“Dad! Aalis na po ako!” Ani ko na sinadyang lakasan ang boses upang marinig ito ni daddy. Kasalukuyan siyang nasa kusina at kumakain ng agahan.
“Iha, hindi mo ba hihintayin ang Ninong Vincent mo?” Tanong ni daddy. “Nagmamadali ako dad, meron pa kasi akong kailangan na bilhin para sa isang subject ko. Pakisabi na lang po kay ninong, bukas na lang ako sasabay sa kanya.” Ani ko pa at mabilis na naglakad palabas ng bahay habang kipkip ang mga libro sa tapat ng dibdib ko. May pagmamadali ang bawat hakbang ng mga paa ko na wari mo ay hinahabol. Anumang oras kasi ay siguradong darating na si Ninong, kaya kailangan ko ng makaalis para hindi ako abutan nito. Sa ngayon kasi ay wala pa akong lakas ng loob na harapin si ninong. Pakiramdam ko ay matutunaw ako sa oras na makaharap ko na siya. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanyang mga mata, dahil nitong nagdaang gabi ay napagtanto ko ang isang bagay. Natuklasan ko kasi na gusto ko si ninong Vincent hindi bilang ama, kuya o ninong, kundi bilang isang lalaki na nais kong makasama hanggang sa aking pagtanda. I know masyado pa akong bata para malaman kung talagang umiibig ako sa aking Ninong Vincent o baka paghanga lang itong nararamdaman ko. But what I know is that I am very happy every time I see him. At iyong pakiramdam na gusto ko akin lang s’ya? Ang mga mata n’ya dapat sa akin lang nakatingin, at tanging ako lang ang babaeng nakakalapit sa kanya. I know it’s a kinda possessive, pero iyon ang sinasabi ng puso ko. At iyon din ang naging basehan ko upang malaman ko na mahal ko talaga si Ninong Vincent, as a man. Mabilis na pinara ko ang paparating na taxi, at ng huminto ito sa tapat ko ay nagpagmamadali na binuksan ko ang pinto.. “Tara!” Kulang na lang ay mapatalon ako sa labis na pagkabigla ng tawagin ako ni Ninong Vincent, dinig ko pa ang paglangitngit ng bakal na gate nito. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang eksena ng nakakatakot na palabas at kailangan kong matakasan ang humahabol sa akin. Parang may mga daga na naghahabulan sa dibdib ko at pigil ko na rin ang aking paghinga. Imbes na tumigil sa pagsakay sa taxi ay nagmamadali pa akong pumasok dito at kaagad na isinara ang pinto. Ni hindi ko man lang nilingon si ninong Vincent. “K-kuya, bilis!” Parang excited pa ako ng sabihin ito sa driver. Marahil ay nahawa ito sa natataranta kong reaksyon kaya kaagad na pinaandar ng driver ang kanyang taxi. “Tara!” Frustrated na sigaw ni ninong Vincent. Nakalayo na ang taxi bago pa ito tuluyang makalapit sa akin, saka ko pa lang siya nilingon. Nang magtama ang aming mga mata ay nakadama ako ng lungkot, because I miss him… Matamlay na ibinaling ko na lang ang tingin ko sa unahan ng taxi habang ang isip ko ay abala sa kung paano siya maiiwasan mamayang hapon pagkatapos ng klase ko. Buong maghapon ay halos nakatanga lang ako sa kawalan, ni isa sa mga itinuro ng aming mga professor ay wala man lang pumasok sa utak ko. Mabuti na lang talaga at nakapag-advance study ako ng mga lesson namin kaya naman madali kong nasagot ang lahat ng mga quiz sa bawat subject. “Kringgg!!! Kringgg!!! Kringgg!! (Tunol ng bell) Nang marinig ko ang tunog ng bell, hudyat na tapos na ang aming klase ay bigla ang pagsikdô ng puso ko. Habang naglalakad palabas ng classroom ay panay ang usal ko na sana si daddy ang sumundo sa akin ngayon. Pero, mukhang hindi yata dininig ng Diyos ang dasal ko dahil malayo pa lang ay natatanaw ko na sa exit ng University si ninong Vincent. Bigla akong kinabahan, kasabay nito ang paglunok ko ng sarili kong laway. “Tara!” Biglang natigil ang mga paa ko sa paghakbang at saka lumingon sa likuran ko. “Tom, bakit?” Nagtataka kong tanong habang pumipihit paharap sa kanya. Nahihiya na kumamot pa ito sa kanyang batok. “Ahm, kasi ano, gusto ko sanang hiramin ‘ang libro mo sa English, wala pa kasi akong pera pambili ng libro. Kung okay lang sayo, plano ko kasi na magpa xerox na lang para may magamit ako sa pagrereview sa paparating na exam.” Ani nito na medyo nakakabawi na yata sa hiya dahil nakangiti na siya sa akin. “Sure! Wait lang ha.” Nakangiti kong sagot saka hinugot ang libro na nasa pagitan ng tatlong libro na nakaipit sa braso ko. “Here.” “Thank you, you know naman na sayo lang ako nakakahiram ng libro, that’s why I’m glad na meron akong mabait na classmate na tulad mo.” kapwa pa kami natawa ni Tom habang sabay na naglalakad palabas ng university. Katulad ko ay umaasa lang din si Tom sa scholarship, ang pagkakaiba lang namin ay pinagsasabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho. Samantalang ako ay buong suporta ang natatanggap ko mula kay ninong Vincent, habang ang aking ama naman ay nagtatrabaho bilang electrician kaya wala akong problema sa lahat ng mga pangangailangan ko. “Thanks, Tara.” Ani pa ni Tom bago ako nito tinalikuran at tinahak ang kaliwang direksyon ng kalsada. Pasimple kong pinuno ng hangin ang dibdib ko bago ito dahan-dahang pinakawalan. Pagpihit ko paharap sa kotse ni ninong Vincent ay sumalubong sa akin ang madilim nitong mukha. “Who’s that guy?” Seryoso niyang tanong ngunit may bahid ng galit ang boses nito. Kapansin-pansin din ang pagtiǐm ng kanyang mga bagâng. “Classmate ko, Nong, nasaan si Daddy? Bakit ikaw ang nagsundo sa akin?” Pag-iiba ko sa usapan, pinilit ko na umakto ng normal sa harap nito. Hindi mo na hinintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto, ako na mismo ang nagbukas nito. Hindi niya sinagot ang tanong ko basta tahimik lang siyang nakamasid sa akin. Narinig ko na namuntong hininga siya bago humakbang patungo sa kabilang bahagi ng kotse. Binuksan ang pinto ng kotse, umupo sa driver seat bago pinagana ang makina ng sasakyan. Nakakabinging katahimikan ang nangibabaw sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Ninong Vincent. Samantalang ako ay itinuon ko na lang ang aking atensyon sa labas ng bintana. Kunwari ay hindi ako apektado sa kanyang presensya. Nagtaka ako ng huminto ang sasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isip ni Ninong Vincent. Dahil sa tuwing nagtatampo ako sa kanya ay dito niya ako dinadala upang suyuin. Marahil kung katulad lang ng dati baka matuwa pa ako at magtatalon sa labis na kasiyahan. Pero, iba na ngayon, aware na ako sa kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya, at ngayon ay napaka-awkward nito sa pakiramdam. Ni hindi ko nga alam kung paanong kikilos sa kanyang harapan. “Let’s eat first.” Ani ni Ninong, isang tipid na ngiti ang naging sagot ko sa kanya, bago tahimik na lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay pa na ipagbukas niya ako ng pinto. Muli, nagpakawala na naman siya ng isang mabigat na buntong hininga. Umakto ako na inosente sa kanyang paningin, at kahit na naiilang ay pinilit ko pa rin na ngumiti. “Tell me, nagtatampo ka ba sa akin?” Malambing na tanong sa akin ni Ninong Vincent sabay akbay ng isang braso nito sa balikat ko. Napaigtad pa ako dahil sa kakaibang damdamin na gumapang sa buong sistema ko nang dumikit ang balat ni ninong sa batok ko. “Huh? Hindi naman po. Bakit naman ako magtatampo kung wala naman akong dapat na ikatampo sa’yo? And besides wala po akong karapatan na magalit o magtampo sa inyo. I am so thankful for having a Ninong like you, for me your the best father and brother to me. Time will come magkakaroon ako ng sarili kong pamilya at sasabihin ko sa magiging mga anak ko kung paano mo ako inalagaan hanggang sa pinag-aral. Ang lahat ng ito ay tatanawin ko na isang malaking utang na loob hanggang sa huling hininga ko.” Mula sa puso ang lahat ng mga sinabi ko at hindi matatawaran ang malaking utang na loob ko kay ninong Vincent. Pagkatapos sabihin iyon ay niyakap ng kaliwang braso ko ang bewang ni Ninong Vincent habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa mga labi ko. Pero, bakit mukhang hindi yata ikinatuwa ni ninong ang mga sinabi ko? Madilim kasi ang ekspresyon ng kanyang mukha, hindi ko mawari kung galit ba siya sa sinabi ko o ano? Narinig ko na nagpaawala siya ng isang malalim na buntong hininga, kinabig ng braso niya ang ulo ko at kasunod nito ang mariin na paglapat ng mga labi niya sa noo ko. Ito ang naging sagot niya sa mga sinabi ko. Masaya ako dahil sa magandang pagtrato niya sa akin ngunit batid ko na ang halik na ‘yun ay halik ng isang ama sa kanyang anak. Bigla, nilukôb ng matinding lungkot ang puso ko. Parang gusto kong umiyak. Idinaan ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko sa mahigpit na pagyakap sa kanyang katawan. He will never be mine dahil pagmamay-ari na siya ng isang babaeng nagngangalang Lisha.”“Huh…” “kringgg!!!”kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga ay ang pagtunog ng alarm clock mula sa aking cellphone. 5 o’clock na ng umaga at kailangan ko ng bumangon upang asikasuhin ang aking mga alaga. Nanghihina na bumangon ako mula sa higaan at pinilit na tumayo upang maligo. Buong magdamag kasi na hindi ako nakatulog, dahil sa kakaisip sa nangyari sa pagitan namin ni Ninong Vincent. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang mga labi nito sa labi ko. Kay tagal kong pinananabikan na muli siyang mahagkan at mayakap pero hindi sa ganitong paraan.Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung gaano niya akong kinasusuklaman.Nanlulumata na pumasok ako sa loob ng banyo habang isa-isang hinuhubad ang suot kong pantulog.Medyo gumaan ang aking pakiramdam ng dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Nang magawi ang tingin ko sa salamin ay nang haba ang nguso ko ng makita ko ang nanlalalim kong mga mata. Tanda ng kakulangan sa pagtulog. Mabilis na tinapos ko ang paliligo,
“Babe, kailangang paalisin mo ang inaanak mong ‘yan dito. Malaking gulo ang nilikha niya, at hindi magiging panatag ang loob ko hanggat nandito sya sa Mansyon.” “I don't know how long I've been standing here on the balcony, habang nakatanga sa kawalan. Bumalik lang sa reyalidad ang aking kamalayan ng marinig ko ang nakikiusap na tinig ni Alona.Pagkatapos ng nangyaring gulo kanina ay umakyat ako dito sa silid ko. Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin si Alona, at ngayon ay hindi ito tumitigil sa pagkumbinsi sa akin na paalisin dito si Tara sa Mansion. Honestly, nabigla talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na bigla itong susulpot sa mismong pamamahay ko. Kay laki ng kanyang pinagbago, she’s a woman now, at wala na ang inosenteng Tara na inalagaan ko ng mahabang panahon. She’s become more beautiful na talagang kay hirap para sa akin na alisin ang mga mata ko sa maamo nitong mukha. Muling kumudlit ang kirot sa dibdib ko ng manariwa ang sakit na nilik
“Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkamuhi nito sa akin—ang labis na kinatatakutan ko. Bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang matinding sakit na idinulot ko sa kanya. “What are you doing here?” Tiǐm ang bagâng na tanong niya sa akin. Bhagya pa niyang inangat ang braso ko kaya naman nakaramdam ako ng sakit. Nanginginig ang kanyang kamay, at nag-iigtingan ang kanyang mga bagâng. “I-I’m sorry…” sa mahinang tinig ay kusa itong nanulas sa bibig ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Nais kong ipabatid kung gaano kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko. Pero sa nakikita ko ay mukhang sagad sa buto ang galit niya sa akin. Sandali siyang nanahimik, ilang segundo na nakatitig lang siya sa aking m
“Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata? Sa tingin ba n’ya ay hahayaan ko na masaktan niya ito sa mismong harap ko!? Pwes! Nagkakamali sya, dahil hindi ako papayag. Ngunit, nang sumagi sa aking isipan na isa akong Yaya sa pamamahay na ito at malaki ang posibilidad na mapalayas ako dito sa Mansion ay biglang kumalma ang galit na nararamdaman ko. Kung patuloy kong kakalabanin ang babaeng ito ay mas lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang mga bata. Dahil sa isipin na tumatakbo sa aking isipan ay kusang lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Alona. Hanggang sa tuluyan ko na itong binitawan. “P-pasensya na po, hindi ko”— “Pak!” Isang malutong na sampal ang naging sagot nito, hindi lang ‘yun, sinundan pa niya ito ng isa p
“Wake up, Sweetheart.” Malambing kong wika habang isa-isang dinadampot ang mga laruan na nagkalat sa sahig. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na dahan-dahang nagmulat ng kanilang mga mata ang magkapatid. Nasa iisang silid lang sila pero hiwalay ang kanilang mga kama. “Mommy…” mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang malambing na boses ng mga batang ito. Sa tuwing tinatawag nila akong mommy ay ibayong kilabot ang gumagapang sa aking dibdib. Iyong pakiramdam na kay hirap na ipaliwanag, basta ang alam ko ay masaya ako. Nakakainspired ang mga batang ito. Kung minsan ay hindi ko maiwasan na humiling sa Diyos na sana ay anak ko talaga sila. “Kailangan nyo ng bumangon kundi malilate kayo sa school.” Paalala ko pa, sabay dampot sa blanket ni Princess at maayos itong tinupi. Natawa ako ng tila excited na bumangon ang magkapatid at nag-uunahan na lumapit sila sa akin at saka mahigpit na yumakap sa bewang ko. Natatawa na binuhat ko silang dalawa upang dal
“Who told you to stay here? Go to your room! Ayoko ng maingay!“ asik ni Alona kay Princess, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ng batang si Nicolai. Mula sa inosente nitong isipan ay nagagalit siya dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanyang tita Alona sa kanyang kapatid. Bakit kailangan nitong magalit sa kanyang ate gayong tahimik lang naman silang gumagawa ng kanilang mga homework dito sa salas? Sa huli ay naisip din ni Nicolai na sadyang ayaw nito sa kanila. And besides, hindi na ito bago dahil malimit silang bulyawan ng kanyang tita Alona. Nahintakutan na tumayo kaagad si Princess gayundin ang kapatid nito. Nanginginig ang mga kamay ng bagong Yaya ni Princess na dinampot isa-isa ang mga gamit ng kanyang mga alaga. Walang ingay na pumanhik sila ng hagdan, maging ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko sa isang tabi—naghihintay sa kung anuman ang iuutos ni Alona. “Until now ay wala pa rin ba kayong napili?” Supladang tanong ni Alona sa kanyang assistan
Mula sa dining room ay maririnig ang kalampag ng mga kubyertos. Tahimik na kumakain ng almusal ang mag-ama. Sa kanang bahagi ni Vincent ay nakaupo ang kanyang mga anak, habang sa kaliwang bahagi ay si Alona. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang ulirang may bahay. Since that they are engaged, iniisip niya na asawa na siya ni Vincent kahit hindi pa man sila kasal. Pasasaan ba’t dun din naman hahantong ang lahat? Kaya naman todo effort siya sa pagpapakitang gilas sa pagsisilbi sa mag-ama.“Princess, inumin mo ang gatas mo, kaya hindi ka tumataba kasi ang hina mong kumain. I’m sure magugustuhan ninyo ang sandwich na inihanda ko para sa inyo.” Si Alona sa tono na kay lambing habang nakangiti sa mga bata.Ibinaba ng batang si Princess ang kanyang hawak na kutsara at tahimik na sinunod ang utos ng kanyang tita Alona. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni Vincent habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Alona is a
“Daddy!” Masayang sigaw ni Nicolai habang tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon. Mabilis na lumuhod si Vincent habang nakabukas ang mga braso, hinihintay na makalapit ang kanyang anak. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ng batang si Nicolai mula sa kanyang ama. Kasabay nito ang mariin na halik sa ulo.“Oh thank you God! At ligtas kayo.” Masayang sabi ni Vincent habang panay ang dampi ng halik sa ulo ng kanyang bunsong anak. Nilingon niya ang anak na si Princess, lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha ng makita niya na hindi ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. May apat na hakbang ang layo nito mula sa kanya. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya, ngunit kapansin-pansin ang matinding lungkot mula sa mukha nito.Tumayo si Vincent at naaawa na lumapit sa kanyang panganay na anak. Kaagad niyang napansin ang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito. Minsan na niya itong nakita noong mga panahon na pumanaw ang kanyang asawa. Dahilan kung bakit parang dinurog ang kanyang
“Ouch…” Hindi na maipinta ang mukha ko habang idinadaing ang sugat sa aking tagiliran. Hindi na kasi ako nagpadala sa hospital, at sa presinto na mismo ginamot ang sugat ko, since ma mababaw lang naman ang tama ko. Pagdating sa gilid ng kalsada ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Huminto ito sa tapat ko. Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa taxi, binuksan ko ang pinto sa bandang passenger seat. Pumasok at dahan-dahan na umupo. “Carmona, kuya.” Ani ko sa driver habang nakasandal sa sandalan at nakapikit ang aking mga mata. “Ano bang klaseng ina ito?” narinig kong sabi ng driver sa galit na tinig, dahilan kung bakit napilitan ako na imulat ang aking mga mata. Lumalim ang gatla sa noo ko ng mamulatan ko na masama ang tingin sa akin ng driver. “Ano bang problema ng driver na ‘to at kung makatingin ay parang akala moy napakasama kong tao?” Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. “Kuya, may problema ba?” Nagtataka kong tanong sa driver. Subalit parang mas ikinasam