“Paano po nagsimula ang relasyon ninyo? Niligawan niyo po ba siya, Sir Richard? Kasi kung matagal niyo na pala siyang iniiwasan, bakit po may mga ganitong public display of affection?” pang-iipit ng isa pang reporter.Tumingin ako kay Richard. Kinakabahan. Umaasa.Ngayon, hindi mo na pwedeng itanggi, Richard. Hindi mo pwedeng burahin ang nakaraan dahil may mga nakasaksi.Napalunok si Richard. Pinagpawisan nang malapot ang kaniyang noo. Tumingin siya kay Stephanie na ngayon ay matalim ang titig sa kaniya.Humarap muli si Richard sa mga camera. Huminga siya nang malalim, at nang magsalita siya, pakiramdam ko ay gumuho ang buong mundo ko.“It’s... complicated,” pilit at nag-aalangan niyang sagot.Complicated?“Ang totoo niyan...” nag-iwas siya ng tingin, hindi niya ako magawang sulyapan man lang. “I never really courted her properly. She was... she was very aggressive. Nakilala ko siya sa isang event, at simula noon, siya na ang laging gumagawa ng paraan para magkita kami.”Nanlaki ang mg
Última atualização : 2026-09-07 Ler mais