Share

Today Until Forever
Today Until Forever
Penulis: yourpurpleXhie

PROLOGO.

Penulis: yourpurpleXhie
last update Terakhir Diperbarui: 2023-04-12 21:39:09

Sabik ako habang naglalakad patungo sa lugar kung saan ko balak sorpresahin si Clark. Umuwi kasi ako galing maynila para ipagdiwang ang monthsary namin na magkasama. Pero hindi ko inaasahan na ako pala ang masusurpresa sa mga oras na iyon.

Malayo pa lang ngunit tanaw ko na mula sa p'westo ko ang dalawang tao na masayang nag-uusap habang magkahawak ang kamay. No'ng una akala ko mali lang ako nang hinala. Ngunit no'ng makalapit na ako sa kanila ng hindi nila namamalayan doon naging malinaw sa akin ang lahat.

"Ang ganda ng panahon ngayon 'no? Pero mas maganda ang taong kasama ko ngayon." Sabi ni Clark habang nakatingin sa katabi niyang babae.

Napalingon naman sa kanya si Lhauren dahil napansin niyang sa kanya na pala nakatingin si Clark. "Ha? Ay hehe, ikaw talaga napaka bolero mo." Nagblush ito sabay palo nito sa braso ni Clark dahil sa kilig.

'Tch. Grabe, 'di manlang namalayan na may tao sa likod nila dahil abala sa paghaharutan.' Sabi ko sa isip ko habang pinipigilan na sugurin sila. Hindi ko na kasi alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Pakiramdam ko sasabog na ako sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ko.

Muling nagsalita ang magaling kong boyfriend. "Haha. Ako, bolero? Totoo naman ha. Maganda ka kaya at para sa akin wala nang mas gaganda pa sa'yo."

Aba, iba rin bumanat ang mokong.

"We? Sigurado ka? Baka nga iyan rin ang madalas mong sabihin kay Serenity 'pag siya ang kasama mo." Tugon nito at halatang 'di kombinsido. Medyo natahimik sila saglit. "Napag-isip-isip ko lang. Paano kung malaman ni Serin itong tungkol sa atin Clark? Ano'ng gagawin mo?"

Hindi agad nakapagsalita si Clark. He sighed. "Hindi ko pa alam. Ano ka ba? 'Wag mo nga munang isipin iyan. Ang mahalaga ngayon tayo. Mayasa tayo sa isa't isa, magkasama tayo."

"Pwes. Ngayon alam ko na." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya nagsalita na 'ko.

"B-babe?" Nauutal niya akong tinawag. Pareho na silang nakaharap sa akin at animo'y may nakitang mulo.

Mas lumapit ako sa kanila at binigyan ng isang malakas na sampal si Clark. "H’wag mo akong matatawag na babe!" Napataas na ang tono ng boses ko at nag-umpisa nang pumatak ang mga luha sa mga mata ko. "Kailan pa? Clark kailan pa ito? Sabihin mo sa'kin. Bakit? Nagkamali ba 'ko? Minahal naman kita nang tapat ha. A--alam mo iyon, 'di ba?" Gumagaralgal na ang boses ko. "Binigay ko lahat nang tiwala ko sa'yo. Kasi sabi mo iba ka sa mga lalaking nakikita ko. Sabi mo hindi ka manloloko. Pero bakit ngayon nagawa mo pa rin akong lokohin? Katulad ka rin pala nila."

"At ikaw, Lhauren." Ibinaling ko naman ang paningin ko sa kanya. "Matalik kitang kaibigan. Parang kapatid na nga ang turing ko sa'yo eh. Akala ko mapapagkatiwalaan kita. 'Yon pala, akala ko lang. Ikaw ang sumira sa pagkakaibigan natin." Hindi na siya makatingin sa 'kin ngayon.

"Mga manloloko kayo." Iyan ang huli kong nasabi habang nakatingin sa mga mata ni Clark bago ako tumalikod at naglakad papalayo sa kanila.

Hindi pa ako nakakalayo nang biglang hawakan ni Clark ang braso ko upang pigilan ako. "Serenity, magpapaliwanag ako." Nasanay akong 'babe' o 'Serin' na nickname ko ang tawag niya sa 'kin. Pero ngayon yung mismong pangalan ko na ang tinawag niya.

Huminto ako at nilingon siya. "Magpapaliwanag? 'Di mo na kailangan magpaliwanag. Kasi malinaw na sa akin ang lahat. Sana pala itinext mo na lang ako para hindi na ako nag abalang pumunta dito. Sayang rin ang ipinamasahe ko mula Maynila papunta dito." Bahagya pa 'kong tumawa para pakalmahin ang sarili ko. "Pero okay lang. At least nalaman ko ngayon ang totoo. Kung 'di pa siguro ako pumunta dito ngayon hindi ko malalaman na matagal mo na 'kong niloloko. I'm too surprised."

Nag-uumpisa na namang pumatak ang mga luha sa mata ko kaya tumalikod na ako. Pero naalala ko na may hawak nga pala ako ngayon. "Ah, nakalimutan ko nga pala iabot sa'yo 'to. Pinaghirapam ko 'yang gawin nang ilang lingo." Isa itong portrait sketch namin dalawa. Hiniling niya kasi sa akin noon na mag-aral akong gumawa ng portrait dahil puro landscape painting lang daw ang ginagawa ko. 'Pag natuto na daw ako saka ko daw iguhit ang larawan namin.

"Sana maging masaya kayo sa isa't isa. Sa huling pagkakataon sasabihin ko ito sa'yo. Mahal na mahal kita. Malaya ka na 'babe'."

Pagkatapos kong sabihin iyon sa kanya tuluyan na akong umalis. I'm too broken at this moment. Sobrang nadurog ang puso ko. Ganito pala ang pakiramdam kapag niloko ka ng taong pinagkatiwalaan at minahal mo na sobra. Iyong tipong sa panlabas mong pisikal ay wala kang makikitang sugat. Pero sa loob-loob mo ay para'ng paulit-ulit ka nang pinapatay.

Hindi ako iyakin na tao pero ngayon ang mga luha ko ay parang waterfalls na hindi mapigil sa pag-agos. Gan'to nga siguro kapag broken-hearted ang isang tao, nagiging emosyonal kahit pigilin ang sarili niya.

Clark was my childhood boy bestfriend. Sabay kaming lumaki dito sa probinsya at no'ng naging teen ager na kami nagtapat siya sa akin ng feelings niya. Sinabi niyang matagal na siyang may gusto sa akin at humingi siya nang permiso sa tatay ko para manligaw. He started courting me when I was sixteen years old at hindi naman siya nahirapan sa panliligaw because we both have feelings to each other. Sinagot ko siya no'ng 18 years old na 'ko. He's my first love, my first boyfriend and yet my first heartbreak too.

Kaya ngayon hindi pa rin magsink in sa utak ko ang mga nakita at nalaman ko. I didn't expect it would be happened someday. At ang mas masakit pa ay 'yung kaisa-isa kong girl bestfriend ang dahilan nang panloloko niya sa akin. Sana manlang na-inform ako 'di ba? Para hindi ganito kasakit. I can't believe this.

And that was the day I started to unbelieve in forever. Sabihin na nilang bitter ako pero totoo naman kasi, WALANG FOREVER! Hindi ko naman nilalahat pero marami talagang manloloko ngayon. 'Yung sa una lang sila magaling, sa una lang sweet, sa una lang 'yung mga efforts nila. Lulunurin ka nila sa una ng mga sweet words, promises at mga mapanlinlang na salita.

Tulad ng: 'Mahal na mahal kita'; 'Ikaw lang at wala ng iba'; 'Hindi kita ipagpapalit kahit kanino'; 'Hindi ko kayang mabuhay kung wala ka'; 'Ikaw lang ang nais kong makasama habang buhay; at marami pang ibang kasinungalingang salita. Tapos ikaw naman 'tong asang-asa, paniwalang-paniwala. Pero ang totoo hanggang salita lang talaga ang mga 'yan. Because those sweet words and promises have poison that can kills your heart and left the scars. So be ware to whom you trust and don't easily reckon with their words.

'Sa buhay natin may mga pagkakataon talaga na hindi natin inaasahang mangyayare. Dahil sa mundong ito walang permanente. Ang isang bagay ay maaaring magbago sa isang iglap lang. Kaya mas mabuting lagi kang handa sa bawat pagkakataon at huwag sobrang umasa para hindi ka lubos na masaktan.'

yourpurpleXhie

Hello everyone! New author po ako dito sa GoodNovel, and I'm kindly inviting you po na basahin at suportahan ang aking first story here. Feel free to VOTES, COMMENTS (share your thoughts), AND SHARE my story "Today Until Forever" to your friends! Thank you po💜 Enjoy reading!

| 1
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Today Until Forever    KABANATA 21.

    Serenity/Serin's POV."Thank you ulit sa paghatid sa'kin sa bahay namin." nasa labas na kami ngayon ng boardinghouse namin habang sinasamahan ko ngayon si Luke na pauwi na rin sa condo niya.It's a relief night to me and I know same also for Luke. Para akong naalisan ng isang sakong buhangin sa dibdib. Naalala ko tuloy ang pangyayari kanina habang nasa TLV restaurant pa ako. ~FLASHBACK"Sabi ko naman sa'yo sir ayaw kong magpahatid sa bahay. Kaya ko nang umiwi mag-isa. Bakit po ba ang kulit—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil noong lumingon ako sa likod ko ay ibang tao pala ang nagpapayong sa akin."Ahm. Oy—Hi—ikaw pala. So—sorry akala ko kasi si sir Braiv." Nauutal kong sabi kay Luke na ngayon ay nakatingin sa akin habang nakangiti at pinapayungan ako. Lumalakas na rin kasi ang ulan kaya nababasa na ako. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko sa kanya kasi 'di ko naman inaasahan na nandito siya ngayon. "It's okay. Baka nagulat ko talaga ikaw.". tugon naman niya sa akin."

  • Today Until Forever    KABANATA 20.

    Serenity/Serin's POV.Today is Sunday. Maaga akong gumising ngayon kahit naging napuyat ako dahil tinapos ko ang mga assignments ko. Nagmamadali ako ngayong naghahanda para ayusin ang sarili ko sa pagpasok sa work. Isang lingo rin kasi akong hindi nagtrabaho para makapagfocus sa pag-aaral ko."Tay, aalis na po ako." lumapit ako kay itay para mag-mano at magpaalam. Nagkakape siya dito sa kusina. Sila kuya naman ay tulog pa."Oh. Ang aga mo naman anak?" nagtataka niyang tanong. "Oho 'tay. Kailangan ko pong habulin yung oras na hindi ako pumasok sa work. Sayang rin po kasi yung sasahudin ko." paliwanag ko sa kanya."Ah gano'n ba. Ohsige na. Lumakad ka na. Iingat ka ha." tugon siya saka muling humigop ng kape."Nga pala itay. Linggo ngayon hindi po ako makakasama sa pag-simba pero may dadaan po ako do'n ngayon. Mahaba pa naman po ang oras ko. Hindi ko na po kayo masasabayan kasi tulog pa po sila kuya at Sapphire." naalala ko na tuwing linggo sama-sama nga pala kaming mag'simb

  • Today Until Forever    KABANATA 19.

    Serenity/Serin's POV."Ikaw?!!" gulat kong tanong sa kaharap ko ngayon. Paano ba naman hindi ko inaasahan na siya pala ang bisita na sinasabi ni Saph. "Yes. Ako nga Ms bitter—Ms. Delpino." nakangisi niyang tugon sa akin."Bakit ka nagpunta dito? Anong kailangan mo? Saka kanino mo nalaman na dito ako nakatira?" sunod-sunod kong tanong."Ehem." napalingon ako sa isang kaharap ko na nakalimutan kong kasama rin pala namin. Narito nga rin pala si itay. "Anak, bakit naman ganyan ka magtanong sa amo mo?" tanong niya sa akin."Ah--eh.... Hehe, nabigla laang ho ako itay. Pasensya na ho." palusot ko na lang na sagot sabay kamot sa ulo ko. Hays, bakit ba naman kasi nagpunta ang lalaking ito dito sa amin. Saka paano niya nalaman na dito kami natira."Naku, ikaw talaga anak. Magugulatin ka na pala ngayon. Ohsha maiwan ko muna kayo nitong boss mo. Sige hijo mag-usap muna kayo nitong dalaga ko." lumayo na siya sa pwesto namin habang nakangisi ng nakakaasar. Ewan ko ba pero yung gano'ng

  • Today Until Forever    KABANATA 18.

    Serenity/Serin's POV. Sa ilang taon naming pagkakaibigan ni Luke wala naman akong napansin sa kanyang kakaiba, o baka manhid lang talaga ako. Kaya sa mga oras na ito ini-expect ko na naglakamali lang ako nang inaakala. "Uy, Serin." bati sa akin ni Luke. Pero bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang makita niya ako. Huminga muna ako nang malalim sabay lagok kahit wala namang laman ang aking bibig. Hindi ko alam pero parang ayaw ko kasing kumpirmahin sa kanya ngayon na siya ba talaga iyon. "Luke," pagsisimula kong magsalita. Dalawa na lang kami ngayon dito sa room dahil wala na yung mga istudyante. Nanananghalian na sila sa labas. "Ikaw pala si Mr. Shy-type?" tanong ko sa kaniya. Iyon kasi ang codename niya sa mga love letters niyang iniiwan sa upuan ko. "A—ko nga."nauutal niyang sagot. "Pero bakit ikaw? Akala ko ba hindi ka—bakit nga ba hindi ko nahalata?" naguguluhan kong tanong. Relax Serin si Luke lang iyang kaharap mo, sabi ko sa isip ko. "You're right. Hindi nga ako b

  • Today Until Forever    KABANATA 17.

    Serenity/Serin's POV. Actually after noong party hindi na kami muling nag-usap o nagkita ng mokong na iyon. Mas pabor nga sa'kin kasi isang linggo ko siyang hindi nakikita. Walang nang-iinis sa akin. Hindi rin naman siya napapadpad dito sa 'TLV'. Kaya no'ng narinig ko ang sinabi ni besh na nanggaling sa lalaking iyon itong mga bagay sa harapan ko hindi ako makapaniwala. "Siguro ka na sa kanya nanggaling ito?" paninigurado ko. "Yep. I'm really really sure besh. Yiiiee... Nakakakilig ano?" umasta na naman siya na parang timang. Lagi siyang ganyan tuwing kinikilig. "Tsk. Tumigil ka nga besh. Ang sabihin mo nakakadiri. Hindi nakakakilig." naiinis talaga ako sa mga ganitong pakulo o yung sinasabi nilang cheesy moment. For me hindi siya effort kundi kacornyhan. "Nagkakamali ka lang siguro. Hindi ito nanggaling sa kanya." dugtong ko pa. Hindi pa rin talaga ako naniniwala na bigay ng Braiv na iyon ang mga ito. Saka wala namang dahilan para bigyan ng mga ganito. "Maniwala ka Seri

  • Today Until Forever    KABANATA 16.

    Serenity/Serin's POV. "Tapos napaiyak talaga ako doon sa last part besh. Mabuti na lang may dala akong panyo kasi kung wala tala—huy! Besh? Nakikinig ka ba sa kin? Tsk, tsk, tsk. 'Yan ka na naman eh. Lutang na naman ang bruhang ito. Ano bang iniisip mo ha? Kanina pa ako daldal nang daldalan dito pero hindi ka naman pala nakikinig sa mga kinukwento ko. Tingnan mo 'yang kinakain mo nilalaro mo lang." sunod-sunod na dakdak at pagrereklamo ni Pheney sa akin dahil nahuli niya akong hindi naikinig sa kanina niya pang ikinukwentong istorya na pinanood nila kagabi sa sinehan. Narito kami ngayon ni Pheney sa isa sa canteen dito sa University at totoo na hindi ako nakikinig sa kinukwento niya kasi lutang pa ako dahil sa party kagabi. As in lutang ako ngayon at hindi maka-focus sa mga ginagawa dahil rin siguro sa puyat at sa mga kaganapan kagabi. ~FLASHBACK~ "Sorry nawala ako bigla. May important call kasi ako sa phone na kailangan sagutin. So I went somewhere' silent place." pagsasalita ng

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status