LOGIN“Tila ginto ang bawat araw na kasama ka. At ang magagandang alaala nating dalawa, kailanman ay hindi mabubura sa puso ko. Patawad, masakit man, ngunit kailangan kong gawin ang bagay na ito. Sana, sa paghihiwalay nating ito’y matagpuan mo ang kasiyahan sa piling ng iba. Marahil, sadyang hindi ako ang babaeng nakalaan para sayo. Ang pagmamahal kong ito sayo ay babaunin hanggang sa huling hininga ko. Walang sinuman ang makakapalit ng lugar mo, dito sa puso ko…” Buong pagsuyo na pinagmasdan ang lalaking nakatayo sa bungad ng simbahan. Napakagwapo nito sa suot na mamahaling americana habang hinihintay ang pagdating ng kanyang bride. Hindi lingid sa kaalaman ni Vincent Anderson na tuluyan na siyang tinalikuran ng kanyang bride na si Tara Miles Parker. Tinahak nito ang landas tungo sa pagtupad ng mga pangarap ng kanyang ama. Para lang mapasaya ang natitirang sandali ng buhay nito sa mundo. Kinasuklaman ni Vincent ang kanyang nobya at tuluyan na niya itong binura sa kanyang buhay dahil sa matinding sakit na idinulot nito. Nagtagumpay si Tara, pero sa huli naiwan siyang malungkot at nag-iisa. Meanwhile, her ex-boyfriend Vincent has his own family now, happily raising his children.” Paano kung muling mag krus ang kanilang mga landas at mabigyan ng pagkakataon ang naudlot nilang relasyon? Kaya pa bang buhayin ni Tara ang puso ng ninong Vincent n’ya para sa kanya? Magawa pa kayang sumugal at magtiwala ni Vincent sa babaeng minsan na niyang minahal ngunit nang iwan sa kanya? O tuluyan ng matatapos ang libro ng kwentong pag-ibig ng isang Ninong sa kanyang inaanak? “A soldier willing to sacrifice her dignity just to restore and mend the heart of the one she loves.” “TO SERVE AND TO PROTECT YOUR HEART…”
View MoreSumasabay ang malakas na tibok ng kanilang mga puso sa nanginginig na mga kamay ng doctor. Hindi maikakaila ang takot at kaba sa mga mukha ng nurse habang kalmadong isinasagawa ang operasyon sa batang si Princess. Sa pag-angat ng isang kamay ay kasabay nito ang pagpatak ng pawis mula sa noo ng doctor. Sinundan ito ng isang mahabang buntong hininga, tanda na nalampasan ang isang pagsubok na maisalba ang isang buhay. Napawi ang kabâ, nakahinga ng maluwag ang lahat ng makita na naging matagumpay ang operasyon na isinagawa sa batang si Princess. Kasunod nito ang pagsilay ng ngiti sa labi ng bawat isa.Samantala, mula sa labas ng operating room. Hindi magkandatuto sa paroo’t-parito si Vincent. Halos mabingi siya dahil sa malakas na kabǒg ng kanyang dibdib. “Hindi ko mapapatawad ang aking sarili sa oras na may mangyaring masama sa aking anak.” Anya ng isang tinig mula sa kanyang isipan, kasabay nito ang malungkot na eksena sa pagitan nila ni Princess. Mga alaala na hindi niya nabigyang p
Nakabibinging katahimikan ang bumabalot sa buong silid. Habang ang puti at manipis na kurtina na gawa sa seda ay bahagyang isinasayaw ng sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na bintana. Mula sa gilid na bahagi ng silid ay may isang malapad na lamesa kung saan nakalatag ang ilang bahagi ng baril. Tahimik na nakaupo si Tara sa isang silya habang abalâ ito sa paglilinis ng kanyang baril. Ibinaba ang puting basahan at sinimulan na niyang iassemble ang baril na baril.Nang matapos ay muli niya itong ibinaba sa ibabaw ng lamesa. Nilingon ang orasan, nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang oras. “Sh*t! Nakalimutan ko ang oras.” Nababahala niyang bulalas saka dali-daling tumayo. Sa pagmamadali ay iniwan ang baril sa lamesa at tumungo sa loob ng banyo upang maligo.Alas otso na ng umaga at trenta minuto na lang ay papasok na sa school ang mga bata. Panatag kasi ang kanyang kalooban sa tuwing nakikita niya na ligtas ang mga ito na makarating sa school. Palibhasa'y sundalo kaya ganun
“Where have you been?” Matigas na tanong ni Vincent. Kapapasok pa lang ni Tara sa pintuan ng kanilang bahay ay ito na kaagad ang sumalubong sa kanya. Imbes na sumagot ay tahimik na nilagpasan niya ito. Pagod siya dahil maliban sa maghapong pagbabantay sa mga bata, sinubukan din niyang mangalap ng impormasyon na gagamitin niyang ebidensya para sa nilulutas niyang kaso. Ngunit lumipas ang maghapon ay wala siyang napalâ sapagkat ang buong atensyon niya ay nakatutok lang sa mga bata. Well, naisip niya na ang mga bata ang subject sa kasong hawak kaya isa si Alona sa nakikita niyang may personal interest sa kasong ito. Nag-init ang ulo ni Vincent ng tila hangin na nilampasan siya ni Tara. Nag-iigtingan ang kanyang mga bagang sabay nito ang paghawak niya sa kaliwang braso ni Tara. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Tara, ilang segundo na tumitig siya sa sahig, kasunod nitoy namuntong hininga siya. Lumipat ang tingin niya sa kamay ni Vincent na nakahawak sa kanyang braso. Ramd
“Mula sa malayo ay malungkot na pinapanood ko kung paanong halikan ni Alona sa pisngi si Princess at Nicholai. Habang ang mga bata ay malungkot ang bukas ng kanilang mga mukha. Halatang napipilitan lang ang mga ito na sundin ang nais ng kanilang tita Alona. Parang hiniwa ang puso ko ng yumukod si Vincent at hinagkan ang pisngi ni Alona.“I’m sorry, hindi ko gustong gawin ito, pero ito lang ang tanging paraan upang maiwasan natin ang gulo. Nauunawaan ko ang nararamdaman mo at batid ko na nahihirapan ka na, dahilan kung bakit nagawa mo ‘yun. Look Tara, sinisikap kong unawain ka sa abot ng aking makakaya. Ang tanging pakiusap ko lang sayo ay bigyan mo pa ako ng konting panahon para maayos ang lahat.Sa loob ng ilang taon ay nagpaka ina si Alona sa aking mga anak. Hayaan mong suklian ko ang sakripisyo nya. Sa sitwasyon niyang ito ay higit niya akong kailangan. Mananatili ka muna dito hangga’t hindi ko pa naaayos ang lahat. Sa oras na gumaling na si Alona ay saka ko s’ya kakausapin at sa
“Anong ibig sabihin nito!?” Tila kulog na nilamon ng makapangyarihang tinig ni Vincent ang buong paligid habang matalim na nakatitig sa mukha ni Tara. Nagtatanong ang mga mata ni Tara, dahil sa labis pagkabigla ay tila umurong ang kanyang dila. Sino ba naman ang hindi matutulalâ kung ang kany
“Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkam
“Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata?
Namimilantik ang mga daliri habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang bawat damit na kanyang mahawakan. Halos lahat ng mga damit ay maganda at napaka eleganteng tingnan, kaya naman medyo nahihirapan si Alona na pumili ng kanyang maisusuot. Nang huminto ang kanyang kamay sa isang red mini dress












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore