"Ate, papasok na po ako."
Nilingon ko si Seya. Tumayo ako at iniwan sandali ang pagtatali ng mga gulay. Kumuha ako ng singkwenta sa bag ko na pang-tinda at nilapitan siya.
"Baon mo," sabi ko.
Masaya ako dahil isang taon na lang at makakatapos na si Seya ng kolehiyo. Hindi ko inakala na sa dami ng problema na kinaharap namin sa buhay ay ito ako ngayon, isang pangarap ang matutupad para sa kapatid ko.
"Naku, si ate! eh, baka wala na naman sa 'yong matira niyan?" tanong niya.
Umiling ako, ako na mismo ang naglagay ng singkwenta sa kaniyang palad.
"Mayroon pa, saka, maglalako ako ng gulay sa palengke. Sa ganda kong 'to tingin mo hindi ako makakabenta?" biro ko.
Tumawa siya at tinapik ako sa balikat.
"Iyon nga ata ang dahilan ate kaya ka nauubusan madalas ng paninda. Oh, siya ate! pasok na ako, ayokong mahuli, may recitation kami sa unang subject."
Humalik siya sa pisngi ko at pagkatapos ay lumabas na ng apartment na inuupahan namin.
Kahit papaano ay nakaakyat kami ng ilang palapag sa hamon ng buhay. Hindi na kami nakatira sa ilalim ng tulay at nakaipon ako para kahit papaano ay makaya ang pag-renta ng apartment para sa aming dalawa ni Seya.
Hindi kasi maaari na sa ilalim lang kami ng tulay manirahan. Maraming masasamang loob, parehas pa kaming babae ni Seya. Kailangan ko na masigurado ang kaligtasan ng kapatid ko. Sa awa ng may kapal ay talagang nakagawa ako ng paraan.
Nabigyan ako ng trabaho. Naging street sweeper ako, nagbenta ng uling, nangalakal pa rin. Nag-ipon kahit paunti-unti hanggang sa makaya ko na ang gastos namin ni Seya at makakuha ako ng maayos na tirahan para sa aming dalawa.
"Zehra! abay, hinihintay ni Dedang ang desisyon mo. Sasali ka daw ba sa pajent wala pang pambato ang lugar natin! lahat kami ay gusto na ikaw ang lumaban para syur wen! "
Naupo akong muli at nagtali ng mga gulay. Nilapitan naman ako ni Aling Sonya at tumalungko siya sa harapan ko. Kahapon pa nila ako pinipilit sa pageant na iyon. Mahiyain ako, saka, anong alam ko sa pagrampa? Isa pa, may question and answer portion iyon, may talent pa, ang alam ko lang maghanap ng trabaho. Saka ano ang isasagot ko sa tanong?
Baka mapahiya lang rin ako doon.
"Malapit na ang pista, Zehra, sa makalawa na at kailangan na ng listahan ng mga sasali mamaya. Naku, sayang ito Zehra! limang libo ang premyo!"
Napatigil ako sa pagtatali ng talong nang marinig ko ang sinabi ni Aling Sonya. Tumingin ako sa kaniya at nakita ko siyang ngingiti-ngiti sa akin.
"Hindi ba at nagti-thesis si Seya? malaki ang gastos non dahil iyong anak ko ay dumaan rin don bago nagtapos ng kolehiyo. Sige na, Zehra, malakas ang kutob namin ikaw ang mananalo don. Ang papangit kaya ng pambato ng ibang mga purok," sambit ni Aling Sonya.
Limang libo? kung mananalo man ako, sapat na nga ang limang libo. May pambayad kami ng dalawang buwan na upa, narinig ko na dalawang libo ang kailangan ni Seya sa thesis. May matitira pa akong dalawang libo...
"A-Ano ba ang kailangan, Aling Sonya?" tanong ko.
Tumayo siya at pumalakpak, "Ay, wala! ikaw lang ang kailangan! ang anak kong si Lea ang may sagot ng gown, swimsuit at saka ng mga heels. Tapos 'yong anak daw ni Theresa ang magme-make up sa iyo. Hindi ba at may bading na anak 'yon na magaling magmakeup?"
Kung ganoon ay desisyon ko na lang pala ang kulang.
"S-Sige, Aling Sonya. Sayang lang rin, baka nga palarin," sagot ko.
"Ano, ano? ipapalista ko na, ha? wala nang atrasan. Go go go na ba talaga?"
Tumango ako sa kaniya.
"Ayon! sige, Zehra, pupuntahan ko na si Dedang, sasabihin ko na pumayag ka na!"
Umalis siya ng may ngiti sa labi. Ako naman ay nagpatuloy sa pagtatali ng gulay. Unang beses ko ito, kung wala rin naman pala akong igagayak na gamit o pera ay susubukan ko nang makilahok. Isa pa, baka nga palarin ako. Kung sakaling mangyari iyon ay wala na akong ibang dapat pang isipin sa gastusin sa darating na dalawang buwan.
Nang makatapos akong magtali ng mga gulay ay inilagay ko na iyon sa basket at pagkatapos ay isinakay sa trolley ko. Kapag hindi ako nagmadali ay tiyak mauubusan na ako ng mga customer.
Sa limang taon na nakalipas nagpapasalamat ako sa gabay ng aming mga magulang at sa Diyos na hindi kami pinabayaan.
Malapit nang magtapos ng pag-aaral si Zehra, kapag nangyari iyon ay makakaakyat muli kami sa palapag tungo sa tagumpay ng buhay.
"Gulay! gulay kayo!"
"Uy, Zehra, mylabs!"
Napahinto ako sa pag-aalok ng gulay nang nilapitan ako ni Pelez. Iyong kargador ng mais sa harapan ng palengke. May dala siyang isang rosas.
"Para sa 'yo pala," sabi niya.
"Ayieeee," panunukso ng mga tao sa paligid namin.
"Kailan mo ba ako papayagan na manligaw sa 'yo, Zehra?" tanong niya.
Hindi ko kinuha ang bulaklak. Nginitian ko lang siya. Ilang buwan na siyang nangungulit sa akin. Pero wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan kong kumita ng pera para sa pag-aaral ni Seya.
"Abala ako, Pelez, marami namanng magagandang tindera dito sa palengke, sila na lang," sabi ko at nginitian siya. Nang hindi sumagot si Pelez ay nagpatuloy ako sa pagbebenta.
"Talong! kamatis!"
Tiyaga lang. Kailangan magtiyaga. Wala namang madaling trabaho, wala ring madaling buhay. Lahat kailangan magsikap.
Lumipas ang dalawang araw at dumating ang araw ng pageant sa aming barangay. Maraming mga tao ang pumunta upang manood at masaksihan ang magagandang kalahok ngayong gabi.
"Panalo na talaga tayo nito!" sabi ni Dedang habang nakatingin sa akin.
"Aba, pang Miss Universe kasi itong ganda ni Zehra! tingnan ninyo, tingnan ninyo, iyong taas pa lang, grabe na! paano pa pag sa mukha?" sabi ni Aling Sonya.
Nakabilog sila sa akin. Ngiting-ngiti rin si Seya habang nakatingin. Nababasa ko sa mga mata niya ang kasiyahan.
"Malakas natin isigaw mamaya, ha? number 8! number 8!" sabi ni Seya.
Mabuti na lang at sabado ngayon, kahit na mapuyat si Seya dito sa plaza ay ayos lang.
"Halika, Zehra, retouch natin iyong makeup mo. Mainit kasi," sabi ni Letty ang anak ni Aling Theresa.
"Salamat, ha? wala ba talagang bayad ito?" tanong ko at naupo sa upuan. Ni-retouch nga ni Letty ang makeup ko. Nakangiti siya habang ginagawa iyon.
"Naku, wala! alam mo naman na tuwang-tuwa sa 'yo ang mga marites sa ating purok dahil sa sipag at pag-aalaga mo sa kapatid mo. Masaya kami na makatulong sa 'yo ngayon at mas magiging masaya kami kapag ikaw ang nanalo at kinoronahang Ms. Dapdap West!"
Sasagot pa lang sana ako nang magsalita si Lea, ang anak ni Aling sonya.
"Huy, magsisimula na! dumating na iyong dalawang judge! s***a, mars, ang gugwapo! nalaglag ata ang panty ko, teka, silipin ko nga muna," sabi ni Lea.
Natawa ako sa kaniya.
"Mayaman iyong dalawa, pamangkin ata ni mayor. Shet, Letty binabalaan na kita, kumalma ka pag nakita mo! mga artistahin!" dagdag ni Lea.
"Asan na ang mga candidates? linya na girls!"
Tumayo ako nang dumating ang emcee.
"Go, Zehra! kaya mo 'yan! iuwi mo ang korona! go go go!" sigaw ni Letty.
"Go, ate!" sabi naman ni Seya. May hawak pa talaga siyang banner.
Hindi ko maiwasan na hindi kabahan. Unang beses ko itong haharap sa napakaraming tao. Tapos mamaya ay magsusuot kami ng swimsuit lang. Unang beses ko iyong gagawin.
Tumugtog na ang kanta hudyat na kailangan na naming pumasok isa-isa. Nakahawak ako sa baywang ko at hinihintay ang una sa akin. Nang makalabas na siya ay ako naman ang naglakad. Hinawi ko ang buhok ko at dinala iyon sa kanan. Ngumiti ako sa mga nanonood at rinig na rinig ko ang hiyaw nila Letty at ng mga ka-barangay ko.
"Go, Zehra! Go Zehra!"
"Go, number 8! we love you number 8!"
Ang lakas ng boses nila!
Nagsabay-sabay kami sa pagsayaw ng lahat ng mga candidates. Hindi nawawala ang ngiti sa aming mga labi. Ito ang sabi ni Letty nang tinuturuan niya ako kung paano ang dapat gawin. Dapat daw nakangiti ako at hindi lang sa iisang parte ng tao nakatingin. Dapat ay iniikot ko ang aking mga mata at nginingitian ang mga manonood. Lalo na ang mga judge.
Bumaba ang tingin ko sa mga husgado. Nang dumating sa dulo ang mga mata ko ay nakita ko ang dalawang lalake na tinutukoy ni Lea kanina.
Seryoso ang mukha ng isang lalake at ang isa naman ay nakangiti habang nakatingin...
sa akin?
Nang matapos ang kanta ay bumalik kami sa backstage. Narinig ko ang usapan ng mga kapwa ko candidate.
"Grabe! napakagwapo! sila iyong pamangkin ni Mayor! ang balita ay pinakiusapan iyong dalawang na pumunta, ang dapat nga raw ay si Mayor pero buti na lang at hindi ito puwede ngayon!" sabi ni number 5.
"Ang gugwapo nga, sht. Lalo na yung isang nakangiti," sabi ni number 3.
Muli kaming bumalik sa stage para naman ipakita ang aming talento. Dahil hindi ako magaling sumayaw, at kahit papaano may alam ng kaunti sa pagkanta ay iyon na lamang ang talentong ipinakita ko.
"Okay, ladies and gentlemen we have seen the talents of our candidates! Sino ba sa kanila ang napupusuan ninyo?" tanong ng emcee.
Iba-iba ang mga numerong naririnig ko. Malakas ang hiyawan ng mga tao.
Narinig ko na may magpe-perform na dance group kaya't may oras na kami para makapagpalit ng kasuotan.
Swimsuit na... kinakabahan ako.
"Zehra, magpalit ka na! ito, red, swimsuit, ako ang namili sa ukay-ukay. Basta daw red, eh," sabi ni Lea. Kinuha ko ang swimsuit at tinungo ang cr. Nanlalamig ang mga kamay ko dahil hindi naman ako sanay na magpakita ng balat. Hindi nga ako nagsoshort or sando.
Pero para sa limang libo, gagawin ko.
Nang maisuot ko na ay lumabas ako ng cr at lumapit kina Lea at Letty. Nakatingin sila sa akin na nanlalaki ang mga mata.
"Oh, my gosh! bakit mo itinatago ang ganitong katawan, Sera? nakakaloka ka! ang sexy mo! ang kinis! ang puti!" sabi ni Lea at kinurot pa ako sa tagliran.
Noong una nga ay walang naniniwala na anak mahirap lang ako dahil sa ganito ang kutis ko. Hindi rin kasi ako nagpapabaya, kahit na maghapon sa labas sa matinding sikat ng araw, nakamahabang manggas ako at pajama palagi para hindi masunog ang balat ko.
"Grabe, wala kang tiyan! flat na flat! tapos ang laki rin ng puwet mo! grabe, ang sexy mo talaga Zehra!" sabi ni Lea.
"Naku, Zehra, magiging lalake ata ako ulit dahil sa 'yo," biro ni Letty.
Nang marinig namin ang anunsyo ng emcee para sa amin ay huminga ako ng malalim. Lumabas na si number 1. Mas matagal ang exposure namin ngayong naka-swimsuit na kami.
"Number 8 maghanda ka na," sabi ng babae sa akin. Tumango ako at ngumiti kahit na hindi pa man ako nakakalabas.
"Please welcome, candidate number 8! Zehra Clarabelle Mineses! A very hardworking sister. Sa edad na labing lima ay kinailangan niyang buhayin mag-isa ang kaniyang kapatid. Masipag at mabait, ito ang deskripyon sa kaniya ng mga kapitbahay niya," sabi ng emcee.
"Go, ate!"
Nang lumabas na ako ay naghiyawan ang mga naroon. May iba pa na sumisipol.
"Go, Zehra! ang ganda mo, Zehra!" sigaw nila.
Nahihiya na ako pero kailangan kong ngumiti. Naglakad ako sa kabilang side ng stage. Tumingin ako sa mga judges ngunit natigilan ako nang magtama ang mga mata namin noong isang lalake.
Seryoso ang tingin niya at hindi niya inaalis ang mga mata sa akin. Kumibot ang mga labi ko at inilayo ang tingin at sa kabilang gilid naman naglakad. Nang muli akong tumingin sa mga judge ay muntikan nang mawala ang ngiti ko nang makitang nakatingin pa rin sa akin ang lalakeng iyon.
Nang matapos ang oras ko ay marahas akong huminga sa backstage.
"Zehra! type ka ata nung isang gwapong judge! maraming nakapansin na hindi ka inaalisan ng tingin! grabe! pamangkin ni Mayor 'yon!" sabi ni Lea.
Naalala ko ang mukha noong lalake. Seryoso, matalim ang mga mata. Parang hindi ito marunong ngumiti.
Pero...
Pamilyar ang itsura niya.
Pati ng lalake na nasa tabi niya. Para bang nakita ko na sila noon?
"Evening gown na! last part na!"
Mabilis na lumipas ang oras. Tapos na rin ang question and answer portion. Kinabahan ako ngunit nasabi ko naman ang sagot ko ng maayos. Habang nakalinya kami kanina sa stage ay napansin ko nga na hindi ako inaalisan ng tingin ng lalakeng iyon. Nalaman ko ang pangalan niya at ng nasa tabi niya nang ipakilala sila ng emcee kanina.
Thauce Arzen... iyong lalakeng seryoso at matalim ang mga mata at ang nasa tabi naman niya ay si Errol...
Saan ko ba sila nakita? saan ko narinig ang pangalan nila?
"Zehra, linya na daw, final look na," sabi ni Letty.
"Kid, are you okay?""Let me help you.""Errol, what took you so long? just give the kid money."
Natutop ko ang bibig ko nang maalala kung saan ko sila nakita.
"Hala, si Errol, siya iyong nagbigay sa akin noon ng limang libo... at iyong kasama niya... si Thauce... iyong masungit na--
"Number 8, linya na."
Kaagad akong tumayo nang muling tawagin.
Hala, naaalala kaya nila ako? kaya ba ganoon sa akin tumingin ang lalakeng iyon?
Hindi ako naka-pokus sa pagtawag ng emcee sa top 5 na mga kandidata. Hanggang sa tuwing tatawag ang emcee ay naririnig ko ang pangalan ko. Hiyawan ang mga tao, ganoon rin si Seya at ang mga taga sa aming purok.
"Now we only have two candidates! Number 5 at number 8! sino ang kokoronahan ngayong gabi?"
D-Dalawa na lang kami...
Dahil sa pag-iisip ay hindi ko halos namalayan.
"The winner of Miss. Dapdap West is..."
Hiyawan ang mga tao. Kaniya-kaniyang sabi ng kung sino ang nais nila.
"Miss number 8! Zehra Clarabelle Mineses!"
S-Sht. Pangalan ko iyon, hindi ba?
"Zehra! panalo ka! Zehra!" sigaw nila sa ibaba. Napatingin ako sa kanila lalo na kay Lea at Letty na talagang tinulungan ako sa backstage.
"Ate! panalo! ang galing!" sabi ni Seya.
Nilapitan ako ng mga judge, ibinigay sa akin ang sash, pati ang premyong akala ko limang libo lang, nadagdagan pa pala ito at naging sampung libo!
Tapos iyong si Errol... nakangiti siya na lumapit sa akin at inabot ang isang boquet ng bulaklak. Pagkatapos ang sumunod na lumapit ay ang lalakeng may malamig na tingin.
Siya ang may hawak ng tropeyo. Iniabot niya sa akin iyon ng walang salita pero ang tingin niya ay kakaiba.
"Congratulations, Miss. Zehra Clarabelle Mineses! maraming salamat sa mga dumalo ngayon gabi! mag-ingat ang lahat sa pag-uwi!" sabi ng emcee.
Naiwan ako sa stage na kino-congratulate ng mga kapitbahay ko. Nakayakap rin sa akin si Seya at tuwang-tuwa.
"Worth it ang pamimilit natin kay Zehra! yehey! Zehra, libre mo kami, ha? sampung libo iyan!" sabi ni Letty.
"O-Oo, ba, kayo ang katulong ko, kung hindi dahil sa inyo hindi ako mananalo--
"Hey."
Napatingin ako sa nagsalita. Nang makita ko kung sino ay nagulat ako nang si Errol iyon. Sht. Naaalala niya kaya ako?
"Congratulations, I heard your story earlier. You deserve the prize," sabi niya.
Mukhang hindi...
"T-Thank you, po," sagot ko.
Ramdam ko na sinusundot ni Lea ang tagliran ko.
"Errol, let's go, I want to go home now."
Bumaling ang tingin ko sa nagsalita. Napalunok ako nang makita ang lalakeng iyon.
Thauce Arzen...
"Sandali lang, Thauce. Kino-congratulate ko lang itong nanalo," sabi ni Errol at muling bumaling sa akin.
"If you need work call me, this is my calling card."
Tumili si Lea at si Letty dahil sa sinabi ni Errol. Pero sasagot pa lang sana ako nang maramdaman ko ang bigat ni Seya. Napatingin ako sa kapatid ko at naalarma ako nang nawalan siya ng malay.
"S-Seya? Seya!" napaluhod na ako habang nasa kandungan ko si Seya.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"What happened to her?" tanong ni Errol. Kaagad niyang tiningnan si Seya. Binuksan niya ang mga mata nito.
"Let's bring her to the hospital!" sambit ni Errol.
Pinalis ko ang mga luha ko at tinanggal ang heels ko.
"P-Pakiusap, tulungan mo kami," pakiusap ko habang nakatingin kay Errol. Bigla naman akong napatingin sa likod niya nang lumapit si Thauce. Yumuko siya at binuhat si Seya. Bahagya akong nagulat.
"In my car, now, Errol."
S-Seya...
The Cervellis. "Merry Christmas!" Pagpatak ng alas dose ay sabay-sabay kaming bumati sa isa't-isa. Yumakap ako kay Thauce at humalik naman siya sa aking ulo. "Merry Christmas, wife..." "Merry Christmas, husband..." sagot ko naman na ikinangisi niya. Gustong-gusto niya rin eh kapag tinatawag ko siyang husband. Hindi kami agad natulog nang matapos kumain. Nanood pa kami ng movie, ilang beses pa nga akong inaya ni Thauce pero hindi pa talaga ako non inaantok. Pero nang mapansin ko na parehong naghikab si Lianna at Seya ay nagpasya na rin ako na magpahinga na kaming lahat lalo at si Lianna at Eleaz ay siguradong may jetlag pa. "Isa rin ba sa surpresa mo yung pagdating nila Lianna?" tanong ko. Nakahiga na kami ngayon sa aming kama, katulad ng dati ay nakayakap ako sa kaniya at nakahilig sa kaniyang dibdib. "Hmm. I know you'll be happy to celebrate christmas and new year with her. But, it's also Lianna's decision. Pero ako ang nag-bukas ng usapan tungkol doon." "Akala ko ay trabaho a
Hindi nawala ang ngiti ni Thauce sa buong byahe. Napatingin naman ako sa oras, madilim-dilim pa. Mag-aalas-kwarto na ng umaga. Sa Toorak ang punta namin, iyon ang lugar na sinabi ni Thauce at mga trenta minutos ang layo mula sa airport. Pero habang papunta roon ay grabe, naaagaw talaga ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin.Ang ganda!Parang hindi totoo, eh. Parang ito lang yung mga nakikita ko sa palengke na mga poster. Oh yung mga isinasabit sa dingding ng bahay na nakaframe para dekorasyon. Nahihirapan ako ipaliwanag."You like what you are seeing?"Dahan-dahan akong tumango. Ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa labas ng bintana. Tinatanaw ang mga nadaraanan namin. Grabe. Ibig sabihin sa ganitong kagandang bansa may bahay si Thauce?Sigurado akong hindi basta-basta ang pagbili ng lupain at magpatayo ng bahay sa ganito!"We didn't eat on the plane, are you hungry?"Napabaling ako kay Thauce sa tanong niya. Tuon na tuon lang ang pansin niya sa dinaraanan namin."Hindi naman ako na
Zehra Clarabelle CervelliTahimik kong niyakap ang sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana at tinatanaw ang maliliit na mga ilaw mula sa ibaba. Kaaalis lang ng private plane ni Thauce at wala siya sa tabi ko dahil may mga kinakausap siyang staff.Nang tumungo kami noon sa Palawan ay hindi ko na-enjoy ng ganito ang view, lalo na at umaga 'yon at dahil gabi nga 'yon ang sarap sa mga mata ng maliliit at iba-ibang kulay na mga ilaw."Iba pala kapag narito ka sa itaas, ang naglalakihan na mga building at iba pang mga matataas na lugar na may ilaw ay parang mga langgam lang sa paningin," bulong ko sa aking sarili.Sa totoo lang, isa ito sa surpresa na kahit kailan ay hindi ko inaasahan na gagawin ni Thauce. Kahit pa sobrang miss ko si Seya. Alam ko na kaya niya naman dahil marami siyang pera pero sa mga naibigay na niya para sa akin, sa pagpaparamdam na gagawin niya ang lahat ay napakalayo nito sa isipan ko.Lalo na ang pagdadala ng labi ng mga magulang namin ni Seya at pagpapagawa
Mukhang mas magiging abala pala siya sa mga susunod na araw at buwan. Parang mas nalungkot ako doon. Iba pa rin kasi yung palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Pag kasi nasa opisina siya ay gabi at umaga lang. Ang buong maghapon ay sa trabaho. Tipid akong ngumiti at tumango kay Thauce. At habang nasa daan kami papunta sa orphanage ay naalala ko naman na bumili ng cake. "Ayun, Thauce, diyan na lang. Cake shop iyan." Iginilid niya ang sasakyan pero walang parking lot akong makita. "Bababa na ako dito, ayan lang naman sa malapit. Sumunod ka na lang sa loob pag nakahanap ka na ng parking lot. Saka, isang cake lang naman sandali lang ito." "Can you go alone?" "Oo naman, Thauce! saka baka wala ka rin agad mahanap na parking, pag nakabili na ako ay makikita mo naman ako agad. Hindi tayo pwede magtagal dahil baka magsimula na ang celebration." "Okay, baby, be careful." Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng cake shop. Namili kaagad ako pagkapasok. Natakam pa ako sa blueber
Halu-halong emosyon. Iyon ang naramdaman ko sa nakaraang linggo pagkatapos kong malaman kay Thauce na buntis ako. Ako mismo na may katawan ay hindi 'yon naramdaman. Pero doon ko rin napagtanto na ang lahat ng nangyayari sa akin, lahat ng kilos at galaw ko ay inoobserbahan niya. At ngayon nga na kumpirmado na namin na dalawang linggo na akong buntis ay mas naging doble pa ang ipinapakita at pinaparamdam niyang pag-iingat sa akin. Ngayon ko lang rin naunawaan ang dahilan ng pagbabago ng mga desisyon niya sa aming dalawa. Ang pag-aaral ko na magsisimula sa susunod na taon at home schooling na. Alam na niya pala non na maaaring buntis ako. Ang hindi niya pagpayag na lumabas ako basta-basta, ang pagsa-suggest niya na kumuha na kami ng kasambahay na tinanggihan ko. Hinintay niya rin talaga na ako ang makaalam na buntis na ako at sa pakiramdam ko, hindi na rin siya non nakatiis kaya niya nasabi. Nang makaramdam ako ng pag-ikot ng sikmura ay bumangon ako ng dahan-dahan at bumaba sa kama. Tu
"Hey, baby. Kanina ka pa?" pagkalapit ay mabilis na hinalikan ni Thauce ang aking mga labi at hinubad ang coat niya na suot."Kadarating-dating lang...""The room is cold," at nilalamig nga talaga ako kahit na makapal-kapal ang bodycon dress na suot ko."What a lovely woman. Is she your wife, Mr. Cervelli?" nang magsimula kaming maglakad ni Thauce sa harapan ay sinusundan pa rin kami ng tingin nga mga tao sa loob. Hindi na maalis ang kaba ko kahit nasa tabi ko siya. Pinagsalikop pa ni Thauce ang mga kamay namin at tiyak ramdam niya ang panlalamig ng kamay ko!"Yes. She's my beautiful wife, everyone. She's Zehra Clarabelle Cervelli," nakangiti naman na pakilala niya sa akin at bago kami naupo ay yumuko ako sa lahat ng naroon bilang respeto."M-Magandang tanghali po sa inyong lahat."D-Dapat kasi ay naghintay na lang ako doon sa table ni Shirley!"Oh, she's blushing!" sabi ng isang babae na may edad na. Nakangiti ito sa akin.May tatlong babae sa loob ng conference room at halos lahat a