Share

Three Month Agreement
Three Month Agreement
Author: Pennieee

SIMULA

Author: Pennieee
last update Last Updated: 2023-09-06 23:40:24

WARNING mature content. This story is specifically for adults and therefore may be unsuitable for children under 17. This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

LONG STORY. DETAILED NARRATION. If hindi po okay sa inyo ang mahahabang kwento at madetalyeng narration skip this story na lang po! maraming salamat po!

PLAGIARISM IS A CRIME. RESPECT AUTHORS. STOP STEALING STORIES. NO TO SOFT COPIES.

CHARACTERS' name pronunciation

Zehra Clarabelle Mineses

Zeh-ra Cla-ra-belle

****

Thauce Arzen Alessandro Cervelli

Toss Ar-zen A-les-sandro- Cer-vel-li

Three Month Agreement by: Pennieee

Zehra Clarabelle Mineses

Ang kasabihan, hindi mo kasalanan na ipinanganak kang mahirap, pero kasalanan mo na kung mamamatay kang mahirap.

Pero sa mga taong katulad namin? isang kahig isang tuka? kung hindi mangangalakal araw-araw ay walang maipang bibili ng pagkain.

"Ilang kilo ang sa akin, Tonyo?" tanong ko sa nagbabantay sa junkshop. Nakatingin ako sa kaniya habang nagbibilang siya ng barya. Kailangan ko nang bilisan, dumidilim na ang paligid. Siguradong malakas na ulan ang darating.

"Walong kilo na plastic, dalawang kilo sa mga lata," sagot ni Tonyo.

Napabuntong hininga ako. Sapat kaya 'yon hanggang bukas?

"Ito, Zehra," inabot niya sa akin ang dalawang isang daan na buo at tatlong bente. Pagkatapos ay iba ay puro barya na. Binilang ko iyon bago ako umalis.

"Wala ka atang mga papel, Zehra? hindi ka gumagawi sa mga paaralan para kumuha?" tanong niya sa akin.

Hindi ako nag-angat ng tingin dahil abala ako sa pagbibilang ng mga barya.

"Maulan, mababasa lang rin, wala namang silong ang bisekleta ko," sagot ko.

Nang masiguro ko na tama ang ibinigay niya ay kinuha ko ang mga sako na pinaglagyan ng mga nakalakal ko.

"Bukas ulit kung papalarin na makakuha. Salamat ulit, Tonyo," sabi ko.

Nag-thumbs up siya sa akin. Ako naman ay sumakay na sa aking bisekleta. Para sa dalawampung taong gulang na katulad ko, dapat tapos na ako ng kolehiyo. Pero ito, nangangalakal pa rin.

"Bwisit, uulan pa nga."

Binilisan ko ang pagpedal nang malalaking patak na ang nararamdaman kong bumabagsak sa akin. Kapag minamalas ka nga naman. Buong araw na napakainit tapos sa hapon ay bubuhos ang malakas na ulan.

Nang lumakas ang bagsak ng ulan ay tumigil ako sa gilid ng isang estabilishimento. Padilim na, kaunti na lang ang mga tao. Ang ilan ay nakasakay na upang umuwi sa kani-kanilang mga bahay.

Pinunasan ko ang aking sarili ng tuyong dami na baon ko. Sa ganitong panahon, kahit tag-araw, hindi ako nagpapawala ng extra na damit. Madalas kasing umulan. Ewan ko ba sa panahon ngayon. Iyon pa ang dahilan kaya't madalas magkasakit ang mga tao.

"Yosi, yosi, yosi."

Napatingin ako sa mama na dumaan sa harapan ko. Kinakatok niya ang kaha na taban habang nag-aalok ng yosi sa iilang mga tao na nadaraanan niya. Ang hirap ng buhay. Para sa mga katulad namin, kapag hindi kami nag-isip ng paaraan para kumita tiyak na mamamatay kaming dilat dahil sa gutom.

Napakamot ako sa aking ilong nang mangati iyon. Hindi naman sana ako aabutin ng gabi kung hindi lang dahil sa paghihintay na magtapon ng basura iyong madalas kong pagtambayan na kumpanya ng toy shop malapit sa plaza.

Kalapit ko na kasi iyong nasa canteen. Palagi sa aking ibinibigay ang mga bote ng plastic na itinatapon ng mga empleyado. Malaking tulong iyon sa akin at sa kapatid ko.

"Hinihintay na ako ng mga anak ko, ayaw pang tumigil ng ulan. Mukhang aabutin pa ng kalahating oras."

Napalingon ako sa babaeng nagsalita 'di kalayuan sa akin. Bigla kong naalala si Seya, ang kapatid ko at kaisa-isang pamilya na mayroon ako.

"Baks, tatawagan ko lang si nanay, tiyak na nag-aalala na sa akin 'yon."

Rinig ko naman na sabi ng isang babae na tiyak kong estudyante dahil sa uniporme nito. Nang matagal ang pagkakatingin ko sa kaniya ay nilingon ako nito. Nahihiya na yumuko ako at ngumiti.

Mabuti pa ang mga katulad nila, nakakapag-aral, may naghihintay na magulang pag-uwi.

Huminga ako ng malalim at marahas ang naging pagbuntong hininga.

Ang saklap ng buhay.

Hindi bale, Zehra Clarabelle, sabi nga hindi kasalanan ang ipanganak na mahirap ang kasalanan ay iyong mamamatay kang mahirap.

Nagsisikap naman ako, dalawampung taong gulang na ako, hindi man nakapag-aral pero masipag magtrabaho.

Kaso, mali rin iyong dahilan na kasalanan kung mamamatay kang mahirap.

Dahil hindi naman lahat ng tao may magandang oportunidad na dumadating sa buhay nila. Parang sa akin, imbis na nag-aaral ako, ito at nangangalakal. Ilang taon na ito ang trabaho ko dahil walang tumatanggap sa akin.

Sino ba ang tatanggap? elementarya lang ang natapos ko.

Pero, Valedictorian ako. Iyon nga lang, nang mamatay sa bagyo ang nanay at tatay walang kumupkop sa amin ni Seya. Napilitan akong tumigil sa pag-aaral at buhayin ang kaisa-isa kong kapatid.

Siya ngayon ang pinagsisikapan kong makatapos. Labing limang taong gulang na siya. Sa awa ng Diyos, mabait at masipag mag-aral. Matalino rin at nakakuha kami ng skolar.

"Tara na! tumila na!"

Umangat ang tingin ko sa langit, madilim na, pero oo nga... tumila na ang ulan. Hindi ko napansin dahil sa pag-iisip sa nakaraan.

Lumapit ako sa bisikleta ko at tinungo na ang daan pauwi. Isang oras na pagpapadyak pa bago ako makarating sa ilalim ng tulay. Araw-araw ganito ang buhay ko.

Minsan nga gusto ko nang sumuko, naisip ko nang tumalon na lang sa tulay pero pag nakikita ko iyong kapatid ko na nagsisikap sa pag-aaral kahit wala kaming ilaw at kahit na wala siyang baon doon ako nagkakaroon ng lakas ng loob na mas lumaban.

"Buti na lang tumila na ang ulan," sambit ko at binilisan ang pagpapadyak.

Ngunit hindi ko namalayan ang isang sasakyan dahil sa mabilis nitong pagliko. Kaagad kong sinubukan na pumreno at iniliko ko ang manibela kaya't tumama ito sa poste. Tumba ang biskleta ko pati na ako.

"Aray ko..." sabi ko habang hinihimas ang pwet na nasaktan. Nang maalala ko ang sasakyan na bigla na lang sumulpot ay marahas ko itong tinitigan.

"Mayaman."

May iba talagang mayayaman na walang pakialam sa daan. Tapos kapag kami pa ang may kasalanan pag may nangyari sa kanilang sasakyan.

"Kid, are you okay?"

Umangat ang tingin ko sa nagtanong. Hindi ako nakapagsalita.

"Let me help you."

Tinulungan akong tumayo noong lalake. Matangkad siya, gwapo, may hikaw sa isang tainga. Nakasuot siya ng puting polo.

Ang gwapo! parang artista.

"Nasaktan ka ba? Pasensiya na, hindi kasi kita napansin. Masyadong madilim sa parte na ito ng daan," sabi niya pagkatapos ay nilingon ang bisikleta ko. Nilapitan niya iyon at pagkatapos ay itinayong muli. Ibinalik rin niya ang mga sako at iba pang gamit na nalaglag.

"N-Naku, huwag na, ako na. Madudumihan ka pa," sagot ko sa lalake.

"I am really sorry. Wala bang masakit sa 'yo? let's go to the hospital."

Umiling ako ng sunod-sunod. Nakahawak ako sa manibela ng bisikleta ko.

"Maayos po ako, wala pong masakit. Tumama lang po ang pang-upo ko pero bukod doon ay okay naman ako," sagot ko sa kaniya.

"Errol, what took you so long? just give the kid money."

Napatingin ako sa likod ng lalake nang may magsalita. Isang naka-itim na polo na lalake ang aking nakita. Salubong ang kilay nito at nakatingin sa amin.

"Wait, Thauce! I am making sure that the kid is fine!" sigaw ng lalake sa aking harap.

"Are you sure? but if ever you feel something this is my calling card. Call me," sabi ng lalake at may iniabot sa aking maliit na card, "and also, please take this. I am so sorry, again."

Nagulat ako nang abutan ako ng limang libo ng lalake.

"I'll go now, be safe!"

Hindi na ako nakapagsalita, nais ko sanang ibalik ang apat na libo dahil sobra-sobra ang ibinigay sa akin ngunit nakatalikod na ito at nasa sasakyan na. Nang tumingin ako sa lalakeng tumawag sa kaniya ay nakahalukipkip ito at nakatingin sa akin.

Ang lalake ay masungit. Ngunit iyong nagbigay sa akin ng card at ng pera ay mabait.

Thauce? Errol?

Pero, may mayayaman pa rin talagang may busilak na puso.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
umpisa palang maganda na
goodnovel comment avatar
Mary Cesista
thank you sa update Miss Author
goodnovel comment avatar
Chellemitch
kailan update ms pennieee
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Three Month Agreement   LAST CHAPTER

    The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a

  • Three Month Agreement   Chapter 131

    Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na

  • Three Month Agreement   Chapter 130

    Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa

  • Three Month Agreement   Chapter 129

    Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber

  • Three Month Agreement   Chapter 128

    Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu

  • Three Month Agreement   Chapter 127

    "Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status