyang napangiti, inakalang isa lamang itong panibagong kalokohan.

“Alright, alright,” sabi nito, may bahid ng aliw sa tinig. “Kung ano man ang gusto mong laro ngayon, sasabayan kita.”

Lalong uminit ang pakiramdam ni Roco.

‘Hindi nila ako naiintindihan…’

Namula ang pisngi niya sa inis, parang batang nasa bingit ng pag-iyak pero pilit pinipigil ang sarili.

At sa mismong sandaling iyon—bumukas ang pinto.

Pumasok si Enzo Padilla.

Napahinto ito nang makita ang bata sa gitna ng sala. May kakaiba sa itsura at tindig nito—isang pamilyar na pakiramdam na hindi niya agad maipaliwanag.

Bahagyang kumunot ang noo niya.

Parang may naramdamang titig, dahan-dahang napalingon si Roco.

At doon niya nakita ang lalaki.

Matangkad. Halos isang metro nobenta. Naka-dark suit. Matikas ang tindig. Ang mukha—gwapo ngunit malamig. Ang mga mata—malalim, mabigat, tila may pasan na mga taong hindi kailanman naging magaan.

Nanigas ang likod ni Roco.

Siya…

Agad niyang nakilala ang lalaking iyon.

Si Enzo Padilla.

Ang biological father ni Roscoe.

At ang amang hindi kailanman naging bahagi ng buhay niya.

Luna Moonfall

Good morning po. This is Luna. New Writer sa GoodNovel. Sana magustohan po ninyo at mahalin ang makukulit na triplets. Daily updates po ito. Dalawa o hanggang limang chapters araw-araw. Update time? Depende po. Morning, Afternoon, and Night.

| 18
استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق
تعليقات (1)
goodnovel comment avatar
Shine bright
lam ko n to ms.A ung mga bulinggit ang eeksena s love story ng parent nila. mukhang mppadami ako ng popcorn neto.. hahaha..love it.
عرض جميع التعليقات

أحدث فصل

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 192

    KABANATA 192Nanatiling malamig ang tingin ni Enzo habang nakatitig kay Anastasia. May halong pangungutya ang boses niya nang magsalita.“That’s because mahina ang mental fortitude mo. What does that have to do with me?”Parang kumulo ang dugo ni Anastasia sa narinig. Napakagat siya sa loob ng pisngi niya, halos mangati ang mga ngipin sa gigil.Kung kaya lang niyang suntukin si Enzo, matagal na niyang ginawa.Yung tipong isang solidong suntok, sapat para matumba ito at mapadapa sa sahig, sabay pulutin ang sariling ngipin.Pero kahit gaano siya kagalit, alam niyang imposible iyon. Hindi niya kayang gawin, at hindi rin siya yung klase ng taong basta-basta nananakit.Huminga siya nang malalim, pilit pinipigilan ang sarili. Huli niyang sinulyapan si Enzo, matalim ang tingin, bago siya tumalikod at naglakad papasok ng villa.Gabi na rin naman. Kailangan niyang magpahinga dahil may trabaho pa siya kinabukasan.Samantala, naiwan si Enzo sa labas, nakatayo sa parehong pwesto.Tumingin siya sa

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 191

    KABANATA 191Alam din ni Anastasia na medyo imposible ang naisip niya. Kahit siya, hindi niya maipaliwanag kung saan nanggaling ang ideyang iyon. Pero nang marinig niya ang sinabi ni Enzo, may kung anong pait na kumirot sa dibdib niya. Hindi niya napigilang mag-isip ng kung anu-ano, kahit ayaw naman talaga niyang bigyan ng kahulugan ang mga salita nito.Para bang may tinamaan sa kanya. Isang bagay na hindi niya gustong aminin.Samantala, si Enzo, halos matawa sa inis habang nakatingin sa kanya.Selos?Grabe. Kahit kailan, hindi niya inakalang aabot sa ganitong klaseng conclusion si Anastasia. Ang kapal naman ng mukha nito para mag-isip ng ganun.Lumamig ang tingin ni Enzo, halatang puno ng pangmamaliit. Naging mapanukso ang tono niya nang magsalita.“Anastasia, tingin mo worthy ka? Maybe you should look in the mirror more often. Para alam mo kung saan ka lang lulugar.”Parang binuhusan ng gasolina ang galit ni Anastasia. Sa isang iglap, sumiklab ang init sa dibdib niya.“Ano bang akala

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 190

    KABANATA 190 Napansin ni Jocelyn na matagal nang tahimik si Enzo. Wala itong imik, nakatingin lang sa kawalan, at halatang malalim ang iniisip. Hindi niya maiwasang kabahan. “Enzo… what’s wrong?” maingat niyang tanong. Parang doon lang natauhan si Enzo. Napalingon siya sa kanya, pero nanatiling malamig ang ekspresyon. Wala naman talaga siyang dapat ikagalit. Wala siyang pakialam kay Anastasia. Kung may nararamdaman man siya kanina, siguradong dahil lang iyon sa pagkadismaya sa ugali nito. Iyon ang sinabi niya sa sarili niya. Pero kahit siya, hindi kumbinsido. “Nothing,” malamig niyang sagot. “Tapos ka na bang kumain?” Sandaling natigilan si Jocelyn, pero tumango rin agad. “Yes.” “Then let’s go.” Hindi na hinintay ni Enzo ang reaksyon niya. Tumayo siya, kinuha ang coat, at diretso nang naglakad palabas ng restaurant. Halatang ayaw na niyang manatili pa roon kahit isang segundo. Naguluhan si Jocelyn. Hindi niya maintindihan kung anong biglang nangyari, pero dali-dal

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 189

    KABANATA 189Hindi maintindihan ni Anastasia kung anong balak ni Jocelyn. Masyadong biglaan ang paglapit nito, at halatang may ibang pakay. Kumunot ang noo niya, at tumigas ang tingin habang sinasagot ito.“What’s it to you?”Sandaling natigilan si Jocelyn, pero mabilis din itong bumawi. Nag-iba ang ekspresyon niya, naging maamo at parang walang bahid ng masamang intensyon.“Cousin, don’t misunderstand. Wala naman akong ibang ibig sabihin. I just wanted to check on you…” malumanay niyang sabi, saka bahagyang ngumiti. “Actually, why don’t we eat together?”Sa loob-loob ni Anastasia, napairap siya. Pinagsisisihan na nga niya ang pagpunta sa restaurant na ito, dadagdag pa ba siya sa pakikipag-kainan sa dalawang taong ayaw niyang makita?Lalo na kay Enzo.Hindi pa man siya nakakatikim ng pagkain, parang nawalan na siya ng gana dahil lang sa presensya nito.Magre-refuse na sana siya, pero bago pa siya makapagsalita, si Mark ang sumingit.Kalma ang mukha nito, pero malinaw ang distansyang i

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 188

    KABANATA 188Pagkarinig ng sinabi ni Jocelyn, halos awtomatikong napalingon si Enzo sa direksyong itinuro niya. At doon niya nakita si Anastasia—kasabay ang lalaking ilang beses na rin niyang nasilayan noon. Papasok sila sa restaurant, magkatabi, tila komportable sa presensya ng isa’t isa. May hawak si Anastasia na malaking bouquet ng bulaklak habang masaya silang nag-uusap. Paminsan-minsan ay napapangiti siya, at ang ngiting iyon… hindi niya kailanman nakita na ibinigay nito sa kanya.Sa unang tingin, bagay na bagay ang dalawa. Kung hindi mo kilala ang totoo, iisipin mong magkasintahan sila.Sa dibdib ni Enzo, may kung anong kumirot. Parang may tinik na tumusok at hindi maalis. Hindi niya maipaliwanag kung bakit siya naiirita, pero malinaw—hindi niya nagugustuhan ang nakikita.Hindi ba’t may asawa na si Anastasia? Hindi ba’t nasa abroad ang lalaking iyon?Bakit ngayon, may kasama na naman siyang iba?Hindi napigilan ni Jocelyn ang sarili. May halong curiosity at kaunting panunulsol a

  • Three Little Cupids: Daddy, Steal Our Mommy’s Heart Back!   Kabanata 187

    KABANATA 187Sa totoo lang, mas gusto ni Enzo na manatili na lang sa bahay kasama ang mga bata. Mas payapa, mas simple, at hindi komplikado ang mga ganoong sandali.Pero nang makita niya ang inaasahang tingin ni Jocelyn, hindi niya nagawang tumanggi.May parte sa kanya na hindi rin maipaliwanag kung bakit ganoon na lang siya ka-“soft” pagdating sa babae. Sa tuwing naaalala niya ang nangyari anim na taon na ang nakalipas, parang may bigat sa dibdib niya na hindi niya maalis.“Hmm,” sagot niya sa huli.Agad na lumiwanag ang mukha ni Jocelyn, parang nanalo sa isang laban.“Enzo, alam ko talaga na ikaw ang pinakamabait sa akin!” masiglang sabi niya.Kinuha niya ang phone at mabilis na nag-scroll.“May alam akong French restaurant. Sabi ng friend ko, super good daw doon. Let’s go there!”Para kay Enzo, kahit saan naman ay pare-pareho lang. Lugar lang iyon para kumain, walang espesyal.Kaya tumango na lang siya.Mas lalong gumanda ang mood ni Jocelyn. Habang nasa loob ng sasakyan papunta sa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status