Share

CHAPTER 105

Author: GennWrites
last update publish date: 2025-12-12 16:01:37

“DON'T worry,” mahina ngunit matatag na sabi ni Talia habang niyayakap sina Bea at Mia sa magkabilang gilid, parang isang ate na pilit pinatatatag ang sarili. “May darating. May tutulong sa atin.”

Unti-unting humupa ang ulan. Pero kasabay noon, mabilis ding dumilim ang langit. Ang liwanag ng hapon ay nilamon ng makapal na ulap, at ang paligid ay naging kulay abo.

Napalingon si Bea sa paligid. Puro puno, putik, at wasak na daan ang natatanaw niya. Walang kahit anong bahay o anuman ang makikita
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
aira...
ms.a sana kahit madami silang problema Ngayon sana kahit magkahiwalay sila sa bandang huli sana sila prin Kasi mahal nila isat isa d lang showee si Caden Peru mahal n mahal nya s Thalia ganun din si Thalia...sana magkaanak sila hehe
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 191

    MARIING tumaas ang boses ni Caden, malamig, diretso, at walang bahid ng pag-aalinlangan.“Pasukin niyo ang loob. Baliin niyo ang mga kamay ni Mr. Gold.”Nanigas si Talia sa narinig. Dahan-dahan siyang napatingala sa lalaki, halatang hindi makapaniwala.‘Kagagamot ko lang sa kan'ya ah?’Sa kabilang banda, biglang nanghina si Eva sa narinig. Namutla ang mukha niya at halos mawalan ng balanse sa kinatatayuan.“Mr. Montclair, please!” halos pakiusap na sigaw niya. “Mahina pa ang kuya ko! Kung may nagawa man siyang mali, pagbigyan niyo na! Huwag niyo siyang saktan!”Ngunit ni hindi man lang kumurap si Caden. Isang malamig na tingin lang ang ibinigay niya, walang awa, walang pag-aalinlangan.“May hinawakan siyang hindi niya dapat hinawakan,” mababa ngunit mariin niyang sabi. “Kaya kailangan niyang pagbayaran ‘yon.”Tumahimik ang paligid, at pagkaraan ng ilang segundo, malamig pa niyang idinagdag na, “Sana tuparin mo ang usapan natin, Miss Gold.”Bahagyang napayuko si Eva. Alam niya kung ano

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 190

    MAGULO ang isip ni Talia ng mga sandaling iyon at parang sabay-sabay na bumubuhos ang mga emosyon sa dibdib niya. Ang tibok ng puso niya ay sobrang bilis na parang anumang sandali, kakawala ito mula kanyang dibdib.Hanggang sa hindi na niya kinaya pa ang emosyon. Marahan pero may diin niyang itinulak niya si Caden palayo. Hindi na rin siya tumingin pa, at agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad papasok ng villa.Nanatili si Caden sa kinatatayuan niya, tahimik na nakatingin sa likod ni Talia habang papalayo ito. Dahan-dahang sumilay ang simpleng ngiti sa manipis niyang labi.“So you really cared that much,” mahina niyang bulong.Ngunit kasunod niyon, biglang nanghina ang tuhod niya at umikot ang kanyang paningin. Napahawak siya sa mesa at sa isang iglap, may dugong lumabas mula sa kanyang bibig at dahan-dahang tumulo sa ibabaw ng berdeng mga bulaklak.“Sir!” gulat na sigaw ni Lyndon at agad siyang sumugod palapit. “Anong nangyayari? Dadalhin na ba kita sa ospital?”Bahagyang umili

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 189

    BAHAGYANG tumalim ang ekspresyon ni Eva, hindi na nito napigilan ang inis.“Anong ibig mong sabihin?” matigas niyang tanong. “Gusto kong sumama ka ngayon.”Naputol ang tensyon nang malamig na sumingit si Caden.“Lyndon, ihatid mo siya palabas.”Agad na pumasok si Lyndon at maayos ngunit may diin na inaya si Eva na lumabas ng silid.Nanatiling kalmado si Talia, ngunit may bahagyang kirot na nakatago sa kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang nagsalita.“Gusto mo ba talaga na iligtas ko siya?”“Kahit na siya ’yung nambastos sa akin?” tanong ni Talia na ang tinutukoy ay ang gabing iniligtas siya ni Caden sa kamay ni Mr. Gold.Isang simpleng tanong pero sapat para yumanig ang lahat. Sandaling natahimik si Caden.“Actually, hindi naman talaga—” napahinto siya, tila naghahanap ng tamang salita. “Hindi niya intensyong bastusin ka noong gabing ’yon…” Huminga nang malalim si Talia, saka tuluyang nagsalita.“Alam mo ba kung bakit siya nalason? Kung sino ang may gawa?”Biglang nanikip ang dibdib n

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 18

    BIGLANG nagkagulo ang buong club. Mabilis na lumabas si Lyndon mula sa loob at tumabi kay Caden. Bahagya niyang hininaan ang boses.“Sir, may kailangan ba tayong gawin?”Nanatiling malamig at matigas ang ekspresyon ni Caden. Dahan-dahang umikot ang tingin niya sa paligid, sa ilaw, sa mga anino, sa kaguluhan na parang walang kahit anong nakakaapekto sa kanya.“Wala,” maikli niyang sagot, kasinglamig ng hangin. “Hindi na kailangan. Umalis na tayo.”Hindi na siya lumingon pa at diretsong naglakad palabas. Paglabas, hinubad niya ang coat at walang pakialam na itinapon iyon sa basurahan sa gilid. Kumapit kasi doon ang pabango ng babaeng iyon at nasusuka lang siya sa amot niyon.Samantala, isa-isang binubuksan ng search team ang mga private room. Nang marating nila ang isang VIP room, bumungad sa kanila si Mr. Crest na kampanteng nakahiga sa sofa, may dalawang babae sa magkabilang gilid. Ang isa’y nakasandal, at ang isa nama’y nagpapainom alak dito.Malakas ang amoy ng alak at pabango sa lo

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 187

    NAKAHANDA na pala ang lahat. May dala si Bea na waiter uniform para kay Talia na fitted, at may kasamang mask na sapat para maitago ang kalahati ng mukha niya. Sa tabi nila, nakapatong ang tray na may mga inumin na eksaktong order mula sa VIP Room 808.Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi pa tuluyang nakakabawi si Talia sa gulat, ngunit nahawakan na siya ni Bea at marahang pero may diin na naitulak palapit sa pinto.“Go na. Nandito lang ako,” bulong ni Bea, bago siya tuluyang umatras at nawala sa likod ng kanto.Naiwan si Talia nang mag-isa sa harap ng pinto. Malakas ang kabog ng dibdib niya, parang bawat segundo ay naririnig niya ang sariling pulso.‘Papasok ba ako? O dapat umatras na lang…?’Isang hakbang lang papasok pero parang wala nang balikan. At habang nag-aalinlangan siya, biglang bumukas ang pinto mula sa loob. Isang malamlam ngunit mapang-akit na boses ang sumalubong sa kanya.“Dumating na ba ang wine?”Nanlamig ang batok ni Talia. Huli na para umatras kay

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 185

    NANG bigla-bigla, may kung anong sumabog sa loob ni Caden. Walang babala, tumalikod siya at mabilis na lumabas ng tent na parang isang hayop na nawalan ng kontrol.Sa ilalim ng madilim na gabi, dumiretso siya sa isang matarik na bahagi ng bangin malapit sa dalampasigan. At mariin niyang sinuntok ang kamao sa matigas na bato.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Hanggang sa mapunit ang balat ng kanyang kamay at magsimulang umagos ang dugo. Ngunit wala siyang naramdamang sakit, kahit katiting.“Sir Caden!”“Mr. Gold!”Mula sa dilim, biglang lumitaw ang ilang bodyguards na kanina pa nakabantay sa paligid. Agad silang tumakbo palapit at hinawakan ang kanyang mga braso, pilit siyang pinipigilan.“Bitawan niyo ako!” paos niyang sigaw.Namumula ang kanyang mga mata, ay halos hindi na makilala ang boses. Muli na namang nawawala ang kontrol niya, at lahat ng iyon ay dahil sa epekto ng lason sa katawan niya...---KINABUKASAN...Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Talia. Isang mainit at

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 155:

    “DO YOU want to sleep with me?”Diretso ang tanong ni Mr. Crest. Walang paligoy-ligoy. Walang pag-aalinlangan. Pero hindi nagpanic si Bea. Sa halip ay bahagya siyang ngumiti, isang ngiting kalmado na para bang inaasahan na niya ang tanong na iyon.“Mr. Crest,” mahinahon niyang sagot, “you really lo

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 145

    PAGLAPAG ng jet, hindi dinala sina Talia at Agent Rafael sa main terminals. Sa halip, lumapag ito sa isang pribadong strip sa dulong bahagi ng Red Harbor Freeport, isang industrial coastal zone sa Singapore sector na kilala sa under-the-table trades, no-questions-asked docks, at ghost warehouses. S

    last updateLast Updated : 2026-04-04
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 129

    BAGO pa matapos ni Talia ang sinasabk, biglang umabante si Lucas. Sa isang iglap, hinila niya ang babae papalapit at niyakap nang mahigpit, sobrang higpit na parang ayaw na niyang pakawalan pa. Parang doon lang niya na-realize ang posibilidad na mawala ito sa kanya.“Talia…” usal ni Lucas sa paos n

    last updateLast Updated : 2026-04-02
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 124

    GABI na nang tuluyang bumagsak ang dilim sa siyudad.Sa loob ng isang high-end restaurant sa BGC, kumikislap ang malalaking crystal chandelier sa kisame. Tumatama ang ilaw sa mga plato at baso na maayos ang plating, mamahalin ang wine, at tahimik ang private dining area.Ngunit si Talia ay halos wa

    last updateLast Updated : 2026-04-01
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status