KABANATA 7:
Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate.
Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card.
You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life.
See you later, susunduin kita after office hour.
Mr. Khou
Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire.
Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran.
Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag.
"A&A company, speaking!"
"Hello is this, Annabelle?" tanong ng isang lalaki sa telepono.
"Yes, I am. Who's this?" balik kong tanong sa aking kausap.
"I'm Mr. Khou, nagustuhan mo ba ang flowers and chocolates?"
"Yes, I like it. Thank you for giving me, I am very flattered."
"Mabuti kung ganoon, so susunduin kita ng 5:30pm sa office mo para makapag dinner tayo. Is that okay with you?"
Gusto ko sanang tumanggi pero bigla akong napa- oo rito.
"Okay, I'll wait for you. Bye,"
"Bye."
Pagbaba ko ng telepono ay siyang pagpasok sa loob ng opisina ni Dindo. Nakita niya ang bouquet at tsokolate na bigay sa akin ni Mr. Khou. Biglang nag-iba ang awra niya, tila ba nais may iparating.
"May manliligaw ka pala?" supladong panimula ni Dindo sa akin.
"Bigay ni Mr. Khou sa akin," sagot ko habang nakatingin sa kanya.
"Wow! Mamahaling bulaklak at tsokolate, anong kapalit ng pagbibigay niyang ito sa iyo, sex?" walang pakundangan na sambit ni Dindo sa akin.
Nag-init ang ulo dahil sa aking narinig mula sa kanya.
"Ganiyan ba kababa ang tingin mo sa akin, Dindo?" umuusok sa galit na pagtatanong ko sa kanya.
"Alangan namang maglaro kayo ng bahay kubo, lalaki rin ako, Annabelle. Alam ko ang mga galawang ganito!" napalakas na bulyaw sa akin ni Dindo.
"Huwag mo akong itulad sa ibang babae na nakilala mo lang sa bar, isa akong babaeng may dignidad! Ikaw nga lang ang lalaking dumampi sa buo kong pagkatao. Ngayon kung wala ka ng sasabihin, makakaalis ka na. I have a lot of paperwork to do." Tumalikod na ako sa kanya at narinig ko ang padabog niyang pagsara ng pinto. Napabuntonghininga naman ako, ibig kumala ng aking mga luha subalit pinigilan ko ito.
Mabilis na sumapit ang 5:30 ng hapon kaya naman nag handa na ako sa aming dinner date ni Mr. Khou. Mamaya-maya ay nariyan na si Mr. Khou at sinundo na niya ako patungong Cafe Juanita na matatagpuan sa United Street, Pasig City.
Talaga namang yayamanin si Mr. Khou dahil nagkaroon pa ito ng orchestra habang papasok kami ng Cafe Juanita.
"Let's enjoy the night, this is our moment," nakangiti niyang sambit at itinaas niya ang kanyang kanang kamay at kaagad na nagtungo sa puwesto namin ang waiter.
"Hello, lovely couples! Here's the menu hope you like our Filipino dish," magalang na bati ng waiter sa amin saka naghihintay sa aming mga oorderin.
Inorder namin pareho ni Mr. Khou ang kanilang Dinuguan Chicharon na isa sa kanilang best seller foods.
"Thank you for tonight for allowing me and giving me the chance to be with me," todo pasasalamat niyang iyon sa akin.
"Actually, I was really surprised! I don't really think it would happen. I'm just a simple lady," sambit ko naman sa kanya na halos kabahan.
"Your simplicity is enough, I wanna court you. Sana pagbigyan mo ang aking kahilingan," nangungusap na mga matang sambit niya sa akin.
Hindi ko maisip ang aking isasagot dahil hindi naman ako handa para sa bagay na ito. Isa pa takot na akong sumubok magmahal dahil sa mga naranasan ko kay Dindo.
"M-masyado naman yatang mabilis ang lahat," sunod-sunod akong napalunok ng laway ng sagutin siya.
"I know your past, alam ko ang hirap na pinagdaanan mo sa kamay ng dati mong asawa na ngayon ay driver muna lang," isiniwalat ni Mr. Khou sa harapan ko ang kanyang mga nalalaman sa aking nakaraan.
"Paano mo nalaman ang lahat ng ito?" tanong ko sa kanya.
"I have a lot of connection, alam ko rin na ikaw muna ang nagpapatakbo ng kompanya na pag-aari ni Mrs. Lopez," pagpapatuloy niyang pagkukwento sa akin.
"Alam mo ang lahat?" ang hindi ko pa rin makapaniwala na bulalas kay Mr. Khou.
"I know everything! Pati ang mga plano mong paghihiganti sa kerida at sa asawa mo alam kong lahat," pabulong niyang sabi pa sa akin na lalo kong pinagtakahan.
"Kung ganoon hindi ako ang babaeng dapat mong mahalin, maraming babae na mas bagay sa iyo at isa pa Mr. Khou napaka unfair para sa iyo na makita mong nagtatrabaho sa akin ang asawa ko," sagot kong iyon sa kanya subalit ngumiti lang siya sa akin na parang buo pa rin ang tiwala.
"Mahal mo pa rin ba ang asawa mo?" biglang na itanong sa akin ni Mr. Khou na hindi ko akalain na tatanungin niya sa akin.
Hindi ako umimik sa halip ay ininom ko muna ang champagne na nasa gawing kaliwa ko.
"Alam mo, Mr. Khou. Simula ng saktan ako ni Dindo at mamatay ang anak namin sa sinapupunan ko. Parang nawala ang pagmamahal ko sa kanya at hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik ang pagmamahal ko para sa kanya," mahabang sagot ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Napansin ko na kulay brown pala ang kulay ng dalawa nitong mga mata na lalong nagpapogi rito.
"Good to hear, sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita ang totoong damdamin ko sa iyo at pangako na aalagaan kita, hindi ka magsisisi na tugunin ang pag-ibig ko para sa iyo." Hinawakan niya ang aking kamay at ngumiti sa akin.
KABANATA 10: Muling nagkrus ang landas namin ng kerida ng magaling kong asawa na si Dindo. Nasa park din pala ang babaeng iyon, mukhang may naaamoy akong malansa. Sambit ng aking isipan habang naglalakad sa gawin iyon ng park. "Anong ginagawa mo rito, Belle?" tanong niyang iyon sa akin nang huminto kami pareho sa paglalakad. "Bakit masama bang nandito ako sa park? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tumingin ako sa paligid. Nakita ko ang iba't ibang uri ng mga tao, mayroong mga bata, matatanda at magkasintahan. Ibinaling ko muli ang aking paningin kay Carla at sabay sabing, " Baka nagdate kami ni Dindo," pang-iinis ko sa kanya na alam kong ikakausok ng ilong niya. "Ang kapal ng mukha mong agawin ang pagmamay-ari ko!" inis niyang sambit sa akin na ikinahalakhak ko.
KABANATA 9: Nakahanap naman ako ng murang apartment sa tulong ng kaibigan kong si Donna. Matagal ko nang kilala siya at isa sa mga nakaaalam ng aking mga plano. "Maraming salamat sa iyo, Donna," hinging pasasalamat ko sa kanya. "It's my pleasure to help you anytime you need me, hindi ko ma-attempt napabayaan ka. Since high school magkaibigan na tayo and I can't imagine na hindi ka matulungan gayong kaya ko naman," mahaba niyang sambit sa akin. Niyakap pa niya ako. Pakiramdam ko nagkaroon na naman ako ng bagong kakampi. "I am very happy to hear that, Donna. Ikaw na lang ang natitira kong kaibigan at kasangga," maluha-luhang kong sambit sa kanya. "Huwag na tayong magdrama pa, ayaw kong masira ang aking make up. May date pa kami ng aking jowa!" Pinahid niya ang mga luhang ito sa kanyang pisngi
KABANATA 8: Inihatid ako ni Mr. Khou sa aking tinutuluyan marami pa kaming napag-usapan. Nalaman ko na isa pala siyang balo at ang ikinamatay ng dati niyang asawa ay cancer of the breasts. "Maraming salamat sa masayang kwentuhan at salamat sa pagpapaunlak sa akin," hinging pasasalamat muli ni Mr. Khou sa akin bago ako bumaba ng kanyang sasakyan. "I really enjoyed your company, Mr. Khou," nakangiti kong sagot at bumaba na ako ng sasakyan niya. Inihatid ko nang tanaw ang papalayong sasakyan ni Mr. Khou papasok na sana ako sa loob nang dumating si Dindo. Lasing na lasing ito at tila wala sa sariling katinuan. "Dumating ka na pala!" pasuray-suray niyang sabi sa akin at saka lumapit sa aking kinaroroonan. "Pwede ba, Dindo umuwi ka na sa inyo. Lasing ka!" pagtataboy ko sa kanya. "Wow! Pinapaalis muna ako ngayon. Akala ko ba ayaw m
KABANATA 7: Pagpasok ko sa opisina ay nabigla ako sa isang bouquet nasa table ko at mayroon pang kasamang tsokolate. Nakangiti akong tinungo ang aking table at binasa ang maliit na card. You are always in my heart, the first time I met you it's just a rolling coaster that I'll never forget to happen in my entire life. See you later, susunduin kita after office hour. Mr. Khou Hindi ko sukat akalain na mabibighani sa akin si Mr. Khou, isa itong matipunong lalaki at higit sa lahat ay multi-millionaire. Ang balita ko rito ay pihikan sa babae, hindi basta-basta nakikipagdate at kapag natipuhan ka raw nito ay tiyak idadate ka sa mamahaling restawran. Hawak ko ang mga magagandang bulaklak na bigay ni Mr. Khou nang nag ring ang aking telepono. Sandali kong binitiwan ang mga bulaklak upang sagutin ang tumatawag
KABANATA 6: Palubog na ang araw ng hapong iyon. Sinadya kong hindi sumabay kay Dindo dahil balak kong makipagkita kay Carla. Nais kong gumanti ng sampal at sabunot na ginawa niya sa akin. Kaya naman lihim ko siyang pinuntahan sa kanila. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago niya ako pinagbuksan ng pinto. Para siyang nakakita ng multo nang makita niya ako. Kaagad ko siyang sinampal at sinabunutan. "Surprise!" sabi ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito? Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay ko!" sabi niyang iyon habang hawak-hawak niya ang kanyang pisngi na kakasampal ko pa lang. "Hindi ba obvious kung bakit ako narito sa bahay na sinasabi mo, wala ka talagang kaalam-alam, Carla!" Pailing-iling kong sagot sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" maang niyang tanong sa akin habang nakakunot ang kilay. "
KABANATA 5: Kinabukasan ay maagang pumunta si Dindo sa bahay, nagtataka ako kung bakit napakaaga niya dahil ang usapan namin ay mga alas otso niya ako susunduin subalit alas siyete pa lamang ay naroon na siya. "Ang aga mo naman, Dindo. Kumain ka na ba?" tanong ko sa kanya sabay tungga sa mainit kong tea. "Nag-away na naman kami ni Carla, gusto niyang mag resign na ako," bumuntonghiningang sambit niya sa akin. "Nagseselos ba siya sa akin? Kung malalaman lang niya, tiyak kong mas lalo siyang maghihimutok." Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtungo sa kusina. Tamang-tama may niluto naman akong fried egg at hotdog. Kinuha ko rin ang stock kong korean noodles at pinakain kay Dindo. Lumabas ako sa kusina bitbit ang almusal para kay Dindo. "Nakakahiya naman, pero salamat dahil—" "Namiss kitang ipaghanda ng m