공유

Chapter 2

작가: Pennieee
last update 최신 업데이트: 2023-09-06 23:58:00

Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan sa aking harapan. Nasa hospital na ako at ang kasama ko ay si Lea at Letty. Tinitingnan pa rin ng doctor si Seya. Bakit biglang hinimatay si Seya? kanina lang naman ay maayos siya.

Masigla at napakasaya niya pa.

"Zehra, wear this. Malamig dito," sabi ni Errol. Hinubad niya ang coat niya at isinuot sa akin. Naka-gown pa kasi ako at litaw ang balikat ko. Malalim rin ang hati sa gawing dibdib.

"S-Salamat," sabi ko.

"Maraming s-salamat rin sa kabutihan ninyo na ihatid kami ng kapatid ko dito sa ospital," sabi ko.

"Sino ang kamag-anak ni Seya Mineses?"

Napatayo ako nang marinig ang boses ng doctor. Kaagad akong lumapit.

"A-Ako po, ako po ang kapatid niya. Ano po ang nangyari sa kapatid ko?" tanong ko.

"Miss Mineses, your sister has stage 1 lung cancer."

Para akong nabingi. Napapikit ako ng mariin ng dalawang beses at umawang ang aking mga labi para sana magsalita pero walang lumabas sa aking bibig.

"Sa tingin ko ay may nararamdaman na siya pero hindi niya ito sinasabi sa 'yo. Nagreseta na ako ng mga gamot, pero mas mabuti kung regular siyang mapapatingnan, Miss Mineses."

Nanginig ang mga labi ko. Walang ibang lumabas sa akin kung hindi ang salamat. Nang makaalis ang doctor ay nilapitan ako ni Lea at ni Letty. Hinawakan nila ako sa magkabilang balikat.

"Zehra..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at napayuko. Stage 1 lung cancer? gamot?

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Hindi pa pala tapos ang mundo sa pagbibigay ng problema sa aming magkapatid. At ito naman ngayon... mas malupit na pagsubok.

Pinalis ko ang mga luha na kumawala sa aking mga mata. Huminga ako ng malalim. Hindi ako dapat makita ni Seya ng ganito. Dapat maayos ang kalagayan ko at hindi umiiyak. Maaaring makasama sa kaniya.

Bago ako pumasok sa loob ng silid kung nasaan ang kapatid ko ay hinarap ko si Errol at si Thauce.

"Maraming salamat sa tulong ninyo," sabi ko at yumuko.

"Zehra, if you want--

"Errol, let's go now. You have helped them enough," sabi ni Thauce.

Sa nakalipas na limang taon hindi pa rin nagbabago ang lalakeng nakaharap ko at nagbigay sa akin ng limang libo. Mabait pa rin siya at matulungin. Ganoon rin ang lalakeng may seryoso at malamig na tingin, hanggang ngayon ay hindi nagbabago ang ekspresyon nito.

"But, Thauce--“

"Don't be blinded. You have helped them enough, I repeat."

Pagkasabi non ay tumalikod na si Thauce at naglakad paalis.

"Pasensiya na kayo sa pinsan ko. Pinaglihi kasi iyon sa sama ng loob. By the way, Zehra. I wanted to help you if you need work don't hesitate to call me, okay? I am praying for your sister recovery. Laban lang."

Ang mga salita ni Errol ay nakarating sa aking puro at isipan. Mabuti siyang tao... kabaligtaran ng pinsan niya.

Pero nagpapasalamat ako dahil tumulong rin si Thauce sa pagdala kay Seya sa ospital. Iyon nga lang ay pakiramdam ko ginawa niya lang iyon para kay Errol.

Nang huhubarin ko ang coat ay pinigilan ako ni Errol.

"Malamig dito, gamitin mo na 'yan," sabi niya ng nakangiti.

"Errol, I am tired and I want to go home now."

Sabay kaming lumingon ni Errol sa nagsalita. Napakamot siya sa batok at nagpaalam muli sa akin pagkatapos ay nilapitan na ang pinsan niya.

"Pakiramdam ko may gusto sa iyo'yong Errol, Zehra. Nakita ko iyong kislap sa mga mata niya, tapos willing pa siyang bigyan ka ng trabaho," sabi ni Letty.

Hindi ako sumagot, tipid lang akong ngumiti at huminga ng malalim pagkatapos ay pumasok kami sa loob ng silid kung nasaan si Seya.

Simula nang gabing iyon hindi ko na iniwanan ng tingin si Seya. Kinausap ko rin ang mga professors niya sa school para maibilin ang kalagayan niya. Isang taon na lang ay makakatapos na si Seya at sobrang nalungkot ang mga professor niya nang malaman ang kalagayan niya.

Nagdoble kayod ako sa pagtitinda ng gulay. Nagbenta na muli ako ng uling. Nagsubok akong maghanap ng trabaho ngunit dahil elementarya lang ang tinapos ko ay walang tumatanggap sa akin.

Mahal ang mga gamot ni Seya, doon talaga ako nahihirapan. Pero tinitiis ko dahil natatakot ako na lumala ang kaniyang kundisyon.

Siya na lang ang mayroon ako. Gagawin ko ang lahat para lang gumaling siya.

Ngunit...

Talagang sinusubok kami.

Tumawag sa akin ang isang professor niya at sinabing sinugod nila sa ospital si Seya.

"Tatapatin na kita, Miss. Mineses, lumalala ang kondisyon ni Seya. Hindi na siya maaaring mapagod, kailangan niyang huminto sa pag-aaral. Daragdagan ko rin ang mga gamot niya, may kamahalan ang mga ito."

Diyos ko... bakit ba nangyayari ito sa amin?

"K-Kahit ano po ay gagawin ko, doc, magagamot pa naman po ang kapatid ko, 'di ba? gagaling pa po siya?"

Sobrang hirap. Hindi ko alam kanino ako iiyak, hindi ko alam kanino ako sasandal upang sabihin ang mga problema at sakit na dinadala ko. Si Seya, napakasaya niyang bata, masipag mag-aral at matalino. Bakit siya nagkaroon ng ganoong sakit?

Nang makauwi kami sa bahay ay ipinaliwanag ko kay Seya ang kondisyon niya. Na kailangan na niyang tumigil sa pag-aaral. Imbis na malungkot ay humingi siya ng tawad sa akin. Inisip niya na pabigat siya, umiiyak siya, gusto ko ring umiyak pero hindi maaari.

Hindi ako maaaring magpakita ng kahinaan sa harapan niya kasi ngayon, sa akin siya kukuha ng lakas.

Nakatulog si Seya kahihimas ko sa ulo niya. Nang tumayo ako upang kuhanin sa wallet ang reseta ng mga gamot niya ay may nahulog na card sa sahig. Pinulot ko iyon at binasa ang nakasulat.

Errol France Valderama.

Napapikit ako at kinuha ang aking cellphone. Kailangan kong makaipon. Malaking halaga ang kakailanganin ko sa susunod na paggagamot ni Seya. Tatapangan ko na ang hiya ko.

Tinawagan ko ang numero na nakalagay, isang ring pa lang ay sinagot na ito.

"Hello? sino ito?"

"E-Errol... s-si Zehra ito."

"Zehra? why? what happened? kamusta kayo ni Seya?"

Isang buwan na ang nakakalipas, pero hindi niya pala nakalimutan ang nangyari sa amin. Ikinwento ko sa kaniya ang kalagayan ni Seya. Nakipagkita sa akin si Errol sa isang sikat na kainan. Hiyang-hiya ako pero sinabi niya sa akin na wala akong dapat na ikahiya sa kaniya. Sinabi rin niya na hanga siya sa katapangan ko. Noon pa raw niya hinihintay ang tawag ko.

"That's my friend's bar, Zehra. Jio's Bar ang pangalan. Hiring sila ng waitress. Chill bar lang iyon, don't worry. I already informed him that you will apply to his bar. Kaagad ka niyang tatanggapin. Maayos ang pasahod kaya't wala kang dapat na alalahanin."

Sa sobrang pasasalamat ko ay nahawakan ko sa dalawang kamay si Errol.

"Maraming-maraming salamat! k-kailangan ko talaga ng trabaho ngayon..."

Nabigla rin ata si Errol sa ginawa ko kaya kaagad kong binitawan ang mga kamay niya at humingi ng tawad. Pagkatapos ng pagkikita namin na iyon ay kinabukasan nga pinuntahan ko ang bar na sinasabi niya. Tama nga siya, chill bar lamang iyon.

Sinabi pa sa akin ni Errol na walang magtatangkang mambastos sa akin dahil mananagot sa kaniya.

Simula non ay naging kaibigan ko na si Errol. Mabuti siyang tao at talagang bukas ang palad sa mga nangangailangan ng tulong.

"Zehra, sa private, pakihatid naman itong mojito," sabi ni Alice sa akin.

Lumapit ako sa counter at kaagad na kinuha ang mojito. Ang taas ang private kung tawagin. Tanging mga kilalang personalidad ng may-ari lamang ang nasa itaas.

Nang makaakyat na ako ay nagpunta ako sa table 5 para sa mojito. Nang makita ko kung sino ang naroon ay nawala ang ngiti sa mga labi ko. Nninigarilyo siya habang nakatingin sa akin.

Sinanay kami na palaging nakangiti. Pero otomatikong nawala ang ngiti ko nang makita si Thauce.

Huminga ako ng malalim at lumapit.

"Here's your order sir."

Ibinaba ko ang mojito niya at yumuko tatalikod na sana ako nang magsalita siya.

"Long time no see. I heard that Errol is courting you?"

Dahan-dahan ko siyang hinarap.

"Hindi po iyon totoo, sir," sagot ko. "Mabuting kaibigan ko lang po si Errol."

Umismid siya. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"He's the reason why you are here, right? he helped you. Tell me, ano pa ang mga ginawa niya para sa 'yo?"

Sa klase ng pananalita niya ay pakiramdam ko iniinsulto niya ako.

"You are close with each other. So... close," makahulugan niyang sabi.

"Did you and Errol have sex already?"

Napaawang ang mga labi ko sa sunod niyang tanong. A-Ano ba ang nasa isip ng lalakeng ito? malayong-malayo ang ugali niya kay Errol!

"Mawalang galang na ho, sir, hindi po ako katulad ng iniisip ninyo--“

"Ohh, hindi ka ba lumalapit sa kaniya dahil sa pera?"

Napalunok ako.

"Tell me, Zehra Clarabelle, aren't you clinging on him because of money?"

Tumaas baba ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng galit ngunit dahil pinapangalagaan ko ang trabaho kong ito ay ngiti ang iginanti ko kay Thauce.

"Sana po ay mag-enjoy kayo ngayong gabi."

Yumuko ako at pagkasabi ko non ay mabilis akong tumalikod.

"Ang pangit ng ugali niya. P-Paano niya nasabi ang mga 'yon?"

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hay naku thauce ang sakit mo magsalita baka ikaw ang may gusto kay zechra ayaw mo lang aminin
goodnovel comment avatar
Queen Natalie Bajada
ang ganda ng kuwento sobra............
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • Three Month Agreement   LAST CHAPTER

    The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a

  • Three Month Agreement   Chapter 131

    Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na

  • Three Month Agreement   Chapter 130

    Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa

  • Three Month Agreement   Chapter 129

    Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber

  • Three Month Agreement   Chapter 128

    Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu

  • Three Month Agreement   Chapter 127

    "Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status