Share

CHAPTER 123

Penulis: GennWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-02-02 12:11:45

SAMANTALA, eksaktong naroon din sa lugar na iyon si Jessica at wala siyang kaalam-alam na na napapanood siya ni Caden sa mga sandaling iyon mula sa surveillance camera.

Kaagad na lumapit ang dalawang bodyguard at binuksan ang daraanan para kay Jessica. Matatag ang tindig niya, parang sanay sa ganitong eksena, na parang siya ang may-ari ng lugar, kahit abandonado ang paligid.

Pero maya-maya'y biglang tumunog ang cellphone niya. Kaswal niya iyong sinagot. Hindi siya nagsalita at nakinig lang. Ngu
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
Di nakaka enjoy basahin ang story na to, di rin nkikikinig sa feedback ung author
goodnovel comment avatar
Rebecca Brown
Tanga rin ni caden noh, di muna hinintay qng ano ang gagawin ni jesica bgo lumabas, haist Salbahe si lucas at jesica sbi na magkasabwat,, Si caden di prin nia alam na si Talia ang nagligtas sa kanya hay anu ba yan author
goodnovel comment avatar
Carloth Polenio Cerillo
ay sus.isa ito.wala ring kwenta gumawa ng story.gising author ayaw ng mga readers ng API apihin ang bida.ang gusto nmin palaban ang bida..para my excitement..walang kalatoy latoy.ang kwento mo..yong kontrabida ginawa mong bida.tanga lang. hnd n nmin binabasa ang ganito ng story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 187

    NAKAHANDA na pala ang lahat. May dala si Bea na waiter uniform para kay Talia na fitted, at may kasamang mask na sapat para maitago ang kalahati ng mukha niya. Sa tabi nila, nakapatong ang tray na may mga inumin na eksaktong order mula sa VIP Room 808.Masyadong mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Hindi pa tuluyang nakakabawi si Talia sa gulat, ngunit nahawakan na siya ni Bea at marahang pero may diin na naitulak palapit sa pinto.“Go na. Nandito lang ako,” bulong ni Bea, bago siya tuluyang umatras at nawala sa likod ng kanto.Naiwan si Talia nang mag-isa sa harap ng pinto. Malakas ang kabog ng dibdib niya, parang bawat segundo ay naririnig niya ang sariling pulso.‘Papasok ba ako? O dapat umatras na lang…?’Isang hakbang lang papasok pero parang wala nang balikan. At habang nag-aalinlangan siya, biglang bumukas ang pinto mula sa loob. Isang malamlam ngunit mapang-akit na boses ang sumalubong sa kanya.“Dumating na ba ang wine?”Nanlamig ang batok ni Talia. Huli na para umatras kay

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 185

    NANG bigla-bigla, may kung anong sumabog sa loob ni Caden. Walang babala, tumalikod siya at mabilis na lumabas ng tent na parang isang hayop na nawalan ng kontrol.Sa ilalim ng madilim na gabi, dumiretso siya sa isang matarik na bahagi ng bangin malapit sa dalampasigan. At mariin niyang sinuntok ang kamao sa matigas na bato.Isang beses.Dalawang beses.Tatlong beses.Hanggang sa mapunit ang balat ng kanyang kamay at magsimulang umagos ang dugo. Ngunit wala siyang naramdamang sakit, kahit katiting.“Sir Caden!”“Mr. Gold!”Mula sa dilim, biglang lumitaw ang ilang bodyguards na kanina pa nakabantay sa paligid. Agad silang tumakbo palapit at hinawakan ang kanyang mga braso, pilit siyang pinipigilan.“Bitawan niyo ako!” paos niyang sigaw.Namumula ang kanyang mga mata, ay halos hindi na makilala ang boses. Muli na namang nawawala ang kontrol niya, at lahat ng iyon ay dahil sa epekto ng lason sa katawan niya...---KINABUKASAN...Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Talia. Isang mainit at

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 184

    KINAGABIHAN, inusisa na ni Talia ang naputol na usapan nila ni Lyndon kanina. At sa bandang huli, nalaman ni Talia ang totoo mula kay Lyndon kung bakit pinrotektahan ni Caden si Althea noon.Dahan-dahan nitong ikinuwento ang buong nangyari, at sa bawat detalye, para bang may mabigat na pumapalo sa dibdib ni Talia. Isa-isa, tumitimo sa isip niya ang mga salitang akala niya noon ay wala lang. Hindi niya inakala na sa likod ng mga misteryosong kilos at pananahimik ni Caden, may ganito palang dahilan.Para protektahan siya, tiniis nito ang pagkamuhi niya, ang galit, ang panunumbat, ang sisi.‘Kung hindi dahil sa pagmamahal, sino ba ang pipiling kalabanin ang buong mundo?’Napuno ng panibagong bigat ang dibdib niya nang marinig niyang si Caden mismo ang nagpakulong kay Althea. Naging malinaw ang lahat, nasa custody na ito ng pulisya at ayon sa abogado, aabutin ito ng hindi bababa sa sampung taon sa kulungan dahil sa pakikipagsabwatan noon sa mga taong dumukot sa kanya at sa pagpatay sa san

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 183

    BANDANG tanghali, bumalik si Talia sa Bundok Resort. Sa lobby pa lang, agad niyang napansin si Bea na masayang nakayakap sa braso ng amang si Mr. Santiago, tila excited na excited habang nagkukuwento.“Pupunta tayo sa confession event! Sabi nila ang saya raw doon!” masiglang pagkukwento ni Bea.Pagkakita ni Mr. Santiago kay Talia, agad kumunot ang noo nito. Lumapit siya, sinuri ang mukha ng dalaga.“Talia? Bakit ang pula ng mata mo?” tanong niya, puno ng pag-aalala. “May nangyari ba? May nang-api ba sa’yo?”Bahagyang natigilan si Talia. Pero mabilis niyang inayos ang ekspresyon.“Wala po, dad,” kalmado niyang sagot. “Napuyat lang po ako. May pumasok lang na alikabok sa mata ko.”Tahimik siyang pinagmasdan ni Mr. Santiago, pero wala na itong sinabi. Sa halip, marahan nitong tinapik ang kamay ni Talia.“Okay. Bukas, uwi na tayo sa atin,” mahinahon nitong saad.Sa gilid, sumingit si Bea, bahagyang nakasimangot.“Hindi pa nga ako ready umalis,” reklamo niya. “Wala pa akong passport. Ikaw

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 182

    KINABUKASAN, pagbaba si Talia ng hagdan nang bigla siyang napahinto. Mula sa kusina, dahan-dahang lumabas ang isang matangkad na pigura. Si Caden.May hawak itong puting plato na may dalawang itlog na hindi perpektong luto, medyo hindi pantay ang hugis, pero halatang sinubukan. Bahagyang nakataas ang manggas ng suot nitong longsleeve polo at lantad ang magandang hubog ng mga braso.Napakurap si Talia. ‘Gising na ba talaga ako? SiCaden… nagluluto?’ tanong ni Talia sa sarili.Parang nananaginip siya ng gising ng mga sandaling iyon.Nang mapansin naman siya ni Caden, bahagyang lumambot ang ekspresyon nito.“Halika,” mahinahon nitong anyaya, bahagyang paos ang boses. “Kain tayo.”Napatingin si Talia sa mesa. May isang mangkok ng lugaw na mukhang matagal na pinakuluan at may ilang piraso ng berdeng dahon sa ibabaw, at ang dalawang itlog na kakaiba ang hugis.Lumapit naman si Talia at naupo.“Ikaw ang nagluto nito?” tanong niya, hindi maitago ang pagtataka.Inilapag ni Caden ang plato sa ha

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 181

    PARANG biglang bumigat ang hangin ng mga sandaling iyon. Sa may entrada ng restaurant, isang matangkad at matikas na pigura ang dahan-dahang lumitaw. Si Caden. At sa mga oras na iyon ay wala na itong suot na maskara. Sa ilalim ng ilaw ng chandelier, malinaw ang matalim na features ng kanyang mukha, malamig, marangal, at may presensyang kayang magpatahimik ng buong silid. Napatigil si Talia. ‘Caden...’ usap niya sa isipan. Sa isang iglap, mabilis itong lumapit kay Talia. Parang bakal ang pagkakahawa ng kamay nito nang sunggaban niya ang pulso ni Mr. Gold, ang kamay na nakahawak kay Talia. “Ah—!” napangiwi ang lalaki sa sakit, napasigaw. “M-Mr. Monclair! Misunderstanding lang ‘to! I was just joking—” Ngunit pinutol ni Caden ang ano pa mang sasabihin nito. “Hindi ako mahilig makipag-biruan,” saad naman ni Caden. “Lalo na sa mga taong tulad mo.” Kasunod niyon ay mabilis na sumugod si Caden at malakas na binalya si Mr. Gold. Sa lakas ng puwersa, tumilapon ang lalaki at bumagsak

  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 118

    TAHIMIK ang paligid ng mga sandaling iyon. Isang mabigat, nakakasakal na katahimikan na para bang huminto ang oras sa bakuran ng Velasquez residence.Si Jessica ang unang nakabawi. Mabilis siyang humakbang at tumayo sa harap ni Althea, para bang tinatakpan ito mula sa buong mundo. Nanginginig ang m

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 122

    MAKALIPAS ang tatlong araw.Parang sirang saranggola ang pagbagsak ng stock price ng Lee Pharmaceutical. Sunod-sunod na limit down, walang preno. Sa trading floor, palit-palit ang pula sa mga screen; sa balita, paulit-ulit ang parehong headline.Sa loob ng opisina, nanatiling kalmado si Lucas, tahi

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 119

    TAHIMIK pa rin ang paligid ngunit pero bakas ang matinding tensyon sa hangin. Mabigat na ito ngayon, puno ng galit at sugat na tila ba muling nanariwa.Maya-maya ay biglang inabot ni Caden ang kamay niya upang pahirin ang mga luha sa pisngi ni Talia. Ngunit bago pa man niya iyon magawa, mabilis na

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-31
  • Too Late To Regret, Mr. Billionaire   CHAPTER 109

    KINABUKASAN, dumiretso si Caden sa Lee Pharmaceutical. Sinubukan siyang pigilan ng receptionist, ngunit napaatras ito sa bigat ng presensiya niya na tahimik pero mapanganib. Walang sabi-sabi, itinulak niya ang pinto ng opisina ng CEO. Nandoon si Lucas Lee, nakaupo sa likod ng malapad na mesa. Nan

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-03-30
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status