"Ate Zehra...""Seya!"Napabangon ako nang marinig ang boses ni Seya. Luminga ako sa paligid. Nakita ko si Lea na natutulog sa sofa sa kabila. Sa aking gilid naman ay nakita ko si Lianna. Napabangon ako at napatingin sa orasan sa gilid.3:00 am.G-Ganoon katagal akong tulog?Nanlaki ang aking mga mata. Hapon nang atakihin si Seya at dinala sa emergency room. Higit sampung oras na ang nakalipas. Ang natatandaan ko ay lumabas ako ng silid niya at tinungo ang ER.Seya Clara Mineses Time of death 6:24 pm.H-Hindi..."S-Seya... Seya..."Nag-init ang aking mga mata at ilang sandali pa ay namalisbis ang mga luha. Ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib ay walang kapantay. Napahikbi ako at natutop ko ang aking bibig. Ang matinding sakit ay hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pakiramdam ko ay muling bibigay ang katawan ko. Nangapa ang aking mga kamay upang maghanap ng kakapitan. Sobrang sakit. Ang sakit-sakit n-naman po.P-Parang awa ninyo na... h-huwag naman po ang kapatid k-ko."N-Nak
"Ang sabi ng nanay ay kapag nailipat na dito si Seya sa silid niya ay bibisita sila!"Nilingon ko si Lea. Nakabihis na ako at ngayon ay kumakain naman. Pare-parehas mugto ang aming mga mata. Lumabas lang sandali si Lianna at may kinausap. Naiwan kaming dalawa ni Lea sa loob."Napakalaking abala ko na sa inyo, Lea, lalo na sa mga magulang mo, maraming-maraming salamat talaga sa mga tulong ninyo sa amin ni Seya," sabi ko sa kaniya.Pagkasabi ko non ay bumaba ang kaniyang tingin at ang ngiti sa mga labi ay nawala. Nakita ko na ginalaw niya ang kutsara na may laman nang pagkain pero hindi niya naman iyon isinubo. Tumikhim siya at binitawan ang kubyertos. Kinuha niya ang isang baso ng tubig sa gilid at inubos ang laman non."S-Sa totoo lang, Zehra, nakukusensiya nga ako..."Tumaas ang aking mga kilay ng sabay dahil sa sinabi niya. Bakit? sa tuwing kailangan ko siya ay ang bilis niyang nakakarating talagang handa na puntahan kami at tumulong. Walang pag-aalinlangan. Ano naman ang ikinakukus
Pagkatapos ng pagtatapat sa akin ni Lea ng ginawa ni Thauce ay sinabihan ko siya na maaari naman na siyang umuwi muna. Ayaw pa nga niya noong una na iwan ko pero nang maisip na kuhanan ako ng gamit ay tumuloy na rin.Sa tingin ko ay nakukunsensiya pa rin si Lea kahit nasabi naman na niya sa akin ang totoo. Hindi ko lang inaasahan na tototohanin ni Thauce ang pagkuha sa kaniya bilang makakasama ni Seya. Masyadong maaga para sa akin. Nabanggit na niya iyon noong una, sinabi ko na walang maiiwan kay Seya."If you are still worried, I can pay your friend to look for your sister. Dalawa sila ng private nurse na kukuhanin ko para tingnan ang kalagayan ng kapatid mo."Pero, bakit hindi niya sinabi? bakit kailangan pang ilihim at hindi ko dapat malaman?Napahinga ako ng malalim nang bumilis na naman ang pagtibok ng puso ko. Simula kanina nang ipagtapat sa akin ni Lea ang lahat ay hindi na nawala sa isipan ko si Thauce at ang pakiramdam na ito na hindi ko mapangalanan."Zehra, are you ready? m
Thauce Arzen Alessandro Cervelli"Are you insane?!"Diana--my step mother gave me a hard slap. Galit na galit ang kaniyang mga mata na nakatingin sa akin pero wala akong pakialam."Ipinapahamak mo ba ang sarili mo?! why didn't you let the other doctors do their work, ha?! at bakit ikaw ang nag-opera sa bata na 'yon? what if you failed?! you are not a doctor anymore, Thauce! malalagay sa alanganin ang kumpanya dahil sa ginawa mo!"I was looking at her blankly. My step mother really loves money. Hindi siya sa akin may malasakit kung hindi sa kumpanya ng aking ama na hanggang ngayon ay pinapakinabangan niya."You are so stubborn! kahit kailan! manang-mana ka sa nanay mo na padalos-dalos magdesisyon! Wala kang pinagkaiba kay Alessandra!"Nang marinig ko ang sinabi niya ay napahakbang ako. Nagtatagis ang aking bagang nang banggitin niya ang aking yumaong ina. She has no right to talk about my mother like that."Leave my house, Diana.""Leave or the guards will drag you out."She looked at
"Arzen, bro, I'm serious. I need the report--""I will be the one who will check on her condition, Ariq."I sipped on my wine and I looked around my place. Naglakad ako habang hawak ang kopita.Hindi ko dapat makalimutan kung bakit ko ito ginagawa."Ariq can save her, may tiwala ako sa kapatid mo, Arzen. Nakakaawa. Gusto ko na rin na gumaling si Seya. Sana ay makaligtas siya sa sakit na ito. Naaawa na ako sa kanila lalong-lalo na kay Zehra."Iyon ang mga salita na sinabi sa akin ni Lianna.Wala pang ilang buwan nang bumalik siya ay napakarami nang nangyari. My plan of taking her to good places was ruined because the moment she stepped her foot in the Philippines she looked for Errol.Napaismid ako at umiling.She still love Errol until now. Si Errol pa rin kahit matagal na silang naghiwalay.Narinig ko ang malalim na paghinga ng aking kapatid sa kabilang linya."Arzen, you can't. Ito ngang pag-o-opera mo kay Seya ay lulusutan ko na lang. You don't have your license. You are not a docto
Zehra Clarabelle Mineses"Zehra..."Unti-unti kong naidilat ang aking mga mata nang marinig ang boses ni Lianna. Naramdaman ko rin ang mahigpit na kapit sa aking kamay.Ano ang nangyari?Nakita ko si Lianna sa aking gilid, pati na si Errol na siyang may hawak sa akin. Nang dahan-dahan akong bumangon ay inalalayan niya ako at pumunta siya sa likuran ko. Kanina lang ay binabantayan ko si Seya. Hinihintay ko na makatulog siya. Iyon ang mga huling ala-ala ko."Si Seya..." sabi ko habang hawak ang aking ulo."Ayos lang siya, Zehra, nag-aalala siya sa 'yo. Siya ang tumawag sa amin dahil nga nawalan ka raw ng malay," lumingon si Lianna sa kinahihigaan ng kapatid ko. Napatingin ako doon at nakita ko ang malungkot na mukha ni Seya.Kaagad akong napatayo."Ate...""Dahan-dahan lang, Zehra! ang baba ng dugo mo, matinding pagod na ang nararamdaman mo sa katawan mo kaya bumigay ka na naman kanina," sabi sa akin ni Lianna.Inalalayan niya ako at lumapit kaming dalawa sa kama ng kapatid ko. Si Errol
Hindi na naging mahaba pa ang tulog ko dahil alas tres ay umuwi na rin muna si Errol at Lianna. Wala na sila talagang balak umalis ngunit pansin na pansin ko na rin ang pagod sa kanilang mga mukha kaya nagpumilit na ako. Nang sabihin sa akin ni Lianna na maaga na lang rin silang babalik ay um-oo ako para wala nang pilitan pa na mangyari.Ngayon ay nag-aayos ako ng mga gamit sa loob ng silid ni Seya. Alas sais na ng umaga at tulog pa rin ang kapatid ko. Napangiti ako. Mainam ito dahil kaninang madaling araw ay gising pa siya at hinihintay ang paggising ko.Ang sabi ay maaga daw darating ang doktor na titingin kay Seya. Si Thauce kaya 'yon?P-Pero ang sabi ni Lianna kagabi ay hindi tama ang ginawa ni Thauce, hindi siya doktor dito sa ospital kaya siguro ay iba ang darating upang tingnan ang kalagayan ni Seya. Baka iyong si Dr. Alvaro o hindi kaya ay ang kapatid niyang is Dr. Ariq."Ate..."Nang marinig ko ang boses ni Seya ay napalingon akong kaagad. Ibinaba ko ang damit na hawak ko at
Nasa gilid ako at nakatingin lamang sa kapatid ni Thauce na chinecheck ngayon si Seya. May kasama na itong dalawang nurse ngayon sa loob. Nakikinig lang ako sa usapan nila at hindi ko masundan kapag may mga binabanggit silang mga salita tungkol sa medisina.Nasa sampung minuto na silang narito sa silid. Isa sa mga napansin ko kay Dr. Ariq ay iba ang aura niya kumpara kay Thauce. Palangiti ang doktor na nasa aking harapan. Mabiro rin ito at malambing ang boses.Si Thauce rin kaya noon? paano niya kaya kinakausap noon ang mga pasyente niya? Ganito rin kaya? Ngumingiti siya?Ay! ano ka ba, Zehra! pati ba naman iyon ay gusto mong malaman? Pati boses ay gusto mo marinig?!"Arzen requested for a private nurse?" tanong nito sa dalawang kasama."Yes po, Doc."Hindi ko inasahan nang lingunin ako ni Dr. Ariq. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango. Nanghaba rin ang nguso niya."My stubborn brother," ang sabi nito habang umiiling.Alam niya na si Thauce ang nag-opera. Nakaramdam ako tuloy ng kaba