LOGINMAHIGPIT pa ring nakayakap si Amelia Salvatore kay Talia. Parang natatakot siyang pakawalan ito. Parang nangangambang kapag bumitaw siya ay muli na namang mawawala ang anak na halos dalawampung taon niyang hinanap.Samantalang si Talia naman ay tuluyang natulala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman.NSa loob ng maraming taon, pinangarap niyang malaman kung sino ang kanyang tunay na pamilya.Pinangarap niyang malaman kung bakit siya naiwan.Pinangarap niyang maramdaman ang pagmamahal ng isang ina.At ngayon... narito na ang lahat. Totoo. Hindi panaginip. Hindi ilusyon.Kaya nang maramdaman niya ang walang tigil na pag-iyak ni Amelia sa kanyang balikat, tuluyan ding bumigay ang kanyang puso.Unti-unti niyang itinaas ang kanyang mga kamay. At sa unang pagkakataon... niyakap niya rin ang kanyang tunay na ina.Agad na napahagulhol si Amelia. "My baby..." paulit-ulit niyang bulong. "My Aliyah..."Napapikit si Talia. Hindi niya alam kung bakit. Ngunit nang marinig niya ang pa
NANG marinig ni Caden ang mga salitang iyon, tila huminto ang pag-ikot ng mundo sa loob ng ilang segundo.Hindi siya agad nakapagsalita. Hindi dahil wala siyang gustong sabihin. Kundi dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming taon, nawalan siya ng salita.Si Caden Montclair. Ang lalaking kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Ang lalaking kayang humarap sa boardrooms, media, at mga kalabang kumpanya nang hindi kinakabahan.Ngunit sa harap ng babaeng mahal niya... pakiramdam niya ay para siyang isang binatang unang beses na nakarinig ng pagtatapat ng pag-ibig.Mahigpit niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ni Talia. Namumula pa ang mga mata nito dahil sa pag-iyak. May bakas pa rin ng luha sa kanyang mga pilikmata. Ngunit sa kabila niyon, hindi pa rin nito maikubli ang kagandahang matagal nang bumihag sa kanyang puso."Talia..." paos niyang tawag.Bahagyang ngumiti ang babae. “Hmm?"Napailing si Caden. Para siyang hindi makapaniwala. "Can you say that again?"Napatawa si Talia s
“MRS. Salvatore, the daughter you've been searching for all these years..." anang baritonong boses, “...ay walang iba kundi si Talia Marquez...”Nang marinig iyon ay ilang segundong natulala si Talia at hindi makapagsalita. Kung ganon, si Mrs. Salvatore ang tunay niyang ina? Kaya ba narinig niyang sinabi noon ni Caden na willing itong maging son-in-law ng Salvatore Family dahil matagal na nitong alam ang tungkol sa tunay niyang pagkatao?Kaya ba siya dinala noon ni Caden sa garden habang nagpa-piano ang ginang para makita niya ang kanyang tunay na ina?Kasabay niyon ay biglang umalingawngaw sa isip ni Talia ang sinabi ni Caden noong huli silang nag-usap...“8 days... Give me 8 days, Talia...”Kung ganoon, ang plano pala nito ay ilantad ang buong katotohanan tungkol kay Jessica at sa tunay niyang pagkatao sa harap ng buong bansa? Kung ganoon, tiniis pala ni Caden ang lahat ng masasakit na salita mula sa kanya, hindi para protektahan si Jessica, kundi ipaghiganti siya...“A-Ang tanga k
NAGKAGULO ang buong Grand Monarch Convention Palace sa isang iglap."May baril!""Takbo!""Diyos ko!"Sunod sunod na sigawan ang umalingawngaw sa napakalaking bulwagan.Ang ilang segundo na puno ng tagumpay at pagbagsak ng isang kasinungalingan ay biglang napalitan ng kaguluhan at takot.Bumulusok sa sahig si Caden, at kasunod niyang bumagsak si Ashton.Napasinghap si Mrs. Salvatore habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa anak at sa lalaking tumulong upang maibalik ang katotohanan sa kanilang pamilya."Caden!""Ashton!"Parang nabasag ang kanyang puso nang sabay.Ilang sandali pa'y isa pang putok ang umalingawngaw.Pak!Tumama ang bala sa malaking LED screen. Nagliparan ang mga piraso ng salamin. Nagsigawan ang mga tao. Marami ang yumuko upang protektahan ang sarili. Marami ang nagtakbuhan patungo sa mga emergency exit. May mga natapilok. May mga nahulog. May mga umiiyak. Ang dating marangyang event ay naging isang eksena mula sa bangungot."Protect the guests! Secure the exits!
SA LOOB ng ilang segundo, nanatiling nakababad sa katahimikan ang buong Grand Monarch Convention Palace. Parang walang sinumang humihinga. Lahat ay nakatingin sa madilim na entablado habang paulit-ulit na umiikot sa kanilang isipan ang huling sinabi ng misteryosong boses. "...she's much closer than any of you realize." At pagkatapos ay biglang bumukas ang lahat ng ilaw. Nagliwanag ang buong bulwagan. Kasabay niyon ay sabay-sabay na pagsinghap ang umalingawngaw mula sa libu-libong bisita. "Siya?!" "Hindi maaari!" "Si Caden Montclair?!" Nakatayo sa gitna ng entablado si Caden Montclair. Matangkad, at diretso ang tindig. Naka-charcoal black suit na perpektong nakahulma sa kanyang matipunong pangangatawan. Bahagyang nakabukas ang unang butones ng kanyang puting polo habang ang kanyang malalim na pares ng mata ay malamig na nakatingin sa harapan. Walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Ngunit iyon mismo ang lalong nakakatakot. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming t
DAHAN-DAHANG naglakad si Mrs. Salvatore patungo sa gitna ng entablado habang nakatutok sa kanya ang dose-dosenang ilaw at kamera. Agad na tumahimik ang buong Grand Monarch Convention Palace. Lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya. Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang napakaraming bisitang dumalo."Friends, colleagues, and our esteemed guests."Umalingawngaw ang kanyang boses sa buong bulwagan."Ngayong gabi ay hindi lamang isang pagdiriwang para sa pamilya Salvatore."Bahagya siyang napahinto."Kundi isang himalang matagal naming ipinagdasal."Kasabay niyon ay nagliwanag ang napakalaking LED screen sa kanyang likuran. Lumabas ang unang larawan. Isang sanggol na nakabalot sa kulay rosas na kumot. Kasunod noon ay isa pang larawan. Isang batang babae na nakangiti habang hawak ang isang stuffed toy.Sunod-sunod pang larawan ang lumabas. Mula sanggol hanggang sa dalawang taong gulang, tatlong taong gulang, apat, at limang taong gulang.Unti-unting napuno ng emosyon ang mukha ni Mrs. Salv
PAGKAALIS ng mga bodyguard na may hatak kay Aling Zenaida, tumingin si Talia sa paligid. Tahimik ang buong Montclair Villa, pero ramdam niya ang bigat ng alaala sa bawat sulok, bawat halakhak, bawat yakap, bawat kasinungalingan na minsang tinawag niyang tahanan.“Bea,” mahina niyang sabi, halos pab
BANDANG alas-nuwebe ng gabi sa St. Luke’s Medical Hospital, marahang dumilat si Talia, nanlalabo pa ang paningin habang pinipilit alalahanin kung nasaan siya. Maputi ang kisame, malamig ang hangin, at amoy disinfectant ang paligid. May nakakabit na IV sa kamay niya, at sa tabi ng kama, tahimik na u
NABURA ang lahat ng galit sa mukha ni Caden sa mismong sandaling makita niyang bumagsak si Talia sa bisig niya.“Talia!” sigaw niya, nanlaki ang mga mata, mabilis na niyakap ang babae.Wala nang pagdadalawang-isip, tinanggal niya ang suot na coat at maingat na ibinalot sa katawan ng babae. Sa ilali
SA BUONG durasyon ng lunch, ni hindi man lang lumingon si Talia kay Caden. Para siyang hangin sa tabi nito na naroon nga pero hindi napapansin.Habang ang atensyon ni Talia ay buo sa professor at sa specimen box, paminsan-minsan ay sumasagot siya sa tanong ni Lucas. Halatang komportable ito, natura







