FAZER LOGINSAMANTALA, sa headquarters ng Lee Pharmaceutical sa Singapore, balot ng makapal na dilim ang buong city skyline sa labas ng floor-to-ceiling windows.Tahimik na nakasandal si Lucas sa mamahaling leather chair sa loob ng executive office nito. Malamig ang ekspresyon niya habang isa-isang binabasa ang mga dokumentong nasa mesa. Tanging mahinang tunog lamang ng ulan sa salamin ang maririnig sa buong silid.Ngunit maya maya lamang ay biglang bumukas ang pinto. Mabilis na pumasok ang assistant nito habang halatang kinakabahan.“President Lee...” hirap nitong saad. “Nawawala po si Miss Faye.”Bahagyang humigpit ang hawak ni Lucas sa hawak nitong fountain pen. Unti unti itong napatingin pataas. Madilim ang mga mata nito. Walang emosyon ang mukha.“Kung saan niya gustong pumunta...” malamig nitong saad, “karapatan niya ’yon.”Kahapon lamang ay personal niya itong dinala sa ospital. At doon natapos ang batang nasa sinapupunan nito. Dapat matapos na rin doon ang magulong koneksyon nilang dalawa
SAMANTALA, lalo pang lumakas ang ulan sa Grey Wharf. Mabibigat na patak ng ulan ang walang tigil na humahampas sa malalaking salamin ng mansyon habang malalakas na alon naman ang nag uumpugan sa malayong pantalan.Tahimik na nakatayo si Bea sa veranda habang nakatanaw sa madilim at maulang kalangitan. Pakiramdam niya ay para siyang nakakulong sa isang malamig at tahimik na mundo na wala nang daan palabas.Pitong araw na ang lumipas. Pitong araw mula nang sabihin ni Mr. Crest na ipapadala siya palayo sa Grey Wharf. At hanggang ngayon, hindi pa rin iyon nangyayari. Mahigpit niyang niyakap ang sarili habang pilit nilalabanan ang malamig na hanging dala ng ulan. Ngunit maya maya lamang ay may biglang tumakip na makapal na coat sa mga balikat niya. Mainit pa iyon, tila kahuhubad lamang.Bahagyang nanigas si Bea. Dahan dahan siyang lumingon. At agad niyang nakita si Mr. Crest na nakatayo sa likuran niya. Matangkad itong nakaharang sa malamig na hangin habang tahimik ding nakatingin sa malak
MARAHANG napabuntong hininga si Caden bago dahan dahang hinaplos ang buhok ni Talia.“Talia...” mahina nitong bulong. “Sa susunod, humanap ka ng lalaking mas mamahalin ka kaysa sa pagmamahal mo sa kaniya.”Bahagyang natigilan si Talia.“Kailangan ’yung taong marunong mag ingat sa’yo...” paos nitong dugtong. “Hindi tulad ko.”Kahit sa mga sandaling iyon, siya pa rin ang iniisip ni Caden. Hindi na ito ang dating dominante at halos baliw na lalaking kayang kontrolin ang lahat para lamang mapanatili siya sa tabi nito. Ngayon, isa na lamang itong lalaking gusto na lang siguraduhing magiging maayos ang buhay niya kahit mawala man ito.Mariing kinagat ni Talia ang labi niya bago pilit na tumango.“Okay.”Iyon lamang ang naisagot niya.Tahimik niyang hinanap ang kamay ni Caden sa ilalim ng kumot bago marahang ipinasok ang mga daliri niya sa pagitan ng mga daliri nito. Mahigpit niya iyong hinawakan. Kasabay niyon ay mas lalo siyang hinila ni Caden palapit sa dibdib nito.Tahimik na ipinikit ni
TAHIMIK itong napahawak sa sentido habang pilit inaalala ang kung anong nawawala sa isip niya. Ngunit habang tumatagal ay lalo lamang gumugulo ang ekspresyon nito.Samantala, tuluyan nang namuo ang luha sa mga mata ni Talia habang nakatingin dito. Pakiramdam niya ay may unti unting pumupunit sa puso niya. Ilang sandali pa'y mula sa likuran ay marahang lumapit ang isa sa mga bodyguard at mahinang nagsalita.“Hindi pa po kumakain si Sir buong araw.”Tahimik na napapikit si Talia bago mabilis na tumalikod papunta sa kitchen. Ilang minuto lamang ang lumipas ay bumalik siya dala ang mainit na bowl ng seafood noodles. Maingat niya iyong inilapag sa harapan ni Caden.Agad na naamoy ni Caden ang pagkain. Bahagyang gumalaw ang mga daliri nito. Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo ay marahan nitong iniwas ang mukha. Hindi nito ginalaw kahit isang subo dahil wala na itong panlasa.“Lumayo ka sa’kin... get out!”Muling umalingawngaw ang paos ngunit galit na boses ni Caden sa malamig na terr
KINABUKASAN, nang dahan dahang mamulat ang mga mata ni Talia, maliwanag na ang sikat ng araw na tumatama sa manipis na kurtina ng villa room.Tahimik siyang nakatitig sa kisame habang mabigat pa rin ang pakiramdam ng katawan niya. Ngunit kumpara kagabi, bahagyang bumaba na ang lagnat niya.May kakaibang linis din sa pakiramdam niya. Parang may nag asikaso sa kaniya buong gabi. Maging ang malambot na kumot at damit niya ay bagong palit. Sa hangin ay may mahinang pamilyar na scent na matagal na niyang kabisado.Amoy ni Caden.Dahan dahan siyang napabangon habang bahagyang sumasakit ang ulo niya. Pakiramdam niya ay nanaginip lamang siya ng napakahabang bangungot kagabi. Ngunit nang tuluyan siyang makatayo at maglakad papunta sa banyo, agad ding tumigil ang paghinga niya.Napatitig siya sa salamin. Sa maputi niyang balat, malapit sa collarbone at leeg, malinaw ang mapupulang marka. Tahimik na nanigas si Talia. Hindi iyon panaginip. Bumalik si Caden.Unti unting humigpit ang hawak niya sa
MARAHAS na sumasayaw sa malamig na hangin ang mga sanga ng matandang wishing tree habang unti-unting lumalalim ang dilim ng kalangitan.Tahimik na huminto si Talia sa ilalim ng puno bago dahan-dahang napaangat ng tingin. Nakatali pa rin doon ang dalawang wishing balls na sabay nilang isinabit noon ni Caden. Isang pula, isang berde.Magkadikit ang dalawa habang marahang umiindayog sa hangin. Matagal iyong tinitigan ni Talia bago siya dahan-dahang nagtaas ng kamay at itinuro iyon.“Lyndon,” mahina niyang saad. “Help me take them down.” Halos walang emosyon ang boses niya.Mabilis namang tumango si Lyndon kahit kinakabahan. “Yes, Ma’am.”Hindi na ito nagtanong pa, at agad itong humanap ng mahabang kawayan saka maingat na inabot ang dalawang wishing balls na nakasabit sa mataas na bahagi ng puno. Pagkaraan ng ilang sandali ay tuluyan ding bumagsak ang mga iyon.Mabilis na sinalo ni Talia ang mga bola gamit ang dalawang kamay. Kasabay niyon ay biglang tumunog ang cellphone ni Lyndon. Agad
KINABUKASAN, pasado alas-nueve ay naroon na si Caden sa Lee Pharmaceutical. Basta na lang siyang pumasok sa CEO office na madilim ang anyo at nakakuyom ang mga kamao.“Lucas Lee!” sigaw ni Caden na nagtatagis ang mga ngipin sa galit.Samantalang si Lucas naman ay kalmado lang na nakaupo sa kanyang
SANDALING tumalim ang mga mata ni Caden. “Demon King?” marahan niyang inulit, halos hindi marinig. Isang pangalan na matagal na niyang narinig noon, isang multong dapat ay matagal nang nawala. Tumango si Liam. “Matagal na po siyang nagtatago. Ayon sa records, bigla siyang umatras sa illegal oper
GABI iyon sa Santiago Residence, Makati. Maliwanag ang buong mansyon, parang hinubog para sa isang engrandeng okasyon. Ang garden ay punô ng ilaw, ang loob ng bulwagan ay kumikislap sa motif na crystal at gold. Iyon ang birthday party ni Bea, at mahigit isang daang bisita ang in-invite ng kanilang
SA TERRACE ng ikatlong palapag, patuloy pa ring sumasayaw sa hangin ang mga pink rose petals. Ang mga drone sa itaas ay bumubuo pa rin ng kumikislap na “starlight,” parang walang pakialam sa kaguluhang kakapasok lang sa eksena.Napakaganda, pero at the same time ay mayroon ding dalang sakit.Sa gil







