Share

KABANATA 1.

Penulis: yourpurpleXhie
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-12 21:44:30

Serenity/Serin's POV.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko simula no'ng iniwan ko si Clark at Lhauren kanina. Ang tanging alam ko lang ay nandito ako ngayon sa dalampasigan habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw na may magandang repleksyon sa dagat. I love sunrise and sunset. Tuwing 'di kasi maganda ang mood ko pumupunta lang ako sa lugar kung saan lumulubog at lumilitaw ang araw. Nakakapagpagaan ito nang pakiramdam ko.

Pero ngayon bakit walang epekto sa 'kin ito? Parang kahit ano o sino ay hindi kayang pakalmahin ang bigat at sakit na nararamdaman ko ngayon? Patuloy pa rin ang pag-iyak ko simula kanina hanggang ngayon. Siguro kung nakaka-dehydrate ang pag-iyak nang sobra baka kanina pa 'ko naubusan ng tubig sa katawan.

Kasalukuyan ako'ng nag-eemote at sumi-senti nang biglang may tumawag sa 'kin.

"Insan! Yohooo!"

Lumingo-lingon ako sa paligid ko para hanapin kung sino man 'yung panggulo sa moment ko ngayon. Pero wala naman ako'ng makita.

"Huy! Insan! Aba! Serenity, Huy!" Patuloy nitong tawag sa 'kin.

Wala pa rin naman ako'ng makita eh. Naisip ko tuloy na baka tinatawag ako nang isang sirena o shokoy dito sa tabing dagat. Baka kasi nakita ako ng sirena o shokoy na mag-isa dito habang nagdadrama. Kinabahan tuloy ako kasi baka ihipnotismo ako bigla no'ng nilalang na 'yon tapos lumusong ako sa dagat ng wala sa oras at malunod ako. OMG! Ayaw ko pa 'no! 'Di pa ko ready na mamatay. Marami pa 'kong pangarap sa buhay ko, pati kay tatay at sa mga kapatid ko.

"Takte! Insan!" Napabangon ako bigla sa higaan ko dahil nagulat ako sa malakas na sigaw nang isang babae at bigla na lang kagatin ang hinlalaki na daliri sa paa ko.

"OMO! Insan, okay ka lang? Kinabahan ako sa 'yo." Naka-upo na sa tabi ko ngayon itong pinsan ko at mukhang alalang-alala sa 'kin. Hays, panaginip lang pala 'yong kanina.

Umayos muna ako ng upo bago ko siya tinugon. "Tss. Ayus lang ako. Saka bakit mo ba ako kinagat sa paa? Ang sakit kaya. Pasalamat ka hindi kita nasipa kanina eh." Napapa-iling kong sabi sa kanya. Minsan kasi OA rin 'tong si Ribheka a.k.a Bheka. Ang pinaka-close ko sa aking mga pinsan.

Tumayo na siya habang nakanguso na sa 'kin at muling nag salita. "E, kasi naman po binabangungot ka na kaya. Alam mo ba, umuungol ka kanina ta's lumuluha na 'yung mata mo na para'ng umiiyak ka while you're sleeping? Hays, natakot lang naman ako Insan kaya ko nagawa 'yon. 'Di ko alam na ako pa ang mali ngayon. Hmmp. Ewan ko sa 'yo." Inirapan pa 'ko ng loka. Tss, OA talaga.

"Hindi naman sa gano'n 'yon. Nagulat lang talaga ako. E, 'di thank you na kasi ginising mo na naman ako sa masamang panaginip na 'yon." I sighed and bitterly smiled. "'Di ko na nga yata mabilang kung ilang beses mo na 'kong sinave sa bangungot na 'yon e. Naku, Insan ikaw talaga ang guardian angel ko." Ngumisi ako sa kanya habang siya hindi pa rin maipinta ang mukha.

"Tse! Kanina lang iyamot ka sa 'kin tapos ngayon kung makapambola ka wagas e 'no? Iba rin." Inismidan muna ako bago bigala'ng nagbago ang expresyon ng mukha niya. "But I bet Insan. For sure 'yung break up niyo na naman ng ex mo 'yang napanaginipan mo, 'no?"

Tumango ako sa kanya. "Hays, Ewan ko ba kung ba't napapanaginipan ko pa ang pangyayaring 'yon? E, almost one and half year na rin naman since no'ng maghiwalay kami."

"Kasi hindi ka pa talaga nakaka-move on. Haha." Pang-aasar niya sa 'kin sabay takbo palabas ng kwarto ko.

Alam niya kasi na 'pag naabutan ko siya ay makakatanggap siya sa akin ng mag-asawang batok. 'Lagi ko kasi siyang binabakutan t'wing sasabihin niya 'yon sa 'kin. Ang kulit rin kasi ng bruha na ito. Ilang beses ko ba kailangan ipaintindi sa kanya na matagal na akong nakamove on do'n sa damuho kong ex. Matagal ko na siyang kinalimutan total masaya na naman siya sa piling ng babaeng ipinalit niya sa 'kin.

Napairap na lang ako sa kawala nang dumungaw na naman sa pinto ng kwarto ko si Insan. Akala ko mang-aasar na naman siya pero hindi pala. "Huy! Serenity. Ano pang itinutunganga mo d'yan aber? Baka gusto mong malate sa first day of school mo this year?"

Ay, oo nga pala ba't ba hindi ko naalala? "Oo na po, oo na. "Eto na oh, maliligo na 'ko. Ba't kasi hindi mo sinabi agad sa akin? Nakalimutan ko, e."

"Ang sabihin mo lutang ka na naman kasi naaalala mo iyang ex mo." Pambabara niya sa 'kin.

"Tsk. Aalis din lang pala mang-aasar pa." Bulong ko sa sarili ko at dali-dali na ako'ng pumunta sa kabinet ko para kumuha ng damit bago maligo. Habang hinahanap ko 'yong uniform ko bigla naman akong napatingin sa portrait sketch na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Larawan ko ito habang nakatanaw sa malayo at iginuhit ito gamit ang isang charcoal pencil.

Nakangiti ako'ng pinagmamasdan ang portrait picture ko. Masarap kasi sa pakiramdam kapag may isang tao na pinaglaanan ka nang panahon kahit konting oras lang para magawa'n ka ng obra o maiguhit ka. I know how it feels because I'm a visual artist too. I always appreciate those artworks of my co-artists.

Because for me every piece of an artwork from artist is valuable. It takes a lot of time, effort, creativity, and wholeheartedly giving to create a masterpiece.

Kaya iba ang kaligayahan na naidudulot sa akin kapag may mga taong nakaka appreciate ng obra ko. Nakakataba ng puso.

Natauhan ako no'ng nagulat ako kasi tinawag na naman ako ni Bheka.

"Serin, ano pa bang ginagawa mo d'yan? Aba. Bilisan mo na. Male-late na tayo sa school." Sigaw niya.

Nagmadali na 'kong bumaba at nagtungo sa cr, may second floor kasi itong bahay nila. Kung 'di niyo itatanong pero itanong niyo na rin para malaman niyo. Nandito ako ngayon sa bahay ng tiyahin ko sa maynila. Ilang taon na 'kong nakikitira sa kanila simula no'ng mag-college ako. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa isang sikat na university dito ngayon.

"Tita alis na po kami." Nagpaalam ako kay tita Welma habang nagluluto siya sa kusina. Tapos na 'kong maligo ngayon at hindi na ako nag-abalang mag-ayus pa sa sarili ko kasi nagmamadali na kami.

"Oh? Hindi ka na ba mag-aalmusal Serin?" Tanong ni Tita.

Nagsasapatos ako ngayon nang tugunin ko siya. "'Di na po Tita. Late na kami e. Bye po."

Paglabas ko ng bahay nakita ko na si Insan na nag-aabang sa akin.

"Akala ko wala ka ng balak pumasok, e. Tara na. Baka malate tayo. Traffic pa naman sa dadaanan natin." Hindi ko na lang siya sinagot.

Nang makatawid kami sa kalsada na puro polusiyon at usok mula sa mga sasakyan nandito naman kami ngayon sa jeep at nakikipagsiksikan sa mga pasahero dito sa loob.

Hays, 'di pa ako nakakarating sa school ang haggard ko na, amoy usok at parang sumabak na sa gera. Pero 'di bale, kering-keri ko naman kasi sanay na 'ko. Saka last year ko na ngayon sa college. Isang taon na lang ang bubunoin makakagraduate na ako. Konti na lang Serenity matutupad mo na ang mga pangarap mo na maiahon sa hirap ang pamilya mo. Aja! Fighting! Sabi ko sa isip ko upang palakasin ang loob ko.

"Ang pag-abot sa pangarap natin ay parang byahe sa isang malaking kalsada. Minsan mabilis ang byahe at madali kang nakakarating sa iyong pupuntahan. Pero minsan mabagal rin ito dahil may mahabang traffic o balakid/pagsubok tayong dapat lampasan. Kailangan natin nang tiyaga at mahabang pasensya. May saysay naman ang bawat paghihintay mo dahil sa huli nakarating ka sa iyong pupuntahan, narating mo ang iyong pangarap."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Today Until Forever    KABANATA 21.

    Serenity/Serin's POV."Thank you ulit sa paghatid sa'kin sa bahay namin." nasa labas na kami ngayon ng boardinghouse namin habang sinasamahan ko ngayon si Luke na pauwi na rin sa condo niya.It's a relief night to me and I know same also for Luke. Para akong naalisan ng isang sakong buhangin sa dibdib. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina habang nasa TLV restaurant pa ako. ~FLASHBACK"Sabi ko naman sa'yo sir ayaw kong magpahatid sa bahay. Kaya ko nang umiwi mag-isa. Bakit po ba ang kulit—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil noong lumingon ako sa likod ko ay ibang tao pala ang nagpapayong sa akin."Ahm. Oy—Hi—ikaw pala. So—sorry akala ko kasi si sir Braiv." Nauutal kong sabi kay Luke na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti at pinapayungan ako. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya nababasa na ako. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya kasi 'di ko naman inaasahan na nandito siya ngayon. "It's okay. Baka nagulat ko talaga ikaw.". tugon naman niya sa akin."

  • Today Until Forever    KABANATA 20.

    Serenity/Serin's POV.Today is Sunday. Maaga akong gumising ngayon kahit naging napuyat ako dahil tinapos ko ang mga assignments ko. Nagmamadali ako ngayong naghahanda para ayusin ang sarili ko sa pagpasok sa work. Isang lingo rin kasi akong hindi nagtrabaho para makapagfocus sa pag-aaral ko."Tay, aalis na po ako." lumapit ako kay itay para mag-mano at magpaalam. Nagkakape siya dito sa kusina. Sila kuya naman ay tulog pa."Oh. Ang aga mo naman anak?" nagtataka niyang tanong. "Oho 'tay. Kailangan ko pong habulin yung oras na hindi ako pumasok sa work. Sayang rin po kasi yung sasahudin ko." paliwanag ko sa kanya."Ah gano'n ba. Ohsige na. Lumakad ka na. Iingat ka ha." tugon siya saka muling humigop ng kape."Nga pala itay. Linggo ngayon hindi po ako makakasama sa pag-simba pero may dadaan po ako do'n ngayon. Mahaba pa naman po ang oras ko. Hindi ko na po kayo masasabayan kasi tulog pa po sila kuya at Sapphire." naalala ko na tuwing linggo sama-sama nga pala kaming mag'simb

  • Today Until Forever    KABANATA 19.

    Serenity/Serin's POV."Ikaw?!!" gulat kong tanong sa kaharap ko ngayon. Paano ba naman hindi ko inaasahan na siya pala ang bisita na sinasabi ni Saph. "Yes. Ako nga Ms bitter—Ms. Delpino." nakangisi niyang tugon sa akin."Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo? Saka kanino mo nalaman na dito ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong."Ehem." napalingon ako sa isang kaharap ko na nakalimutan kong kasama rin pala namin. Narito nga rin pala si itay. "Anak, bakit naman ganyan ka magtanong sa amo mo?" tanong niya sa akin."Ah--eh.... Hehe, nabigla laang ho ako itay. Pasensya na ho." palusot ko na lang na sagot sabay kamot sa ulo ko. Hays, bakit ba naman kasi nagpunta ang lalaking ito dito sa amin. Saka paano niya nalaman na dito kami natira."Naku, ikaw talaga anak. Magugulatin ka na pala ngayon. Ohsha maiwan ko muna kayo nitong boss mo. Sige hijo mag-usap muna kayo nitong dalaga ko." lumayo na siya sa pwesto namin habang nakangisi ng nakakaasar. Ewan ko ba pero yung gano'ng

  • Today Until Forever    KABANATA 18.

    Serenity/Serin's POV. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Luke wala naman akong napansin sa kanyang kakaiba, o baka manhid lang talaga ako. Kaya sa mga oras na ito ini-expect ko na naglakamali lang ako nang inaakala. "Uy, Serin." bati sa akin ni Luke. Pero bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. Huminga muna ako nang malalim sabay lagok kahit wala namang laman ang aking bibig. Hindi ko alam pero parang ayaw ko kasing kumpirmahin sa kanya ngayon na siya ba talaga iyon. "Luke," pagsisimula kong magsalita. Dalawa na lang kami ngayon dito sa room dahil wala na yung mga istudyante. Nanananghalian na sila sa labas. "Ikaw pala si Mr. Shy-type?" tanong ko sa kaniya. Iyon kasi ang codename niya sa mga love letters niyang iniiwan sa upuan ko. "A—ko nga."nauutal niyang sagot. "Pero bakit ikaw? Akala ko ba hindi ka—bakit nga ba hindi ko nahalata?" naguguluhan kong tanong. Relax Serin si Luke lang iyang kaharap mo, sabi ko sa isip ko. "You're right. Hindi nga ako b

  • Today Until Forever    KABANATA 17.

    Serenity/Serin's POV. Actually after noong party hindi na kami muling nag-usap o nagkita ng mokong na iyon. Mas pabor nga sa'kin kasi isang linggo ko siyang hindi nakikita. Walang nang-iinis sa akin. Hindi rin naman siya napapadpad dito sa 'TLV'. Kaya no'ng narinig ko ang sinabi ni besh na nanggaling sa lalaking iyon itong mga bagay sa harapan ko hindi ako makapaniwala. "Siguro ka na sa kanya nanggaling ito?" paninigurado ko. "Yep. I'm really really sure besh. Yiiiee... Nakakakilig ano?" umasta na naman siya na parang timang. Lagi siyang ganyan tuwing kinikilig. "Tsk. Tumigil ka nga besh. Ang sabihin mo nakakadiri. Hindi nakakakilig." naiinis talaga ako sa mga ganitong pakulo o yung sinasabi nilang cheesy moment. For me hindi siya effort kundi kacornyhan. "Nagkakamali ka lang siguro. Hindi ito nanggaling sa kanya." dugtong ko pa. Hindi pa rin talaga ako naniniwala na bigay ng Braiv na iyon ang mga ito. Saka wala namang dahilan para bigyan ng mga ganito. "Maniwala ka Seri

  • Today Until Forever    KABANATA 16.

    Serenity/Serin's POV. "Tapos napaiyak talaga ako doon sa last part besh. Mabuti na lang may dala akong panyo kasi kung wala tala—huy! Besh? Nakikinig ka ba sa kin? Tsk, tsk, tsk. 'Yan ka na naman eh. Lutang na naman ang bruhang ito. Ano bang iniisip mo ha? Kanina pa ako daldal nang daldalan dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa mga kinukwento ko. Tingnan mo 'yang kinakain mo nilalaro mo lang." sunod-sunod na dakdak at pagrereklamo ni Pheney sa akin dahil nahuli niya akong hindi naikinig sa kanina niya pang ikinukwentong istorya na pinanood nila kagabi sa sinehan. Narito kami ngayon ni Pheney sa isa sa canteen dito sa University at totoo na hindi ako nakikinig sa kinukwento niya kasi lutang pa ako dahil sa party kagabi. As in lutang ako ngayon at hindi maka-focus sa mga ginagawa dahil rin siguro sa puyat at sa mga kaganapan kagabi. ~FLASHBACK~ "Sorry nawala ako bigla. May important call kasi ako sa phone na kailangan sagutin. So I went somewhere' silent place." pagsasalita ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status