Madalas nang pumunta si Thauce sa Bar. Palagi ko itong nakikita na nakatingin sa àkin. Hindi pa rin ako nito tinitigilan tungkol kay Errol.
"Ate, nandito naman si Ate Lea, pasok ka na sa trabaho mo, baka mahuli ka," sabi ni Seya sa akin.Tumingin ako sa orasan. Tumayo ako at hinalikan siya sa noo. Malaki ang ibinagsak ng katawan ni Seya.
Gabi-gabi ay tahimik akong umiiyak at nananalangin dahil sa malaking pagbabago sa katawan niya. Nasasaktan ako ng sobra, kung maaari ko lang akuin ang sakit niya ay ginawa ko na.
"Oo nga, Zehra, mahalaga ang trabaho mo, 'di ba? saka mabait ang amo mo," sabi ni Lea sa akin. Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Salamat, Lea, ha? salamat sa pagbabantay kay Seya, makakabawi rin kami sa kabutihan mo at ng pamilya inyo nila Letty," sabi ko.
Ngumiti siya sa akin, "Huwag mo nang isipin ang bawi-bawi na 'yan. Pamilya na tayo dito, Zehra, hindi ka man namin matulungan financially, sa ganitong paraan manlang ay maipakita namin ang pagmamahal sa inyo ni Seya."
Niyakap ko sya at muling nagpasalamat. Nagpaalam akong muli sa kapatid ko at tinungo na ang bar. Maaga pa naman, hindi ako mahuhuli. Matapos ng dalawampung minuto na byahe ay narating ko na rin ang Jio's Bar. Dalawang buwan ko na ngayon. Mababait ang mga ka-trabaho lalo na ang boss namin.
"Zehra! naka-book ang bar ngayon hanggang bukas, may party ang mga kaibigan ni Sir Jio. May dumating silang kaibigan galing ng Canada," sabi ni Alice sa akin.
Nasa locker room kami at nagsusuot ako ng uniform.
"Oo, kaya hindi tayo masyadong mapapagod ngayon saka baka maaga rin silang umuwi agad," sagot ni Alice.
Kung ganoon ay mabuti pala. Maaga rin akong makakauwi kay Seya. May magbabantay sa kaniya. Nahihiya na rin kasi ako kina Lea, talagang hinihintay nila na makauwi ako ng trabaho bago iwan si Seya. Napakabait nila sa amin.
Nakatayo na kami sa gilid ng counter. Patingin-tingin ako sa pinto. Ang sabi ay alas otso ang dating ng mga kaibigan ni Sir Jio.
"Puro lalake kaya? alam mo, Zehra, guwapo lahat ang kaibigan ni Sir Jio! type ko nga iyong isa, eh," sabi ni Alice.
Ngumiti lang ako bilang sagot. Bigla ay naalala ko si Errol. Gwapo na mabait pa.
"Ay, ayan na sila!"
Bumalik ang tingin ko sa pinto. Una kong nakita ay si Errol. Napangiti ako nang magtama ang mga mata namin. Kumaway siya at naglakad palapit sa akin. Nang batiin niya ako ay nahagip ng mga mata ko ang nasa likuran niya. Isang magandang babae... at nasa gilid nito si Thauce.
"Zehra! how are you? long time no see!" sabi sa akin ni Errol. Nagulat ako nang humalik siya sa aking pisngi.
"A-Ayos lang, Errol-- Sir Errol. Kayo po?" tanong ko.
Dito sa trabaho, sir dapat ang itawag ko sa kaniya.
"Drop the sir, Zehra. You don't need to call me sir. Anyway, kumain ka na ba?"
Bakit... bakit niya ako tinatanong kung kumain na ako?
Napatingin ako sa dalawang tao sa likod niya na pinakikinggan ang sinasabi niya sa akin. Napansin ko ang tingin sa akin ng babae. Nakangiti ito. Napakaganda niya. Mahaba ang buhok at kulot ang dulo. Matangkad rin siya pero mas mataas ako ng kaunti.
"Oo, k-kumain na ako," sagot ko.
Sumunod na pumasok ay tatlong kalalakehan. Mga kaibigan ni Sir Jio. Nakita ko rin ang boss namin na si Sir Jio.
"Sige, Zehra, see you later. After our party, let's drink coffee sa dreamland. My treat," sabi ni Errol.
Nakita ko na naman ang mapanghusgang mga mata ni Thauce na nakatingin sa akin.
"Let's go, Lianna. Susunod na lang si Errol sa atin," sabi ni Thauce sa babaeng nasa tabi niya.
"Wait, I wanted to meet this beautiful woman first, Arzen."
Arzen... parang sa kaniya ko pa lang narinig ang ikalawang pangalan ni Thauce. Ibig sabihin ay magkalapit silang dalawa.
"Hello, I am Lianna Eliz, kaibigan ako nila Errol at Thauce saka ng boss mo. Ano ang pangalan mo?" tanong niya sa akin ng nakangiti.
Ang ganda niya talaga...
Inilahad pa nito ang kamay sa akin. Ipinunas ko ang aking kanang palad sa likod ng suot kong uniform bago iyon tinanggap.
"A-Ako po si Zehra Clarabelle..." sagot ko.
"Let's take coffee later, Zehra? paunlakan mo sana ang pag-anyaya ni Errol. Bibihira siya makipag-usap sa mga babae at mag-aya ng kape," sabi ni Lianna.
Sa mga salita niya... may napansin ako.
"Hindi naman, Lianna, it's just that, I don't have much of girlf friends. Ikaw lang at si Zehra," sabi ni Errol ng nakangiti.
Nang dumako ang tingin ko kay Thauce ay masama na naman ang mukha niya. Ano na naman ang problema ng lalakeng ito?
"Sige, Zehra, akyat na kami. See you later!" sabi ni Errol ng nakangiti. Nauna na itong maglakad at sumunod naman si Lianna na ngumiti sa akin bago ito naglakad paalis. Nang lalagpasan na ako ni Thauce ay huminto siya at mahinang nagsalita.
"You really got Errol's attention, Zehra Clarabelle."
Hindi ako nagsalita. Minabuti ko na lang na ngitian si Thauce hanggang sa umalis ito.
Sa loob ng ilang oras nilang pagsasaya ay nakabantay lamang kami kung may kailangan sila. Inabot na ng ala una ang inuman. Lasing na ang ibang mga kaibigan ni Sir Jio. Nalaman ko na si Lianna pala iyong kaibigan nila na galing sa Canada.
Mga bata pa lang pala ay magkakaibigan na ang mga ito.
"Zehra, magtatapon na ako ng basura sa gilid, ha?" sabi ni Alice.
Lumapit ako sa kaniya, "Ay, ako na."
"Ha? ayos lang?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti, "Oo, ako naman ang madalas na gumagawa nito."
"Salamat, Zehra!"
Dumaan ako sa likod ng Bar. Liliko na sana ako para itapon sa basurahan ang mga basura nang makarinig ako ng usapan.
"Lianna, si Errol pa rin ba? hanggang ngayon? si Errol pa rin?"
Napaawang ang mga labi ko.
Thauce?
"Arzen, you are drunk. Ito ba ang gusto mong pag-usapan?"
Si Lianna!
"Why? ayaw mo? you know that this is the reason why I called you here, Lianna. I've been waiting for you to comeback and to notice me. Pero hanggang ngayon si Errol pa rin! What did you see in him? ano ba ang meron siya na wala sa akin?"
Napasandal ako sa pader. Bakit ko ba pinapakinggan ang usapan nila?
Aalis na sana ako nang marinig ko ang sagot ni Lianna.
"Ten years and it's still Errol. I am sorry, Arzen..."
"I still love him so much. He's the reason why I came back."
Mabilis akong pumasok ulit sa loob ng Bar nang marinig ang sagot ni Lianna. Mahigpit ang hawak ko sa garbage bag.
May gusto si Thauce kay Lianna? at may gusto si Lianna kay Errol?
"Oh, Zehra? bakit nasa 'yo pa rin iyang basura?" tanong ni Alice sa akin.
Sasagot pa lang sana ako nang lumapit sa akin si Austen. Iyong isa sa bouncer namin.
"Zehra, kanina pa tumutunog itong cellphone mo. Kinuha ko na sa case ng mga gadgets natin, baka kasi importante," sabi nito.
Ibinagsak ko ang garbage bag at kaagad na kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Lea iyon. Bigla akong kinabahan. Idinial ko ang numero ni Lea at ilang ring lang ay sumagot na ito.
"Z-Zehra! S-Si Seya!" umiiyak na sabi ni Lea sa akin.
Nanginig ang mga kamay ko. Hinubad ko ang apron gamit ang aking isang kamay at naglakad palabas.
"B-Bakit? anong nangyari?"
Malabo ang paningin ko dahil sa mga luha. Bago ako makalabas ay napatigil ako nang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko ay nakita ko si Errol. May pag-aalala sa mukha niya.
"Inatake na naman siya, Zehra! n-nahirapan huminga. Dinala kaagad namin nila tatay sa ospital. Nasa ICU siya ngayon, Z-Zehra."
Nahulog ang mga luha ko nang mapapikit ako ng mariin.
"P-Pupunta na ako, p-pakiusap, hintayin mo ako diyan, Lea," sabi ko at ibinaba ang tawag.
Sunod-sunod ang paghinga ko pati ang pagtulo ng mga luha ko. Nilukob ng takot ang buong pagkatao ko. Iniharap ako ni Errol sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak.
"K-Kailangan kong umalis, s-si Seya..."
"Shh... Zehra, calm down, calm down, okay?" sabi ni Errol sa akin.
Napansin ko na nakababa na ang mga kaibigan nila. Nakatingin ang mga ito sa amin. Pati na si Lianna at si Thauce. Lumapit naman si Sir Jio at tinaong kung ano ang nangyayari.
"What happened, Zehra?"
"S-Sir, k-kailangan ko nang umalis. P-Pakibawasan na lang ang sahod ko ngayong gabi. I-Iyong kapatid ko kasi, isinugod ulit sa ospital. I-Inatake at nasa ICU."
"Don't think about your salary, Zehra. Go to your sister now," sabi nito sa akin.
Tumango ako at tatalikod na sana ulit nang mapatigil dahil hawak pa rin ni Errol ang kamay ko.
"I'll go with you," sabi nito at nilingon ang mga kaibigan, "guys, let's continue this party next time. Emergency lang."
Pagkasabi non ni Errol ay siya na ang naunang naglakad. Ngunit bago pa kami makalabas ng bar ay tinawag siya ni Lianna.
"Errol."
Lumingon si Errol at nginitian nito si Lianna. Ako naman ay napatingin kay Thauce na nakatingin sa kamay ko na hawak ni Errol.
"Thauce, bring her home," sabi ni Errol sa pinsan niya. "Let's see each other tomorrow, Lianna."
Hindi na rin ako nakapagsalita. Hinila na ako ni Errol at tinungo namin ang sasakyan niya. Wala akong kibo na sumakay at nagmaneho siya papunta sa ospital kung saan dinala si Seya.
Nang marating namin ang ospital ay tinakbo ko ang ICU. Nakita ko si Lea. Kaagad ko siyang tinawag at niyakap.
"Zehra!" umiyak siya.
"A-Akala ko kung mapapaaano na si Seya! n-natakot ako." sabi nito.
Hindi ko na rin napigilan na hindi maiyak. Takot na takot sa kaligtasan ng kapatid ko.
"Kalahating oras na siya sa ICU."
Pagkasabi non ni Lea ay siyang paglabas ng doctor. Kinausap ako nito. Halos manlumo ako sa sinabi niyang kalagayan ng kapatid ko. Stage 3 cancer. Napakabilis. Tinapat rin niya ako sa operasyon na kailangan isagawa sa lalong madaling panahon.
Nang malaman ko kung magkano ang kakailanganin ay nais kong mapaluhod. Saan ako kukuha ng dalawang milyon? s-saan ko huhugutin ang ganoon kalaking pera?
Hindi kaagad namin nailabas ng gabing iyon si Seya. Kailangan pa siyang i-examine ng mga doctor. Umuwi na si Lea at ang tatay nito. Nagpasalamat ako sa kanila dahil hindi nila iniwan si Seya habang wala ako.
"Zehra..." napatingin ako kay Errol. Nawala na sa isip ko na nandito pa rin pala siya.
"A-Ah, Errol, p-puwede ba na pakibantayan muna si Seya? b-bibili lang ako ng gamot--
Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang lumapit siya sa akin at niyakap ako.
"You can cry, you can be weak right now, Zehra."
Napahikbi ako nang marinig ang sinabi niya. Sobra na kasi.
Sobra na ang mga pinagdaanan ko... tapos ngayon ang kapatid ko naman?
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Errol, h-hindi ko alam kung kakayanin ko pa sa mga susunod na araw..."
"P-Pagod na pagod na ako... p-pagod na pagod na iyong isip ko... i-iyong katawan ko."
"B-Bakit? bakit naman nagyayari ito sa amin na magkapatid?"
Hinayaan lang ako ni Errol na umiyak, nang kumalma ako ay nagpasalamat ako sa kaniya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nang maiiyak ko ang sakit. Tinungo ko ang labas ng ospital. Pinabantayan ko muna si ang aking kapatid kay Errol dahil bibili ako ng mga kailangang gamot niya.
Ngunit, sa madilim na bahagi ng ospital papunta sa botika napahinto ako nang may humarang sa akin.
Seryoso ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
Tiningnan ko si Thauce.
"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
"You need money, right?"
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at lalagpasan sana siya nang marahas niyang kuhanin ang braso ko.
"I. am. talking. to. you, Zehra Clarabelle. Don't just turn your back on me."
"At ano ang sasabihin mo? iinsultuhin mo na naman ako? sasabihan na ginagamit si Errol para sa pera--
"I have a proposal."
Napahinto ako sa sinabi niya.
"You need two million for your sister's surgery, right?"
P-Paano niya nalaman? saan niya nalaman?
Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"I know you need money. You are desperate now. But you can't earn that 2 million in just a month, Zehra Clarabelle."
Seya... p-para kay Seya...
"A-Ano ang kailangan kong gawin?"
Nakita kong ngumiti si Thauce.
"In three months just stay with Errol. Make him fall in love with you... hard."
Bigla ay naalala ko ang pag-uusap nila ni Lianna kanina. Ginagawa ba niya ito para mapunta sa kaniya si Lianna?
"S-Sa tatlong buwan na iyon?" tanong ko.
"Yes. I can see that Errol is already interested to you. Make him fall hard, who knows, it will benefit you also. Errol is not that hard to love..."
"Make him fall for you so that Lianna will move on her feelings for Errol. Sa oras na makita ni Lianna na may ibang mahal na si Errol ay tiyak na magsisimula na siyang kalimutan ito."
Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.
"I can give you five to ten million for this three month agreement."
Tiningnan ko siya ng seryoso sa mga mata.
"I-Iyon lang ang gagawin ko?"
Nang tumango siya ay doon na kami nagkasundo sa gusto niya.
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a