“Tell me, Tara, bakit mo ako iniiwasan?”
Natigil sa akmang pagsubo ng kanyang pasta si Tara ng marinig ang tanong ng ninong Vincent niya. Mabilis na hinawi ang anumang damdamin na naglalaro sa kanyang dibdib at naghanda ng isang magandang ngiti bago siya nag-angat ng tingin. May kung anong damdamin na humaplos sa kanyang puso ng magpanagpo ang kanilang mga mata. “Huh? Hindi naman kita iniiwasan, napagtanto ko lang na dalaga na ako at kailangan ko ng maging independent. Kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa ng hindi umaasa sa inyo ni daddy.” Nakangiting sagot ni Tara, ang tinig nito ay mahihimigan mo ng kumpiyansa sa sarili. Pero ang totoong dahilan ay ayaw niyang mas lalo pang masaktan dahil lang sa one sided niyang pag-ibig para sa kanyang ninong Vincent. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ni Tara, mabilis siyang nagbabâ ng tingin at itinuôn na lang ang atensyon sa kanyang kinakain. Ang naging pahayag ni Tara ay nagdulot ng matinding pangamba sa kanyang puso. Isa ‘yun sa kanyang kinatatakutan, ang maisipan nitong mamuhay ng mag-isa nang hindi siya kasama. Ngunit, sadyang hindi niya mapipigilan ang ganitong mga sitwasyon. Hindi niya hawak ang kaisipan ni Tara, kaya ang tanging magagawa lang niya ay magmasid at bantayan ang bawat desisyon nito sa buhay. Mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Vincent, bago ngumiti sa kanyang inaanak. Binitawan ang hawak na tinidor, sumandal sa sandalan saka inilahad ang kanang kamay sa harap ni Tara. “Well, talagang dalaga ka na. Come here, Sweetheart.” Nakangiting sabi ni Vincent. Inabot ni Tara ang kanyang kamay. Masuyo naman itong hinawakan ni Vincent at iginiya palapit sa kanya. Tahimik na tumayo si Tara at ang plano niya ay umupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ng kanyang ninong. Ngunit, hindi niya inaasahan ng kabigin siya nito sa baywang, paupo sa kandungan nito. Lagi naman itong ginagawa ng kanyang ninong Vincent. Pero, sa paglipas ng mga panahon ay unti-unting nagbago ang pananaw ni Tara sa mga ganitong sitwasyon. Nakakahiya man ngunit may malisya na ang lahat kanya. Nang tuluyan siyang nakaupo sa kandungan ng ninong Vincent niya ay lihim na napalunok si Tara. Para sa kanya ay napaka-awkward na ng kanilang ayos. Lalo na ng aksidenteng masagi ng kanyang pang-upo ang bagay na nasa pagitan ng mga hita nito. Pakiramdam niya ay parang hinahalukay ang kanyang sikmura. Yes, aware na siya sa kung ano ang nangyayari sa kanyang katawan sa tuwing dumidikit sa balat niya ng mainit nitong katawan. Dahilan kung bakit halos hindi na siya humihinga ng mga oras na ito. Alumpihit na siya sa kanyang kinauupuan, ngunit sinikap pa rin niya na kumilos ng normal sa paningin ng kanyang Ninong. Nang mga oras na ito ay nakaramdam ng matinding lumbay si Tara, malungkot na ipinulupot niya ang isang braso sa leeg ni Vincent. “Kahit dalaga ka na ay susundin mo pa rin ang lahat ng mga bilin ko. Nandito lang ako sa tabi mo hanggang sa makalipad ka ng matayog.” Nakangiting bilin pa ni Vincent habang hinahagod ng palad nito ang kanyang likod. Wala silang pakialam sa presensya ng ibang tao sa paligid, sadyang totoo ang ipinapakita nila sa isa’t-isa. Subalit ang kanilang mga damdamin ay masyadong malihim. Napangiti si Tara, at parang bata na isinandig ang ulo sa balikat ng kanyang ninong. Hinalikan naman ni Vincent sa noo ang kanyang inaanak. “I am so blessed to have two daddies.” Nakangiti na sabi ni Tara na sinagot ni Vincent ng isang mabigat na buntong hininga. Masyadong malalim ang kahulugan nito na hindi nauunawaan ng kanyang inaanak. Well, ano pa nga ba ang aasahan niya sa isang inosenteng babae na walang alam sa salitang pag-ibig? Ito ang tumatakbo sa isip ni Vincent. “Tapusin mo na ang pagkain para makauwi na tayo.” Ani pa ni Vincent saka bumitaw sa baywang ni Tara. Ngayon ay nakangiti na si Tara na tulad ng dati. Bumalik na siya sa kanyang pwesto at ipinagpatuloy ang pagkain ng paborito niyang pasta. For her, mas mainam na ganito na lang ang set-up nila ng kanyang ninong, dahil ang importante ay nakakasama na niya ito araw-araw. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari nitong mga nagdaang araw na hindi ito nagpakita sa kanya. “Nong, bakit hindi ko yata nakikita na magkasama kayo ni ate Lisha?” Curious niyang tanong sabay subo. “Don’t bring it up here; it doesn’t matter.” Seryoso niyang sagot na labis na ipinagtakâ ni Tara. Wala naman kasing mali sa kanyang tanong, and why isn’t important? Girlfriend niya ito, kaya natural na ito dapat ang mas prioritize ng kanyang ninong kaysa sa kanya. Perhaps, ayaw mag-open sa kanya ng kanyang ninong Vincent tungkol sa lovelife nito. Nanghaba ang nguso ni Tara dahil naisip niya na ayaw ibahagi ng kanyang ninong Vincent ang pribadong buhay nito sa kanya. “Kailan kayo magpapakasal, Nong?” May mas kukulit pa ba kay Tara? Marahas na napabuga ng hangin si Vincent, ang mukha niya ay hindi na maipinta habang matiǐm na nakatitig sa inosenteng mukha ng kanyang inaanak. “Wala akong balak na pakasalan ang babaeng ‘yun, so please stop asking me about her.” Pasuplado na sagot ni Vincent. Napahagikhik ng tawa si Tara na wari moy natutuwa pa. “Huh? She’s beautiful and”- “Tara…” Hindi na natapos ni Tara ang sasabihin dahil sa may halong banta na sambit ng ninong niya sa kanyang pangalan. “I love you, Nong!” Nakangirit na sagot naman ni Tara, sukat dun ay lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Vincent at masuyong tumitig sa mukha ng kanyang inaanak. Her innocent reaksyons ay sapat na upang mapawi ang anumang pangamba na kanyang nararamdaman. Pagkatapos kumain, nagpabalot pa sila ng pagkain para sa ama ni Tara. “May mga kailangan ka pa ba sa school?” Malumanay na tanong ni Vincent. Kasalukuyan nilang nilalakad ang may kahabaang kalsada na magkaakbay. “Wala naman po.” Tipid na sagot ni Tara, habang ang kaliwang kamay niya ay nasa bewang ng ninong Vincent niya nakahawak sa laylayan ng polo nito. “Sino ‘yung lalaki na kausap mo kanina sa school?” Wala sa sarili na napalingon si Tara sa kanyang ninong. Ang mga mata niya ay nagtatanong. Sana lang ay nagseselos ang kanyang ninong Vincent, at kung totoo man ‘yun ay talagang ikatutuwa niya ito. Pero sino ba ang niloloko n’ya? Sarili nya? Ang reyalisasyon na ito ang sumampal kay Tara upang magising sa kanyang mga pantasya. “Classmate ko Nong, he’s a working student, at wala siyang kakayahan na bumili ng libro kaya pinahiram ko na muna sa kanya iyong libro ko.” Nakangiting paliwanag ni Tara. “Then ibigay mo na sa kanya ang libro na ‘yun, bukas bibili na lang tayo ng bago. Pero ito na rin ang huling pagkakataon na makikipag-usap ka sa lalaking ‘yun.” Nagliwanag ang mukha ni Tara, for her, napakabait ng kanyang ninong Vincent. The reason why she hugged him tightly. “Seryoso ninong? I’m sure malaking tulong iyon sa pag-aaral ni Tom.” Nakangiti na sabi ni Tara, hindi na niya binigyang pansin ang huling sinabi ng kanyang ninong. “Nong, papasok na ako sa loob, thank you sa dinner.” Nakangiting paalam ni Tara ng nasa tapat na sila ng kanilang gate. “Matulog ka ng maaga huwag ka ng magpupuyat.” Ani pa ni Vincent na parang akala moy tatay para kay Tara. Pagkatapos na sabihin iyon masuyong h******n sa noo ang kanyang inaanak. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ni Tara bago naglakad palapit sa pintuan ng kanilang bahay. Habang si Vincent ay nanatili sa gate at hinahatid ng tanaw ang dalaga. Natawa pa si Vincent ng pumihit paharap sa kanya ang makulit na si Tara, kumaway bago tuluyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang naglalakad patungo sa gate ng kanyang bahay. Subalit, biglang natigil ang mga paa niya ng marinig ang nahintakutang sigaw ni Tara. “DADDY!!!” Mabilis ang naging kilos ni Vincent. Natataranta na tumakbo papasok sa loob ng bakuran ng mga Parker. “Dad! Please, wake up! Daddy!” Umiiyak na sabi ni Tara para itong isang bata na nakalupasay sa sahig habang yakap ang walang malay nitong ama. “Damn, what happened, Tara?” Nag-aalala na tanong ni Vincent ng maabutan ang ayos ng mag-ama. Mabilis na dinukot ang cellphone nito sa kanyang bulsa, nagdiyal, at halos pasigaw na nagsalita. “Pumunta kayo dito ngayon din!” Iyon lang at kaagad na pinatay ang tawag saka mabilis na nilapitan ang umiiyak na si Tara. Wala pang minuto at biglang sumulpot mula sa pintuan ang apat na lalaki na pawang mga naka puting long sleeve at slacks na itim. Lumapit ang mga ito kay Mr. Parker at pinagtulungan itong buhatin. Habang si Tara ay nakakulong sa mga bisig ni Vincent. Sa labis na pagkataranta ay hindi na pinansin ni Tara kung sino ang mga lalaki na bumuhat sa kanyang ama at kung saan galing ang mga ito. “Ssssh…. Don’t worry, everything is fine.” Kalmado ang boses ni Vincent habang nagsasalita. “Nong, huwag kang aalis, huwag mo akong iiwan..”. Natatakot na sabi ni Tara habang kapwa naglalakad sila patungo sa nakaparadang kotse. Napangiti si Vincent, he knows na tanging sa kanya lang humuhugot ng lakas ng loob ang dalaga. Kaya naman pakiramdam niya ay siya ang buhay nito. And this idea makes him happy and proud for himself.“PRINCESS!!!” Nahintakutan kong sigaw habang panay ang lingon ko sa magkabilang panig ng dalampasigan. Maraming tao sa paligid pero mukhang mga walang alam ang mga ito sa biglang pagkawala ni Princess. “Tara, what happened?” Narinig kong tanong ng isang lalaki sa bandang likuran ko. Hindi na ako nag-aksaya pa na alamin kung sino ito bagkus patuloy kong sinuyod ng tingin ang buong paligid. “Conrad! Hawakan mo muna si Nicolai.” Natataranta kong sabi sabay pasa sa kanya ng bata. Kahit walang alam ito sa mga nangyayari ay alerto naman siya na tinanggap ang bata. Mabilis na tinalunton ko ang direksyon sa lugar kung saan ko iniwan si Princess. “Princess! Sweetheart, where are you!?” Naiiyak ko ng sigaw, wala na akong pakialam sa mga taong napapalingon sa akin. Marahil inakala nila na nababaliw na ako.Hindi ako tumigil sa paghahanap hanggang sa nakarinig ako ng isang sigaw ng babae.“‘Yung bata! Nalulunod!” Ani ng babae na siyag nagpalingon sa akin sa direksyon na tinatanaw nito. Wari
“Ano pa ang itinatayo mo dyan? Hanapin mo!” Paasik na utos sa akin ni ninong Vincent. Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko bago muling ipinagpatuloy ang paghahanap sa nawawalang relo nito. Nandito kami ngayon sa kanyang silid, kaming dalawa lang ang tao dito habang si Alona at ang mga bata ay nasa labas na ng resort dahilan kung bakit hindi na ako mapalagay. Kasalukuyan kaming naka check in sa isang rest house, napakalaki nito at halos mapuno na ito ng mga turista. Napakaganda ng lugar na ito, aakalain mo na isa itong paraiso. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko man lang maenjoy ang ganda ng kalikasan dahil simula ng dumating kami dito ay wala ng ginawa ang ninong ko kundi ang sigawan at pagalitan ako.“Pwede bang mamaya ko na lang hanapin?” May halong pakiusap na sabi ko kay ninong Vincent. Hindi ko masabi sa kanya na kinakabahan ako sa tuwing si Alona ang kasama ng mga bata. At kahit naman ipaliwanag ko na isa si Alona sa mga taong pinaghihinalaan na may personal interest sa kasong
“Hmp! Huh! Huh!” Hinihingal na ipinasok ni Tara ang dalawang may kalakihang bag sa loob ng compartment ng sasakyan. Tagaktak na ang kanyang pawis dahil ng mga oras na ito ay mataas na ang sikat ng araw. Labis siyang naguguluhan kung bakit biglaan yata ang pagpapa impake ng ninong Vincent niya ng kanilang mga gamit? Wala man lang pasabi, gustuhin man niyang magtanong ay batid niya na susungitan lang siya nito. Kahit papaano ay nakadama siya ng lungkot, ayon kasi sa isang katulong ay aalis daw ang mag-ama, kasama si Alona. Alam niya na hindi siya kasama dahil tanging gamit lang ng mga bata ang ipinaimpake sa kanya. Isang marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan habang pilit na pinag-iisipan ang mga nangyayari. “I want to court her.” Matatag na pahayag ni Conrad, ang mga mata niya ay matiim na nakatitig sa mga mata ng kanyang ninong Vincent. Ilang sandali na nagkatitigan ang dalawa, kung iyong susuriin ay para silang nasa isang dwelo na walang may nais magpatalo
“Shit!” Naibulalas ko ng muling gumanti ng putok ang mga kalaban. Mabilis kong inabot ang isang kamay ni Conrad at nilagay ang baril sa palad nito. Nagtatanong ang mga mata na tumingin siya sa mukha ko sunod sa baril na nasa kanyang kamay. “Anong gagawin ko dito?” Parang wala sa sarili na tanong nito sa akin. Ano ba ang nangyari sa lalaking ito at parang akala moy naengkanto? “Isubo mo sa bibig mo bago mo paputukin.” Napipikon kong sagot sabay yuko dahil sa bala ng baril mula sa kalaban. Sumimangot ang mukha nito dahil sa pang babara ko sa kanya. Hindi ko na siya pinansin bagkus mas pinagtuunan ko ng pansin ang kaligtasan ng mga bata. Mabilis kong binuksan ang pinto ng kotse sa tapat ng front seat. Maingat na pinagapang ang mga bata papasok sa loob ng sasakyan. Habang nakasiksik ang mga bata sa lapag ng kotse ay ako naman ang sumunod na sumakay. Mabilis, ngunit may pag-iingat na pumwesto ako sa driver seat. Kaagad na isinara ko ang pinto ng kotse dahilan kung bakit bigla
“Mommy!” Tuwang-tuwa na sigaw ni Princess at Nicolai ng makita nila ako na nakatayo sa entrance ng school. Makikita ang labis na kasiyahan sa kanilang mga mukha, kaya naman abot tenga ang ngiti ko. Lumuhod ako sa lapag, saka inilahad ang aking mga braso at hinintay na makalapit ang dalawang bata. Sabik na tumakbo ang magkapatid habang nag-uunahan na makalapit sa akin. “Hmp… Yeah!” Impit kong sigaw ng mayakap ko ng mahigpit ang dalawang bata. Walang hirap na binuhat ko sila saka salitan na pinupog ng halik. Nangibabaw sa buong paligid ang matinis na tawa ng dalawang bata kaya naman natuôn sa amin ang atensyon ng mga tao. Kung titingnan mo ay mukha kaming tunay na mag-ina sa lambing ng mga bata sa akin. Hindi maikakaila ang matinding pananabik nila sa atensyon ng isang ina. Hinihingal na ang magkapatid ng tigilan ko, ngunit ang ngiti sa kanilang mga labi ay hindi matatawaran. Natatawa na ibinaba ko na sila sa lapag. Magkahawak kamay na sabay kaming naglalakad patungo sa n
“Get out!” Binasag ng malakulog na boses ni ninong Vincent ang katahimikan ng buong kabahayan. Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa loob ng library na nagsisilbing opisina nito ay ito na kaagad ang bungad niya sa akin. Napakasungit nito, wala na siyang ginawa kundi ang sigawan at palayasin ako sa kanyang harapan. Sa kabila ng masasakit na salitang binitawan nito ay nanatili pa rin ako sa Mansyon, hindi ako nagpasindak. Nilunok ko ang lahat ng hiya sa aking katawan. Sinikap ko na maging manhid, at magpanggap na isang bulag at bingi sa harap nito. Pride? Wala na ako nito, handa akong magpakumbaba at magtiis hanggang sa tuluyan na niya akong mapatawad. Kahit na batid kong suntok sa buwan ang nais ko. “Hm, what a desperate woman.” Nang-iinsultong wika ni Alona sa mahinang tinig, sapat lang upang kaming dalawa lang ang makarinig. Bigla na lang itong sumulpot sa aking likuran. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko, upang pahabain pa ang pasensya ko sa babaeng ito. Kun