MasukONE MONTH later, napuno ng panibagong saya ang Montclair Villa.Ang dating tahimik na bahay ay muling nabalot ng ingay, pero sa pagkakataong iyon, hindi na iyon dahil sa kaba o emergency. Puro excited na tawanan, footsteps ng mga kasambahay, at sunod-sunod na instructions mula sa event team ang maririnig sa loob ng villa. Sa garden area, nagsimula nang ilatag ang mga white flowers, blue and pink accents, at gold details para sa pinagsamang binyag ng mga anak nina Talia at Bea.Parehong one month old ang mga baby, at parehong gusto ng pamilya na gawing espesyal ang araw na iyon.Sa sala ay abala si Amelia sa pag-che-check ng guest list. Si Mrs. Santiago naman ay paulit-ulit na binabasa ang program flow na parang mismatch ng lamay at debut ang ayaw niyang mangyari. Si Mr. Santiago ay nakatutok sa mga upuan at seating arrangement. Si Don Ricardo ay masayang nakikipag-usap sa parish coordinator, samantalang si Evelyn ay tahimik na nag-o-observe, halatang tinatanggap na rin niya ang sarili
MAKALIPAS ang ilang buwan, dumating ang araw na matagal nang hinihintay ng buong Montclair Villa.Maaga pa lamang ay magulo na ang paligid. Tahimik ang mga kasambahay pero mabilis ang mga galaw. Ang mga ilaw sa bahay ay nakabukas pa kahit maliwanag na sa labas, at ang atmosphere sa loob ay halo-halong kaba at pananabik. Si Talia at Bea ay parehong nasa kabuwanan na, kaya halos lahat sa bahay ay alerto sa kahit kaunting senyales ng pagsisimula ng labor.Sa sala ay paikot-ikot si Caden na parang hindi makaupo. Kapag napapatingin siya sa orasan, lalo lang siyang nenerbiyos. Kapag napapansin niyang may biglang humihinga nang malalim si Talia, agad siyang napapalingon na para bang may emergency.“Caden,” mahinang saway ni Amelia, “upo ka muna.”“Hindi ako makaupo, Mom.”“Bakit?”“Dahil baka biglang dumating.”Natawa sana si Bea kung hindi lang siya halos kapareho ng sitwasyon. Nasa kabilang sofa siya, hawak ang tiyan, nakasalampak ang mga paa sa cushion, at tuwing sumisikip ang paghinga ni
LUMIPAS ang isang buwan, mas lalo pang naging tahimik at masaya ang buhay sa Montclair Villa.Wala nang ingay ng press sa labas. Wala nang camera na laging nakatutok. Wala nang tensiyong bumabalot sa bawat kilos nila. Ang natira na lamang ay mga simpleng umaga, mahabang hapunan, at mga sandaling para bang hihinto ang oras kapag magkasama sina Talia at Caden.Sa bawat paggising niya, si Caden pa rin ang unang bumabati. Hindi ito laging nagsasalita nang malakas, pero lagi itong nandiyan bago pa man siya maghanap. Isang basong tubig. Isang plato ng prutas. Vitamins na maingat nitong inilalagay sa gilid ng bedside table. At kung minsan, bago pa man siya makapagreklamo, nariyan na ang kamay nitong marahang hinahaplos ang kanyang likod.“Caden, kaya ko pa naman,” bulong ni Talia isang umaga habang nakatingin sa tatlong klase ng pagkain na inihain nito sa kanya.“Alam ko,” sagot nito habang inaayos ang upuan niya. “Pero gusto ko pa ring siguraduhin.”Napangiti siya. ---SA IKAAPAT na buwan
MULING nagliwanag ang buong Montclair Villa nang sumapit ang gabi ng banquet.Mula sa driveway hanggang sa ballroom, punung-puno ng white orchids, gold accents, at warm lights ang lugar. Hindi iyon mukhang simpleng dinner. Mukha itong isang gabing inihanda para sa isang taong matagal nang nawala at sa wakas ay uuwi na sa harap ng mundo.Nakatayo si Talia sa loob ng suite habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Suot niya ang white silk gown na isinukat niya noong nakaraang araw, at ang gold embroidery ay kumikislap sa bawat galaw ng ilaw. Nasa leeg niya ang rose pendant na ibinigay ni Amelia, at maingat na nakaayos ang buhok niya.“Ready?” marahang tanong ni Amelia.Nag-atubili si Talia. “Parang hindi po.”Ngumiti ang ginang. “Normal lang ’yan. Pero hindi ka nila huhusgahan tonight. Ipapakita lang namin sa kanila kung sino ka.”Sa likod niya ay tahimik na lumapit si Caden. Naka-black tuxedo ito, at sa simpleng presensya pa lang niya ay parang bumabagal ang tibok ng puso niya. Inabot
KINABUKASAN ay maagang nagising si Talia dahil sa ingay ng mga taong abala sa ibaba ng villa. May mga dumating na florists, stylists, at event coordinators na halos hindi na magkandaugaga sa dami ng inaasikaso. Mula sa veranda ay tanaw niya ang mga sasakyang sunod-sunod na pumapasok sa driveway, habang ang buong Montclair Villa ay unti-unting nababalot ng mga kulay puti at ginto na siyang napiling tema para sa reunion banquet.Napangiti si Talia habang pinagmamasdan ang paligid. Ang bahay na ito ay dati niyang tinitirhan nang may halong pagkalito at pag-iingat. Ngayon, isa na itong lugar na punong-puno ng alaala. Hindi man malinaw noon ang lahat, alam niyang dito nagsimulang mabuo ang isang bahagi ng buhay niya na ngayon ay unti-unti nang nagiging buo.“Ang aga mo namang magmuni-muni.”Napalingon siya nang marinig ang boses ni Caden. Nasa likuran niya ito, bagong ligo at nakasuot ng simple pero maayos na beige polo at dark slacks. May hawak itong dalawang tasa ng kape.“Kailangan ko b
MAKALIPAS ang isang linggong bakasayon, napandesisyunan nang umuwi ng buong pamilya. Paglapag pa lamang ng kanilang private flight sa Pilipinas ay ramdam na ni Talia ang kakaibang ginhawang hatid ng pag-uwi. Hindi man kasing lamig ng hangin sa Greece ang salubong sa kanila, may sariling init ang hangin ng Maynila na tila bumubulong ng pamilyar at tahanan. Mahigpit ang hawak ni Caden sa kanyang kamay habang bumababa sila ng eroplano, at kahit may staff na agad na sumalubong, hindi nito binitiwan ang dalaga kahit isang hakbang.Nang makita niya ang itim na sasakyang nakahanda sa tarmac, napangiti si Talia. “Diretso na tayo?”Tumango si Caden. “Sa villa. Sabi mo gusto mong makita ulit.”Bahagya siyang napahawak sa braso nito. “Akala ko kasi after everything, baka ibang lugar na tayo uuwi.”“Hindi.” Marahan siyang tiningnan ng lalaki. “Kung saan ka naging masaya, doon tayo uuwi.”Napalunok si Talia. Sa simpleng sagot na iyon, lalo lang siyang kinabahan sa kakaibang saya na nararamdaman n
“THAT woman... she killed your child, Caden - Talia's child!" Sa isang iglap, biglang lumiwanag ang lahat para kay Casen. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang mga piraso ng katotohanang hindi niya pinansin kanina. Ang galit ni Talia, ang sampal, ang mga hagulgol sa likod ng nakasarang pinto, at
FIRST PART:“THAT woman... she killed your child, Caden - Talia's child!" Sa isang iglap, biglang lumiwanag ang lahat para kay Caden. Unti-unting nag-sink in sa kanya ang mga piraso ng katotohanang hindi niya pinansin kanina. Ang galit ni Talia, ang sampal, ang mga hagulgol sa likod ng naka
TAHIMIK na nakatitig si Talia Marquez sa tablet habang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya ang eksenang nasa video.Ang braso ni Caden, duguan, ang puting tuxedo nitong nabahiran ng sariling dugo at ang sandaling iyon na halos tumigil ang lahat.Akala niya noon, si Jessica lang ang prinotektahan
HABANG patuloy ang pagtahi sa sugat ni Talia, napakapit si Caden Montclair sa gilid ng stretcher, halos mabaliw sa sakit ng eksenang nasasaksihan.Ang bawat tusok ng karayom sa balat nito ay parang mga karayom din na tumutusok sa dibdib niya nang mabagal, paulit-ulit, at walang tigil.“Almost done,







