Share

7: The Man!

Author: Hiraya_23
last update publish date: 2026-09-09 23:11:58
Reiner's Point of View

Nakaupo ako sa isang VIP booth sa kabilang bahagi ng bar, nakatago sa anino, hawak ang isang baso ng whiskey na hindi ko pa halos nababawasan.

I hated places like this. Masyadong maingay. Masyadong maraming tao. Masyadong maraming balat na pwedeng dumikit sa akin. Just the thought of someone accidentally brushing their skin against mine made my stomach turn.

Haphephobia.

A psychological and physical revulsion to human touch. Ang sumpa na nagkulong sa akin sa loob ng napaka
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Too Late, She's My Wife Now   82:

    Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tuluyang tumayo.Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng takot.Hindi ko alam kung nasaan ako, pero kung may kahit maliit na posibilidad na makalabas ako, kailangan kong hanapin iyon.Una kong sinuri ang pinto. Muli kong hinila ang doorknob, saka sinubukang idiin ang balikat ko sa kahoy. Hindi man lang gumalaw.“Fantastic.” Napailing ako. “Five-star kidnapping experience.”Wala akong phone. Wala akong bag.Wala kahit relo na puwede kong tignan ng oras. Ang suot ko lang ay ang damit na pinang-alis ko sa penthouse, medyo gusot na at may bahid ng alikabok mula sa van.Napatingin ako sa aking kamay.Nandoon pa ang wedding ring ko.Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang bagay na napansin ko. Siguro dahil ang lahat ng iba pa ay kinuha sa akin, pero ang singsing ay andito parin.O baka dahil sa gitna ng napakaraming kaguluhan, iyon lang ang maliit na paalala kay Reiner. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap n

  • Too Late, She's My Wife Now   81:

    Armea’s Point of ViewAng unang bumungad sa akin ay isang kisameng kulay abo, may maliit na bitak sa gitna at isang bombilyang nakasabit sa mahabang kawad. Ilang segundo akong nakatitig doon, pilit inuunawa kung bakit parang umiikot pa rin ang paligid ko.Nasaan ako?Mabilis akong bumangon.Maling desisyon.Biglang kumirot ang ulo ko at halos bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng kama, hinihintay na tumigil ang pagkahilo. Nang sa wakas ay nakapag-focus ang paningin ko, saka ko lamang napansing hindi ito isang ordinaryong kwarto sa isang bahay.Makitid. Mainit. May amoy na lumang kahoy at detergent. Isang maliit na aparador ang nakasandal sa dingding, at sa tabi nito ay isang electric fan na parang mas malakas pa ang ingay kaysa hangin na ibinubuga nito.Walang bintanang malaki. Tanging isang makitid na jalousie sa itaas ng dingding, masyadong mataas para maabot ko nang hindi umaakyat sa kung ano.At ang pinto?Naka-lock.“Shit.”Bumaba ako sa kama at agad na sinubukang

  • Too Late, She's My Wife Now   80:

    “Reiner is dangerous.”Napakuyom ako ng kamao. “Stop using my husband as an excuse!”Nakita kong kumislot ang panga niya sa salitang iyon.My husband.Dahil hindi gumana ang plano niya na sirain sakin ang asawa ko ito ang gagawin niya, mas lalo siyang nagpakadesperado na bawiin ako.“Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin,” madiin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano kalalim ang mga koneksiyon niya. He can destroy a person without even touching him. Tingnan mo ako, Armea. Halos wala nang natira sa akin.”Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.“Then maybe you should have thought about that before you decided to ruin me.”Napailing siya, tila hindi matanggap ang sagot ko. “I know I made mistakes.”“Mistakes?” Napatawa ako, pero walang kahit anong saya sa tunog nito. “May asawa ka nang tatlong taon habang nililigawan mo ako. Pinaniwala mo akong ako lang. Pinabayaan mong akalain kong ako ang may kasalanan. At ngayon, dinukot mo ako. Richard, hindi na ito simpleng pagkakamali!”“

  • Too Late, She's My Wife Now   79:

    “May isang taong nagbayad ng malaki para lang makuha ka.”Parang may kung anong malamig na dumaan sa batok ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mga lalaking humila sa akin mula sa ospital, o ang taong nagbayad sa kanila na para bang isa lang akong bagay na puwedeng bilhin.“Sino?” nanginginig kong tanong. “Sino ang nagbayad sa inyo?”Hindi agad sumagot ang lalaking nasa harapan ko. Sa halip, bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ang aninong nasa likuran niya.May narinig akong yabag.Isang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ang unti-unting humalo sa amoy ng alikabok at gasolina.Hindi. Hindi puwede.“Armea.”Nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.Ang boses na iyon. Ang boses na minsang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako. Ang boses na paulit-ulit nagsabing ako lang ang mahal niya. Ang boses na narinig ko sa isang video, sa isang tawag, at sa mga panaginip na pilit kong kinakalimutan.Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa ilalim ng mahinang ilaw.Richard.“YOU?!

  • Too Late, She's My Wife Now   78:

    “Sa Ramanov Medical Center po. Please, bilisan niyo.”Mabilis na sinilip ako ng driver sa rearview mirror, tila nagtataka sa pagmamadali ko, ngunit hindi na siya nagtanong pa. Pinaandar niya ang sasakyan at sumama ito sa mabagal na agos ng trapiko.Nang tuluyan nang mawala sa paningin ko ang commercial complex, saka lamang ako nakahinga nang maluwag.Pero hindi iyon kaginhawahan.Takot iyon. Takot na baka may mangyari sa akin. Takot na baka mahuli ako ni Reiner. Takot na baka mayroon akong malaman na hindi ko dapat malaman.Nang lumiko ang taxi sa driveway ng Ramanov Medical Center, napatingin ako sa mataas na gusali.Maraming sasakyan sa drop-off area, ngunit may dalawang lalaking nakaitim na suit sa harapan na tila hindi nagbabantay ng karaniwang pasyente.Nandito na ako. Hindi na ako puwedeng umatras.***Mabigat ang bawat hakbang ko habang papalapit ako sa entrance ng Ramanov Medical Center.Nang huminto ang taxi sa tapat ng covered driveway, agad kong inabot ang bayad sa driver.

  • Too Late, She's My Wife Now   77:

    Hindi ko alam kung mas kinakabahan ako sa posibilidad na mahuli ni Reiner ang ginagawa ko o sa posibilidad na tama ang mga hinala ko.Tahimik akong nakaupo sa likuran ng sasakyan. Si Gerard ay nasa kabilang upuan, habang may isang guard sa harap at isa pang nakasunod sa hiwalay na kotse.Grabe. Bibili lang ako ng fountain pen, pero para akong presidente na may personal na convoy.Kung hindi lang ako kinakabahan, baka natawa na ako sa sitwasyon.“Madam, are you comfortable?” tanong ni Gerard nang mapansin niyang ilang beses akong napatingin sa bintana.Mabilis akong napaharap sa kaniya.“Yes. I'm fine.”“Do you want the driver to adjust the air-conditioning?”“No, thank you.”Tumango siya at muling tumingin sa unahan.Iyon ang problema kay Gerard. Hindi siya basta-bastang guard na maaaring malusutan sa isang simpleng dahilan. Tahimik siya, pero mapagmasid.Kahit hindi niya ako kinakausap, ramdam kong alam niya kung kailan ako kinakabahan at kung kailan may bagay akong gustong itago.At

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status