Share

Kabanata 15

Kabanata 15

“Kailangan mo makabalik no matter what happen. Hihintayin kita.” Iyan mismo ang sinabi n’ya. Napakunot ang noo ko. Paano kaya n’ya nalaman na ako ‘yon?

“Alam kong nagtataka kung paano ko nalaman na ikaw ‘yong taong tinutukoy ni Kuya. Matapos kasi nong sinabi n’ya sa akin ang katagang iyon ay nakita rin kita sa panginip ko. At sa panaginip na iyon ay iyon ang una nating pagkikita. My brother told me that I must pass this information to you. Alam kong panaginip lang ‘yon pero kasi hindi naman si Kuya magpapakita sa panaginip ko kung wala s’yang rason di’ba?” napatango-tango lang ako.

“Tama ka.” Napaisip din ako sa sinabi nito.

“Pero Twaindale, pwede ba kitang tanungin?” napakunot ang noo ko bago mahinang tumango.

“Go ahead,” ani ko. Nagulat ako nang lumapit ito sa akin.

“Angel ka ba?” muntik na akong matawa dahil sa tanong nito. Umiling-iling lang ako bago iniiwas ang paningin ko.

“Sabi kasi ni Kuya, maghihintay s’ya, e. Hindi ba’t nasa langit na si Kuya? Bakit ka n’ya hihintayin? Isa lang ang ibigsabihin no’n. Isa kang anghel.”

“Hindi ako anghel, okay? Tao ako.”

“Oh, baka naman ikaw si Kamatayan. Umamin ka na, ikaw ang sumundo kay Tito, ‘no?” napairap lang ako bago tumayo. Pareho namang napatingin sa akin ang mga ito.

“Where are you going?” tanong ni Warren.

“Home,” tipid na sagot ko bago tinalikuran ang mga ito.

“Agad-agad? Kadarating mo lang, ah?” pahabol ni Warren.

 “Hayaan mo na, Warren. Hindi pa siguro s’ya kumportableng mag-kwento. Intindihin na lang natin s’ya. Ang mahalaga, nasabi ko sa kanya ‘yong pinapasabi ni Kuya.”

Napatigil ako sa paglalakad nang magsalitang si Wainer. Akala n’ya siguro ay hindi ko na naririnig ang mga sinasabi n’ya. Dahan-dahan ko itong nilingon kaya nagulat ang magpinsan.

“Babalik ako kapag handa na ako. Alam ko kasing kapag ikinuwento ko sa inyo ang lahat ay hindi n’yo ako paniniwalaan. Mauuna na ako. Bye.”

Nang tuluyan akong makalabas sa bahay nila ay naupo muna ako sa upuan sa labas bago pinagmasdan ang kalangitan. “Yah, Waviel! Ano bang ibig mong sabihin sa hihintayin mo ako, ha? Sa langit ba o sa kasalukuyang panahon? Aish, naguguluhan ako, e.”

Hindi ako nakakuha ng sagot kahit alam ko namang imposibleng sumagot s’ya. Tumayo na ako at pinagpagan ang palda ko. Hanggang ngayon kasi ay naka-uniform pa rin ako. Alas tres pa lang ng hapon kaya hindi ako mahihirapang hanapin ang bahay nina Sandro.

Nang makauwi ako ay nadatnan kong nanonood ng tv si Miel. Napatingin ito saglit sa akin bago ibinalik ang paningin sa kanyang pinapanood. Aakyat na sana ako sa taas nang magsalita ito kay napatigil ako.

“Saan ka galling?”

“Nagpahangin lang sa tabi-tabi.” Sagot ko bago nagpatuloy sa pag-akyat. Naramdaman ko namang umalis ito sa kanyang pwesto at sinundan ako. Napatigil ako nang maunahan ako nito at tumigil sa harap ko.

“Sa tabi-tabi? 3 hours kang wala tapos sasabihin mong sa tabi-tabi ka lang galing?” inirapan ko lang ito bago binuksan ang pinto ng kwarto ko. Napabuntong hininga na lang ako nang sumunod pa rin ito. Napansin ko naman kaagad ang bag na nasa ibabaw ng kama ko.

“Salamat sa pagdala mo ng bag ko.” ani ko habang nakatalikod dito. Inalis ko ang necktie ko at binuksan ang isang botones ng blusa ko bago humarap kay Miel. “Magbibihis ako. Hindi ka ba lalabas?” napairap lang ito bago napabuntong hininga.

“Mag-usap tayo mamaya pagkatapos mo sa trabaho.” Ani nito bago lumabas ng kwarto ko. S’ya na rin ang nagsarado ng pinto kaya ni-lock ko din naman agad. Matapos kong magpalit ng damit ay bumaba na rin ako kaagad. Nakita ko naman aagad si Miel sa harap ng fridge.

“Papasok na ako sa trabaho.” Paalam ko rito. Tumango lang ito bago binuksan ang pintuan ng ref. Hinayaan ko na lang ito bago tuluyang lumabas sa bahay nila. Wala akong nakitang tricycle na dumadaan kaya naglakad na lang ako papunta sa convenience store. Nagulat sina Sandro nang makita ako. Nahihiyang kumaway-kaway lang ako.

“Pasenya na po kung late ako.” Napatango-tango lang si Sandro.

“Hindi, okay lang. Tumulong din naman si Miel kanina dito. Nakakagulat nga ang batang iyon, e. May nakain yatang masarap.” Napakunot ang noo ko sa sinabi nito. What? Si Miel? Hindi ba’t nasa bahay s’ya kanina?

“Maagang umuwi si Miel kaya nakatulong ko s’ya dito. Hindi ba’t magkaklase kayo? Hindi yata kayo sabay umuwi ngayon?” napangiwi lang ako.

“Ano po kasi Tito… may pinuntahan po kasi ako.”

“Saan? Sa bahay ba ng mga magulang mo maaayos na ba kayo?” napailing iling ako. “Sa bahay po ng kaibigan ko. Sige po, Tito. Akon a pong bahala dito. Magpahinga na po muna kayo.” Napangiti lang ito.

“Sige. Mauuna na ako sa bahay. Sasabihin ko na lang na sunduin ka ni Miel after ng trabaho mo.” Napatango-tango na lang ako.

“Sige po, Tito. Ingat po sa pag uwi.”

“Okay. Bye.” Paalam nito. Pinanood kong makaalis ang sasakyan nito bago ako pumunta sa storage room at nagpalit ng damit. Matapos ay pumunta na agad ako sa counter at naghintay ng customer. Mga ilang minuto pa ay narinig kong kumalansing ang pintuan senyales na may customer na.

“Welcome.” Nakangiting ani ko sa mga babaeng pumasok. Pareho lang kami ng uniform kaya medyo nailing ako.

‘Hindi ba siya ‘yong transferee?’

‘Oo, s’ya nga.’

‘Ang ganda n’ya ‘no? Para silang kambal ni Twain.’

Tipid na nginitian ko lang ang mga ito nang makalapit. Naglakad sila paikot sa store para humanap ng kanilang bibilhin. Alam ko kahit hindi ako nakatingin sa kanila ay pinag-uusapan pa rin nila. Isa iyon sa mga ayaw ko. Mabuti ‘man o masama ang pinag-uusapan nila tungkol sa akin ay hindi ko gusto.

Gusto ko sana silang lapitan para kausapin tungkol sa ginagawa nila ay hindi ko ginawa. Nasa trabaho nga pala ako ngayon. Ayokong maging pabigat ako sa pamilyang tumutulong sa akin ngayon. Kaya sa halip na pagsabihan sila ay pinakalma ko ang aking sarili. Nakapilang lumapit sa akin ang mga ito. Inisa-isa ko ang kanilang mga binili at sinabi ang total.

“578 lahat.” Mga crackers at ilang drinks ang binili ng mga ito. Mayroon ding ilang piatos at nova. Matapos magbayad ay lumabas na din ang mga ito.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status