Share

KABANATA 10:

last update Terakhir Diperbarui: 2021-12-18 12:31:42

KABANATA 10:

Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo.

Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park.

"Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad.

"Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya.

"Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.

"Pagmamay-ari?" sagot kong iyon habang pailing-iling. "Nakakatawa ang sinabi mong iyan, Carla!" Humahagikhik kong dagdag na sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noo niyang pagtatanong. Kitang-kita ko ang malaking katanungan sa kanyang pagmumukha. Wala talaga siyang kaalam-alam.

"Nakakaawa ka, Carla. Matagal ka nang niloloko ni Dindo, nagawa nga niya sa akin, sa iyo pa kaya?" tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. "Ikaw pala ang mga tipo ng asawa ko," 

"Asawa?" gulat niyang tanong na ikinalaki pa ng kanyang mga mata. Hindi ko ibig pang sabihin ang bagay na ito kay Carla subalit hindi na ako makapaghintay na tuluyang magkasira sila ni Dindo.

"Ako lang naman ang nag-iisang asawa ni Dindo," seryoso kong pagkakasabi sa kanya.

"Sinungaling ka! Kung inaakala mo na masisira mo kami ni Dindo, nagkakamali ka! Mahal ako ni Dindo at wala siyang asawa na tulad mo!" matapang na sagot sa akin ni Carla na animo'y Leon na maaaring manakmal sa ilang sandali.

"Well, wala akong magagawa kung ayaw mong maniwala sa akin. Bakit hindi mo tawagan si Dindo, alamin mo ang buong katotohanan. Now is the time!" napangiti ko pang sambit sa kanya.

"Wala ka talagang magawang matino, Belle. Simula nang dumating ka sa buhay namin ni Dindo, nagkasunod-sunod na ang kamalasan namin sa buhay, dahil iyon sa pakikialam mo!" galit na niyang panduduro sa akin.

"Ikaw ang nanghimasok sa buhay namin ni Dindo, kung hindi dahil diyan sa kakatihan mo, hindi sana kami nagkahiwalay ng asawa ko!" mulagat kong sagot sa kanya. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga taong namamasyal sa park.

"Isa kang baliw! Paano ka naging asawa ni Dindo, ilusyonada!" gigil niyang sabi sa akin na patuloy na hindi naniniwala sa aking rebelasyon.

"Puwes si Dindo na ang sasagot ng mga dapat mong malaman!" Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Dindo upang malaman na ni Carla ang katotohanan.

Ilang sandali pa ay nasisilayan ko na ang paparating na si Dindo. Todo ngiti siya sa akin at walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

"Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis, Belle!" ngiting bungad sa akin ni Dindo. Napatingin siya sa kanyang likuran at napansin niyang naroon si Carla. Ikanabigla pa ni Dindo na makita ang kanyang kerida na 'di hamak na mas maganda ako.

"Carla, a-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Dindo na halatang namumutla nang araw ring iyon. Nakikita kong mala-pelikula ang datingan para sa kanilang dalawa.

"Dindo, bakit hindi mo kaya sabihin sa kanya na ako ang iyong asawa?" may paglalambing kong sabi sa harapan ni Carla.

Ibinaling ni Dindo ang tingin sa akin. Alam ko sa mga oras na ito hindi na niya maitago ang kabang bumabagabag sa d****b niya.

Sunod-sunod siyang napalunok sa sariling laway.

"Asawa mo ba si Belle?" tanong ni Carla kay Dindo. Hinihintay ko ang kasagutan iyon ni Dindo. 

"Ano Dindo, ito na ang tamang panahon para sabihin mo sa kerida mo ang totoo," pagpupumilit kong sambit sa kanya.

"C-Carla, I'm so-sorry hindi ko sinabi ang totoo. Si Belle, siya ang legal kong asawa," malungkot niyang bulalas kay Carla. Hindi ko inasahan ang susunod na gagawin ni Carla kay Dindo. Isang malutong magkabilang sampal ang ginawad ni Carla sa dati kong asawa.

"Hanggang kailan mo balak na ilihim ang bagay na ito sa 'kin?" ang halos maiyak na sabi ni Carla kay Dindo. Hindi ko maunawaan ang damdaming kumurot sa aking d****b. Bigla akong naawa kay Carla, isa siyang biktima sa pangangaliwa ni Dindo sa kanya.

"Sasabihin ko naman ang lahat naunahan lang ako ni Belle," baling sa akin ni Dindo.

"So, kasalanan ko pa pala? How dare you, Dindo?" inis kong itinulak siya at naglakad papalayo. Tatangkain pa sana akong habulin ni Dindo ngunit biglang nagsalita si Carla na ikinatigil niya.

"Sumubok mo siyang habulin, hinding-hindi mo na makikita ang anak mo!" pananakot na sambit ni Carla kay Dindo.

Hinayaan kong pumili si Dindo at tama ako sa aking naisip. Higit niyang mahal si Carla dahil sa naibigay nito ang anak na hindi ko naibigay sa kanya.

Naiyak na lamang ako sapagkat sinampal ako nang katotohanan na hindi ako kayang piliin ni Dindo.

Ngayon alam ko na ang susunod na plano at hindi ako papayag na matalo at magdusa. Humanda ka Dindo at Carla! 

"Gawin mo ang nararapat, huwag Kang papayag na matalo ng kerida ng asawa mo," ani Donna sa akin. 

"Ngayon mas magiging maingat na ako sa among nararamdaman para kay Dindo," saad kong iyon kay Donna. 

"Nasa likod mo ako friend," pagpapalakas loob na sambit ni Donna sa akin. 

Napabuntonghininga ako. 

"Salamat, Donna!" buong pusong pasasalamat ko sa asking kaibigan. 

"Hindi na ako magtatagal pa. Matulog ka na at bukas may haharapin kang panibagong laban," iyon lang at umalis na siya. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • To love or To kill   KABANATA 10:

    KABANATA 10: Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo. Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park. "Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad. "Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya. "Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.

  • To love or To kill   KABANATA 9:

    KABANATA 9: Nakahanap naman ako ng murang apartment sa tulong ng kaibigan kong si Donna. Matagal ko nang kilala siya at isa sa mga nakaaalam ng aking mga plano. "Maraming salamat sa iyo, Donna," hinging pasasalamat ko sa kanya. "It's my pleasure to help you anytime you need me, hindi ko ma-attempt napabayaan ka. Since high school magkaibigan na tayo and I can't imagine na hindi ka matulungan gayong kaya ko naman," mahaba niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi. "I am very happy to hear that, Donna. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan at kasangga," maluha-luhang kong sambit sa kanya. "Huwag na tayong magdrama pa, ayaw kong masira ang aking make up. May date pa kami ng aking jowa!" Pinahid niya ang mga luhang ito sa kanyang pisngi

  • To love or To kill   KABANATA 8:

    KABANATA 8: Inihatid ako ni Mr. Khou sa aking tinutuluyan marami pa kaming napag-usapan. Nalaman ko na isa pala siyang balo at ang ikinamatay ng dati niyang asawa ay cancer of the breasts. "Maraming salamat sa masayang kwentuhan at salamat sa pagpapaunlak sa akin," hinging pasasalamat muli ni Mr. Khou sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. "I really enjoyed your company, Mr. Khou," nakangiti kong sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya. Inihatid ko nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Mr. Khou papasok na sana ako sa loob nang dumating si Dindo. Lasing na lasing ito at tila wala sa sariling katinuan. "Dumating ka na pala!" pasuray-suray niyang sabi sa akin at saka lumapit sa aking kinaroroonan. "Pwede ba, Dindo umuwi ka na sa inyo. Lasing ka!" pagtataboy ko sa kanya. "Wow! Pinapaalis muna ako ngayon. Akala ko ba ayaw m

  • To love or To kill   KABANATA 7:

    KABANATA 7: Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate. Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card. You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life. See you later, susunduin kita after office hour. Mr. Khou Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire. Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran. Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag

  • To love or To kill   KABANATA 6:

    KABANATA 6: Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin. Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan. "Surprise!" sabi ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang. "Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay. "

  • To love or To kill   KABANATA 5:

    KABANATA 5: Kinabukasan ay maagang pumunta si Dindo sa bahay, nagtataka ako kung bakit napakaaga niya dahil ang usapan namin ay mga alas otso niya ako susunduin subalit alas siyete pa lamang ay naroon na siya. "Ang aga mo naman, Dindo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya sabay tungga sa mainit kong tea. "Nag-away na naman kami ni Carla, gusto niyang mag resign na ako," bumuntonghiningang sambit niya sa akin. "Nagseselos ba siya sa akin? Kung malalaman lang niya, tiyak kong mas lalo siyang maghihimutok." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina. Tamang-tama may niluto naman akong fried egg at hotdog. Kinuha ko rin ang stock kong korean noodles at pinakain kay Dindo. Lumabas ako sa kusina bitbit ang almusal para kay Dindo. "Nakakahiya naman, pero salamat dahil—" "Namiss kitang ipaghanda ng m

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status